Chapter 8: Chapter 7

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 19646

Devon's PoV

"Next time, wag kang magpapa-api kita mo ang nangyari sa tuhod mo ngayon? Tsk!" pangangaral nya sa akin.

Wow! Coming from him.

"Yeah! Yeah! Ayiee! Concern siya sa akin." panunukso ko. Gusto ko lang siyang asarin e.

Natigilan naman siya sa biro ko. Pero isang saglit lang yun at biglang nagsalubong ang kilay nya. uh-huh! Nagalit ata?

Binibiro ko lang naman sya e.

"Who told you that I'm concerned to you?" asar nyang tanong.

Luh? Bakit biglang naasar ang isang ito?

"Chill! I'm just kidding. Huwag mong seryosohin!" pagbabawi ko. Pikon talaga ang lalaking ito.

Pero ang loko, inirapan lang ako. Bakla ba to? Nagbibiro lang naman e.

Nandito parin kami sa clinic. Nakakabanas talaga siya kahit kailan, lagi niya na lang ako iniinis. Ugh!

But thanks to him. Dahil hindi ako bored ngayon dito. Kahit kanina pa ako nabibwisit sa kanya. Joke!

Inihintay lang namin ang magbell bago lumabas. At isa pa, baka inahanap na kami.

"Did your knee's fine? Masakit pa ba?" bigla na lang nyang tanong sa akin.

Napatingin naman ako sa kaniya. Bakit nararamdaman kong nag-aalala siya sa akin, pero sabi niya naman hindi. Naguguluhan talaga ako sa isang to.

Huminga muna ako ng malalim na buntong hininga bago sumagot.

"Hmm. Oo. Thanks sa pagsama sa akin dito." Ngumiti ako sa kaniya ng totoo.

Don't worry ngayong araw lang 'to. Just kidding. :-D hehe!

"Wuoh! Ikaw ba yan? You thanked to me?" manghang tanong nya at sinabayan ng tawa.

I mentally rolled my eyes at him.

"Kaasar ka talaga kahit kailan." bwisit 'to.

Nagpapasamat na nga lang ako, may gana pang mang asar. Ang sarap ingudngud.

Pero ang lalaking ito, nginisihan lang ako.

*click*click*

"Ehem!"

Gulat naman akong napatingin sa tumikhim, kaya sabay kami ni Calvin na bumaling sa pinto ng clinic.

Nakita ko naman sina Trisha na sobrang lapad ng ngiti, parang kinikilig sila ng naabutan nila ang ganung itsura namin.

At isa pang nakakagulat ay ang kinuhanan kami ng pictures na magkaharap, na parang nagkukuwentohan.

Wuaah! Nakakahiya. Bakit kasi pinityuran pa kami. Ang lakas talaga makaasar ang mga ito. Ang lalakas ng topak.

"K-kanina pa k-kayo dyan?" takang tanong ko. Nauutal pa ako. Nakakahiya.

Pekeng nag iisip naman sila. Sabi ko na nga e, kanina pa sila dyan. Bakit hindi ko man lang naramdaman na may tao na pala sa pinto.

"hmm! Kani-kanina lang. Nung naabutan namin kayong nagngingitian." inosenteng sagot nila.

Alam kong nagmaang maangan lang sila. Hindi na naman matatapos ang pang aasar ng mga ito sa amin.

Napayuko naman ako para hindi nila makita ang pamumula ng pisngi ko.

"Tsk!"

Napatingin naman kami kay Calvin na tumayo. At nauna ng umalis. Luh? Anyare dun?

Bakit bigla biglang umaalis? Hindi man lang ng hintay. Kaasar talaga siya kahit kailan.

"Okay ka lang ba, Devon? Bakit ganyan ka makatingin sa papalayong bulto ni Calvin? Parang gusto mo siyang sapakin?" nabigla naman ako dahil dun.

Bakit nga ba ako naiinis, dahil lang hindi nya kami hinintay? At Hindi man lang sya lumingon sa amin?

Ughh! Bakit naman kasi ayun ang unang pumasok sa kokote ko.

"Devon?"

Nabalik naman ang ulirat ko dahil sa bigla nila akong yugyugin. Inayos ko muna ang salamin ko bago humarap sa kanila.

"H-huh? A-ano yung si-sinasabi nyo?" maang kong tanong sa kanila.

Nakita ko naman na nagsitinginan silang lahat. Parang nawiwirduhan sa kinikilos ko.

"Lutang ka nga. What are you thinking at nagkakaganyan ka? Masakit parin ba ang tuhod mo?" nag aalalang tanong ni Tanya.

"Baka nabalian ka ng buto"

"Gusto mo bang dalhin ka na namin sa hospital?"

"Hindi kaba nauntog?"

"Anong nararamdaman mo? Nahihilo ka ba at nagduduwal?"

"Hindi kaya nagka amnesia? Do you know us?"

*bionk*

*bionk*

"Aray ko naman/ shit! Ang sakit kaya ng batok nyo." sabay na napadaing sina Ross at Tristan.

Hinimas himas naman nila ang kanilang ulo na binatukan nina Trisha.

Natawa na lang ako sa itsura nilang nabatukan.

"Anong pinagsasabi nyong dalawa na nagka-amnesia at naduduwal. Anong akala niyo sa kaniya nagasagasaan at buntis? Kung ano ano ang pinagsasabi niyo dyang dalawa huh. Makakatikim talaga kayo ng taglilimang sapak. Kaya tumigil kayo sa ka OA yan." mahaba habang pananakot ni Trisha.

Wuoh! Ang haba nun a. Hiningal pa sya pagkatapos niyang sabihin yun. Haha.

Napakamot naman ang dalawa ng noo. At dahan dahan na lumayo kay Trisha. Nakita ko naman silang sabay na umupo sa isang tabi.

"Ito na po, tatahimik na." sabay nilang sabi.

"Good!"

"Sungit"

Bulong nilang dalawa pero hindi na namin narinig yun dahil ang hina ng pagkakasabi.

Kawawang bata.

Takot pala ang mga ito kay Trisha. Kahit sino naman kasi e. Nakakatakot kaya si Trisha magalit. Parang magtratransform sa tiger.

Pati din ako e, takot din sa kanya. Kaya hindi ko masyadong ginagalit.

Napabaling naman sa akin sina Megan, Tanya at Trisha sa akin. Si Tyron naman may sariling mundo. Sina Tristan at Ross naman sa isang tabi nagbubulungan.

Napailing na lang ako dahil dun. Kahit ganyan sila, masaya parin ako dahil nakilala ko silang lahat. :-)

"Are you really okay, Devon?" tanong ni Megan at umupo sa kabilang bed.

Agad naman ding sumunod sina Trisha na umupo. At humarap sa akin.

Ngumiti naman ako sa kanila. At tumango naman ako sa tanong ni Megan.

"Okay na ako, konting gasgas lang naman ito. At isa pa mabilis lang ito gagaling. Salamat pala at pinuntahan n'yo ako dito. Baka kung hindi pa kayo pumunta dito, nagpatayan na kami ng masamang tingin ng kumag na yun." inis kong kwento.

Nakita ko naman na napatitig sila sa akin. Bakit ganyan sila makatingin sa akin. May masama ba akong sinabi?

Syet! Nakalimutan ko kaibigan pala nila si Calvin the asungot. Kung ano ano kasi ang lumabas sa bunganga ko.

"Bakit ganyan kayo makatingin? Sorry kung ganun ako makapag salita sa kaibigan niyo. Naiinis kasi ako sa kanya." pranka kong sabi at sinabayan ng paumanhin.

Napakagat na lang ako ng labi dahil sa titig nilang pinupukol sa akin. Galit ba sila sa akin?

Maya maya napakurap naman silang tatlo. At hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Naiinis ka pala?"

"Ang haba nang sinabi mo"

"At hindi ka pa nautal?"

Maang nilang sabi. Napakunot naman ako ng noo. Bakit naman parang big deal sa kanila ang hindi pag-uutal at sa mahaba ng sinabi ko?

Napanganga na lang ako dahil sa reaction nila.

Tangek nagulat lang sila dahil ngayon ka lang na hindi ka nautal at ang haba ng sinabi mo. Dahil nga hindi ka pala salita.  Kontra ng isip ko.

Napairap na lang ako sa isipan ko.

"Hehehe!" yan na lang ang lumabas sa bibig ko.

Para naman silang timang.

"Hindi pa ba tayo kakain? Gutom na ako e. Nag aaway na ang mga bulate ko sa tyan." reklamo naman ni Ross.

Kaya napabaling kaming lahat kina Ross na hawak hawak ang tyan nya.

"Eww!! Nakakaasar ka talaga Ross, hindi mo na kailangan na sabihin na may bulate ka tyan. Gross!!" maarteng sabi ni Tanya.

Nandidiring tinignan si Ross.

Nginisian naman sya ni Ross." Hindi mo ba alam na may bulate ka din sa tyan. Pakiramdaman mo kung nagugutom ka, mararamdaman mo na naglalaban sila." pananakot naman ni Ross kay Tanya.

Nakita ko naman na halos mawalan ng kulay ang mukha nya dahil sa sinabi ni Ross.

Halos gusto na nyang bumuga ng apoy dahil sa sobrang galit kay Ross.

Napansin naman ni Ross ang mukha ni Tanya. "Oyy!! B-binibiro lang k-kita, w-wag mong s-seryosohin." utal utal na pambabawi ni Ross kanina kay Tanya.

Pero lumapit si Tanya sa kanya at pinagsasabunot.

"A-a-aray!! A-ano ba....aww!!.... b-bitawan mo nga yang buhok ko. Ang sakit... Arayy!!... ng sabunot mo.. Shit!!" daing ni Ross.

"Tigil na..." pag aawat ni Megan.

Kaya napatigil naman sila.

"Halina nga kayo. Baka masuntok ko ang lalaking yan.." si Trisha. at sinamahan nya ng tingin si Ross.

"Ang sungit mo talaga kahit kailan." maktol nya.

"Ganun ang mga menopos na babae, pre. Kaya pagpasensyahan niyo na lang siya." pang asar ni Tyron.

Halos umusok ang ilong ni Trisha nung sinabi ni Tyron yun.

"Ang sinabi mong lalaki ka ha? Ulitin mo nga ang sinabi mo." inis nyang sigaw.

Halos mapaatras naman kasi dahil dun. Dahan dahan na lumapit kay Tyron. Habang si Tyron naman napalunok at unti unting napaatras.

"Can you repeat of your what you said. Assh*le!" diin na utos nya. Ang sama ng tingin.

Tahimik lang kaming nakatingin sa kanilang dalawa. Hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

Nagulat naman kami ng biglang tumakbo palabas si Tyron, at sinundan naman ni Trisha.

Narinig pa namin ang sigaw ni Trisha mula sa labas. Ang lakas talaga ang boses ni Trisha.

Napamaang naman kaming lima dito sa loob.

"Saan na naman si Calvin? Saan na naman kaya siya pumunta?" takang tanong nila.

Oo, nga no. Kanina pa kami dito sa canteen. Oo, nandito kami ngayon sa canteen. Hindi sana ako dito pagbe-break e, dun sana sa field. Pero hinila nila ako dito kahit medyo masakit pa ang tuhod ko.

"Ano pa ba ang maasahan nyo sa lalaking yun, edi nambabae na naman. Tsk! Hindi talaga nagbabago." umuling iling na sabi ni Trisha.

Pagkatapos nilang maghabulan ni Tyron kanina, agad naman nila kaming hinanap. Dahil nauna kaming pumunta dito.

Para talagang bata ang mga ito. Haha.

Hindi ako sumasali sa usapan nila. Basta kumakain lang ako, nakikinig na lang ako sa mga sinasabi nila.

Binigyan ko din sila ng baon kong banana que. Yun kasi ang text nila sa akin, na magbaon daw ako ng banana que.

Kala mo may binigay silang pera pa pangbili. Charr!! Joke lang yun.

Humihingi din si Calvin pero wala naman s'ya dito, kaya binigay ko na lang sa kanila.

"Andyan na pala s'ya e."

Kaya napatingin naman ako sa entrance ng canteen. Nakita ko naman siya na kung maglakad parang model.

Agad atensyon talaga ang isang 'to. Lahat ng mata nasa kanya. Napailing lang ang mga kasama ko.

Pero napansin ko may tao pala siyang kasama. Na kung makakapit sa braso niya, parang mawawala.

Pareho lang sila ng kasama nyang kala mo ang gaganda at ang gagwapo.

Ang sakit nila sa mata, infairness.

Nang makita nila kami agad silang pumunta sa amin.

"hey! Guys! "

Agad silang umupo sa table namin. Pinagpatuloy ko na lang ang kumain.

"Hey babe! Eat this. Say ahh!" malanding sabi ng babaeng kasama ni Calvin. Sabay subo ng pagkain.

Ewan ko kung anong pangalan. At wala akong pakialam kung ano man.

Kala mo wala ng bukas, kung magsubuan. Sakit sa mata.

'selos ka lang e.'Sabi ng isip ko.

Bakit naman ako nagseselos sa kanila?

Hindi ko na lang sila pinansin. At patuloy parin sa kinakain ko.

"Bakit hindi mo ako binigyan ryang kinakain mo. Diba sabi ko sa'yong bigyan mo ako, kung magbabaon ka." sabi bigla ni Calvin..

Ewan ko kung ako kung sino ang pinagsasabihan niya. Kaya kabit balikat na lang ako.

Nagulat naman ako ng tinampal nya ang lamesa sa harap ko, pero hindi ganun kalakas.

Medyo kinabahan din ang.

Pati din ang kaibigan namin parang nagulat din.

Tumingin naman ako sa kanya ng matalim na tingin. Ano bang problema ng isang ito? Kung makalampag ng lamesa?

>_<

"What your problem, huh? Bakit ka ba nanggugulat? Magkaharap lang naman tayo." galit kong bulyaw.

I heard them gasped. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla bigla na lang sisigaw. Pati din ako e, hindi ko inaakalang masisigawan ko siya.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis sa kaniya. Kahit dati naman naiinis na ako sa kaniya.

Dahil sa pagsigaw ko unti unti namang napayuko ako. Bakit kasi ako sumigaw? Akala ko isang bulong lang ang pagsasabi ko yun?

Napatingin naman ako sa paligid, may mangilan ngila naman na napapatingin sa pwesto namin. Dahil sila ang malapit sa kinakaupuan namin.

Yung iba halos patayin na ako sa tingin. Kung nakakapatay lang sana ang tingin kanina pa ako nakabulagta sa sahig.

Pasimple naman akong napatingin kina Megan, napaawang naman ang labi nila. Parang hindi makapaniwalang nagawa ko yun.

Sino naman kasi ang hindi magugulat kung sumigaw ka, kahit alam nilang tahimik ka lang. Yung akala nila na hindi mo alam ang sumigaw.

Hindi ko kasi mapigilan na mapasigaw e. At ewan ko kung bakit ganun ganun na lang ang reaction ko?

Parang naiinis ako sa kanilang dalawa. Halos gusto ko ng patayin sila ng tingin. Nakakawalang gana na kumain.

Napabalik naman ang diwa ko ng may biglang tumapik sa pisngi ko. Pero hindi masakit ang pagkakatapik.

"Are you okay, Devon? Bakit bigla kang natulala dyan?" pukaw na tanong ni Tanya sa tabi ko.

Kaya napatingin naman ako sa kanya at tumango.

Napatingin naman ako kay Calvin. Medyo nagulat naman ako dahil sa titig niya sa akin. Kaya nailang naman ako, agad na umiwas ng tingin.

Nahagip din ng mata ko ang masamang tingin ng kasama niyang babae. Parang gustong pumatay ng tao. Iniwas ko na lang ang tingin ko dito.

Binigay ko naman ang tinira ko sa kanya na banana que. Oo, nangtira ako para sa kanya.

Kung ano ano na naman kasi ang sabihin niya kung hindi ko siya bibigyan.

"Oh! A-ayan na ang i-inihingi mo sa akin." pagbibigay ko ng banana que sa kanya.

Nakita ko naman ang medyo pagliwanag ng mukha nya. Napailing na lang akong inayos ang salamin ko.

Bakit gustong gusto nila ang banana que?

Hindi ko naman narinig na umimik ang amin. Kaya napatingin naman ako sa kanilang lahat. Napakunot naman ang noo, nang makita ko silang palipat lipat ng tingin sa amin ni Calvin.

"B-bakit?" utal kong tanong.

Hindi nagtagal unti unti naman silang napangisi.

"Ikaw huh, may tinabi ka pa kay Calvin. Akala ko magkagalit kayo? Bakit itinabihan mo pa siya ng banana que?" tukso ni Ross.

Kinabahan naman ako bigla sa sinabi niya.

Wala ako sa sariling napatingin kay Calvin. Parang wala siyang narinig dahil nasa kinakain ang atensyon niya.

Ang katabi niya naman halos magkadikit na ang kilay na nakatingin sa akin. Hindi ko nalang sya pinansin ang masama nyang tingin.

Kaya napabalik naman ang tingin ko kina Ross. Na kanina pa pala naghihintay ng sagot ko.

"Si-sinabi niya kasing m-magdadala ulit ako e. D-dahil hindi nya ako titigilan kung hindi ko siya bibigyan." paliwanag kong sagot sa kanila.

Baka kung ano na naman ang isipin nila e.

Tumango tango naman sila pero hindi parin inaalis ang ngisi sa kanilang labi. Napabuntong hininga na lang ako.

"What is that, babe?! Like eww! Can you order other food. I don't like that. It's so kadiri!" maarteng sabi ng kasama ng malanding lalaking to.

May pa gesture gesture pa ang kamay na nalalaman. Kaartehan.

Kung makalait ng pagkain. Pareho lang naman kami na kumakain ng kanin a.

Napatigil naman kaming lahat sa pagkain. Napatingin naman ako kina Trisha. Nakita ko naman ang salubong nyang kilay.

Taim baga naman sina Megan at Tanya. Yung tatlong lalaki naman biglang nawalan ng emosyon sa mukha.

Uh-huh! Patay. Mukhang napantig ang tainga nila sa narinig mula sa babaeng maarte. Parang papatay sila ng tao sa mukha nila.

Nakita ko ding napatigil sa pagkain si Calvin. Napayukom naman sya ng kamao at unti unting humarap sa babaeng kasama nya. Makikita mo dito ang walang emosyon nyang mata at pataim baga. Uh-huh! Mukhang pati din sya.

Nakita ko din na napatigil ang babaeng maarte. Napatingin sya sa amin, bakas sa mukha nya ang takot.

Napaatras naman siya ng mapadako ang mata niya kay Calvin.

"B-babe, I-isn't w-what I m-mean." utal utal na paliwanag ng babae. Bakas sa mukha nya ang pagkatakot.

Nagulat naman ako ng bigla tumayo si Trisha sa kanyang kinakaupuan. At nakataas ang kilay na humarap sa babae, na hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan.

"Ikaw na babaeng feeling maganda, kung makapanlait ka ng pagkain kala mo kung sinong sobrang yaman. Baka nakakalimutan mong sino ang nasa harapan mo. Hindi porket girlfriend ka na ng kaibigan namin, kung ano ano na ang sinasabi mong panlalait. B*tch! Get lost."

"kung hindi ka pa aalis dito, baka magdilim ang paningin ko sayo at baka maibuhos ko sayong lahat ang nasa harap ko. Huwag mong ubusin ang pasensya ko. Mawawalan ka talaga ng buhok. Makikita mo."

Malamig na banta ni Trisha. Maririnig mo sa boses nya ang matinding galit.

Parang nawalan naman ng kulay ang mukha ng babae dahil sa banta ni Trisha.

Walang nagtangkang magsalita sa aming lahat. Kahit ang lahat ng nasa loob ng cafeteria ay natahimik.

Parang ako lang ang nagulat dito sa table namin. Dahil parang hindi man lang nagulat ang amin dahil sa ginawa ni Trisha.

"What, huh? Cut your tongue?" nakataas ang kilay na tanong nya.

Napalunok naman ang babae.

"Leave!" malamig na sabi ni Calvin.

Kaya napatingin naman ako sa kanya. Pero hindi na siya nakatingin sa babae kundi sa kinakain niya.

"B-babe? What are you talking about?" maarte paring sabi nya.

Syete! Mukhang hindi man lang nagpatinag sa banta ni Trisha. Ang arte parin.

*blag*

"I said, LEAVE!" sigaw nya sa babae at sabay palo sa lamesa. Gulat na gulat naman ang babae.

Nakakatakot talaga itong magalit. Parang papatay ng tao.

Muntik pang maisaboy sa amin ang iniinom naming juice. Sobra naman ang isang 'to kung makareact.

Bakit naman niya sinisigawan ang girlfriend? Diba dapat pinagtatanggol niya? Hindi yung sinisigawan niya sa harap ng marami.

Medyo nanginig naman ang babaeng kasama nya at dali daling tumayo at tumakbo palayo sa table namin.

Nung hindi na namin sya matanaw. Bumalik naman ang lahat sa dati. Pero kami, walang nagtangkang magsalita.

Pinakiramdaman ko naman sila.

"That's girl are so annoying, kala mo kung sinong makalait ng kinakain natin. What a b*tch!"

"Sabi mo pa. Kung hindi ka pa nagsalita kanina, baka ako na sana ang gumawa nun. Baka hindi lang yun ang aabutin nya sa akin."

"Ayaw na ayaw ko talaga ng ganun na babae. Sobrang arte. Tsk!"

Mga komento nina Tanya. Salubong na salubong ang kilay nila habang sinasabi ang mga yun. Hanggang ngayon hindi parin sila maka get over sa nangyari.

Ako din naman naaasar sa babaeng yun. Akala mo kung sinong mabait kung titignan.

Maganda nya pero ang pangit naman ng ugali at ang arte pa.

"Saan mo naman kasi nakilala ang isang yun, dude? Ang pangit ng ugali?"

"Maganda nga pero ayoko sa ugali nya na sobrang gaspang at ang tabas ng dila."

"Buti na lang at hindi ko siya nasaktan. Buti naisip kong babae parin siya."

Komento din ng mga lalaki. Halata sa mukha nila ang pag kainis.

"Dyan dyan lang ko lang yun napulot. Hinarang kasi niya ako sa daan kanina at sinabing gawin ko daw siyang girlfriend. Anong magagawa ko, edi pinagbigyan ko na. Maganda naman siya e, pasok na siya sa standards ko sa babae." pachill chill nyang sagot. At ang loko sobrang laki ng ngisi.

Akala mo naman walang nangyari kanina. Parang sanay na siya ng ganun. Sabagay ano pa ba ang aasahan mo sa isang playboy na yan.

Kaasar talaga ang isang iyan kahit kailan.

"Gago! Yan pa talaga ang inaaalala mo." sabay bato ng plastik battle si Calvin.

Sinong nagbato? Edi di Trisha, siya lang kasi ang masungit sa amin e... Hehe... Joke lang!!

"Chill Lang kayo guys! Okay, okay, sorry kung dinala ko ang isang yun dito. Fling ko lang siya, okay? At nakasalubong ko lang siya sa daan kanina. May konting, alam niyo na, bago kami pumunta dito." paliwanag niya at may pangisi ngisi pang nalalaman.

Bastos talaga ang isang ito. Kung ano ano ang lumalabas sa bunganga.

Sumama naman ang mukha nila Trisha.

"Yuck!!"

"Eww!! Kadiri ka."

"Bastos talaga ng bunganga mo."

"Psh!!"

Medyo natawa naman ako dahil sa mga komento nila.

"Tsk! Inggit lang kayo." irap naman nyang sabi.

*ring*ring*

Agad naman kaming nagsitayuan nang narinig namin ang tunog ng bell.

Ano ba yan, hindi ko naman lang na enjoy ang kinakain ko. Dahil sa nangyari kanina. Ugh!

Someone's PoV

Tanaw ko hanggang dito ang bulto ng tao habang nakikipag usap sa bagong kaibigan nya. Masaya ako dahil mayroon na syang kasakasama.

Hindi ako makapaniwalang ang laki na niya. At ang gandang bata. Mana talaga siya sa akin, kamukhang kamukha ko nung dalaga pa ako.

"Miss na miss na kita, anak. Wag kang mag alala malapit na tayong magkasama. Hindi na ako makapaghintay na makasama ka." bulong ko habang tanaw na tanaw ko parin sya.

Tumalikod na ako, dahil baka hindi ko mapigilan na lumapit sa kanya.

Mahal na mahal kita, anak.