Devon's PoV
Kinabukasan....
"Nak, gising na malalate kana sa klase mo." pagyuyugyog sa akin.
Agad naman akong tumalikod. Ang sarap pa ng tulog ko e. At ang ganda pa ng panaginip ko. Hahalikan ko na daw ang crush kong si Justin Bieber.
Waahh.. Ikakasal na daw kami, naglalakad na ako sa altar. Maghahalikan na daw kami.... And then..... And Then.....
Biglang may bumuhos sa akin ng malamig na tubig.
"WAAAAHHH!!! ANG LAMIG!"
I shouted. Napabangon ako sa pagkakahiga. Ang lamig talaga. Parang nahiwalay ang kaluluwa ko sa sobrang gulat. Huhu! Hindi natuloy ang halikan namin ni Justin Bieber.
Malapit na e. Andun na, tapos biglang nabitin. Saan ba nakuha ni inay ang malamig na tubig?
"Hoy Miles, anong ginawa mo kagabi at ang hirap mong gisingin ngayon a? Baka akala mo maaga ka pa, tanghali oy." pagbubulabog ni nanay habang pinipilit akong binangon.
Napasimangot naman ako. Ano ba yan ang ganda ng panaginip ko e.
"Naman e. Malapit na, konti na lang malalapat na." nakangusong pagmamaktol ko.
At sinabayan ng pagugulo ng buhok.
*boink!*
"Aray ko naman, nay" ang sakit kaya ng batok nya. Agad ko naman sinuot ang salamin ko.
Agad naman nya akong tinaasan ng kilay. Hmp!
"Anong nirereklamo dyan ha? Baka gusto mo pa ng isang batok. Pagbibigay kita. At anong pinagsasabi mo dyan na malapit na, huh?" mataray na tanong ni nanay.
Napakamot naman ako sa buhok kong magulo. Ayoko ko nyang sabihin, baka agawin pa ng nanay ko.
'Don't you dare to tell her. I slap you'. Sabi ng isip ko.
"Wala nay, baka kung sabihin ko ang napaginipan ko baka agawin niyo pa. Hahahaahha!" natatawang biro ko sa kanya.
Nakita ko naman ang pagkakunot ng kanyang noo. At pagtaas ng kanyang kilay. Uh-huh? Mukhang bubuga na ng apoy si nanay a?
"Anong aagawin ang pinagsasabi mo dyan? Nakasinghot ka ba nak o ano?" iritang tanong ni nanay.
Lumaki naman ang mata ko dahil sa tanong nya. Anong nakasinghot ang sinasabi nya? Hindi kaya ako nakasinghot.
"Ikaw nay? Naka lunok ka ba ng megaphone? Ang lakas kasi ng boses mo e." kunwari inosenteng kong tanong.
Agad na nagsalubong ang kilay nya.
*bionk*
"Aray!"
"Anong sabi mong bata ka? Talagang pinapainit mo talaga ang ulo ko no?"
Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa pagbabatok nya ulit sa akin. Kung ako naging bobo, si nanay talaga ang sisihin ko.
"Oo na, oo na. Titigil na ako. Kung ako naging bobo, ikaw talaga ang sisisihin ko."
At agad akong humilata ulit. Gusto ko pa talagang matulog. Kahit maaga akong natulog kagabi, parang gusto ko paring ipagpatuloy ang panaginip ko kanina.
"Abat ikaw bata ka, may oras ka pang humilata dyan magdamag. Baka nakakalimutan mong may klase ka. Kaya bumangon ka na dyan para makakain na tayo. " pambubulabog ulit ni nanay.
Urghh! GUSTO KO PANG MATUL----
"Baka gusto mo ulit----"
Agad naman akong napabangon. Takot lang akong masabuyan ulit ng malamig na tubig. Kaya bumangon na lang ako.
"Ito na, ito na babangon na po ako. Huwag niyo lang akong buhusan ng malamig na tubig. Ang lamig kaya." pagsusuko at dali daling lumabas ng kwarto.
Agad akong dumaretso sa banyo namin. Ginawa ko na ang routine ko sa umaga para kumain na lang ako mamaya pagkatapos kong maligo at maka pagpalit na ng uniform.
Medyo matagal akong nag ayos ng sarili ko bago pumunta sa hapag kainan. Nang makarating ako sa kusina hindi ko na nadatnan si nanay duon.
Pero may nakita aking sticky note na nakadikit sa lamesa. Kaya agad ko namang kinuha at binasa.
Batugan kong anak, ang tagal mo kasing matapos sa ginagawa mo e. Kaya nauna na akong kumain sayo. Wag kang mag-alala tinirahan kita ng ulam, buksan mo na lang dyan ang makikita mong lalagyan ng pagkain. Maraming nagpapalaba ng damit. Lab u, nak â¡
Ps. Kainin mo yang lahat. Huwag kang magpapagutom. Ang payat mo pa naman.
Your mommy na mas maganda sayo. ^_^
Maganda na sana e. Kaso dinugtungan pa nya ng mas maganda pa daw nya kaysa sa akin. Inaamin ko naman na payat ako.
Ang sama talaga ni nanay sa akin. Mas maganda naman ako sa kanya. Haha! Biro lang.
Hayy! Pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko dahil baka sobrang late ko na at hindi pa ako papasukin. At baka mawala pa ang kinakaingatan kong scholar.
Nang matapos akong kumain. I grab my backpack. Agad kong kong nilock ang pinto para walang makapasok dito sa loob.
Kahit wala naman makukuha dito sa bahay.
Hinihingal akong tumigil sa pagtakbo nang makarating ako sa labas nang gate ng school namin. Para akong nakikipag karera. At para rin akong kinapos sa hangin.
Ikaw ba naman ang takbuhin hanggang sa bahay hanggang dito sa school. Para akong lantay na gulay.
Buti na lang at hindi nahulog ang salamin ko katatakbo.
Kaasar naman kasi wala na akong masasakyan na tricycle kanina, kaya ayan tinakbo ko na lang. Sobrang badtrip ko.
Kaya heto na ako ngayon, parang na rape dahil sa gulo ng buhok ko at pinagpapawisan pa ako.
"Ne, hindi ka pa ba papasok? Isasara ko na ang gate." nabalik naman ang ulirat ko nang marinig ko ang boses ni manong guard.
Napapeace na lang ako.
"Sige po, good morning na lang po. Hehe" at tumakbo ulit dahil late na ako sa unang klase ko.
Kaya pinagtitinginan ako ng nadadaanan ko at pinagbubulungan. Hindi parin ba sila titigil sa panlalait nila sa akin?
Hindi ko na lang pinansin ang mga panlalait na naririnig ko. Kung papatulan ko pa sila, baka mas lalo pa nila akong pag initan.
*boggsh*
Hindi ko namalayan na may pumatid na pala sa akin, dahil dun nadapa ako.
Sari sari na naman ang naririnig ko sa kanila. Pero sinawalang bahala ko na lang yun. Agad kong pinulot ang salamit kong may cracked at dali dali itong sinuot.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo pero hindi ganun kabilis kanina. Medyo mahapdi ang kaliwang binti ko pero hindi ko na lang yun pinansin at pinagpatuloy ang pagtakbo.
Nang makarating ako sa pinto ng room namin, kumatok muna ako bago pumasok.
Pagpasok ko nakita ko na wala pa ang class adviser namin. Para naman akong nabunutan ng tinik. Akala ko late na ako.
Pero napansin ko na lahat pala ng mata dito sa loob ng room namin, nakatingin sa akin. Huh? Bakit sila naka tingin sa akin ng ganyan?
Parang ewan lang. Kung makatingin para akong baliw.
Takang tiningnan ko naman silang lahat. Pero sila pinipigilan ang tawa. Tumingin naman ako kina Tanya kung nandun din na sila sa kunakaupuan nila.
Ayun nakita ko sila na para ring pinipigilan ang pagtawa. Napakunot naman ako ng noo. Ano ba talaga ang problema ng mga ito sa akin?
"A-anong p-problema niyo, huh? Ba-bakit ganyan kayo m-makatingin sa akin?" utal kong tanong.
Hindi parin ako umaalis sa kinakatayuan ko.
Kaya tuluyan na silang natawa.
"Buuaaahahahahhha!"
"Wuaahahahhahhhahhahah!"
"Ang epic ng mukha mo nerd"
"Para kang narape sa itsura mong yan"
"Bakit ganyan ang itsura mo, Devon?"
Narinig kong mga komento nila. Marami pa silang mga sinasabi pero hindi ko na lang yung pinansin.
Napatingin naman ako sa itsura ko. At kinapa ang buhok ko.
O_O
Bakit ganito ang itsura ko? Ang gulo ng buhok ko, medyo gusot ang uniform at medyo alikabok ang palda ko.
Hindi pa pantay ang salamin ko. Medyo nakita ko naman na may malaking cracked sa gilid. Maliit lang kahapon to a.
Nahihiya naman akong tumungo sa kinakaupuan ko.
Buti na lang hindi na sa akin ang atensyon nila.
"Anong nangyari sayo, Devon? Bakit ganyan ang itsura mo?" takang tanong nila sa akin.
Inayos ko muna ang suot kong salamin bago humarap sa kanila.
"Wala kasi akong masakyan kanina. Kung maghihintay pa ako ng ilang minuto, baka malate pa ako. Kaya ang ginawa ko na lang ay tinakbo ko hanggang dito. Kaya ganito ang itsura ko pagdating dito." pagkukwento ko sa kanila.
Medyo umilap naman ang mata ko dahil sa pinupukol nilang tingin.
Hindi ko na sinabi ang isa kong dahilan kung bakit ganito pa ang itsura ko. Baka kung ano na naman ang gawin nila kung nagkataon.
"You sure?" pagdududang tanong ni Trisha.
Napalunok naman ako ng laway.
Medyo kinabahan naman ako dahil dun. Halata ba na nagsisinungaling ako? Pero sa nakikita ko sa mga mata nila, alam kong hindi sila naniniwala sa dahilan ko.
"Y-yeah!" maikli kong sagot at umiwas ng ng tingin.
Waah! Ayoko talagang magsinungaling sa kanila. Tinuring ko na kasi silang kaibigan ko. Diba, dapat ang magkakaibigan ay hindi naglilihiman?
Pero kahit naman kaibigan mo sila hindi naman lahat ng bagay o pangyayari ay dapat na sabihin ko pa.
"Pero bakit may gasgas ka sa tuhod?"
Natahimik naman ako dahil sa tanong na yun. Para naman akong naputulan ng dila.
Syet! Dahan dahan naman akong napatingin sa tuhod ko. Ngayon ko lang napansin na may konting dugo na dumadaloy pababa.
Hala may period ako.. Charrr!! I'm just kidding. Hehehe.
Medyo nakararamdaman na din ako ng konting kirot sa tuhod.
Bakit ngayon ko lang to naramdaman? Parang wala ito kanina a. Hindi ko naman inaakalang sasakit ng bigla.
[U/N: parang relasyon lang yan. Sa una hindi mo nararamdaman ang sakit pero hanggang tumatagal duon mo na unti unting nararamdaman ang sakit na hindi mo inaakalang mararamdaman mo. Yung inaakala mong mahal ka pero hindi pala. (/Ïï¼¼).
Ps. Humuhugot si author, wala namang lovelife. Tulad niyo,hindi ko din maintindihan ang hugot ko. Hahha!v(=â©_â©=)ï¾ ]
Sobrang hapdi.
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng room namin.
Kaya napatingin kaming lahat dun. Pumasok ang adviser teacher naming si Mrs. Thomson.
Tumayo naman kaming lahat at bumati. Tumango lang at suminyas na umupo na kami.
"Hindi pa kami tapos na magtanong, Devon. Mamaya ka sa amin." biglang imik ni Megan.
Napatingin naman ako sa kanya, itong katabi ko naman mukhang nakikirinig sa pinag uusapan namin.
Alinlangan naman akong tumango sa kanya.
"Ikaw tagala Devon. Huwag kang mahihiya sa amin na magsabi kung may nang aaway sayo. Kaibigan ka na namin diba?" singit naman ni Tanya.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Oh yun naman pala e. Kaibigan mo na kami kaya huwag kang mahihiya na lumapit kung may problema ka o kahit ano pa yan." sincere na pahayag ni Trisha.
They smiled at me genuine. Ngumiti naman ako ng pabalik sa kanila.
"Tapos na ba kayong magkwentuhan Ms. Collins, Ms. Acosta, Ms. Santillan Ms. Villegas? Can we start the discussion now??" sarkastikong tanong ni Mrs. Thomson.
Napayuko naman ako dahil sa sinabi, nakakahiya. Narinig ko naman ang tawanan ng iba.
"Hindi na mauulit, ma'am" sabay sabay naming paumanhin.
Tinignan lang niya kami ng seryosong mukha.
At pumunta naman siya sa harap at nagsimula ng magdiscuss ng lessons.
"Ok class, our topic for the day is blah blah blah blah."
Hindi ako masyadong maka pagfocus dahil sa hapdi ng sugat ko. Para akong kabute na galaw ng galaw. Buti na lang at hindi ako masyadong napapansin ni ma'am.
"Para kang kabute dyan na hindi mapakali. O baka naman may bulate ka talaga?" papansin na pang-aasar na sabi ni Calvin.
Agad ko naman syang sinamahan ng tingin. Kaasar 'to.
"Kaasar ka! Lagi mo na lang akong inaasar!" inis kong bulong sa kanya.
Ang lakas maka asar ng isang ito. Lagi na lang akong inaasar. Nakakabwisit. But kahit ganun may tinatago naman siyang bait.
Mabait nga ba? Tanong sa isip ko.
Porke't hinatid na niya ako kahapon, mabait na siya. Pambawi nya lang yun dahil binigyan ko siya ng banana que.
"Kaasar nga ba or what?" and then he smirked, na may panunukso.
Makikita mo sa mukha nya ang nasisihan habang nakatingin sa akin. Urghh! Bwisit.
"Anong pinagsasabi mo, huh?" pasigaw kong bulong.
Kabit balikat naman sya.
Buti na lang at hindi ko iniinda ang sakit dahil sa conversation naming dalawa. And one more thing, buti nakatulong din ang pag iinis nya sa akin.
Sige na nga, nagpapasalamat ako dahil dun.
"Namamaga ang tuhod mo." imik nyang bulong.
Nakitaan ko naman sa mata niya ang pag aalala. Pero agad ding nawala.
Kaya napatingin naman ako sa tuhod ko. He's right, namamaga ito at nag iba na din ang kulay.
I bite my lip dahil sa nangyari sa tuhod ko. Kasalanan ito ng pumatid sa akin e. Alam na nga nilang dadaan ako, hinarang pa ang paa.
"Don't mind that. At paki mo ba?" irap kong sabi.
He suddenly raised his eyebrow at napakunot ng noo.
"Biporal! Tsk!" masungit nyang bulong sa akin.
Ako naman ang napataas ng kilay. Ano? Ako? biporal? Sapak gusto nya?
"Ehem!"
Nagulat ako ng biglang umubo ng peke si Mrs. Thompson.
o_o
O_O
Nakita si Mrs Thompson na nasa harap namin ni Calvin. Hindi ko namalayan na nasa harap na namin sya.
Bakit hindi man lang sinabi nina Megan. Waah! We're dead!! Ang sungit pa naman nya. Kasalanan ni Calvin the mahangin ito e.
"M-mrs. Tho-thomson?" I said surprised at nautal.
Sino ang hindi mapapa-singhap kung nakita mo ang mukha niyang ang seryoso.. I'm nervous. Huhuhu! Nakakatakot ang seryoso niyang mukha.
"Tapos na ba kayong magligawan, Ms. Acosta and Mr. Monteverde?" nakataas ang kilay na tanong nya.
I suddenly blushed.
Napalunok naman ako at simpleng tumingin kay Calvin. At ang gago pachill chill lang sa kinakaupuan. Hindi mo makikitaan ng takot, ako na nga lang halos maihi sa kinakatayuan ko.
He's so annoying.
Abat hindi ba siya magsasalita?
"H-hindi po k-kami nag-nagliligaw, ma'am? May sinasabi lang sya." medyo namula naman ako dahil sa sinabi ni ma'am na nagliligawan DAW KAMI.
Tumaas naman ang kilay nya. Bumaling naman sya kay Calvin.
"Totoo ba iyon, Mr. Monteverde?" mataray nyang tanong.
Agad naman na tumingin si Calvin kay mrs. Thomson.
Tumingin muna sa akin si Calvin at ngumisi. Bakit naman ako kinakabahan sa sasabihin nya?
Tumahimik naman ang tao sa loob ng Classroom namin. Walang nagtangkang magsalita o mag ingay. Lahat ng mata ay nasa aming dalawa.
Inihintay nila ang sagot ni Calvin.
Hinihintay ko din kung ano ang isasagot nya kay ma'am. Baka kung ano ano na naman ang kabalastugan ang sabihin nya.
"We're talking her knee's swollen. Mrs. Thomson, baka kung anong pa ang mangyari at ma-Infection pa." biglang sagot nya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun. Akala ko kung ano ano na naman ang kabalastugan ang sabihin nya.
"Go to clinic as soon as possible para hindi lumala, baka ma-infection ang tuhod mo." may pag aalalang sabi nya.
Kahit may pagkasungit si Mrs. Thomson may tinatago naman syang kabaitan.
"No need ma'am, Hindi naman po masakit e." pagsisinungaling ko.
Kahit ang totoo ay sobrang hapdi. Titiisin ko na lang ang hapdi.
"Don't lied to me, Ms. Acosta. Mas lalo lang lumala yan kung hindi naagapan agad. Hindi mo naman gusto ang hindi makalakad, right?" mahabang pagsusungit nya sa akin.
Napakamot na lang ako ng ulo dahil dun. At tumango sa kanya.
"Mr. Monteverde, samahan mo si Ms. Acosta na pumunta sa clinic. Ikaw naman ang katabi nya. Kaya ikaw ang maghahatid." utos ni mrs. Thomson kay Calvin.
Lumaki ang mata ko dahil sa utos niya kay Calvin. Pati ang mga kaklase namin napasinghap din.
Pero sina Megan naman halos mapunit na ang mga labi dahil sa kakangisi. Parang nanunukso sa amin at mukhang nasisiyahan sa nakikita.
Seriously? Aish! Ang galing talaga manukso ang mga ito. Kaibigan ko ba talaga mga ito? Lagi na lang kaming tinutukso ni Calvin the asungot.
Urghh!!
Nagbibiro lang si ma'am? Alam ko naman kung paano pumunta dun a. Kainis naman. Hindi na kailangan ng may kasama. Ano ako bata, para samahan pa dun.
At isa pa baka kuyugin ako ng mga fans nya, alam niyo naman na kahit mga bago pa lang sila dito ang dami na nilang fans.
Baka mas lalo pang lumala ang kalagayan ko kung nagkataon.
"Ms. Acosta? Are you listening to me?" pukaw na sabi ni mrs. Thomson.
Agad naman akong napatingin sa kanya. Hindi ko namalayan na kung saan saan na naman lumilipad ang isip ko.
"Ako na lang po ang mag isang pupunta sa clinic, kaya ko naman po." pagtatanggi ko sa kanya.
Hindi naman sa maarte, ayoko lang na madagdagan na naman ang sugat ko. Baka makita ito ni nanay, baka gagastos na naman ng pagpapa check up ko.
May awa naman ako sa nanay ko no.
Mukhang ayaw nya sana ang idea kong ako na lang ang mag isang pupunta pero hindi sya nagsalita.
"Siguraduhin mo lang na kaya mong maglakad hanggang doon. Ms. Acosta, kung hindi makukurot talaga kita sa singit." pagbabanta nya.
Kaya natawa naman ang mga kaklase ko. At ang pitong kaibigan ko. Oo, isinali ko na ding kaibigan si Calvin the asungot.
Ang bad talaga ang mga ito, tawanan ba ako. Natatakot na nga akong makurot sa singit e.
"Ma'am naman, masakit kaya yun" nahihiyang sabi ko.
Tinaasan lang ako ng kilay. Hehe!
"Excuse ako sa klase mo ma'am a. Ayoko po sanang punta sa clinic e, dahil absent na ako kung nagkataon."
"Fine, fine. Excuse ka na. Kaya pununta ka na sa clinic para mapagamot na agad ang tuhod mong namamaga at hindi lumala."
Para naman akong tanga na nakangiti ng malawak.
Bakit para akong masaya dahil sa sinabi ni Mrs. Thomson na excuse ako sa klase nya?
Ang sagot ko ay wala lang, hindi kasi ako makapag focus ng mabuti dahil sa hapdi ng tuhod ko. Parang walang pumapasok sa kokote ko.
"You look stupid. Nakangiti kahit walang nakakatawa sa sinabi ni Mrs. Thomson." biglang imik ng katabi ko.
Kaya tumingin naman ako sa kanya. Pagharap ko sa kanya para akong napako sa kinakaupuan ko dahil......
Sobrang lapit ng mukha namin, konting galaw lang namin magdidikit na ang labi naming dalawa.
Nanlaki ang mata kong lumayo sa kanya. Syet. Sobrang lakas ng tibok na puso dahil lang dun. Para naman akong aatakihin sa puso.
Pati din siya natigilan pero saglit lang yun, nung nakabawi agad na umiwas ng tingin.
"Ehem! If you don't mind nandito pa ako sa harap nyo. Dahil sa sobrang ka sweet-an nyo, nakalimutan nyong hindi pa ako umaalis."
Para naman akong napako dahil biglang pag-imik ni Mrs. Thomson sa harap namin.
"Yiee! Pumapag ibig si beshie. Hihihi!"
"Kayo huh, pasimple na dumadamoves.syet! Kinikilig ako."
"Ehem! ehem!"
"Go dude! Sunglaban mo na. Ano pang ginagawa mo?"
Mga kutyaw ng mga kaibigan namin. Wuaahh! Nakahiya, siguro namumula na ang buong mukha ko.
Yung iba naman na kaklase namin nakikikatyaw din. Yung iba, ang sama ng tingin sa akin, pinagsawalang bahala ko na lang.
"Stop it guys. Sige na Mr. Monteverde samahan mo si Ms. Acosta sa clinic." utos nya kay Calvin.
Aangal na sana ako pero pinanlakihan lang ako ng mata. Kaya wala akong magawa kudi tumango.
Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo.
"Kaya mo bang maglakad, Devon?" tanong naman nila Tristan.
I nod bilang sagot.
"Magpabuhat ka na lang siguro. Para hindi ka mahirapan." suggest naman ni Trisha.
Medyo namula naman ang mukha. Umiling iling na lang ako.
Hahakbang na sana ano ng bigla akong ma out balance. Napapikit na lang ako ng mata para hintayin ang pagkahulog ko.
Pero ilang segundo wala akong naramdaman na kahit anong masakit. Kundi isang matigas na bagay ang naramdaman kong nakapulupot sa baywang ko.
Kaya unti unti ko namang binuksan ang nakapikit kong mata.
O_O
Bumungad sa akin ang Mariin nyang tingin sa mga mata ko.
*tug*
*tug*
*tug*
>>>>
A/N: kinikilig ka naman. Charrr!! ^_________^V