Chapter 9: Chapter 8

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 29027

Devon's PoV

*Splash*

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ng may biglang nambuhos sa akin ng malamig na tubig.

Basang basa na ngayon ang damit kong pantulog. Kaya napatingin naman ako kay nanay, na ngayon nakataas ang kilay at naka pamaywang.

Napakamot naman ako ng ulo. At nakangusong tumingin sa kanya.

"Bakit niyo naman po ako binuhusan ng malamig na tubig? Tatutulog pa yung tao e." maktol kong reklamo. Halos manginig na ako sa lamig.

"Aba't, hoy anak baka nakakalimutan mo na may pupuntahan pa tayo. Ikaw pa ang nagpupumilit na sumama ka sa akin. Tapos ikaw pa itong ang bagal bagal." galit nyang sabi.

Napakunot naman ako ng noo. Parang wala naman akong sinabing ganun a.

"Saan pala tayo pupunta, nay?" takang tanong ko naman habang nagpupunas.

*bionk*

"Aray! Naman nay!" reklamo ko habang hinihimas ang binatukan niya.

Sinamahan naman niya ako tingin.

Luh? Bakit ganyan makatingin sa akin ang nanay kong to?

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin nay?" takang tanong ko.

"Lokang batang 'to! Baka nakakalimutan mong sabado ngayon. Magtitinda tayo, ikaw tong excited na sumama sa akin. Ikaw talagang bata ka, oo." iling iling na sabi ni nanay.

Napahawak naman ako sa baba ko, inaalala kung may sinasabi ba akong ganun.

"OO NGA NO, ANO BAYAN NALIMUTAN KO NA!!" biglang sigaw ko.

"Ay! P*nyeta!" gulat na mura ni nanay, napahawak pa siya dibdib niya dahil sa gulat.

*boink*

"Nakakadalawa kana nay, huh. Kala mo naman ang gaan lang ng kamay mo." reklamo ko.

Ang bigat kaya ng kamay nya.  -_-

"Ang lakas talaga ng boses mo. Abot hanggang kanto. Sige na magbihis kana para makakain na tayo. Hintayin na lang kita sa hapag kainan. "sabi nya bago lumabas.

Tumango na lang ako bilang sagot. At nagpalit na ng damit dahil basa na ang damit ko.

Istorbo kasi nanay e. Ang ganda na yung panaginip ko, malapit ng lumapat yung labi ng lalaking nasa panaginip ko. Pero nabulilsayo pa.

Pero bakit hindi ko nakita ang mukha ng lalaking yun. Malabo e. Gwapo kaya siya o pangit?

Sana mapanaginipan ko ulit sya. Hehe! Kinikilig ako.

Mapaginipan ko pa sana siya, para makita ko na ang mukha nya. Sana hindi na malabo.

Back to reality tayo.

Pagkatapos kong magpalit agad akong lumabas, para kumain bago umalis. Baka magutom ako mamaya.

Sabado kasi ngayon kaya kailangan kong tumulong sa pagtitinda, para may makakain kami.

Isa pa ito sa hanap buhay namin. Kung sabado at linggo tumutulong ako sa pagtitida kung saan saan. Para may ipangbaon ako.

"Ang sarap ng ulam a. Smoke Fish, isa rin yan na paborito kong ulam sa umaga." nakangiting sabi ko naman at umupo sa harapan ni nanay.

"Ako pa, hindi kaya ako nagluluto ng hindi masarap." taas noong sabi nya.

Napailing na lang ako at ngumiti sa kanya. Ito talagang nanay kong ito, oo.

Nang matapos kaming nagdasal agad kaming kumain.

Konting kwentohan lang nangyari, pagkatapos naming kumain at naghugas, inihanda na namin ang ilalako namin ni nanay.

Hulaan niyo kung ano?

Banana que. At marami pang iba.

Nakaready na ang lahat. Baka maagang ginawa na ni nanay ito kanina. Hindi man lang ako ginising, para naman natulungan ko.

Bopols! Ang sarap nga ng tulog mo e. Ang hirap ka nga niyang gisingin. Tapos ikaw pa ang mareklamo. Pambabara ng isip ko.

"Nak halika na. Kanina pa naghihintay ang tricycle sa labas. Hindi ka pa ba tapos dyan?"

Sigaw ni nanay mula sa labas.

"Ito ba po lalabas na." sigaw ko din pabalik.

Nagpulbo muna ako bago ko sinuot ang salamin ko. Nilagyan ko din ng konting lip gloss ang labi para naman hindi masyadong maputla.

Tumingin naman ako sa salamin at ngumiti ng malaki. Ang ganda ko ngayon. Chaarrrr!!

Sinuot ko na ang salamin ko pagkatapos kong magpulbos at lagyan ng Lip gloss ang labi ko.

Lumabas na ako. Nakita ko si nanay na nasa loob na ng tricycle at inihitay ako. At ang sama pa ng tingin sa akin.

"Ang bagal mo talaga, nak. Wag mong sabihin na nag paganda ka pa. Ehem! Ehem!" pang aasar nya.

Biro ko naman syang sinamahan ng tingin. At nakangusong pumasok sa loob ng tricycle.

"Nay naman e." maktol ko.

Natatawang napailing na lang sya dahil dun. At sinenyasan ang tricycle driver na lumarga na.

"Saan pala tayo magtitinda nay?" biglang tanong ko.

Kanina pa kami pero ngayon ko lang natanong. Hehe.

"Dyan dyan lang, hindi na tayo lalayo, sa park na lang ang patitindahan natin. Maraming tao dun." sagot ni nanay.

Tumango tango naman ako bilang sagot.

Hindi na ako nagtanong. Tumingin na lang ako sa labas, tumitingin sa nadadaanan namin.

Buti na at hindi masyadong traffic ngayong araw. Kundi baka medyo tanghali na kami makakadating.

Ang gaganda ng mga bahay na nadadaanan namin. At ang nagtataasang buildings, iniimagine ko na lang na sana balang araw may ganyan kami ni nanay.

Na mamagawa namin ang gusto namin, mabibili namin ang pangangailangan namin. At hindi na kami naghihirap ng ganito.

Gusto kong makaahon kami sa kahirapan para hindi na masyadong magpapagod si inay.

"Hoy Devon anak. Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala dyan?" yugyog na pagpupukaw ni nanay.

Napabalik naman ang diwa ko dahil sa yugyog na yun.

Bumaling naman ako sa kanya ng tingin at napakunot ng noo.

"Huh?"

Yun ang unang boses na lumabas sa bibig ko.

Tumaas naman ang kilay niya." Kanina pa kita tinatawag dahil nandito na tayo. Hindi ka pa ba bababa dyan?" sagot naman ni nanay mula sa labas.

Hindi ko namalayan na nandyan na pala siya sa labas. Nakita ko naman ang tricycle driver na kanina pala naghihintay na lumabas.

Nahihiya naman akong bumaba sa tricycle, nagbayad muna si nanay bago umalis ang tricycle driver.

Nang makababa ako, napatingin na lang ako sa paligid.

Napa WOW na lang ako dahil sa sobrang dami ng tao at ang ganda pa ng paligid. Ang daming bata na nagsisitakbuhan.

Mga magjowang holding hands. Mga mag-asawa na kasakasama ang anak at pamilya.

Mga kaedad kong kasama ang mga kaibigan nila.

Mga ngiti nilang ang lalawak akala mo walang dinadalang problema sa buhay. Mga nagtatawanang magbabarkada.

Nakakaingit naman silang tignan.

"Okay lang yan nak, halika ka na para mas babilis tayong makabenta at makauwi agad tayo ng maaga." biglang sabi ni nanay, kaya nabalik ang diwa ko.

Napatingin naman ako kay nanay at tumango, binigyan ko naman sya ng pilit na ngiti.

Agad kaming humanap ng magandang pwesto ng pagtitindahan namin. Yung makikita agad kami ng mamimili.

Nakakita naman kami ng magandang pwesto sa ilalim ng puno ng narra, may bench naman dun at lamesa pa. Dun ang napili namin dahil wala namang nakaupo.

Medyo kinabahan naman ako dahil baka may naka upo na ditong pwesto na ito. At bubulyawan para paalisin, nakakahiya paman dahil ang daming tao ngayon.

Inayos naman namin ang paninda naming mga kakanin. Ang paninda namin ay mga malagkit, suman, bibingka at meron pang banana que at marami pang iba pero hindi ko masyadong alam ang pangalan.

Hindi ko man lang alam na kung kailan nagtulo ng mga kakanin si nanay. Hay naku.

"Baka may nauna na dito sa pwesto natin, nay?" medyo kabado kong tanong sa kaniya.

Napatingin naman sya sa akin at bununtong hininga.

"Ano pa ba ang magagawa natin, edi humanap tayo ulit ng mas magandang pwesto." pagsa Suggest ni nanay.

At binalik ang tingin sa ginagawa nyang pag aayos.

Tumango na lang ako at pinagpatuloy din ang pag aayos. Nung matapos ko ang pag aayos ng paninda namin agad akong umupo sa upuan sa likod namin.

Naghintay naman ako ng ilang minuto, pina-pakiramdaman ko kung may lalapit sa pwesto namin para maalisin kami dito.

Pero ilang minuto ang lumipas walang tao na pumunta dito sa pwesto namin para paalisin.

Kaya medyo nakahinga naman ako ng malalim. Dapat maghanda parin kami para maka sigurado.

Dalawang oras na kami dito pero konti palang ang bumibili sa paninda namin.

Napabuntong hininga na lang ulit ako, at napatingin na lang sa paligid. Pinanood ko na lang ang mga tao na masayang nagkukuwento.

May nakita din akong kumpulan sa isang table, gumagawa siguro sila ng kanilang project.

Inalis ko na lang ang tingin dito at ginaya ulit ang mga apat kong mata sa paligid.

Para naman akong napako sa kinakaupuan ko dahil may nahagip ang apat kong mga mata. Hindi ako nagkakamali, siya nga yon. Kaya napakunot naman ang noo at napataas ng kilay.

Bakit napadpad ang isang ito dito? tanong ko sa aking isipan. Napakunot naman ako ng mapansin kong parang may hinihintay siya. Sino naman kaya ang hinihintay ng isang to?

Kasama din ba nya ang inim? Pakialam ko naman kung sino ang hinihintay niya. Napa-irap na lang ako sa aking isipan.

"Okay ka lang ba, nak?" takang tanong ni nanay sa akin. Napabalik naman ang ulirat ko dahil dun.

Kaya napatingin naman ako sa kanya at napatungo. "Okay lang po nay, may nakita lang po akong tao." at ngumiti.

*boink*

"Aray naman nay. Bakit naman po kayo nambabatok? Ang sakit kaya nun? Baka mamaya niyan bobo na ako." reklamo ko sa kanya habang hinihimas ang binatukan nya.

"Syempre marami ka talagang makikitang tao dito dahil park ito. Tsk!" asar na sagot nya.

At sinamahan din ako ng tingin. Kaya napasimangot na lang ako dahil dun. Ang bad talaga ni nanay. Bunatukan ba naman ako.

Inayos ko na lang ang salamin kong medyo magulo at napatingin ulit sa taong nakita ko kanina.

Pero nagulat na lang ako ng hindi ko na siya makita. Medyo ginaya ko naman ang paningin ko sa paligid para hanapin siya. Pero wala parin talaga.

"Devon?"

Para naman akong hindi nakagalaw sa kinakatayuan ko. Dahil sa boses na narinig ko mula sa side ko.

Kaya dahan dahan naman akong napatingin sa nagsalita. Pagkaharap ko agad na lumaki ang mata ko.

Dahil nasa harap ko na pala ang kanina ko pa hinahanap.

"It's you!"

"C-calvin?" bulaslas ko.

Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko ngayon sya.

"Oh! Why are you surprised? Para kang nakakita ng multo." natatawang pahayag nya.

Sinamahan ko naman sya ng tingin.

"Nagulat lang ako nang nakita kita dito. Ang nakakita ng multo ang sinasabi mo dyan?" mataray kong tanong sa kaniya.

"Why are you mad? Nagtatanong lang naman ako a?" tanong nya.

May mangilan ngilan naman na papatingin sa pwesto namin. Yung iba ang sama ng tingin sa akin. Yung iba naman parang kinikilig dahil kay Calvin.

Sinong hindi kikiligin sa kanya. Ang porma ng suot niya. May date siguro ang isang to.

"H-hindi ako galit." irap kong sabi.

"Ehem!"

Nagulat naman ng may biglang tumikhim. Kaya napatingin naman ako sa nanay kong may panunuksong nakatingin sa amin.

"P-po?" utal kong tanong.

Bakit ganyan sya makatingin sa akin?

"B-bakit g-ganyan ka m-makatingin nay?" tanong ko.

Pero hindi naman nya pinansin ang tanong ko sa kaniya at tumingin sa likuran ko.

"Hello po ma'am." bigla biglang imik ni Calvin kay nanay.

Wow huh, naka ma'am naman ang isang ito.

"Hello iho." bati din ni nanay at lumapit kay Calvin.

"Hindi ba't ikaw yung lalaking nakakotse na naghatid sa anak ko, nung isang araw?" nakangiting tanong ni nanay kay Calvin.

Medyo nagulat naman si Calvin sa tanong ni nanay. Sino naman kasi ang hindi magugulat sa tanong niyang yun?

"O-opo, ma'am" sagot nya. Tumingin naman sya saglit sa akin pagkatapos binalik agad ang tingin sa nanay ko.

"Ang gwapo mo naman pagmalapitan." pagpupuri ni nanay kay Calvin.

Napangiti naman ng malaki si Calvin. Aba ang loko, mukhang nasisiyahan sa biro ni nanay sa kanya.

Ang dali naman niyang maniwala kay nanay. Haha! Shh!

Agad ko naman silang nilapitan. Baka kung ano ano naman ang sabihin o tanungin nya kay Calvin na ito e.

"Ano pala ang ginagawa mo dito? At napadpad ka dito?" takang tanong ko.

Agad naman bumaling ang tingin sa akin. Medyo nailang naman ako sa binibigay niya na tingin sa akin.

Hindi mawari kung bakit biglang bumilis ang pintig ng puso ko dahil lang sa tingin na pinukol niya sa akin.

Agad ko ring iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal.

"Ano ba yan, nak. Pwede naman na paupuin mo muna siya bago ka magtanong. Ito talagang bata ka, oo." saway naman ni nanay.

Sino ba anak dito? Diba ako, bakit mas inaalala pa nya ang lalaking ito?

"Upo ka muna iho." yaya naman ni nanay kay Calvin na umupo.

Umupo naman si Calvin sa tabi ni nanay. Aish! Kaasar naman o.

Asar naman akong umupo sa kinakaupuan ko kanina, medyo malayo konti sa kanya.

"Bakit ganyan ang mukha mo anak?" takang tanong naman ni nanay.

"Wala po." sagot ko.

Tumango naman sya at binalik ang tingin kay Calvin na mariin na nakatingin pala sa akin. Anong tinitingin tingin ng isang ito sa akin?

"Ano?" irap kong tanong.

Napailing na lang sya sa inaasta ko.

"Bakit mo pala hinatid ang anak ko noong nakaraang araw, iho?" bigla biglang tanong ni nanay.

Wala pang isang segundo napatingin ako sa kanila. Gulat akong napatingin kay nanay. Nakita ko din na medyo nagulat si Calvin sa tanong na yun.

"Nay a-ano ba y-yang t-tanong mo? H-hindi ka man lang nag a-alangan na tanungin yan?" utal kong saway.

Medyo namula naman ako dahil sa tanong ni nanay kay Calvin.

Kaya napatingin naman sila sa akin. Napakunot naman si nanay ng nakita ang ganito kong mukha.

"Why are you blushing nerd? " may panunuksong tanong ni habang naka ngisi.

Napa irap na lang ako ng palihim.

"Ang init kasi e. Kaya namumula ang pisngi ko." irap kong sagot.

Buti na lang at hindi ako nautal.

Tumatango tango naman siya. Pero makikita mo sa mukha niya ang may panunukso. Napanguso na lang ako.

"Oo nga pala. Anong ginagawa mo dito? May hinihintay ka bang kasama?" curious kong tanong.

Medyo napataas naman ang kilay nya. Parang bakla, makataas ang kilay.

Nakita ko naman si nanay na paminsan minsa napapatingin sa amin. Alam ko naman na pasimpleng nakikinig din ang isang to e. Charrr!

Napapangisi pa, pero hindi ko na lang pinansin at pinag tuunan na lang ng pansin ang sagot ng lalaking to.

Napakamot muna siya ng ulo at napatingin saglit kay nanay. Huh?

Bakit kailangan pa siyang tumingin kay nanay? Nakay nanay ba ang sagot nya? Tanong sa aking isipan.

"Bakit ka napatingin kay nanay? Nasa kanya ba ang sagot sa tanong ko sa iyo?" takang tanong ko.

Hindi naman napasin ni nanay na napatingim si Calvin sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at Sinamahan naman nya ako ng masamang tingin.

Plastik ba tong lalaking to? Kung nakatingin si nanay sa amin. Ang bait bait nya, kung kaming dalawa naman ay ang sungit sungit nya.

Pero agad din na nawala ang kunot nyang noo. Luh? Biporal ba ang lalaking ito?

Kanina lang ang taas ng kilay nya, tapos ngayon naman nakangisi na sya. May problema ba ito sa pag iisip?

"Ayiee!! Curious siya kung sino ang hinihintay ko. O baka naman nagseselos ka? Gusto mo na ako no?" pang aasar na bulong nya.

Taas baba pa ang kilay nyang pang aasar. Bwisit talaga kahit kailan.

Babatuhin ko sana siya ng mahahawakan kong bagay pero agad naman akong pinigilan ni nanay.

"Anong gagawin mo kanya, Devon anak?" taas kilay nyang tanong.

Napatingin naman ako kay nanay. Napakamot naman ako ng ulo.

Sino ba ang anak dito ni nanay si Calvin ba o ako? Aish!! Kaasar naman si nanay oh.

"Wala po akong ginagawa sa kanya, nay" pagtatanggol ko sa aking sarili.

At palihim na sinamahan ng tingin si Calvin. pero ang loko, nginisihan lang ako. Pinandilatan ko naman siya ng mata. Bwisit!

"Kayo talagang bata kayo, oo." iling iling nyang sabi sa amin.

"Dyan na nga kayo. Mag usap lang kayo dyan, ako ng bahala dito." dugtong nya.

Napatango naman kami.

Tumingin naman agad ako sa kanya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." pukaw ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin na nakangisi. Ano na naman ang nasa isip ng lalaking to? Kabalastugan na naman siguro.

"Chill lang nerd. Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Parang gusto mo akong kainin ng buhay." natatawang sabi nya.

"Sige okay lang kung kainin mo ako, fresh naman ako." naka ngising dugtong nya.

"Aba't ikaw lalaki ka hindi mo talaga ako titigilan ha?" inis kong bulyaw sa kanya.

Kaya medyo naka-agaw atensyon naman ako. Dahan dahan naman akong napayuko dahil sa kahihiyan.

Kasalanan ng lalaking to e.

"Ang lakas ng boses mo, nak. Nakakaagaw ka pa ng atensyon." narinig kong sabi ni nanay.

Napa peace naman ako sa kanya. At binalik ang tingin kay Calvin, palihim ko naman syang inirapan.

Tumayo na ako at umalis sa harapan niya. Wala naman akong magandang sagot na makukuha sa kanya. Baka hindi ako makapagpigil masapak ko siya.

Nakakahiya pa naman dahil ang daming tao ngayon dito.

Ewan ko at bwisit na bwisit ako sa lalaking yan. Nakakabanas.

Hindi pa ako tuluyan na nakakalayo sa tabi nya ng bigla niya akong hawakan sa braso.

Para naman akong hindi nakagalaw sa kinakatayuan ko dahil sa may nararamdaman akong koryente na dumaloy sa kamay ko patungo sa buong katawan ko.

Syet! Why I suddenly felt my face blushing? And why I felt this? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kaya napatingin din sya sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

He slowly pull out he's hand to my arm.

"Sorry" he said apologized. Tumingin siya sa ibang direksyon.

"M-may k-kailangan ka?" syet! bakit ako nautal.

Halos hindi ako makatingin sa kanyang mata. At hindi ko mapigilan na tumibok ng mabilis ang puso ko.

Ewan ko ba kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Dahil sa pagdampi ng kamay niya sa braso at parang may koryente na dumaloy sa buong katawan ko?

"T-tulungan ko na kayong magtinda." pagpiprisinta nya. Habang diretsong nakatingin sa mata ko.

Lumaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.

Anong nakain ng isang to at nagprisinta na tumulong sa pagtitinda? Alam ba nya?

Agad naman akong tumanggi. Diba may hinihintay pa siyang kasama niya?

"'Wag na. Kaya na namin ito ni nanay, baka nakakaabala pa kami sayo. Mukhang may lakad ka pa. Baka hanapin ka ng hinihintay mo. Salamat na lang sa pagprisinta na magtinda." mahaba kong pasasalamat at pagtanggi sa kanya.

Agad namang umasim ang mukha niya dahil sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Ba-bakit ganyan ka m-makatinhgin sa akin?" takang tanong ko.

Hindi naman siya sumagot at bigla naman niya akong lagpasan. Sumama ang tingin ko sa kanya.

Nakita ko naman siyang lumapit kay nanay na may bumibili na mga kababaihan.

Nakita ko na biglang kuminang ang mga mata ng mga babae dahil nakita nila si Calvin sa harap nila.

Kaya napatingin naman ako sa lalaking malanding to.

Abat ang loko ang laki ng ngisi at may pakindat kindat pang nalalaman sa harap nilang lahat.

Kaya napahiyaw naman ang mga kababaihan dahil sa ginawa nya.

Psh!! Pasikat! Palihim na lang akong napairap sa kanya.

Umabot ang isa't kalahating oras. Konti na lang ang natira sa paninda namin.

Paanong hindi bibilis ang pagtitinda namin, eh ang Calvin na ito may pa-libreng pictures pang nalalaman.

Kaya halos dinumog na kami ng mga kababaihan at mga binabae. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tagahakot naman si Calvin ng mamimili, si nanay naman ang taga-supot ng binibili nila at ako naman ang taga-abot at tagasukli ng pera nila.

Grabe, kahit pagod na pagod kami ngayong araw. Nakaka enjoy namang magtinda. At ang gaan sa pakiramdam na halos wala ng natira sa paninda namin.

Kaya heto kami ngayon sa bench naka-upo, nagpapahinga.

Napatingin naman ako kay nanay na nagpapaypay ng mukha. Kahit pagod sya, makikita mo parin sa mukha nya ang saya.

Wala ako sa sariling napangiti.

Masaya ako dahil nakikita kong masaya si nanay. Kahit pagod sya, nagagawa parin nyang ngumiti.

Lahat ng pagot parang nawala bigla dahil sa simpleng ngiti nya.

"Your beautiful when you smiled genuine. Minsan ko lang nakikita ang ngiti mong yan na kaganda. I hope I always seen that smiled."

Napatingin naman ako kay Calvin, na nakatingin din pala sa akin.

May narinig kasi akong binulong niya pero hindi ko masyadong narinig. Dahil ang hina ng pagkakasabi.

Ewan ko kung guni guni ko lang yun o ano? Dahil may nakita akong dulaan sa mata niya na emosyon. Pero hindi ko mapangalanan yun.

Ito naman ang pag bibilis ng puso ko. Para akong hinihigop ng tingin nyang pinupukol sa akin.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya, katulad ko hindi parin niya inaalis ang tingin sa akin.

Para naman akong napauhan ng marinig ko ang boses ni nanay sa side ko. Kaya agad kong inalis ang tingin sa kanya. At tumingin kay nanay, sabay ngiti.

"Kainin na natin ang natira. Tanghali na, baka gutom na din kayo. Marami na din naman tayong natinda." pahayag ni nanay.

Kaya nagliwanag naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Para namang star ang mata ko dahil may pakinang kinang pa.

Abo't tainga ang ngiti kong lumapit kay nanay.

Agad naman akong kumuha ng banana que. This is my Favorite.

*pak*

"Aray ko naman nay, bakit mo ba ako pinalo? Ayaw mo ba akong pakainin?" maktol kong reklamo.

Napanguso na lang ako dahil dun.

"Ikaw bata ka, hindi ka man lang mahiya kay Calvin. Basta basta na lang kukuha. Kaya paunahin mo siya." saway ni nanay sa akin. At tinignan ako ng masama.

Napasimangot ulit ako. Siya ba ang anak, para siya ang mauuna? Tanong ko sa aking isipan.

Natawa naman ng mahina ng lalaking ito mula sa likuran ko. Alam kong ako lang ang nakarinig yun dahil hindi gaano kalakasan.

Bumaling naman ang tingin ni nanay kay Calvin. "Halika iho, kuha ka na ng gusto mo dyan." yaya naman nya.

Nakangiting tumango naman siya at dali daling tumungo sa banana que.

BANANA QUE?

"Waahh!! Akin yan e! Bakit yan ang kinuha mo?!"

Kaya napatingin naman silang dalawa sa akin. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

>_< mukha ni nanay.

¯\_(ツ)_/¯ yan naman ang itsura ni Calvin.

Kaasar talaga ng lalaking ito.

"Ano ba 'yang sinisigaw sigaw mo a, Devon?"

Napakamot naman ako ng ulo. Naisigaw ko pala yun.

Napa-peace na lang ako sa kanila. Hindi na ako nagsalita pa at kumain na lang ng ibang paninda namin.

Dadalawang stick na kasi yun e. Dahil favorite din yun ni Calvin. Kaya binigay niya lahat sa kanya. Hmp!

Nang matapos kaming kumain nag-ayos na kami ng mga paninda at mga kalat.

Baka kung makulong pa kami dahil sa rumi ng nagtindahan namin.

"Salamat talaga iho ha. Dahil tinulungan mo kaming magtinda ng kakanin. Kung hindi dahil sayo, hindi namin mauubos lahat ng mga ito." nakangiting pasasalamat ni nanay kay Calvin.

Nandito na kami sa sakayan, pauwi. Naghihintay na lang ng masasakyan.

Nagprisinta naman si Calvin na ihatid na kami dito, tumagi pa nga si nanay dahil mukhang pagot na din si Calvin ngayong araw. Pero ang lalaking ito, hindi nagpatinag.

Kaya walang nagawa si nanay kundi, umoo.

"Ihahatid ko na po kayo sa inyo. Para mas madali kayong makauwi. At makapagpahinga." pagprisinta niya na naman.

Bahagya naman akong napatingin sa kanila.

Anong nakain nito at ang bait bait? Ang alam ko lang naman na nakain niya ay banana que e. tanong ko sa aking isipan.

"'Wag na iho, marami ka ng naitulong sa amin. Nakakahiya sayo." pagtatanggi nya.

Heto lang ako nakatingin lang sa kanilang dalawa na nag uusap. Wala naman akong sinabin e.

"Wag na po kayong mahiya sa akin. Kaibigan ko naman po ang anak niyo." tumingin naman siya saglit sa akin at binalik ulit kay nanay ang tingin.

"Sige, sige. Mapilit kang bata ka e." umiling iling na pagsusuko ni nanay.

Napakamot na lang si Calvin ng buhok at nagpaalam na kukunin niya lang ang sasakyan niya.

Nagulat nga ako e, dahil kung saan saan niya pinaparada ang sasakyan niya. Mamahalin pa naman.

"Ang bait naman ng kaibigan mo, nak. Matulungin siyang bata." maya mayang imik ni nanay.

Kaya napatingin naman ako sa kanya ng nakakunot.

Yung lalaking yun, matulungin? Pwe! Ngayon lang yun na tumulong e. Kung nasa school kami lagi ko yang nakikita na nakaupo o hindi naman laging may kasakasamang mga babae.

"O-oo." pagsisinungaling ko.

Ngumiti na lang siya. Hindi nagtagal dumating si Calvin na sakay sa kotse niya.

Alangan naman tulak tulak niya yung kotse. Ano yung? Tanga lang? Sampalin kita e. Pampipilosopo ng isip ko.

Paki mo ba ha? Wala ka na dun. Sagot ko din.

"Hoy! Nerd hindi ka pa ba sasakay sa loob? Baka gusto mo dyan ka na lang magdamag?" pambibwisit nya.

Kaya agad ko syang sinamahan ng tingin. At padabog na pumasok sa backseat. Kaasar!

Pero hindi pa ako tuluyan na nakakapasok sa loob ng bigla nya akong hilain palabas. Kaya napatingin ako sa kanya ng masama.

"Ano na naman ba ha?" iritang tanong ko.

Pero inirapan lang ako." I'm not driver so seat in the passenger." irap nyang sabi.

Napa rolled eyes na lang ako at mabilis na pumasok sa passenger seat. Andami pa kasing arte e.

Agad din syang pumasok sa loob ng makapasok ako sa loob.

Habang nasa byahe kami, napatingin naman ako kay nanay na nasa likod. Nakita ko siyang napapikit ang mata. Mukhang natutulog?

Inalis ko na lang tingin ko sa kanya at binalik ang tingin sa harapan.

Makalipas ng ilang minuto, nakarating na agad kami sa bahay.

Agad ko namang ginising si nanay.

"Nay gising na nandito na tayo sa atin." paggising ko.

Kaya agad naman syang nagising dahil sa yugyog ko sa kanya.

Agad kaming lumabas ng sasakyan, nang makalabas kami humarap muna kami kay Calvin.

"Salamat sa paghatid sa amin iho. Gusto mo bang pumasok sa loob. Para maigawa pa kita ng banana que?" pasasalamat at pagyayani nanay.

"No need po, nakakahiya na po sa inyo. Alam ko naman pong pagod na kayo." maalalahanin nyang pagtanggi.

Gusto kong ngumiti pero, hindi dapat.

"Pasok ka, iho. Wag kang mahiya sa amin. Kami kami lang naman ang tao sa bahay." nakangiting pagyaya ni nanay kay Calvin.

Iripan ko na lang ng palihim si Calvin. Itong si nanay naman akala mo wala ako sa harap nya. Kung makaasikaso sa lalaking ito.

Ewan ko dyan kung anong nakain at pumunyag ang isang ito.

Ang dami pang arte kanina, pupunta rin naman pala.

"Upo ka muna iho, maghahanda lang ako ulit ng meryenda natin." nakangiting paalam ni nanay kay Calvin.

Nakangiting tumango naman ang lalaking ito. Aba't may pangiti ngiti pang nalalaman. At ang nanay ko naman, hindi man lang nagpaalam sa akin.

Hindi man lang siya nagabalang tanungin ako. Napanguso na lang ako dahil dun.

Kaya kaming dalawa naman ang naiwan dito sa sala. Umupo naman ako medyo malayo sa kanya.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pangila ngila nya sa paligid. Parang sinusuri nya ang loob ng bahay.

Inoobserbahan ko ang kilos at galaw niya. Hanggang napatingin siya sa mga pictures na nakadisplay sa dingding. Hindi ko alam kung ilang segundo siyang nakatitig duon.

Ilang sandali, tumayo naman siya bigla. Nakita kong lumakad siya patungo sa mga pictures na nakapaskil sa dingding.

Guni guni ko lang ba o ano? Nakita ko kasi ang pagtaas nang gilid ng kanyang labi. Pero nang dahil dun bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Bahagyang uminit ang pisngi ko nang matapat ang paningin niya sa picture ko noong bata, katabi ang picture ko noong highschool.

"Ikaw na itl?" tanong nya. Narinig ko naman natawa siya konti.

"Ay hindi, hindi. Si nanay yan!" pampipilosopo ko. At sinamahan ng masamang tingin.

Nakita naman niya na ako ang nasa picture e. Tatanungin pa. Suntukin ko kaya para maimasmasan!

Sinamahan naman niya ako ng masamang tingin. Kita mo itong lalaking ito, kung makairap sa akin kala mo wala sa pamamahay namin.

Kung si nanay ang kaharap parang ang bait bait.

Hindi na lang ako umimik. Hanggang tawagin ako ni nanay mula sa kusina.

"Nak, halika nga dito. Tulungan mo akong dalhin dyan ang mga linuto ko."sigaw ni nanay mula sa kusina.

"Sige nay pupunta na." sigaw ko din pabalik.

Tumingin naman sa akin si Calvin.

Napabuntong hininga na lang ako. "Maiwan muna kita dito. Tutulungan ko lang si nanay sa paghahanda." paalam ko sa kanya.

"Tulungan ko na kayo." pagpiprisinta nya.

Umiling ako. "Wag na kami na lang." sagot ko.

Tumango na lang siya at ngumiti.

Agad naman akong tumalikod pagkatapos kong magpaalam. Para kasi akong inihigop ng ngiti niya.

Agad akong dumiretsyo sa kusina. Nakita ko naman na nag aayos ni nanay ng mga linuto.

Lumapit ako sa kanya.

"Anong ipag-uutos mo nay?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin naman siya saglit sa akin at binalik ang tingin sa ginagawa.

"Pakidala na lang dun sa sala ang mga ito. Balikan mo na lang yung iba mamaya." tumango naman ako.

Agad ko namang kinuha ang binigay niya.

Pagdating ko sa sala namin, nakita ko naman si Calvin na may kinukulikot sa cellphone niya. Hindi ko na lang yung pinansin.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagaayos sa meryenda.

Bumalik agad ako sa kusina. Kukunin ko na sana ang iba pa pero.

"Ako na dyan nak. Bumili ka na lang ng maiinum sa tindahan." pag uutos nya.

Napakamot na lang ako ng ulo. At hiningi ang pangbili.

༺

"Ingat sa pagdrive iho, huwag mong bilisan ang magpatakbo ng sasakyan. Magpahinga ka agad pagka-uwi mo. Maraming salamat ulit sa pagtulong sa amin." mahabang pasasalamat at pagbibilin niya kay Calvin.

Napangiti naman ng malaki si Calvin.

"Wala po yun, tita. Maliit na bagay lang yun at isa pa nag enjoy naman po ako sa pagtinda. First time ko lang po kasing magtinda." sagot nya.

Napangiti naman si nanay. Palihim na lang din akong napangiti.

"Ikaw talaga iho, oo. Ang bait bait mo talaga." pagpupuri ni nanay.

Napailing na lang ako dahil dun.

Makalipas ng isang segundo, nagpaalam na si nanay papasok na siya. Kaya tumango na lang kami sa kanya.

Nang hindi ko na makita sa paningin ko bumaling agad ako kay Calvin.

Bumuntong hininga naman ako bago magsalita. Makinig siyang mabuti dahil ngayon ko lang to sasabihin sa kanya.

"Salamat pala dahil tinulungan mo kami ni nanay na magtinda. Malaking tulong na ang kinita namin kanina. Kaya salamat ulit sa tulong mo." mahaba habang pasasalamat ko.

At umiwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko na ngayon ang pamumula ng pisngi ko.

Ngumiti naman siya ng malaki.