Devon's PoV
Lunes.....
Ayoko pa sanang bumangon dahil gusto ko pa ang mahiga magdamag. Pero hindi ako pwedeng hindi pumasok, kaya wala akong magawa kundi bumangon.
Ginawa ko ang routine ko sa umaga bago ako pumunta sa hapagkainan.
Pagkarating ako dun, nakita ko si nanay. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.
"Good morning nay." bati ko.
Napatingin naman sya sa akin ng nakangiti.
"Good morning din, nak." bati din nya.
Umupo ako sa harap ng lamesa. At pinapanood ang ginagawa niya.
"Ang aga mo ngayon a?" tanong niya maya maya.
"Baka kasi sabuyan mo na naman ako ng malamig na tubig e." Natatawang sagot ko sa kanya.
Napatawa naman siya. Kaya wala rin sa sariling napangiti rin ako.
"Ikaw talaga, anak. Oh! Ayan kain na tayo, baka malate ka pa kung magkukwentuhan pa tayo." pagpapaalala nya.
Fast forward.....
"Ito anak oh, ibigay mo sa mga kaibigan mo at kay Calvin. Sabi mo kasi noon na gustong gusto nila ang baon mong banana que. Kaya pinagluto ko sila." bigay niya pagkatapos naming kumain.
Waah! Ang bait talaga ni nanay.
"Ang bait talaga ng nanay ko. Salamat po." pasalamat ko kay inay. Sabay halik sa pisngi niya.
"Binola mo na naman ako."
Natawa na lang ang ako dahil sa mukha ni nanay nung sinabi nya yun.
"Hindi kaya," nakangiting sabi ko naman.
"Sus! Sige na, sige na, pumasok kana baka malate ka pa nyan."
Ngumiti lang ako. Agad akong nagpara ng tricycle.
>>>>
Nang makarating ako sa gate ng school, agad naman akong nagbayad sa tricycle driver.
Inayos ko muna ang salamin ko.
Ngayon ko lang napansin na hindi parin pala naayos ang salamin ko. May malaking cracked parin.
Pinabayan ko na lang yun. Wala naman kaming pera na pangbili, pag syagaan ko na lang ito. Okay pa naman, atleast may magagamit pa ako, kesa sa wala.
Pagpasok ko sa loob. Bumungad na naman ang mga tingin nilang pandidri o panlalait.
Hindi ko na lang pinansin ang panlalait nilang tingin. Mas mabuti na wag ko ng pansinin baka mas lalo lang lumala.
Tuloy tuloy na lang akong lumakad. Dahil nakayuko akong naglalakad.
*BOOGHH*
"OMG!! WHAT THE HELL, B*TCH!!!"
Napaupo na lang ako dahil sa impak ng pagkakabangga ko.
Aray! Ang sakit ng kamay ko. Mukhang nabalian ng buto.
"Ugh! Gosh!!! See what have you done? It splattered on my dress. Gosh!! If you don't know, this dress costs 50 thousand. Damn it." matinis nyang bulyaw sa akin.
Kulang na lang bugahan ako ng apoy dahil sa mata nyang nag aapoy sa galit.
Medyo napa-abante naman ako dahil sa takot.
Tumahimik ang paligid. Walang kahit anong boses na maririnig, kundi ang boses ng babaeng ito.
Ngayon ko lang din napansin, na parang transferee ito. Dahil ngayon ko lang nakita ang mukha niya dito.
Napatingin naman ako sa mukha niya. Ang ganda niya at ang amo, para siyang angel. Pero hindi mo aakalaing ang sama ng ugali.
Napayuko na lang ako dahil dun. Natatakot akong magsalita, baka kung anong gawin niya sa akin.
"S-sorry!"
"Ugh!! Yuck!!"
Nagulat na lang ako nang nilagpasan ako. Napatanga na lang ako sa kinakaupuan ko dahil sa ginawa nya.
Akala ko sasaktan din niya ako tulad ng ibang babae na lagi akong linalait at kung anong sinasabing masasakit sa akin.
Pero pasalamat na lang ako dahil hindi niya ako sinaktan. Masakit lang ang kamay ko dahil sa pagkakatumba ko kanina.
"Anong pang ginagawa ng nerd na yan dyan?"
"Ayaw niya bang tumayo o naghihintay lang siya nang magtatayo sa kanya? Tsk!"
"Hoyy! Nerd! Ano pa bang ginagawa mo dyan ha? Baka gusto mo buhatin ka pa namin dyan? Wag kang paharang harang sa daan."
"Huwag mo nang hintayin ang prince charming mo. Walang darating."
"Tsk!"
Mga bulyaw nila sa akin. Pinilit ko namang tumayo at isa isang pinulot ang mga librong bitbibit ko.
Nakayuko na lang ako. Ang sakit tagala tong kamay ko. Nabalian ata.
Habang naglalakad ako ang daming mga mata ang nakatingin sa akin. Mga bulung bulungan nilang ang sakit sa tainga.
Nang makarating ako sa room, napatingin naman silang lahat sa akin.
Yumuko na lang ako na pumunta sa upuan ko sa likod.
Ngayon ko napansin na wala pa pala ang pito. Kaya ako na lang ang mag isa na nakaupo dito sa likuran.
Papasok pa ba ang mga yun? Sayang naman ang pinabaon ni nanay sa akin na para sa kanila. Tanong ko sa aking isipan.
Baka nasobrahan ang mga yun kagabi at natanghalian na nagising. Para hindi sila naka pasok ngayon.
Alam nyo ba ang sinasabi ko? Kaya sasabihin ko na lang. Flash back ko na lang sa inyo kung bakit. Hehe!!
Flashback.........
3 pm ng tanghali, nandito ako ngayon sa kwarto namin ni nanay. Nagpapahinga ako dahil pagod akong tumulong sa paglalaba.
Matutulog na sana ako pero naalala ko may gagawin pala akong assignments, kaya hindi ko na naituloy ang pagtulog.
Kaya heto ako ngayon gumagawa dahil lunes na naman bukas.
Wala pang kalahating oras ng may biglang tumatawag sa keypad kong cellphone. Astig ng cellphone ko with tali.
Agad ko namang binaling ang paningin ko sa cellphone ko. Tinignan ko naman kung sino ang tinatawag.
Trisha?
Anong kailangan ng babaeng to at napatawag.? Tanong ko sa aking isipan.
Sinagot ko naman sya.
"Hellooo!!! Girl!!" masayang sigaw ni Trisha mula sa kabilang linya.
Kaya napalayo naman ang tainga ko sa cellphone. Parang nakalunok ng megaphone ang babaeng to. Kung makasigaw akala mo ang layo layo ng kausap.
Ang lapit lapit lang naman ang bibig sa cellphone. Hay nako.
"Ang sakit pala sa tainga ang boses mo Trisha kung sa cellphone. Kung makasigaw ka naman kasi e, kala mo nasa malayo ang kausap mo." deri deretso kong sabi.
Nagulat naman ako ng may narinig akong tawanan sa kabilang linya. Sino ang mga yun?
Nagtaka pa ako e di sina Tanya ang mga yun. Sino pa nga ba? Kaya pala pamilyar ang boses nila.
"Ang harsh mo talaga Devon. Ang ganda kaya ng boses ko. Kinukutya mo." maktol nya.
Natawa na lang ako sa isip ko.
"Sabihin mo ba nga ang dapat mong sabihin Trishang, ang pangit na nga daw ng boses mo e."
"Tanggapin mo na lang kasi kambal na wala ng pag asa na gumanda ang boses mo."
"Buti na at hindi nasira ang cellphone mo sa kasisigaw kung may kausap ka."
"Hahahaahha!!!
"Mga gago kayo, tigilan nyo nga akong apat na ugok kayo. Masasapak ko talaga kayo e. Tanghaling tapat pinapainit niyo ang ulo ko. Baka magdilim ang paningin ko sa inyo."
Narinig kong pagbabanta ni Trisha mula sa kabilang linya.
"Chill ka lang trish. Hindi.... aray!!..hindi ka man mabiro... Shit!! Ang sakit kaya yun"
"Sige subukan mo akong kurutin. Waahh!! ARAYYY KOOO!! ano ba bitayan mo ako... Damn it. Huhuhu!!!"
"Ano huh? Bakit kayo tumigil? Hindi lang yan ang gagawin ko sa inyo kung patuloy nyo pa akong asarin."
"Hello? Devon? Nandyan ka pa ba?" narinig kong tanong ng nasa kabilang linya.
"A-ah! Oo, ano palang nagyayari dyan Megan? Bakit mukhang may nag aaway?" takang tanong ko naman kay Megan.
Oo si Megan ang may boses nun. Ewan ko ba kung nasaan na si Trisha? Mukhang nakikipag away sa apat na lalaki.
Bangis talaga ng babaeng yun.
Narinig ko naman ang mahinang tawa.
"Ayun mukhang gustong manglagas ng buhok. Hahaha. Pinaghahablos n'ya ang mga buhok nina Tristan.... Amazona talaga ang babaeng yun." natatawang sagot nya. Napailing na lang ako dahil dun.
"Hahahaa! Grabe naman si Trisha." natatawang sabi ko.
"Hahaha! Oo nga e. Gusto mo palang sumama sa amin pupuntang mall? At punta pa tayo sa bar? Walang magawa e." tanong nya mula sa kabilang linya.
Mall? Bar? Pumupunta na sila sa bar? Hindi ba bawal sila pumasok sa mga ganun kasi wala pa sila sa tamang gulang?
At isa pa, hindi ako pwedeng uminom no. Wala pa ako sa wastong gulang. Wala pa akong pera.
"Sorry Megan Hindi ako makakapunta e. Marami pa akong gagawin ngayon dito sa bahay. At isa pa wala naman akong pera na gagastuhin. Pasensya na." paumanhin ko.
Narinig ko naman na napabuntong hininga sya. At biglang tumahimik ang kabilang linya.
"Libre ka na lang namin. Kami na ang bahala sayo." pag aalok nya.
Ililibre nila ako? Nakakahiya kaya. Agad naman akong umiling iling kahit hindi nya ako nakikita.
"Naku huwag na Megan. Nakakahiya na, hindi nyo na ako kailangang ilibre." pagtatanggi ko. Sinabayan ko pa ng iling.
Alam kong nakanguso na naman ang babaeng ito ngayon.
"Kasalanan nyo kasi kung ayaw sumama si Devon sa atin, ang iingay nyo kasi." rinig kong bulyaw ni Tanya sa kabilang linya.
Luh? Wala naman akong sinabi na maingay sila at ayaw kong makasama.
Naka loudspeaker siguro ang mga ito, kanina ko pang naririnig ang mga pinag uusapan e.
"Kala mo hindi maingay minsan. Tss!."
"Anong sabi mo ha?"
"Wala."
"Psh!!"
Narinig kong bangayan sa kabilang linya. Natawa na lang ako ng mahina.
"Bakit ang ingay naman dyan sa inyo? Anong nangyayari?" takang tanong ko.
Natawa naman sya. "Ayun nagsusuntukan si Tanya at Ross, haha!!." natatawang sagot nya.
Natawa naman ako sa sinabi nya.
"Sige Megan ibababa ko na ang tawag, pasensya ka na hindi ako makakasama sa inyo." panghihingi ko ulit ng paumanhin.
"Ok lang, wala kaming magagawa kundi sundin ang desisyon mo." sabi nya sa kabilang linya.
Ramdam ko sa boses niya ang lungkot.
Napabuntong na lang ako at nagpaalam sa kaniya. Pagkababa ko ng tawag agad akong tumingin sa ginagawa ko kanina.
"Gusto mo bang sumama sa kanila, nak? Hindi mo naman kailangan na magkulong dito magdamag. Ngayon ka lang nakahanap ng kaibigan na mababait, kaya wag mo ng sayangin ang pagkakataon na ito." Mahabang pahayag ni nanay mula sa pinto ng kwarto namin.
Napatingin naman ako sa kaniya bigla.
"Kanina ka po pa dyan, nay?"
Tumango naman siya at tumungo sa akin. Umupo naman siya sa tabi ko, kaya napausog naman ako para may maupuan siya.
"Kahit naman po gusto kong sumama sa kanila, kulang po ako sa budget para mabili ang gusto kong bilhin." paliwanag ko sa kanya at sabay yuko.
"Minsan lang ito anak kaya sulitin mo na. At isa pa minsan ka lang naman na lumabas ng bahay. Bahay at school ka lang naman na namamalagi, wag kang mag-alala sa akin." nakangiting pagpapagaan niya sa akin.
"Oh! Ito pambili mo ng mga gusto mong bilhin."
Napayakap na lang ako kay nanay ng sobrang higpit dahil sa sayang nararamdaman ko.
"Mahal na mahal kita, nay." nakangiting pagbibigkas ko.
"Mahal na mahal din kita, nak."
End of flashback........
"Boom!!!"
*pak!!!*
"Shitt!!!"
Nabalik ang ulirat ko nang may biglang gumulat sa akin. Dahil sa gulat ko, nasapak ko ang gumulat sa akin.
Napatingin ako sa taong gumulat sa akin.
O_O -me
>_< -sya
Eh?
Napatakip ako ng bibig dahil sa hindi ko inaasahan ang ginawa ko sa kanya.
Tinignan naman niya ako ng sobrang sama. Pero hindi ko kasalanan yun dahil siya naman ang nauna e.
Buti na lang at hindi yung kamay kong nabali ang naisapak ko.
"Anong nangyari sa inyo? Anong nangyari sa pisngi mo at namumula Calvin? Wag mong sabihin na kinikilig ka kay Devon? Haha!! Ayiee!!"
Napatingin naman ako sa nagsalita. Lumaki naman ang mata ko.
"Ross?" Takang sabi ko.
Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "Hi!" bati niya at kumuway.
Gulat parin akong napatingin kay Calvin. Nandito na din pala sina Megan, halatang inaanantok pa.
Napatitig naman ako sa kanilang lahat. "A-akala ko hindi kayo papasok ngayon?" takang tanong ko sa kanila.
Napatingin naman silang lahat sa akin, maliban kay Calvin na iniinda ang pisngi n'yang nasapak ko.
Hindi ko na lang sya pinansin. Hinintay ko naman na sumagot sila.
"Papagalitan ako ng parents ko kung hindi ako papasok ngayon."
"Grounded ako ngayon, kinuha ng magulang ko ang kotse at cellphone ko. At hindi pa ako makaka mall. Huhu!! Ang saklap."
"Wala naman akong kasama sa bahay e. Mga kasambahay lang namin, kaya pumasok na lang ako."
Mga sari sari nilang sagot.
"Parang hindi pa ako nahimasmasan hanggang ngayon. Gusto ko pa talagang matulog." reklamo naman ni Tristan.
*boink!!*
"Damn!! Bakit ka ba nambabatok, bal? Ang sakit kaya." nakangusong reklamo ni Tristan kay Trisha.
Hinihimas himas naman niya ang batok niyang binatukan ni Trisha.
"It's your fault sinong nagsabi na uminom ka ng marami, huh?" asar na tanong ni Trisha, habang nakatingin ng masama kay Trisha.
"Fine! fine! It's my fault, happy now?." asar din nyang sabi at sinabayan din ng irap.
Nagsukatan naman sila ng tingin. Walang gustong magpatalo. Hanggang pumagitna si Tyron.
"Hey! Chill! lang kayong dalawa." bumaling naman siya kay Trisha na may nakakalokong tingin.
"Baka mas lalo ka pang pumangit nyan, pangit ka na nga mas lalo ka pang papangit." dagdag nya, at binigyan ng pang asar na ngisi.
Tumingin naman ako kay Trisha.
1....2....3......
"S-shit! A-aray!! T-tama na trishang.... Aww!! Damn it!!! Hindi ka talaga titigil sa pagsasabunot sa akin a."
Nagulat naman ako ng bigla nyang sinabunutan ni Trisha si Tyron.
Bigla nyang hawakan ang dalawang kamay ni Trisha. Dahil malakas siya, nahawakan niya ito. Yung isa naman humawak sa batok.
At ang sumunod niyang ginawa na hindi namin inaasahan na gagawin nya sa maraming nanonood na tao.
*tsup*
Hinalikan nya sa harap ng maraming tao si Trisha.
Halos sa kanila ang tingin ng lahat. Halos maglumpisay na sa kilig ang mga tao dito.
Kami namang lima para namang napako ang tingin sa kanilang dalawa. Hindi kasali si Calvin, dahil ang loko ang lawak ng ngiti na nakatingin sa kanila.
Lokong to.
Binalik ko naman sa dalawa ang tingin ko. Tulala si Trisha.
Nakita ko namang na nakangisi si Tyron sa harap nya, mukhang nasisiyahan sa ginawa. Loko din ang isang to. Hahaha!:-)
Namula naman ang buong mukha ni Trisha. Ewan ko kung dahil sa kilig o sa galit?
Mukhang nakabawi naman ang apat sa pagkabigla. Kaya hinihintay din kung ano ang gagawin ni Trisha.
Alam kong may gagawin si Trisha, sa itsura na lang na makikita sa mukha. Lagot ka ngayon Tyron, mukhang ginalit mo si Trisha.
*BLAAGG*
THE END!!
DITO NA PO MAGTATAPOS ANG KWENTO NILA... KAYA ABANGAN NA LANG SA SUSUNOD NA KABANATA......
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
charrrr!! Hindi pa dito magtatapos ang kwento namin.. Hehehe.... hindi man lang kayo mabiro.
Back to reality tayo.
Napasinghap naman ang mga tao dito sa loob ng Classroom namin dahil sa nasaksihan nilang pangyayari.
Biglang sinuntok ni Trisha si Tyron sa mukha ng sobrang lakas.
Kaya mas lalo kaming nagulat ng biglang napahiga si Tyron
at
nawalan ng malay.
Para namang walang pakialam si Trisha na umupo sa upuan nya. Sinundan naman namin siya ng tingin.
Hindi makapaniwalang nagawa nya yun.
"Ang sama mo girl, tignan mo tuloy nawalan siya ng malay." umiling iling na sabi ni Megan. Dahil siya ang unang nakabawi.
Hindi ito sumagot at tinaasan niya lang ng kilay si Megan.
*door open*
Napatingin naman kaming lahat sa pinto ng room namin. Pumasok doon si Mrs. Thomson na seryoso ang mukha.
Kaya napaupo naman kami.
Napatingin naman sya sa aming lahat, hanggang sa nagawi ang tingin sa nakabulagta na si Tyron.
Syet! Nalimutan naming gisingin. Sa lakas ba naman ng pagkakasapak sa kanya, sinong hindi makakatulong.
Naningkit naman ng mata nya ng nakita si Tyron sa ganung posisyon.
"What happened to him, class?" nakataas ang kilay nyang tanong.
"He's sleeping, ma'am." Bagot na sagot naman ni Trisha.
Kaya natawa na lang ang lahat, hindi ko din maitatago ang tawa dahil sa sagot nya.
Tinaasan nya lang ng kilay si Trisha at umiling iling.
"Buhatin niyo siya and put in the clinic." utos nya.
Agad naman na tumayo sina Tristan at Ross. Sipag a. O baka naman gusto lang ng mga ito na makalabas? Joke.
"Hindi ka ba magbubuhat, Mr. Monteverde? O bakit may pasa ka din sa pisngi? Wag mong sabihin na nagsuntukan kayo ni Mr. Del Monte?" masungit nyang tanong.
Psh! Hahaha! Grabe si ma'am. Nagsuntukan talaga?
"Tsk!! No! We're not fighting, ma'am. Someone punch me in face." makahulugan nyang sabi. At palihim na tumingin sa akin.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Nang maramdam ko parin ang tingin niya sa akin.
Napakunot naman ang noo ni Mrs. Thomson. Mukhang naguguluhan sa amin.
Hindi ko na lang yun pinansin at kinuha ang gamit ko sa loob ng bag ko. Pero sa hindi inaasan, biglang nasagi ang kamay kong may bali sa upuan ko.
"Aray!!!"
Dahil napalakas ng pagkadaing ko napatingin lahat sila sa akin. Kahit si Mrs. Thomson na seryosong nag aayos ng libro napatingin din sa akin.
"You okay, Ms. Acosta?" tanong ni Mrs. Thomson.
Napalunok naman ako ng laway at napakagat ng labi.
"O-ok lang po ako ma'am." sagot at biglang umilap ang mata ko.
Baka mapansin nilang nagsisinungaling ako.
Naramdaman ko naman may humawak sa kamay ko na may bali. Kaya napatingin ako sa humawak dun.
"Anong ginagawa mo?" gulat kong tanong ko sa kaniya.
"Bakit hindi ka pa pumunta sa clinic. Nangingitim na ang kamay mo?" sabi nya. May bakas sa boses niya ang pag-aalala.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya. Nakatingin naman ako sa mukha nyang nakatingin sa kamay kong may pasa.
Napababa naman ang tingin ko nang bigla siyang tumingin sa akin. Muntik na yun a.
Napakapa na lang ako sa bandang puso ko. Dahil ang bilis ng tibok ng puso ko. Buti na lang at hindi niya narinig.
"Are you sure that you okay?" patanong nyang sabi.
Umiling iling naman ako. Tumitig naman sya sa akin.
"Ma'am, namamaga ang pisngi ko. Pati na din ang kamay ni Devon. Pwede po bang pumunta kami sa clinic para magamot ang pamamaga?"
Tumingin naman si Mrs. Thomson kay Calvin. Nakakunot naman syang tumango.
Agad naman na tumayo si Calvin at pumunta sa tapat ko.
Napayuko na lang dahil sa mga tingin nila sa aming dalawa. Baliw din isang to no. Gustong gusto ang maka-agaw ng atensyon ng marami.
Nang makalabas kami sa room. Hindi nya parin nya tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.
Nailang naman ako. Agad kong binaklas ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Pero hindi nya binitawan, nagulat naman ako ng mas lalo siyang humawak ng mahigpit.
*Dug*
*Dug*
*Dug*
Why I felt this feeling? Parang may paro paro na lumilipad sa loob ng tiyan ko.
At parang may kabayo na tumatakbo sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok.
Umiling iling naman ako, siguro bulate lang ito o baka gutom lang. Wala ng iba pa, kaya wag ko ng isipin ang bagay na ito.
Mawawala din to, mamaya. Hindi ko na lang yun pinansin at hinayaan na lang na hilain ako.
Napapayuko na lang ako sa mga nadadaan namin ang mga estudyanteng ang sasama ng tingin sa akin.
Naramdaman ko naman na medyo humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Napatingin naman ako sa kanyang mukha. Medyo nagulat naman ako ng konti dahil nakikita ko ngayon sa mukha nya ang walang emosyon.
Medyo kinabahan naman ako dahil dun. Hinayaan ko na lang sya. Hanggang nakarating kami sa clinic.
Agad kaming pumasok sa loob.
Nakita ko naman sina Tristan at Ross dun sa dulo habang nakaupo. Hinihintay nila siguro na magising si Tyron.
Napatingin naman sila sa amin pagpasok.
Napatingin naman kami sa pinto ng CR ng mulabas doon ang nurse na ng gamot ng tuhod ko noon.
Agad naman syang tumingin sa amin at napakunot ng noo.
"Parang namumukhaan ko kayong dalawa." kunot noo nyang sabi.
Napakamot naman ako ng ulo.
"Ganon talaga ang gwapo, Ms. Hirap kalimutan." pilyo nyang sabi at sabay kindat sa nurse.
Napangiti naman ang nurse sa kanya.
Palihim na nagpaikot ako ng mata. Malandi nga naman. Napairap na lang ako sa aking isipan.
"May nangyari na naman ba sa girlfriend mo? Ikaw kasi ang kasama niya noon e?" tanong ng nurse.
Ano? Girlfriend? kailan pa ako naging girlfriend ng lalaking ito?
"Hin----"
"May pasa po siya sa kamay, hindi ko nga alam kung saan niya nakuha e. Mukhang namamaga?" sagot nya.
"Sige maupo muna kayo. Kukuha lang ako ng mga gamot ang kamay nya at isa pa kukuha na din ako ng ice cube for your cheek dahil namamaga din." mahabang sabi nya.
Tumango naman kami bilang sagot.
"Anong nangyari sa kamay mo, Devon?" tanong ni Tristan.
Napabuntong hininga naman ako bago sagutin ang tanong nila.
"Wala ito nadapa lang kanina, kaya nagkapasa ang kamay ko. Alam niyo naman may pagkalampa ako. Hehe!!!" natatawang sagot ko sa tanong nya.
Pero tahimik lang silang tatlo, parang hindi makapaniwala sa sagot ko. Kaya unti unti naman nawala ang ngiti sa labi ko. Napayuko na lang ako at napakagat ng labi.
Bumuntong hininga muna ako bago sagutin ng totoo ang tanong nila.