Chapter 11: Chapter 10

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 22330

Devon's PoV

"Ano naman ang mga napaginipan mo, bro? Masarap ba? Mahaba haba din ang tulog mo a." nakangising pang aasar ni Ross.

Napangisi naman sila."Sa tagal mong mawalan ng malay, akala namin hindi ka na magigising." pang aasar din ni Tristan.

"Oh! Baka naman nagwe-wet dream kana nyan. Ikaw dude a, kung ano ano talaga ang iniisip mo bago ka mawalan ng malay."

"Iba talaga ang epekto ni kambal sayo. Haha!! Grabe dude!! Baka naman hanggang sa panaginip mo yung parin ang iniisip mo."

"Mga gago talaga kayo!! Kung ano ano na naman ang pinagsasabi nyo. Masasapak ko talaga kayong tatlo." iritang bulyaw ni Tyron sa kanila.

"Chill ka lang dude. High blood ka agad." nakangising pang aasar ni Tristan.

Ngumisi naman ang dalawa.

Heto ako ngayon, pinapanood ko lang sila na inaasar si Tyron. Pagkagising pa lang ni Tyron kanina, tuksuan na agad ang bumungad sa kanya.

Natawa na lang ako sa kanilang pagka-isip bata.

Tapos na rin na nagamot ang kamay kong may pasa. Nalagyan na rin ng ice cube ang pisngi ni Calvin.

Ang arte talaga ng isang yun, madampian lang ng konti ang mukha. Nambubulyaw na.

Parang nagsisinungaling lang ang lalaking yun eh. Dahil si Nurse Kristine ang nag-aasikaso sa kaniya.

Si Nurse Kristine kasi ay maganda, maganda ang pangangatawan. Ang amo pa ng mukha, ang puti puti pa. Kaya ang lalaking ito, parang nasasayahan sa ginagawa ni nurse Kristine.

Mga 20 plus palang kasi si nurse Kristine kaya nagkakamalang estudyante.

Ang sakit kaya nila sa mata. Sa totoo lang. Abo't langit nga ang ngiti ng playboy na si Calvin e.

Tama talaga ang sinabi nina Megan.

"DEVON?!!"

Nabalik naman ang ulirat ko ng may biglang tumatawag sa akin. Sa harap pa ng mukha ko.

Halos maduling ako dahil sa lapit ng mukha ni Calvin sa mukha ko. Kaya napatitig naman ako sa mga mata nya, ganun din sya.

Hindi ko alam kung guni guni ko lang yun o ano. May dumaan sa mata nya na emosyon. Parang napapahiwatig na.... na...

Ay ewan!!

Nakita ko naman na medyo napalunok.

*tug*

*tug*

*tug*

Nagulat ako ng biglang bumaba ang tingin nya sa labi ko.

Hindi ko mapigilan mamula dahil sa tingin niyang yun. At sabayan mo pa ng lakas ng tibok ng puso ko.

Bakit ganyan kasi siya makatingin sa akin?

Ilang segundo nagkatitigan kami, ako na ang unang lumayo sa kanya at iniba ang tingin.

Para din naman siyang natauhan sa nangyari kaya agad siyang lumayo sa akin. At iniba ang tingin.

"Shet! Brad namumula din pala ang mukha mo."

"Ngayon lang to a. Dapat pala kinuhanan natin ng pictures. Haha!! Sayang"

"Ang isang playboy namumula. Haha!! Ipost ko nga to. 'Calvin the playboy is blushing' ang gandang caption. Magiging trending 'to. Buwaahh!!!"

Napabaling naman ang tingin ko kina Ross na may ngising napapaskil sa mga labi, habang nakatingin kay Calvin. Bakit kasi ang hilig ng mga ito na mang-asar?

Nakita ko naman na binigyan niya ng masasamang tingin ang ito.

"Tigilan niyo ako. Kung hindi niyo gustong matulad kay Tyron na nawalan ng malay, tigilan niyo ako. Tsk!" asar nyang bulyaw sa tatlo.

Ngising aso naman sila.

"Bakit kaya mo ba kami? Iisa ka lang at tatlo kami." patuloy parin sa pang asar si Tyron.

"G*go!! Tuluyan na kaya kita dyan. Kung hindi niyo pa talaga ako titigilan. Papatulugin ko talaga kayong tatlo dyan, yung hindi na kayo magigising. Tss!" iritang irita na pagbabanta ni Calvin.

Wala paring epekto sa kanila ang pagbabanta ni Calvin sa kanila. Nagkabit balikat na lang sila.

"Yeah! Yeah! Titigil na, wag kang masyadong pikon bro. Tatanda ka nyan, sige ka, wala ng babeng magkakagusto sa iyo." pananakot naman ni Ross.

"Kaya bro bawas bawasan mo ang pagsusungit." gatong din ni Tristan.

Pero sinamahan lang sila ni Calvin ng masamang tingin.

"Tsk!!"

"Ehem!!"

May biglang tumikhim. Kaya napatingin kami dun.

Si Nurse Kristine pala.

"Pwede na kayong lumabas. Hindi naman masyadong malala ang mga sinapit nyo. You Ms. Acosta huwag kang magbuhat ng mabibigat na bagay para hindi mas lalong lumala ang pamamaga ng kamay mo. Okay?" paalala nya sa akin.

Tumango naman ako. "Opo. Salamat po nurse Kristine." pasasalamat ko sa kanya at ngumiti.

Tumango din sya at ngumiti ng pabalik. Ang ganda talaga ni nurse Kristine.

"Kayo naman, iwasan niyo ang makikipag away sayang naman ang mukha niyo." natatawang pangangaral niya sa tatlo.

Abot tainga naman ang mga ngiti nila. Napailing na lang ako.

"Sige we have to go, nurse Kristine. Salamat sa panggagamot." pilyong ngiti ni Calvin kay nurse Kristine.

Ngumiti naman si nurse Kristine.

Ewan ko kung bakit may bigla kung anong kumagat sa puso ko ng nakita ko yun. Parang nawalan ako ng gana.

Gusto kong iiwas ang mata ko sa kanila pero hindi ko magawa. Parang magnet sila para hindi ko maalis ang tingin ko.

Pinilit ko naman na wag tignan sila dahil masaya silang nag uusap.

Inayos ko naman ang salamin ko.

At tumayo na ako para umalis. Ano pa ba ang gagawin ko dito? Panonoorin sila habang masayang nagkukuwentohan. No thanks.

Nagpaalam na ako sa tatlo na mauuna ng umalis. Napakunot naman sila saglit bago tumango.

Agad agad anong lumabas, hindi naman ako napansin ni Calvin kanina na lumabas dahil busy siya kay nurse Kristine.

Ano bang paki ko kung magkwentohan sila magdamag? Di magkwentohan sila.

Wala ako sa mood na tumungo sa tambayan ko dati na ngayon marami na kaming may tambayan.

Hindi muna ako papasok sa ngayon. Nakakain na naman ako ng break time e. Nagpabili kanina si Calvin kina Tristan at Ross ng pagkain. At binilhan na din nila ako kanina. Kaya medyo busog pa ako.

Agad akong umupo sa damuhan pagkarating ko dito field. Ang presko talaga ng simoy ng hangin dito. Nakaka relax ng pakiramdam. Buti na lang at medyo nabawasan ang nararamdaman ko kanina.

Bakit ganun na lang ang reaction ko ng makita ko siya na masayang nakikipag usap kay nurse Kristine?

Bakit parang naiinis ako sa kanilang dalawa? Kung makapag usap sila kala mo walang tao na nakatingin sa kanilang dalawa?

Napabuntong na lang ako dahil sa mga katanungan na pumapasok sa isip ko. Napatingin naman lang ako sa nagpapractice sa malawak na field ng school.

Mga lalaki pala silang lahat at ngayon ko lang napasin na wala pala silang pang itaas na damit. Kaya kitang kita ko ang mga tumataginting mga abs nila. Kulang na lang ng palaman.

Buti na lang at medyo nawala ang nangyari kanina. Nakakabwisit.

Palihim ko naman na pinapanood ang nagsa soccer.

Nagnining ning ang mata ko dahil dun, pero hindi ko pinapahalata. Kahit naman nerd ako may naging mga crush ako no.

Ang gagwapo nga nila e. Mas gwapo pa kay Calvin. Pero bakit sabi ng puso ko, mas gwapo parin si Calvin sa kanila.

Bakit ko nga ba pinagkukumpara ang isang yun sa mga naging crush ko. Sa isip ko.

Wala akong pakialam sa playboy na yun. Kahit mangolekta pa sya ng maraming babae.

Napairap na lang ako sa aking isipan.

*bogsh!*

Hindi ko namalayan na dahil sa lalim ng iniisip ko may bola na palang tumama sa noo ko. Muntik na akong mahilo dahil sa pagkakatama ng bola sa akin.

Bakit ba ang malas ko ngayong araw na ito? Kanina may nakabunggo at nagkapasa ang kamay ko.

Ngayon naman natamaan ako ng bola sa ulo. Ang saklap pa, parang may bukol pa. Gusto kong masisigaw ngayon. Dahil sa nararamdaman kong ito.

Waaaaaahhhh!!! Nakaiinis.

"Miss! Miss!! Are you ok? May masakit ba sayo? Nahihilo ka ba?" narinig kong na tanong ng taong nasa harap ko.

Medyo kinabahan naman ako sa boses dahil sa bigla nyang paghawak sa pisngi ko.

Unti unti ko namang binuksan ang dalawa kong mata, para makita kung sino ang taong nasa harap ko.

Pagbukas ng mata ko malabo ang bumungad sa akin. Kaya hindi ko makita ang mukha ng lalaking nasa harap ko.

Kaya kinapa ko naman ang mukha ko, naramdaman ko naman na wala pala akong suot na salamin.

Kahit medyo nahihilo ako, kinapa kapa ko naman ang salamin ko. Naramdaman ko naman na biglang gumalaw ang tao sa harap ko.

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa kamay ko at may pinatong siyang bagay.

"Here's your glasses, nahulog kanina."

Medyo nagulat naman ako, agad ko naman na sinuot ang pinulot nyang salamin ko.

Nang maayos ko na ang paglalagay sa salamin ko. Tumingin naman ako sa harap ko.

Bumungad naman sa harap ko ang lalaking walang damit pang itaas. Shet!! Bakit ang gwapo ng lalaking to? Ang singkit ng mata. Parang korean ang dating sa akin. At ang ganda pa ng pangangatawan.

Kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip ko e.

"Miss? Okay ka lang ba talaga?" biglang tanong nya kaya napabalik naman ang ulirat ko.

Namumula naman akong umiwas ng tingin.

"O-ok l-lang a-ako." nauutal kong sagot.

Napatitig naman sya sa akin. Kaya nailang naman akong umiwas.

Nagulat na lang ako ng bigla nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

"A-a-anong gi-ginagawa mo?" utal kong tanong.

Para akong naduduling sa lapit ng mukha nya.

Third Person's PoV

Nang hindi niya mahagip ang paningin niya ang taong hinahanap, agad n'yang ginaya ang paningin kung saan ito kanina. Wala dun ang hinahanap nya.

Kahit ni anino hindi niya mahagilap. Agad naman siyang napatingin sa kaibigan niyang kanina pa pala nakatingin sa kanya.

"Sinong hinahanap mo bro?" takang tanong ni Tyron. Kahit loob loob nya, alam kung sino ang hinahanap.

"Oo nga dude, kanina ko pa napapansin na palinga linga ka." patanong din na tanong ni Tristan.

"Hindi pa ba tayo papasok sa next subject natin? Baka mapagalitan tayo kung hindi pa tayo pumasok e." gatong naman ni Ross.

Agad naman ng paalam si Calvin kay nurse Kristine. Nagpasalamat muna sila bago lumabas.

"Have you seen, Devon?" tanong nya kina Tristan.

Medyo nagulat naman ang tatlo. Dahil hinahanap ny5a si Devon. Pero hindi nila ito pinahalata. Pero sa loob loob nila napangiti na lang sila.

"Nauna siyang umalis, ewan nga namin kung nauna ng umalis e. Nagpaalam naman siya sa amin bago umalis." sagot ni Tristan kay Calvin.

Napatigilan naman saglit si Calvin, pero hindi niya yun pinahalata sa kaibigan.

"Why she didn't tell me that she was already leave?" tanong ni Calvin sa kanyang isip.

Hindi nya alam kung bakit may iba syang nararamdaman dahil hindi man lang nag paalam sa kanya ang dalaga.

Parang bigla syang nainis at nadismaya. Pero pinagsawalang bahala nya na lang iyon.

Habang ang tatlong nyang kaibigan, tinitignan lang ang reaction nya.

"Tsk!! Tsk!!"

Napailing na lang ang tatlo.

Nagpaalam agad si Calvin sa kanila pero hindi sinabi ang dahilan. Kaya hindi na nila nagawang magtanong sa kanya dahil ang bilis nitong maglakad.

"Anong nangyari sa isang yun?" sabay nilang tanong. Kabit balikat na lang sila at pinagpatuloy ang pag lalakad.

Agad pumunta si Calvin sa laging pinagtatambay ng dalaga. Dahil yun naman ang alam nyang pinupuntahan ng dalaga.

May nadadaanan syang mga estudyante na nagpapa cute sa kanya pero hindi nya ito pinansin.

Hindi nya maipaliwanag kung bakit hindi nya pinapasin ang mga ito dahil dati rati binigyan nya ito ng pilyong ngiti.

Ngayon lang ang hindi.

Nang makarating sya dun. Nakita nya ang dalaga, nakahinga naman ng maayos dahil dun.

Para naman siyang napako sa kinakatayuan dahil hindi lang ito mag-isa. Dahil nakikita nya itong may kasamang tao.

Pero hindi nya maipaliwang na dahilan kung bakit parang may tumusok sa puso nung nakita ang posisyon ng dalawa. At napansin niya pa na walang pang itaas ang lalaki.

Sobrang lapit ng mukha nilang dalawa na nadatnan niya.

Hindi niya alam kung bakit gusto niyang sugurin ang lalaki para mailayo ang mukha sa dalaga.

Hindi niya yun ginawa, mas pinili na lang umalis doon.

Tumalikod na siya paalis sa kinakatayuan nya kanina. At naglakad palayo.

Devon's PoV

Nagulat na lang ako ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"A-a-anong gi-ginagawa mo?" utal kong tanong.

Para akong naduduling sa lapit ng mukha nya.

Bakit nya ba nilalapit ang mukha nya? Hahalikan niya ba ako? Tanong ko sa aking isipan.

Kinabahan naman ako sa gagawin niya. Ginala naman ang kanyang tingin sa buong mukha ko. Lumakas ang tibok ng puso ko.

Hanggang napako ang tingin nya sa mata ko. Kaya napatitig din ako sa mata nya.

Sh*t! Nakakainggit ang kulay ng kanyang mata. Para itong abo. May bilugang mga mata. Matatangos na ilong, ang pilik mata niyang hindi masyadong kahabahan, mga kilay niyang hindi gaano kakapal. Ang labi nyang mas mapula pa sa labi ko. Syet! Ang pisngi nyang ang matampok. Siguro ang sarap pisil pisilin. At gupit nyang lalaking lalaki, ang mukha nyang manly. Hmm.

Pero bakit mas gwapo parin ang mukha ng playboy na yun?

Agad kong winaksi sa aking isip ang bagay na yun. Ayokong isipin ang malanding yun. Masama sya sa kalusugan.

"Tapos ka na bang imemories ang mukha ko? Ang gwapo ko naman kung ganun."

Dahil biglang pagsasalita ng taong nasa harap ko dahil doon nabalik ang diwa ko.

Wow huh! May pagkahangin din pala ang lalaking ito. Edi sya na ang gwapo. Paki ko naman.

Hindi porket may magaganda na syang pangangatawan. Hmp.

Nilayo ko naman ang mukha ko sa mukha nya. Naiilang kasi ako dahil sa lapit ng mukha namin. Baka akalain ng iba, may iba kaming ginagawa na hindi kaaya aya. At may magsumbong pa sa guidance counselor.

Alam nyo naman ang mga tao dito. Malaman lang ng isa, hindi pa umaabot sa isang oras, kalat na kalat na ang balita sa buong school. Tsk!

"B-bakit mo ba kasi nilapit ang mukha mo sa akin? May dumi ba ako sa mukha, kung makatitig ka sa mukha ko e." medyo naiilang kong turan.

Iniwas ko na agad ang tingin ko sa kanya.

Natatawa naman syang lumayo sa akin at tumayo sa harap ko ng tuwid. Kaya napaangat naman ako ng ulo.

Nakita ko naman na nakatingin sya sa akin at umiling iling. Medyo napakunot naman ako dahil sa inaasal nyang yun.

"Ang laki pala ng mata mo. Haha!" prangka nyang sabi at sinabayan ng malakas ng tawa.

Wala sa sarili na lang ako na napanganga. Ano daw? Parang napantig ang tenga ko dun a? Sinabi syang malaki ang dalawa kong mata? Putek! Hindi malaki ang mata ko. Katamtaman lang sya ng laki.

Pinaningkitan ko naman sya ng tingin. Nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ng sobrang sama bigla na lang syang timigil sa pagtatawa. Tss.

"Oh chill lang. Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Parang gusto mo na akong patayin sa tingin mong yan a?" natatawang tanong nya.

Feeling close pala ang lalaking ito? Akala mo naman matagal na kaming magkaibigan, kung makapagbiro kasi.

Ngayon ko lang talaga sya nakita, sa totoo lang. Matagal na akong nag aaral dito pero ngayon ko lang sya napansin. Saang planeta kaya nanggaling ang isang ito? Opps! Hindi pala sya taga ibang planeta. Haha!

"Pwede ba tigil tigilan mo ako." medyo may inis kong sabi sa kanya.

Ngumisi sya sa akin.

Agad akong tumayo sa pagkakaupo at pinagpagan ang palda ko. Makaalis na nga dito. Masisiraan ako ng ulo sa lalaking ito e. Feeling close pa. Psh!

Sinamahan ko muna sya ng masamang tingin bago tumalikod sa kanya.

Pero laking gulat ko naman ng bigla nyang hinawakan ang braso ko, kaya napatigil ako ako sa paghakbang. At tumingin sa kanya ng nakakunot noo.

Ano na naman ang kailangan nya? Nakakabwisit na a. Kahit gwapo pa ito, masasapak ko sya. May pahawak hawak pa sya ng braso.

Agad kong hinila ang braso kong hawak sya.

"May sasabihin ka pa ba? Kung wala ng pwedeng aalis na ako.. Baka malate pa ako sa susunot kong klase..." medyo malumanay kong tanong habang nakatingin sa kanya.

Napakamot naman sya bigla sa kanyang batok.

"Ano pala ang pangalan mo?" tanong nya na kinabigla ko.

Kununot naman ulit ang noo ko at tinignan sya ng may pagkakataka. Bakit nya tinatanong ang pangalan ko?

"B-bakit mo t-tinatanong? At bakit ko naman sasabihin ang pangalan ko??" medyo utal kong tanong sa kaniya.

Huminga naman ako ng malalim. May sumilay kasi sa labi nya na ngisi. Bakit ang gwapo ng lalaking to? Hehe!

"Bakit masama bang tanungin ang pangalan mo?" nakangisi din na pagbabalik ng tanong.

Bumuntong hininga ulit ako. "Devon! Devon ang pangalan ko."

Lumawak naman ang ngisi nya. Ano bang nginingisi ng isang ito? Medyo creepy siya kapag ganun, sa totoo lang. Psh!

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula na akong maglakad. Habang naglalakad ako papalayo sa kanya, nabigla ako ng bigla syang sumigaw.

"LIAM ANG PANGALAN KO MS. NERDY!!!! NICE TO MEET YOU!!!!"

Ewan ko kung tatawa ako o mababadtrip. Ikaw ba naman ang isigaw ang Ms. Nerdy? Napapatingin naman ang mga kasamahan nya sa kanya dahil sa sigaw nyang yun. Tsk!

Agaw atensyon ang lalaking ito.

Hindi ko na lang sya nilingon pa. Tinamahan ako ng hiya e. Kainis ang lalaking yun. Hmp. Pero napangiti na lang ako dahil dun. Nice to meet you daw. Hay naku.

Liam pala ang pangalan nya. Pero in fairness a, bagay sa kanya ang pangalang Liam.

Winaksi ko na lang ang isipan ko ang lalaking yun.

Habang naglalakad ako, may narinig na naman akong panlalait. Hays. Sa taon taon ba naman na ganun ang ginawa nila sayo. Tignan mo kung hindi ka pa masasanay sa mga ganun. Kaya wala sa akin ang mga ganyan.

Hinigpitan ko na lang ang pagkahawak ko sa aking palda. At pinagpatuloy ang paglalakad, parang wala lang sa akin ang mga pinagsasabi nila. Hindi naman ako yung mapapagod na kadadada e.

"Ang kapal ng pagmumukha ng nerd na yan. Ang lakas ng loob na sumama sa guro nila baby Calvin."

"Hindi naman sya nababagay sa kanila e."

"Nagmumukha syang katulong kung nagkakasama sila. Sa pananamit pa lang nyang mukhang basahan. Haha!!"

"Tama. Haha!"

"Yuck!!"

Napayuko na lang ako dahil dun. Hay nakakasawa ang mga naririnig ko. Wala na bang bago na sasabihin nila sa akin? Bwisit!

Papalapit ako sa room namin ng may biglang nahagip ang dalawa kong mata, mula sa dulo ng hall way. Hindi ko masyadong maaminag ang mukha ng dalawang taong yun dahil tago ang parteng yun.

Kaya tumigil muna ako sa paglalakad at pinaliit ko ang mga ko para makita ko ng malinaw ang mga mukha nila.

O_O

Yan ang mukha ko ng nakita ko kung sino ang dalawang tao na naghahalikan.

Parang hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ako dahil sa pagkabigla. Syet! Tangna. Gagawa ba ng milagro ang dalawang ito?

Hindi man lang nahiya gagong Calvin na ito. Dito pa nila ginawa ang kalangswaan nila. Yuck!! Badtrip.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila. Ang langswa.

Agad kong pinagpatuloy ang paglalakad. Nang makarating ako sa labas ng room hindi muna ako pumasok.

Sa huling pagkakataon, tumingin ako sa gawi nilang dalawa. Para naman akong hindi makagalaw sa kinakatayuan ko dahil sa mata naming nagtama.

Parang wala lang sa kanya ng makita nya akong nakatingin sa kanila. Walang emosyon lang nya akong tinignan.

Nagkatitigan lang kami ng isang segundo. Ako na ang unang umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko kaya ang tingin nyang yun.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng room. Alangan naman na panoorin ko pa silang magtukaan, akala mo wala ng bukas. Kadiri.

Bwisit na lalaking yun.

Inis akong dumiretso sa upuan ko. Ewan ko kung bakit naiinis ako sa nakita ko kanina. Parang gusto kong syang sigawan na itigil nila ang ginagawa nilang kababalaghan.

"Ok ka lang ba Devon? Bakit mukhang badtrip na badtrip ka, at nakabusangot pa ang mukha mo? May nangyari ba?" takang tanong ni Megan sa akin.

Kaya gulat naman akong napatingin sa kanya. Napatingin naman ang iba sa amin. Mukhang naguguluhan sa akin kung bakit ganun ang itsura ko.

Umiling iling naman ako biglang sagot. At bununtong hininga. Syet! Alangan namang sabihin ko sa kanila kung bakit ganito ang itsura ko. Nakakahiya kaya.

"Wala" tipid kong sagot sa kanya at nginitian silang lahat.

Tinignan muna nila ako ng mariin bago sila tumango. Napakamot na lang ako ng buhok. Halata ba ang inaasal ko?

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana, baka matanggal pa ang inis na nararamdaman ko. Lumanghap ako ng sariwang hangin. At pinikit ang mata ko.

Ilang sandali may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Pero hindi agad ako nagmulat. Alam kong sino ang umupo sa tabi, dahil naamoy ko pa ang sariling nyang amoy na panlalaki.

Minulat ko agad ang mata dahil narinig ko ang boses ng next teacher namin. Lumakad naman sya patungo sa harap namin.

"Good morning class!." bati nya sa amin. Kaya nagsitayuan naman kaming lahat.

"Good morning too ma'am!." pabalik naming bati sa kanya.

"Take a sit."

Nagsiupo naman kami sa mga upuan namin. Inayos ko muna ang salamin ko at nakinig na lang ako sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang presenya ng lalaking nasa tabi ko.

Ramdam ko kasi ang tingin nya sa akin.

>>>>

"Tara na sa canteen, kanina pa ako nagugutom e. Kanina pa nagwawala ang alaga ko sa tyan." pagrereklamo ni Tristan habang hinihimas ang kanyang tyan. Psh!

Tumingin lang ako sa kanila ng saglit at binalik ko agad ang tingin sa inaayos kong gamit ko. Ang dami ko pa namang dalang mga libro.

Ang hirap pala ng maging nerd ano? Pero masaya naman ako kung ano ako ngayon.

"Reklamador ka talaga kahit kailan, bal. Nag aayos pa kami ng gamit namin e. Atat ka na agad na kumain. Tsk! Iba talaga ang may alaga sa tyan." saway sa kanya ng kanyang kambal.

Natawa na lang ako ng walang tunog. Hindi talaga nagsasawa ang magkapatid na ito na mag asaran.

Ang saya siguro kung may kapatid ka ano? May kausap ka, makakwentuhan, kakulitan. Pangarap ko talaga ang may kapatid.

"Uyy! Okay ka lang ba? Bakit tulala na naman dyan?" biglang may kumalabit sa akin.

Kaya gulat naman akong humarap sa kumalabit sa akin. Nakita ko si Tanya sa harap habang nakakunot ang noo.

"Bakit?" bakit na lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa gulat sa pagkalabit nya akin. Syet!

"Sama ka sa amin a." pagyaya ni Tanya.

Napaisip naman ako. Parang nag aalinlangan ako na sumama sa kanila. Bigla kasing nag-pop sa isipan ko yung nasaksihan ko sa dulo ng hall way. Parang ayaw na umalis sa isipan ko.

Wala naman ako sa sarili na napatingin sa tabi ko. Inasahan kong nandun sya, pero walang Calvin ang nakita ko.

Kaya palihim naman akong napakunot.

"Sige" wala naman siguro yung lalaking malandi na yun?... Baka pinuntahan nya ang girlfriend nya.

Ngumiti naman sya ng malaki at pumapalakpak pa. Haha! Grabe talaga ang babaeng ito.

"Halika na!" bigla naman nyang kinawit ang kanyang braso sa braso mo at hinila.

Napailing na lang sina Megan dahil sa ginawa ni Tanya.

"Para kang linta dyan sa lagay mo Tanya." komento ni Trisha.

Tumingin naman sa kanya si Tanya at binelatan sya. Haha!

"Inggit ka lang. Blee!" pag asar ni Tanya.

"Tsk!"

Nagulat naman ako ng biglang may kumawit din sa kabilang braso ko. Kaya napatingin din ako dun.

"Pati ba din ikaw Megan? Hmp!" nakakatawa talaga ang mukha ng babaeng ito kung nag aasal bata.

Hindi nya pinansin si Tanya, binelatan nya lang ito. Hay naku, talaga ang dalawang ito.

"Halina na nga kayo. Gutom na din ako e. Kaya nga nauna sa atin si Calvin dahil ang bagal nyo. Tsk!" pagyayaya ni Ross.

Tumango na kami at pumunta na sa canteen.