Devon's PoV
"Indirect kiss"
Gulat akong napatingin kina Tanya.. Hindi ko namalayan na napanganaga na lang ako dahil sa sabay sabay nilang sabi.
Pinagsasabi nila???
Anong indirect kiss???
Kunot noo ko naman silang tinignan. "Pinagsasabi nyo? Hindi ko kaya maintindihan guys?" takang tanong ko sa kanila.
Tumingin muna ako kay Calvin para sana tanungin kung ano ang punagsasabi nilang indirect kiss daw.
Pero pagtingin ko sa kanya, nasa ibang direksyon ang kanyang paningin. Parang hindi sya makatingin dito. Parang malayo ang iniisip. Pero may isa akong napasin sa kanya ang......
Pagmumula ng kanyang tenga.
Kumunot naman ako dahil dun. Anong nangyari sa isang ito? Bakit namumula ang magkabilang tenga nya?
Napailing na lang ako at inalis ang tingin sa kanya at binalik ang tingin sa harapan ko.
O_O
Bakit nakangisi silang lahat?
"Bakit hindi mo alam ang ibig sabihin ng indirect kiss? Hmm." nakangising tanong ni Tristan.
Tatanungin ko pa ba kung alam ko ang sinasabi nila. Shunga din pala ang isang to e. De joke lang. Hehe! Sa isip ko.
"Kaya nga ako nagtatanong e."
Nagtawanan naman sila. Akala mo wala ng bukas. Napasimangot naman ako. Hmp. Bakit sila tumatawa?
Bakit hindi na lang kasi nila diretsohin. Psh!...
"Ang indirect kiss ay yung hindi kayo diretsong nagkiss. Parang yung nangyari kanina. Halimbawa kanina nung nabilanuukan ka, tapos binigay ni Calvin yung iniinom nyang soda. Diba ininom mo yun, tapos sya din yung nabinaukan ibinigay mo din sa kanya yung soda na iniinom mo. Yung ang ibig sabihin ng indirect kiss na sinasabi namin." mahaba habang paliwanag ni Ross
[a/n: hello guys :)) hehe! Ganun ba ang ibig sabihin ng indirect kiss? Haha! Syet! Ang hirap magpaliwanag, tapos mali pa ang pagkapaliwanag mo. Hehe!! Pagpasensyahan nyo na lang yung paliwanag ko. Huhu!!]
Napatanga na lang ako sa kinakaupuan ko. Parang hindi nagsink sa isip ko ang paliwanag ni Ross.
Alam kong magaling ako pero, bakit hindi ko alam ang ibig sabihin ng indirect kiss na yan??
Ganun pala ang ibig sabihin nun. Kung ganun.... Gosh!... Nakakahiya ang nangyari, nagshare kami sa iisang soda. Waaahhh...
Parang sirang plaka ang sinabi ni Ross.
Namula ang buong mukha ko. Parang nag-aalab na apoy. Huhu! Bakit ganun? Isabay mo pa ang pagbibilis ng tibok ng puso ko.
Parang hinabol ako ng maraming aso sa bilis.
May isa pa akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Parang hindi kapakapaniwala sa akin. Hindi ko inaakala na mararamdaman ko sa kanya.
Yung bang.............
....Kilig
Heart naman, bakit ang lakas ng tibok ng puso mo? Pwede bang kumalma ka muna.
"Ayieee! Kinikilig sya o"
"Gosh! Nakita nyo yung mukha ni Devon? Ang pula pula."
"Dahil siguro sa sobrang kilig kaya namula ang buong mukha nya. Ehem!"
"Bakit kaya hindi makatingin si Calvin ngayon sa atin?"
"Baka kinikilig din sya, ayaw niya lang sabihin"
"Haha! Siguro!"
"Buwahahahha!!"
Mas lalo akong namula dahil sa mga ibat iba nilang komento. Urgh!
Ang hilig talaga mang asar ang mga ito. Hindi kaya ako kinikilig sa nangyari..Hindi talaga promise. Hindi...
Pero gosh.. Pati pamumula ng pisngi ko.
Napayuko na lang ako dahil dun. Parang ayaw kong mag angat ng tingin dahil baka mas lalo lang nila akong asarin.
Inilagay ko na lang ang dalawang palad ko sa mukha ko para takpan ang mukha kong namumula. Huhu!
"Hala si Devon ayaw ipakita ang mukha nyang namumula." katyaw nila sa akin.
Bakit hindi nagsasalita si Calvin dito sa tabi ko. Kanina pa walang imik. Siguro inis na inis na sya sa mga katyawan nila.
Sino ba kasi ang hindi maiinis kung katyawin ka nila, tapos ako pa ang napili nila. Syempre maiinis ka talaga ng sobra. Sa pangit kong ito. Psh.
Narinig ko naman na tumahimik sila sa pagkutyaw na amin. Kaya napakunot ako bigla.
Parang may gumalaw sa tabi ko. Dahan dahan ko namang tinaas ang ulo ko para makita yun.
Pero pag angat ko ng tingin, nakita ko na ang papalayong bulto ni Calvin. Hindi ko alam kung saan pumunta.
Ganun na ba sya kainis? Para nag-walkout siya?
Hindi ko alam kung bakit may kung anong bumara sa lalamunan ko. Tapos may lungkot akong naramdaman.
"Anong nanyari sa isang yun? Bigla bigla na lang umaalis?"
"Tinopak na naman ang isang yun."
Nabalik ang ulirat ko dahil sa boses nilang narinig ko.
Kaya nabalik ang tingin ko sa kanila.
***
Heto ako ngayon nakaupo sa sarili kong upuan dito sa room. Nakikinig sa guro naming nagdi-discuss ng lessons.
Para akong robot dito sa kinakaupuan ko dahil hindi ako gumagalaw. Naaalala ko kasi yung nangyari kanina. Hindi parin maalis sa akin yun.
Isa pa itong katabi ko. Parang naiilang ako na ewan. Ampupu. Hindi ko alam kung bakit ako naiilang? Hindi naman ako ganito noon.
Buti na lang at nagbell na kanina. At buti na lang at tinigilan na nila ako sa pagtukso. Hindi ba nila naramdaman na kanina pa ako naiilang sa mga tukso nila.
Kaya heto ngayon, hindi na nila ako tinutukso. Hay, salamat naman.
Habang nakikinig ako, naramdaman ko naman na naiihi ako. Kaya agad akong nag excuse.
"Ma'am." tinaas ko naman ang aking right na kamay.
Napatingin naman sa akin ang subject teacher namin. Kumunot naman nyang pinaba ang librong hawak nya.
"Yes, Miss Acosta?"
Dahan dahan naman akong tumayo. Pero ramdam ko ang tingin nilang lahat sa akin. Medyo nailang ako dun. Isama mo pa ang tingin ng katabi ko.
"Excuse me ma'am, naiihi po ako, pwedeng bang lumabas." mahinhin kong pag-e-excuse.
"Sige lumabas kana pero bumalik ka agad."
Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya at dali daling naglakad papunta sa labas. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang tingin nila Trisha sa akin.
Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis akong makapunta CR. Huhu! Nang nakarating ako dun, agad akong pumasok sa cubicle.
Nang natapos akong umihi agad akong nahugas ng kamay, agad din akong lumabas pagkatapos nun.
Dahil busy akong nag aayos ng palda, hindi ko namalayan na may nabunggo ako.
Buti na at hindi ako napaupo dahil. Napaatras naman ako dahil dun. Badtrip naman o.
"Sorry miss!" paumanhin ng nakabunggo ko.
Wait... Parang pamilyar sa akin ang boses na yun a... Saan ko na nga ba yun narinig? Hmm.
Dahan dahan naman akong napaangat ng tingin. Napaatras naman ako ulit dahil sa gulat ng nakita ko ang mukha ng nakabangga ko.
"It's you again." umarte naman na nagulat sya. OA.
Inayos ko naman ang salamin ko. Tiningnan ko lang sya at linagpasan. Pakialam ko naman sa isang yun.
"Wait! Bakit hindi ka namamansin? Ang bad mo."
Nagulat naman ako ng hinawakan nya ang braso ko. Kaya dahan dahan naman akong humarap sa kanya at tumingin sa braso kong hawak nya.
Kumunot naman ako dahil dun.
Napabitaw naman sya ng pagkakahawak nang makita nyang nakatingin ako sa braso kong hawak nya.
"Sorry."
Napakamot na lang sya ng ulo dahil dun.
"A-anong kailangan mo?" tipid kong tanong sa kaniya habang nakakunot parin. Bigla bigla na lang kasi syang naghahawak ng braso.
"Hindi ka kasi namamansin." sagot nya habang nakasimangot.
"M-May klase pa ako e." sabi ko. Feeling close ang lalaking ito. Kahapon ko lang nakilala e akala mo matagal na kaming magkakilala.
Hindi naman sa ayaw ko syang makita. Ayaw ko lang pagtsismisan. Kung ano ano na naman ang pinagsasabi nila sa akin. Mukhang isa din itong inahangaan ng kababaihan.
Ang sasakit pa naman ng mga sinasabi nila sa akin kung nakikita nilang may kasakasama akong lalaki.
"Ah sige. Sorry na lang." medyo malungkot nyang paghingi ng paumanhin.
Napabuntong hininga na lang ako at napakagat ng labi. Bakit bigla na lang syang nagkaganun? Bakit biglang nalungkot ang mukha nya?
"S-sige."
Tumalikod na ako sa kanya ng matapos kong sinabi ang katagang yun. Humugot na lang ako ulit ng mahabang buntong hininga.
Parang kinapos ako ng hangin sa baga.
Tinuloy ko na lang ang paglalakad hanggang nakarating ako sa tapat ng room namin. Pero bago ako pumasok, huminga na naman ako ng malalim na buntong hininga.
Nang nakapasok ako sa loob ng room, lahat ng mata nila ay nasa akin. Kaya medyo nailang naman ako dahil dun.
Nagbow ulit ako kay ma'am bago lumapit sa upuan ko. Pero hindi pa ako nakakalapit sa kinakaupuan ko ng may pumatid sa akin.
Kaya ang bagsak ko ay sa sahig. Kasabay ng pagbagsak ko sa sahig nahulog ang salamin ko. Sa hindi ko inaasahan naapakan ko yung salamin ko.
Parang hindi ako makagalaw dun. Tumahimik din ang tao dito sa loob. Gusto kong umiyak ng umiyak pero pinipigilan ko. Ayoko kong umiyak sa harap nilang lahat.
Pati na rin yung salamin ko. Wala na sirang sira na, hindi na magagamit dahil sa pagkakaapak ko. Gusto kong iyakan yun.
"Hahaha! Ang lampa lampa mo talaga nerd."
"Bagay na bagay ka talaga dyan sa sahig. Haha!!"
"May nahuli ka bang isda nerd?? Haha! Parang kang naghuhuli ng isda. Hahaha!..."
"Hanep din magdive Devon a. Paturo nga din ako. Buwahahaha!!"
"Iiyak na yan.... Iiyak na yan.... Buwahahahaha!!"
Hindi ko na malayan na may tumulo na palang luha sa mata ko. Ang sasakit ng mga sinasabi nila sa akin. Mga panlalait na akala mo hindi ako nasasaktan.
Nahihiya ako.
"QUIET!!!!"
Natahimik naman ang mga tao dito sa loob ng room ng biglang sumigaw ng malakas ng subject teacher namin. Wala din ang nagtangkang magsalita pa.
Nagulat naman ako ng may tumigil sa harapan ko, ewan ko kung sino yun dahil sapatos lang ang nakita ko.
Dahan dahan naman akong nag angat ng tingin sa kaharap ko upang nakita ang taong yun.
Medyo malabo din ang tingin ko kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nya. Pero pamilyar na pamilyar sa akin ang amoy na yun. Hindi ako nagkakamali dahil araw araw kong naamoy ang ganung amoy.
Pero ang huling natatandaan ko na lang ay ang sinalo ako ng taong nasa harap ko.
Bago ko pinikit ang mata ko, binigyan ko sya ng isang ngiti...
Salamat Calvin.
***
Takbo lang ako ng takbo hindi ko alam kung saan ako magtatago dahil ang daming naghahabol sa akin.
Lahat sila nansisiliksik ang mata. Parang bubugahan nila ako ng apoy. Habol habol ko ngayon ang hininga ko. Parang nauubusan na ang hangin ang aking baga.
"Walangyang babae ka, inagaw mo si ****** sa amin."
"Dapat sayo mamatay.. Wuhahaaahhh!!"
"Hindi ka namin titigilaaannnnn... Hahahahaha!!!"
"Kahit saan ka pa magtago, makikita at makikita ka parin namin.. Buwahahaha!!!"
Tumingin ako sa likod ko. Nandun parin sila, tinitignan nila ako habang tumatawa sila ng malademonyo....
Nagulat ako ng may humawak sa braso ko.
"Nahuli rin kita babae papatayin na kita gayon" malademonyong sabi ng babaeng humawak sa braso ko.
Sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko dahil napasigaw ako ng malakas.
"Waaahhhhhh...... "
"WAAA---hmmp"
Napamulat agad ako ng mata dahil sa may naramdaman akong koryente na dumaloy sa buong katawan ko.
Isama mo pa ang panaginip ko. Diba dapat hiningal ako dahil sa panaginip ko?
Pero bakit hindi ako makahinga ngayon?
Parang hindi din ako makakilos.
Sa pagmulat ko. Tumamblad sa akin ang matang nanlalaki. Parang hindi din makagalaw sa kinakaupan. Parang napako kaming dalawa sa ganung pwesto.
Habang ang labi namin magkadikit.....
Sana panaginip lang ito.. Huhu! Lord pls gisingin nyo naman ako, alam kong panaginip lang ito. Waaahhh!...
Bakiiitttt??
Bakit nagkadikit ang labi naminnnnn??
.......Walangya ka Calvin....
Calvin's PoV
Agad kong hiniga ang babaeng nerd na ito sa kama ng clinic dito sa school. Putek. Ang bigat bigat nya sa totoo lang.
Nagtataka ako kung bakit ang payat payat nya tapos ang bigat bigat. Psh. Saan ba napupunta ang kinakain nya? Tsk!
Pagkalapag ko sa kanya sa kama agad akong tumayo. Shit! Ang sakit ng balikat ko dahil sa nerd na ito. Ugh!
Ano bang nakain ko at binuhat ko pa syang dinala dito? Tsss. Lagi na lang ako ang nagdadala sa kanya dito kung may mangyayari sa kanyang masama.
Suki na talaga ang nerd na ito sa clinic.. Tsk.. Hindi na ako magtataka kung sa ospital na ang sunod na pagbagsakan nito. De joke lang.
Noong nagkasugat ang tuhod, ako na naman ang nagdala sa kanya. Hay naku, lampa lampa talaga ang mabigat na nerd na ito. Ang pangit na nga. Psh!
Diba dapat wala akong pakialam sa isang ito? Walang ginawa kundi ang tarayan ako....Tsk!
Pero may nagtulak parin sa akin na tulungan sya. Nung nakita ko sya kanina sa sahig na nakayuko na may pumatak na luha sa kanyang mata.
May sariling isip ang paa ko upang puntahan sya.
Nang bigla nyang nag-angat ng tingin sa akin dun ko nakita ng tuluyan ang luhang nagsinaunang magsilabasan sa kanyang mata.
Medyo nagulat din ako ng bigla syang tumayo pero mas kinagulat ko ay ang bigla syang nahimatay. Buti na lang at nandun ako sa harap niya para hindi sya tuluyang nahulog sa sahig.
Agad ko syang dinala sa clinic nung time na yun. Medyo kinabahan din ako.
Kaya heto ako ngayon, nagbabantay na naman sa kanya. Psh! Kahit talaga ang bababeng ito, pa-special.
Napako naman ang tingin ko sa mukha nyang walang salamin. Ngayon ko lang napansin na may mahahaba pala syang pilik mata, medyo may katangusang ilong, mabibilog na pisngi na siguro masarap na pisil pisilin..
Wait.... What??..... Sinasabi kong masarap pisil pisilin? No hindi ko yun inisip..
Bakit kasi hindi na lang ito magcontact lens para walang sabagal sa mukha. Para mas lalo pang maganda ang mukha kung wala yun...
Wait... Wait.. Sinabi ko bang maganda? Shit!
No no wala lang yun.. Nagkamali lang ako.. Oo, yun lang, nagkamali ko.
Kung ano ano na naman kasi ang nasa isip ko.
"Suki na kayo dito sa clinic a."
Medyo nagulat naman ako ng may biglang nagsalita mula sa likuran ko. Kaya agad naman akong tumingin sa nagsalita.
Si Nurse Kristine.
Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya.
Shit. Wag nya sanang napansin ang pagtitig ko kay nerd. Baka kung ano ano ang sabihin nya. Nakakahiya kung nagkataon.
"Oo nga Nurse Kristine e. Ang lampa lampa kasi itong nerd na ito. Parati na lang nadidisgrasya." sabi ko naman sa kanya at napakamot ng ulo.
Ang ganda talaga ni Nurse Kristine. Hindi kagaya ng nerd na ito. Hindi man lang alam ang mag ayos sa katawan. Ang baduy baduy ang mga suot.
Nakangiti naman na umiling si nurse Kristine. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Wala naman a. Psh!
"Pansin ko. Ikaw ang madalas nyang kasama kung pupunta sya dito. Ikaw lagi ang nagdadala kung may nangyayaring masama sa kanya." nakangising sabi ni nurse Kristine.
Ewan ko kung guni guni ko lang yun o ano. Parang may panunukso sa boses nya. Parang.... Ayy ewan ko.
Medyo umilap din ang tingin ko sa kanya. Tsk! Bakit bigla bigla nya kasing sinabi yun? Nailang tuloy ako.
"A-ako kasi ang inutusan ng subject teacher namin na dahil dito." pagsisinungaling ko.
Kailangan na magsinungaling e. Nahihiya akong sabihin. Tsk!
Nang matapos niyang tignan si Nerd. Bigla siyang nagpaalam.
"Hmm. Ganun ba. Sige dun muna ako sa deck ko. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka." nakangiting sabi nya sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kanya bigla sagot. Pero bago pumunta sa lamesa Niya, tinignan niya muna ang kalagayan ni nerd.
Humarap naman ako ng tingin kay nerd.
Nakunot naman ako bigla. Nataranta naman ako bigla dahil nakita ko syang pingpapawisan at pabaling paling ang ulo nya. Nananaginip sya.
Dali dali naman akong lumapit sa kanya, hindi ko na din pinansin ang mukha naming ang lapit. Konting konti na lang maglalapat ang labi naming dalawa.
"Hoy nerd!! Hey, Devon gising.." taranta kong pagigising sa kanya pero wala parin.
"WAAA---hmmp."
Napatigil ako ng bahagya. Parang hindi ako makagalaw sa kinakaupuan ko. Parang napako ako.
Anong nangyari??
Bakit may malambot akong naramdaman??
Ang bilis ng pangyayari.... Para din akong kinapos ng hangin. Hindi ako masyadong makanginga.
Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano lumaki bigla ang mata ni nerd. Mas maganda pa pala sya malapitan. Ang ganda ng mga mata nya.
*tug*
*tug*
*tug*
What was that? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
Hindi naman ito ang unang nangyari sa akin a. Halos araw araw ko itong ginagawa sa ibat ibang babae.
Pero hindi naman bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit sa kanya ko nararamdaman ang pagbibilis?
Pero bakit sya??... Sya na... Aishh!.. Ugh.
"Oh my gosh!!"
"Waaahh!"
"Syet! What the meaning of this? Ayiee!"
"The h*ck! dude! Tsk! Tsk! Antinik mo"
"Nice one brad! Wala paring kupas."
"Naka score na naman ang ating binansagang playpoy. tsss"
Mabilis pa sa kidlat ang paglayo ko sa kanya. Shit! Bakit ganun pa kasi nil kami naabutan? Baka akala nila naghahalikan kami. Tsk! Yuck lang a.
"Ano yung naabutan namin a?" panunukso ni Tanya habang nakangisi.
Naningkit naman ang dalawa kong mata dahil sa pamumukso nya. Tss. Ang lakas din mang asar ng babaeng ito e.
"Tsk!"
hindi ko sinagot ang tanong nya.
Wala naman ako sa sariling napatingin kay nerd. Psh! Nakakatawa ang mukha nya, para syang nawalan ng dugo. Ang putla ng mukha nya. Haha.
Pigil pigil parin ako ng tawa habang nakatingin sa kanya ng palihim. Psh! Haha.. Nakakatawa talaga ang nerd na ito.
"Maayos na pa ang pakiramdam mo Devon? May masakit ba sayo?" may pag aalalalang tanong ni Megan sa kanya.
Agad nagsilapitan ang mga babae sa kanya. Sina Tyron naman, tumayo sila sa gilid ko at binigyan ako ng ngiting may kahulugan.
Kumunot naman ako dun. Ano na naman kaya ang nasa isip ng mga ito? Kung maka ngisi kasi sila. Tsss.
"Anong nginingisi ngisi nyo dyan huh? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin na akala mo may ginawa akong mali?" pasigaw kong bulong sa kanila.
Buti na lang at na kay nerd ang tingin nila busy silang katatanong kung bakit ganun ang nadatnan nila. Psh! Kahit kailangan talaga mga ito, oo. Mga tsismosa, ang hilig pang manukso.
Pero bakit hindi parin nawawala sa dibdib ko ang pagbibilis?.. Hanggang ngayon parang nararamdaman ko parin ang malambot nyang labi sa labi ko.
Damn.. Araw araw naman na may kahalikan ako pero hindi naman bumibilis ang tibok ng puso, tulad ng pagbibilis ng tibok ng puso ko kanina. Na sa kanya ko lang naramdaman.
Urgh! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang natatakot ako na ewan.
"Mukhang tinamaan ang kaibigan nating babaero. Kita nyo naman, para syang timang na nakatunganga. Haha!"
"Tsk! Tsk! Sabi ko na e."
Napabaling naman ang tingin ko sa kanila na kanina pa pala nila ako pinagkukwentuhan, hindi ko man lang namamalayan.
F*ck. Anong pinagsasabi ng mga ito?
"Anong pinagsasabi nyo huh? Kung makapagtsismisan nyo ako, akala nyo wala ako sa harapan nya. Tsk." iritang sabi ko sa kaniya, bakas sa boses ko ang pagkasarkastiko.
Inosente naman nila akong tiningnan. Mas lalo namang nagsalubong ang kilay ko dahil dun. Tangna talaga ang mga ito.
"Uyy si Calvin nadinig tayo. Hala lagot tayo nito. Akala ko kasi hindi sya nakikinig e. Ha... Ha... Ha.." sarkastikong pang aasar ni Tristan.
Gagong 'to. Ang lakas ng topak.
"Pre anong nangyayari sayo? Kanina ka pa naming kinakausap pero hindi ko nakikinig? Parang ang layo ng isip mo." may pag aalalang tanong ni Tyron.
Tumingin naman ako sa. Tsk! Baka kung sasabihin ko naman sa kanila, hindi matatapos na tuksuan ang magaganap.
Napabuntong hininga ako.
"Baka iniisip ang nangyari kanina kaya wala ang isip sa atin?? Tsk! Tsk! Iba na yan dude." nakangising pang asar ni Ross.
Naningkit naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Nangpapatawa ba ang gagong to? Sapakin ko sya e. Tsss.
Sabagay tama naman sya.
"Tigilan mo nga ako Ross baka masapak pa kita wala sa oras." inis kong bulyaw.
Sinamahan ko lang sya ng masamang tingin. Pero ang loko tinaas lang ang dalawang kamay parang susuko sa pulis. Tsss.
"Oh chill lang. Wag kang magalit." napangisi na lang sya nung sinabi yun.
"Tigil na baka magwala pa si Calvin e. Haha.." pang aasar din ni Tristan. Putek. Hindi ba ako titigilan ang mga ito? Nakakainis na a.
"Tsk! Badtrip."
"Kwento ka naman sa nangyari kanina?"
Devon's PoV
YUNG FIRST KISS KOOOOO...... NAWALA NA LANG BIGLA NG HINDI KO INAASAHANNNNN..WUAAAHHHH....
HUHUHU...
T_T
ã_ã
Bakit??.. Bakit sya paaaa???.... Bakit ito pang lalaking playboy na ito napunta?? Hindi ko pinangarap na sya ang makakakuha ng first kiss kooo.. Huhu!
Ibibigay ko pa sana sa magiging unang boyfriend ko yun e... Pero parang bula na lang na biglang nawala, nang ganun ganun na lang.. Hindi ko matanggap..
Ako na ang maarte dahil para yun lang ang minamaktol ko. Tsk. Sa iba parang wala lang sa kanila pero ibahin nyo ako, hindi ako ganun.
Bakit sa kanya pa napunta ang kinakaingat ingatan ko? Ampupu. Nakakainis.
Kasalanan ng panaginip kong iyon e. Kung ano ano kasi, kasalan pa nang playboy na yun. Pati naman sa panaginip.... Tsk.. Tsk.
Isa syang malaking bangungot ko...
Naasar talaga ako sa lalaking playboy na yun. Hanggang ngayon hindi parin mawala wala sa isip ko ang nangyari.
"Bakit ka namumula Devon? May sakit ka ba?" tanong ni Trisha. Kaya dun ako napabalik ng ulirat.
Napatingin naman ako sa kanya, napatingin ako kina Tanya na ang lalapad ng ngiti. Bakit nakangiti ang mga ito? Parang nakasyabu lang. Psh.
Wag mong sabihin naalala na naman nila yung nadatnan nila kanina? Tsk.. Huhu.. Nakakahiya yung kanina.
"W-wala a-akong s-sakit. Hehe!" utal utal kong sagot. Syet! Bakit ako nauutal?
"Hmm."
Napatingin naman kina Calvin. Parang nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sya natingin ngayon dito sa parte namin.
Nikita ko naman na nilapit nila Ross si Calvin na may ngiting pang asar. Parang alam ko na lang nasa isip na mga ito a.
Naramdaman ko na naman ang pumumula ng pisngi ko. Syet! Parang madalas na ang pamumula ng pisngi ko a.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila at binalik ang tingin dito sa mga kasama ko. Bakit asarin na naman nila akong nakatingin kay Calvin. Psh.
"Pero in fairness ang ganda mo kung walang salamin. Mas maganda ka pa nga sa mga nambubully sayo e. Haha."
Napatingin ako wala sa oras kay Megan ng bigla syang nagsalita.
Wait... Ngayon ko lang naramdaman na wala pala akong suot na glasses. Hindi naman gaanong kalabo ang mata ko. Sanay na akong magsuot ng ganun. Pero ngayon bakit hindi ka naramdaman na wala na pala akong salamin?
Parang nahiya ako bigla. Kaya medyo napayuko ako.
"Oh bakit ka napayuko? Nahihiya ka ba? Wag ka ng mahiya dahil totoo naman na maganda ka." natatwang papuri ni Trisha.
Namula na lang ang pisngi ko dahil dun. Hehe.
"Hehe s-salamat." nahihiya kong pasasalamat.
Natawa na lang sila dahil sa inaasta ko.
"Matanong nga. Ano yung nadatnan namin kanina ha?" pag aasar na tanong ni Tanya..
Lumaki naman ang mata ko dahil sa gulat. Grabe naman si Tanya bigla bigla na lang tinatanong yun.
Huhu. Medyo ramdam ko na naman ang pag init ng pisngi ko.
"A-ah.. e-eh.. A-ano k-kasi..." nahihirapan kong salita. medyo nanginginig ang labi ko dahil sa kaba. Bwisit.. Kinakabahan ako.
"Kasi ano?" pilyang sabi nila bakas sa boses nila ang nasisiyahan sa reaksyon ko. Huhu. Ang bad talaga ang mga ito.
"Wala lang yun aksidente ang nangyari." dire diretsong sagot ko. Ang bilis ng pagkasabi ko yung upang hindi nila mahalata na nanginginginig ako sa pagsagot.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang hinabol ako ng maraming aso.
Wala ako sa sariling napatingin kay Calvin.
O_O
Lumaki agad ang dalawa kong mata dahil nagtama ang paningin namin ni Calvin.
*tug*
*tug*
*tug*