Devon's PoV
Agad kaming nagsi-upo ng makahanap kami ng mauupuan dito sa canteen. Adobong manok lang ang pinili ko at isang tubig. Yun lang kasi ang nakayanan ko. Wala naman akong malaking pera upang bumili ng mamahaling pagkain.
Okay na ito sa akin, meron pa naman akong banana que na baon. Bakit naman ako mag iinarte kung heto lang ang baon ko. Buti pa nga at may kakainin pa ako e, yung iba halos hindi na makakain ng tatlong beses sa isang araw.
Bibilhan pa sana nila ako, pero agad akong tumanggi. Alam kong mabait sila at hindi sila madamot, pero ayaw ko naman ang maging abusado 'no.
Pero nag alinlangan ako kanina kung tatanggapin ko ang inalok nilang pagkain. Mukhang masarap pa naman ang binili sa akin. Iba ibang klase. Parang karenderya lang.
De joke lang.
Parang nandito na lahat ng klase ng ulam. Mga letson baboy, letson manok at marami pang iba. Hindi alam ang pangalan ng iba, alam nyo naman ako, mahirap lang kaya wala akong masyadong alam kung ano ang mga tawag sa pagkain.
Kaya medyo natakam ako dun. Pero tinaman ako ng hiya. Alangan namang sabihin ko na,
"Sige na nga kakainin ko na yang bigay nyo. Sayang naman kung hindi ko tatanggapin mukhang masarap pa naman." nakahiya kaya kung ganun ang sasabihin ko.
Tinanggihan ko na nga, tapos babawiin ko din. Tsk! Sa loob loob ko medyo nanghihinayang ako. Huhu! Pagkain na yun e naging bato pa.
Syempre joke lang ulit. Haha!
"Nakita nyo ba si Calvin? Bakit wala pa ang isang yun?" pukaw na tanong bigla ni Ross.
Napatingin naman kaming lahat sa kanya at nagkabit balikat. Mukhang hindi din alam kung nasaan sya pumunta. Siguro pinuntahan niya ang kanyang girlfriend. Yung kahalikan nya kaninang umaga.
Ano ba ang aasahan mo sa isang yun? Playboy nga e. Baka may ginagawa na naman silang kababalaghan ng kanyang girlfriend. Yuck! Kadiri.
"Alam nyo naman si Calvin. Tsk!" umiiling iling na sabi ni Tyron.
"Sabagay, baka may ginagawa na namang kababalaghan ang isang yun. Haha!" si Trisha habang nagsimula ng kumain.
Nagsimula na din akong kumain. Hmm. Sarap na sarap ako sa kinakain ko. Ang sarap talaga ng adobong baboy. Yum.
"NANDYAN NA PALA SYA EH!!!!" biglang na lang na sigaw ni Tanya.
*cough*
*cough*
*cough*
Nabilunukan naman ako sa kinakain ko dahil sa bigla nyang pagsigaw. Malapit ba naman sa tenga ko ang nagsigawan nya, sya kasi ang katabi ko.
Dali dali ko naman na ininom ang tubig na nasa harapan ko. Syet! Nakakagulat talaga ang babaeng ito. Parang nakalunok ng megaphone.
Shet! Bakit kasi bigla bigla na lang sisigaw si Tanya?
"My gosh!!! Sorry!! Okay ka lang ba Devon? Sorry, hindi ko sinasadyang lakasan ang boses ko." tarantang paumanhin nya habang hinihimas ang likod.
Uminom muna ako ng tubig bago tumingin sa kanila para sabihin na okay lang ako. At tumingin kay Tanya sa gilid ko, bakas sa mukha ang pag aalala.
Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya." C-chill ka lang. Ok na ako, hindi mo na kailangang mag alala."
Ngumiti ulit ako habang sinasabi ko ang katagang iyun. Bakas kasi sa mukha nya ang matinding pagka-guilty.
"Sigurado ka ba Devon? Wala na bang masakit sayo?" pag aalala tanong ni Megan habang sinusuri ang kabuuan ko.
"Ok lang talaga ako. Hala sige tuloy nalang natin ang kinakain natin." natatawang sagot ko sa kanila.
"Here! Drink it!"
Nagulat naman ako ng biglang may naglapag sa harap ko ng isang basong tubig. Syet! Lagi na lang ako nagugulat.
Kaya inangat ko naman ang ulo ko para makita kung sino ang naglagay ng naiinom sa harap ko.
Nagtama naman ang tingin namin ni Calvin nang nag-angat ako ng tingin. Napalunok ako ng palihim. Napadako naman ang mata ko sa diretso sa mata nya.
Napakunot ako bigla.
Bakit wala akong makita na kahit anong emosyon sa mata nya? tanong ko sa aking isipan.
Tumango naman ako sa kanya." Thank you!" tanging salita na lang ang lumabas sa bibig ko. Yun na lang ang sinabi ko dahil wala naman akong ibang sasabihin pa sa kanya.
Pero hindi nakaligtas ang tingin ko sa katabi nya. Natigilan naman ako saglit dun. Napakunot ulit ako. Ewan ko kung ito yung kasama nya kanina.
Tsk! Dahil sa dami nyang kasakasama hindi ko alam kung sino ang mga yun. Wala naman akong pakialam.
Winaksi ko na lang yun sa isipan ko. Wala akong pakialam kung sya yung kahalikan nya kanina. Hindi ko naman ikabubusog kung aalamin ko pa.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang tingin ng babae na parang gustong gusto nya akong bugahan ng apoy.
Parang diring diri sya sa akin. Tsk! Kung ayaw nya sa akin. Edi, tanggalin nya ang mata nya para hindi nya ako makita.
"Sino na naman yang kasama mo ngayon Calvin? Baka gusto mong ipakilala sa amin?" medyo mataray na na tanong ni Trisha.
Bakas sa mukha ang pagkadisgusto sa kasamang babae ni Calvin. Ang tatalim kasi ng tingin nya e.
"My girlfriend Kate" tipid nyang sagot at umupo silang dalawa sa harapan ko. Tss. Bakit dito pa sa harap ko sila umupo? Tangan. Nakakabanas.
Hindi na ako nagulat ng sabihin nyang girlfriend nya yun. Lahat naman ata ng kasama nya girlfriend nya. Psh!
Napairap na lang ako ng palihim. Malandi. Tsk! Itong babaeng to naman akala mo makukuha sa kanyang ang malanding lalaki na ito, kung nakakawit kay Calvin akala mo matatangay ng iba.
Ang mga mata ng babae na ang sama ng tingin sa akin. Parang gusto nya akong patayin sa tingin nyang yun. Katakot ang mukha nya.
Ang kakapal ng make up. Parang sya yung nasa 'It' yung pumapatay ng tao dun. Yuck! Kadiri! Napanood ko na yun e. Kamukhang kamukha nya talaga. Haha! Joke!
Pero may pagkahawig talaga sila. Haha! Psh! Kahit ganun pala itong babaeng ito, may kamukha din pala.
"Hi Kate! Ako nga pala si Ross." nakangising pakilala bigla ni Ross. Kaya medyo nagulat naman ako dahil dun.
Bakit bigla bigla itong nagpapakilala?? Psh! tanong ko sa aking isipan.
Ngumiti naman si Kate na sobrang lawak. May kasama pa ang ngiti nyang pagkamalandi. Tsk! Hindi man lang mahiya. Harap harapan pa namin syang lumalandi.
"Hi Ross."
"Tristan pala Ms. Kate." pagbabati din ni Tristan at kinindatan nya pa ang babaeng akala mo nasa kanya lahat ng lalaki dahil nakapalandi. Psh!
"Hello Tristan." malambing nya din na bati. Nginisihan na lang sya ni Tristan.
Nakakawala talaga ang mood kumain kung kaharap ko ang babaeng ito. Nakakasuka ang pagmumukha. De joke lang.
"Tyron" tipid na pakilala ni Tyron. Hindi na nya nagawang tumingin sa babaeng nasa harapan ko dahil busy itong kumakain.
Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa pinapakita nya ngayon. Halata na walang kainteresado interesado sa kanya. Hindi naman sya ganyan noong nagpakilala sya sa akin e. Haha! Grabe mga tol.
Ehem!
Wag kang tumawa ng malakas Devon Miles ang alam nila sayo ay isang nerd na mahinhin, takot na magsalita, isang tahimik na tao. Hehe!
"Saan mo ba napulot ang babaeng yan Calvin?" prankang tanong ni Megan. Bakas sa mukha ang pagkadisgusto sa babaeng kasama ni Calvin.
Kung majapagsalita, akala mo wala yung babae na nakikinig sa tanong nya.
Bumaling naman ang tingin ko kay Calvin dahil sa tanong ni Megan. Mukha wala lang sa kanya yung tanong ni Calvin.
Napatingin din ako sa babaeng nasa harap ko, nakataas ang kilay nya. Kulang na lang maabot nya ang langit. Haha! Langit.
Parang gustong gusto nyang bumuga ng apoy. Parang naunsulto sa tanong ni Megan.
"What did you say?" mataray nyang tanong kay Megan at tinaasan nya ito ng kilay.
Medyo nabigla naman ako dahil dun. Tapang ng babaeng ito a. Akala mo kung sinong makapagtaray, parang napakataas nya.
"Ang ayoko pa sa lahat ay yung mataray na akala mo kung sinong mataas." parinig naman ni Tanya. Bakas din sa boses ang pagkanataray. Alam ko na itong kaharap ko ang kinausap.
Nakamasid lang ako sa kanila habang nakatingin sila dito sa babaeng nasa harap ko.
"You----..... " napalunok ako bigla.
"Ang ayoko sa lahat yung dinuduro duro ang mga kaibigan ko. Baka hindi ako makapagpigil, baka makapagtanggal ako ng kamay, wala sa oras." malamig na singit ni Trisha habang nakatingin sa plato.
Pero hindi naman sya kumakain, parang pinaglalaruan nya yung pagkain nyang spaghetti. Pinapaikot ikot sa tinidor. Kahit hindi nya pangalanan ang taong yun, alam kong si Kate yun.
Gusto kong pumalakpak dahil sa mga pinagsasabi nila sa babaeng ito. Hanga din ako sa katarayan nila. Nakakatakot pala ang mga ito kung magalit.
Ayaw na ayaw talaga nilang may ibang kasama si Calvin na ibang babae kung sila lang magkakaibigan.
'Bakit kaya?' tanong ko sa aking isipan.
"Baby! They are so harsh to me. Huhu!" maarteng sumbong ni Kate kay Calvin habang nakanguso.
Putek! Anong akala sya sa itsura nyang nakanguso, ikakaganda nya? Tsk! Yuck lang. Para syang sinuntok sa bibig dahil sa kapal ng lipstick. Haha.
Napaikot na lang ng mata sina Megan dahil sa itsura ng babaeng nasa harap ko. Ang pabebe nya kung magsalita. Tsss.
Tinuloy lang nila Trisha ang kumain pati na rin sina Tristan parang wala lang sa kanila ang pag iinarte ng babaeng kasama ni Calvin. Parang wala silang pakialam sa kanya. Psh!
Napansin ko naman na tumingin si Calvin kay Kate. Pero walang kaemo emosyon ang mukha nya habang nakatingin kay Kate ang girlfriend nya DAW.
Uh-huh??
"Tsk!"
"Psh!" pigil kong tawa.
Syet! Buti na lang at hindi gaano kalakas ang tawa ko.
"Why are you laughing at?" mataray na tanong ng girlfriend ni Calvin DAW.
Kaya napatigil naman ako dahil dun. Naramdaman ko din na napatigin silang pito sa akin.
Pero ramdam ko na pinipigilan din ni Tanya ang pagtawa.
Tumingin naman ako sa kanya ng inosente. Hehe! Playing innocent. Psh! Trip ko lang ang magmaang maangan.
"Huh? Anong tumatawa ang pinagsasabi mo dyan? Hindi kita pinagtatawanan dahil sa napahiya sa kanila. Promise hindi kita tinatawan. Kahit hindi ka pinansin ng BOYFRIEND mo. Psh! Nagsasabi ako ng totoo." inosente kong sabi sa babae.
Psh!
"Wuahahahha!! Syet!"
"Buwahahaha! Andami kong tawa dun a."
"Ikaw na talaga Devon."
Napatingin naman ako kina Ross dahil sa lakas ng tawa nila. Kung na lang mapagulong gulong sila sa sahig ng canteen dahil sa sagot kay Kate.
Lahat ng mata nasa amin, parang nawiwirduhan kung bakit sila tumatawa.
Wala naman ako sa sarili na napatingin kay Calvin na kanina pa walang imik. Medyo nagulat pa ako ng napansin ko sa gilid ng kanyang labi na nakataas.
Kung natawa din sya sa sagot sa girlfriend nya. Pero ayaw lang ilabas ang ngiti na gustong kumawala sa labi.
Psh!
"You!!.... Ugghh! Bitch!" sigaw nya sa akin. Tapos tumingin naman sya kay Calvin na nakangisi ng palihim.
"Break na tayo." sigaw nya kay Calvin at nagmartsang umalis dito sa loob ng canteen. Psh! Pikon.
Kaya napailing na lang ako dahil dun. Ang pangit talaga ng ugali ng babaeng yun. Buti nya sa kanya yung punagsasabi nila Megan sa kanya.
"Wuoh! Adol na talaga kita Devon." manghang sabay na sabay na sabi nila sa akin.
Halos mamula naman ang buong mukha ko dahil sa sinabi nila. Luh? Wala namang nakakamangha dun a. Tss.
Napangisi na lang ako sa aking isipan.
"Buti na lang at umalis na ang babaeng malandi na yun. Naasar ako sa ugali nya e."
"Akala mo kung sino. Tsk! Buti na lang at nakapagpigil ako, baka kung hindi, sa spaghetti na kinanakain ko ang bagsak nya. Psh! Kabanas."
"Pero syet, nakakatawa talaga yung sinabi ni Devon kanina. Psh! Haha!!"
"Buwahaha!!"
"Huwahaha!!"
Napailing na lang ako dahil sa mga ibat ibang komento nila sa sinabi ko kay Kate. Psh! Tama lang yun sa kanya, ang tabas ng dila.
Natawa na lang ako dahil dun.
Wala ako sa sariling napatingin sa pwesto ni Calvin na kanina pa palang nakatingin sa akin.
*tug*
*tug*
*tug*
Ewan ko kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang tawag dito.
Napahawak na lang ako sa aking dibdib kung saan ang puso ko. Bakit bigla bigla na lang bumibilis ang tibok nito?
Nakatingin parin ako diretso sa mata nya. Parang ayaw ko itong nararamdaman kong to. Parang kinakabahan ako bigla.
May namumuo na sa isipan ko kung ano ba itong nararamdaman kong to. Pero pilit ko paring winawaksi.
Parang ayaw kong alamin pa. May takot sa puso ko.
Matapos kaming kumain. Nagsibalikan kami sa room.
Hanggang matapos ang lahat ng klase namin sa araw na ito.
*******
Next day....
"Bakit pala ayaw nyong may ibang kasakama na babae si Calvin? Yun ang madalas na napapansin ko kung may dinadala syang babae?" takang tanong ko sa kanila.
Binaba ko naman ang librong hawak hawak ko. Tumingin naman ako diretso sa kanila habang nakakunot noo.
Napatingin naman sila sa akin. Parang may nakapagtataka sa tanong ko. Sabagay nakapagtataka naman kasi ang tanong ko sa kanila. Bigla bigla kasi akong nagtanong ng ganun sa kanila.
"Bakit mo natanong, Devon?" balik na tanong din ni Megan. Ako ang unang nagtanong e. Hindi pa nila sinasagot ang tanong ko. Hmp.
Kabit balikat naman ako sumandal sa katawan ng puso dito sa likuran ko. Nandito kami ngayon sa field, dito kami kumain ng break time. Mas presko daw kasi dito kasya sa canteen, ang daming tao ang iingay pa nila. Tsss.
Inayos ko muna ang salamin ko bago sumagot. Sige na nga, sasagutin ko na lang yung tanong nila sa akin, kahit ako ang unang nagtanong.
"Wala lang. Natanong ko lang dahil yun ang nakikita ko at nararamdaman." parang baliwala ko lang na sagot.
Yung lang naman kasi ang napapansin ko. Psh! Kabit balikat na lang ulit ako.
Binalik ko naman ang tingin ko sa librong binabasa ko kanina. Hindi ko na kasi natuloy ang pagbabasa dahil bigla kasing pumasok sa isip ko ang tanang na yun. Tsk! Nakaka curious lang kasi.
Buti na lang at wala yung apat na lalaki dahil bumili sila ng pagkain. Kaya kaming apat na babae ang natira dito.
Baka kung nandito lang sila tapos tinanong nila kung bakit ko tinatanong. Baka kayaw ang inabot ko sa mga yun, ang gagaling ba naman na mag asar. Tsss.
Pero nangangamoy tukso ang nag aabang ngayon sa akin dito sa tatlong babae na ito. Malakas din mag asar ang mga ito e. Kaya medyo kinabahan naman ako dun.
Sana pala hindi ko na lang tinanong ang bagay na yun.
Binalik ko ang tingin sa kanila. Ampupu. Bakit ganyan sila makatingin sa akin? Bakit sila nakangisi sa akin ng sobrang laki? Parang mapupunit na ang kanilang mga labi dahil sa ngiti nilang nakakakilabot.
Napalunok naman ako wala sa oras.
"B-bakit g-ganyan kayo m-makatingin sa akin? A-anong klaseng tingin yan ha??" utal utal kong tanong sa kanila.
"Hmm! Ano ba ang tingin namin sayo?" pag asar na tanong ni Tanya, taas baba pa ang kanyang kilay.
Ehem! Bakit uminit bigla... Alam kong nainit dito sa field pero iba ang init ngayon a.
"Interesado ka ba sa kanya kaya tinatanong mo kung bakit ayaw naming may kasama syang ibang babae??" pag aasar din ni Trisha sa akin at may nakakalokang nakapaskil sa labi.
Eto na naman ang pagbibilis ng tibok ng puso ko e.
"Bakit kaya tinatanong ng ating kaibigan na si Devon kung bakit ayaw nating may kasakasama si Calvin na ibang babae?" pekeng naiisip naman si Megan habang hawak hawak ang kanyang baba. Tapos tumingin sa taas ng puno.
Parang muntanga ang isang ito. Bakit nasa taas ba ng puno ang sagot, para dun sya tumingin? O baka naman kamukha ko yung puno para dun sya tumingin.
Hay ewan ko kay Megan kung ano ano ang iniisip. Hindi ko kasamalan kung maging baliw sya.
"Para kang muntanga dyan Megan. Sa taas ka ba naman nakatingin. Psh! Haha!" bigla kong sabi sa kaniya at may kasama pang mahina ng tawa.
Napatingin naman sya sa akin at sinamahan ng tingin. Hehe!
"Hehe! Peace." nagpeace lang ako sa kanya.
"Gusto mo talagang malaman??" bigla na lang imik ni Trisha. Syet! Nakakakaba talaga ang babaeng ito. Lagi na lang syang seryoso.
Napalunok naman ako wala sa oras at tumingin sila sa akin. Dahan dahan naman akong nagnod sa kanila. Wala namang masama kung magtanong diba?
Baka akala nila, may gusto ako sa lalaking yun. Psh!
"Dahil may gusto kaming babae para sa kanya. Sya ang gusto naming makama ni Calvin, sya ang nababagay at magpapabago sa pagiging playboy nya. Bagay na bagay kasi sila." mahabang sagot ni Tanya sa akin, bakas sa mukha ang pagkaseryoso.
Napalunok ulit ako dahil dun. Nakita ko din na nakatutok sa akin ang tingin nila. Nagtaka naman ako pero hindi ko pinahalata yun.
Pero may kung ano ang sa puso ko ang nalungkot. Ewan ko kung bakit bigla bigla kong naramdaman yun?
May sakit ba ako sa puso para maramdaman ko ang bagay na yun? Winaksi ko ang bagay na namumuo sa aking isipan.
"A-ah ganun pala yun kaya ayaw nyo syang may kasakasama syang ito." yun na lang ang lumabas sa akin.
Wala akong komento sa sagot nilang yun. Alangan naman tanungin ko pa kung sino ang babaeng yun. Baka akala nila.....hmp... Wag ko na nga lang yun pansinin.
"Gusto mo bang malaman kung sino ang babaeng yun??" seryosong tanong ni Trisha habang mariin na nakatingin sa akin.
Bigla na lang umurong ang dila ko dahil sa seryosong tanong ni Trisha.
Hindi ko namalayan na dahan dahan na pala akong napatango. Parang may sariling isip ang ulo para tumango. Syet! Bakit bigla bilga na lang nagreact ang ulo ko para tumango?
"Siâââ "
Hindi natapos ang sasabihin ni Tanya ng may narinig kaming tawanan mula sa likuran namin.
Kaya hindi na nasabi ni Tanya kung sino ang babaeng gusto nila kay Calvin.
Napatingin na din ako kung saan sila nakatingin ngayon. Nakita ko sina Ross na nagtatawan papalapit dito.
Pero bago yun, nahangip sa gilid ng mata ko ang ngiti nila Megan sa akin. Parang may pinapahiwatig ang tingin nilang yun sa akin.
Hindi ko na lang pinansin ang tingin na yun. Pero medyo kinabahan ako dun.
Napanguso na lang ako dahil hindi nila nasabi sa akin kung sino ang gusto nila kay Calvin. Pero bakit nga ba ako nainis bigla dahil lang dun?
Ugh...
Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko?? Syet! Mangkukulam ba ang lalaking ito? Bakit ganun na lang?
Hindi ko na lang sya tinapunan ng tingin. Baka mas lalo lang akong kakabahan.
"Are you okay, Devon? Bakit nakahawak ka sa dibdib mo? May masakit ba?" nag aalalang tanong bigla ni Megan.
Kaya nakakunot naman ako akong napatingin sa kanya. Pero napansin ko na napatingin lahat sila sa akin pati itong katabi ko.
Wala naman ako sa sarili na napahawak sa dibdib ko kung saan banda ang puso ko. Napako naman dun ang tingin. Hindi ko namalayan na napahawak na pala ako dun.
Umiling iling naman ako sa kanya at binigyan sila ng ngiti. Isang simpleng ngiti, para wag silang mag aalala sa akin.
Sinuri naman sila ako. Kaya umiwas ako ako ng tingin sa kanila, naiilang kasi ako sa tingin nilang yun.
"Magsabi ka lang kung may masama kang naramdaman. Wag kang mahiya na magsabi." nakangiting sabi ni Ross habang ngumunguya.
Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.
"Salamat sa inyo." magiliw kong pasasalamat sa kanila. Ang ganda pala sa pakiramdam na may nag aalala sayo. Nakakagaan ng loob.
Ang swerte ko dahil nakilala ko silang lahat. Dahil sa kanila, hindi ako nag iisa.
"Wala yun, kaibigan ka na namin e." sabay sabay nilang sabi habang malawak ang ngiti na nakatingin sa akin.
"Ano pala ang binili nyo? Nasaan na yung pinapabili namin??" tanong bigla ni Trisha. Kaya napatigil naman kami.
Oo nga no, kanina pa sila nakarating pero wala pa silang binibigay na pagkain. Hmm. Nasobrahan sa tawanan kaya nalimutan na ang pinili nilang pagkain. Haha...
"Hehe! Heto na pala." nagpeace muna si Tristan bago binigay ang binili nilang....... JUNK FOOD???...
Kumunot bigla ang noo ko. Pero hindi ko maitatago sa aking mata ang pagkinang. Hehe! Favorite ko ang junk food.
"Akala ko makakalimutan na nila e. Sayang. Tsk!" biglang bulong ni Ross pero hindi ko alam kung ano ang bagay na yun.
Pero hindi ko na lang yun pinansin.
"may binubulong ka ba Rossy?" nakataas ang kilay na tanong ni Tanya at humarap kay Ross na parang bata kung kumain.
Psh! Ang cute ng lalaking ito. Parang mas cute pa sa akin. Hmp. Pero ok lang, ako parin ang maganda.
*cough*
*cough*
*cough*
Ayy putek! Hindi nakisama.
Ehem!......
Ehem!.....
Sige na nga wag na lang yung maganda.... Pretty na lang... Hehe....
*cough*
*cough*
*cough*
"Aray ko!!!" napadain na lang ako dahil sa iniisip ko. Nabulunan ako sa sarili kong laway. Ampupu!...
Pinupukpok ko naman ang dibdib dahil dun. Putek! Bigla bigla na lang ako nabubulunan.
Baka may nakaalala sa akin. Hmm.
"Inumin mo ito para mawala yang pag ubo mo."
Napabaling naman ang tingin ko sa katabi ko na inabot ang hawak nyang soda... Parang napako naman ang tingin ko sa hawak nyang soda na nasa harap ko ngayon.
Bakit naman nya sa akin ibibigay ang inumin sa akin? At isa pa, kahapon lang hindi sya namamansin tapos biglang naging mabait.
Ehem.....
Wala ako sa sariling napaangat ng tingin. Kaya dun nagtama ang tingin naming dalawa. Wala akong nakikita na emosyon sa mukha.
Naramdaman ko naman na napatigil sa pagkukwentuhan ang kasama na nasa harap lang namin. Ang mata nila ay nasa amin ngayon.
Medyo nailang naman ako dahil dun.
Parang may sariling isip ang kamay ko dahil bigla na lang kinuhan ang biglay ni Calvin sa akin na soda. Ayaw ko sa namang kunin e, itong kamay ko kasi pasaway.
*dug*
*dug*
*dug*
Heto na naman e. Bumalik na naman ang pagbibilis ng tibok ng puso ko. Nagkadikit lang ako daliri namin, narereact na agad ang buong katawan ko.
Parang may koryente na dumaloy sa buong katawan ko. Huhu! what of the meaning of this?
"Thanks!" mahinhin kong pasasalamat sa kanya at umiwas ng tingin. Parang uminit bigla yung pisngi ko.
Dahil siguro ito sa init ng panahon..... Oo, init lang ito ng panahon kaya namumula ako ngayon.
"Tsss!"
Hindi ko na yun pinansin. Agad kong tinungga ang binigay nyang soda. Nauhaw ako dun a. Psh!
Nagtaka naman ng hindi nagsasalita ang nasa harapan namin. Para silang nawalan ng dila. Pabalik balik ang tingin nila sa amin ni Calvin. Parang may kung ano sa mata nila na hindi ko masabi kung anong emosyon na yun......
Inayos ko naman ang salamin ko at kunot na tinginan sila. Bakit ang wiweird ng mga ito? Para silang shunga dahil sa tingin nilang yun.
Kaya hindi ako nakatingin." Huyy! Anong nangyayari sa inyo? Bakit parang natulala na kayo dyan sa kinakaupuan nyo? Palipat lipat na tingin nyo sa amin? May problema?" may pag aalala kong tanong.
Medyo hiningal pa ako dahil sa sunod sunod ang pagtanong ko sa kanila. Psh! Gusto kong tumawa ng malakas dahil dun.
Napakamot naman ako ng ulo at bumaling ang tingin kay Calvin na nasa tabi ko.
"Anong nangyayari sa kanila? Bakit parang tulala sila?" takang tanong ko din sa kanya.
Tumingin naman sya sa akin at biglang nagkabit balikat. Nakita ko na naman na kumuhan ng panibagong chippy sa harapan namin.
"Ewan ko sa mga yan." baliwala nyang sagot. Parang wala syang pakialam sa kanila. Psh! Bastos nito.
Mabulunan ka sana. bigla ko na lang sabi sa isip ko.
*cough*
*cough*
*cough*
Syet!
Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa isipan ko. Hindi ko alam na magkakatotoo pala.
"Tu-tubig.... P-p-panginging -tubig. *cough* " hahihirapan nyang sabi.
Kaya kinabahan ako dun. Wala sa sariling binigay ko ang binigay nya kanina na soda. Dahil na rin sa sobrang kaba ko, hindi na ako nag abalang nagbukas pa ng iba.
Dahil soda lang ang hawak ko, yun na lang ang binigay ko. Wala naman akong nakita na binili nilang tubig.
Para akong nabunutan ng tinik dahil sa nakita kong okay na sya. Pero may konting ubo parin na lumalabas sa bibig.
Hindi ko namalayan na hinihimas ko na pala ang likod nya. Para mabasan ang nararamdaman.
"Okay ka na? Gusto mo pa ba ng uminom?" nag aalalang tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mukha mukha nyang medyo namumula.
Lumingon naman sya sa akin at binigyan ng pilit na ngiti.
"Wag na. Salamat pala."
Tumango na lang ako dahil dun. Hay, akala ko kung may masama ng mangyayari sa kanya.
"Indirect kiss"
Gulat akong napatingin kina Tanya.. Hindi ko namalayan na napanganaga na lang ako dahil sa sabay sabay nilang sabi.
Pinagsasabi nila???