Chapter 6: Chapter 5

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 17537

Devon's PoV

Sumapit ang uwian. Kaya nagligpit na ako ng gamit ko. Yung iba ilalagay ko mamaya sa locker ko para konti na lang ang bibitbitin ko pag-uwi.

Agad akong lumabas pagkatapos ko ang pagliligpit. Hindi ko na nakita ang walo nung lumabas ako ng room. Baka umuwi na sila.

Nang mailagay ko na ang mga libro at note book ko sa locker room, agad naman akong dumeretso na parking lot.

Mangilan ngilan ang mga estudyante na nakikita ko ngayon na kasabay kong naglalakad. Nakakainggit naman sila, buti pa sila may kasabay na umuwi.

Tinuloy ko na lang paglalakad hanggang nakarating ako sa parking lot. Natamaan ko naman ang pito doon na nakaupo. Sa hallway ng parking lot.

Kala ko nakauwi na ang mga ito? Hindi pa pala.

Medyo kinabahan naman ako pero pinagpatuloy ko na lang paglalakad ko. Pero nakita ko sa gilid ng mata ang isa isa silang tumayo.

Nakita ko naman ang paglakad nila patungo sa akin. Kaya medyo nataranta ako.

"Wait! Devon. May sasabihin lang kami." tawag pansin ni Megan.

Kaya napatigil naman ako sa paglalakad. Medyo nalagpasan ko na sila ng konti kanina. Magso-sorry na sana ako pero inunahan ako ng hiya.

Unti unti naman akong humarap sa kanila na nakayuko.

"B-bakit?"

Napakamot muna sila ng ulo bago nila sinagot ang tanong ko. Alinlangan silang tumingin sa akin. Ang apat naman na lalaki ay parang chill chill lang sa kinakatayuan.

"Sorry pala kanina dahil sa sinabi ko. Hindi ko kasi naisip agad na ganun ang magiging reaction mo."

"Hindi naman naiisip na baka mawalan ka ng scholar kung gagantihan mo sila."

"Kahit ayaw mong lumaban, dapat lumaban ka pa din. Kung tatanggapin mo lahat ng pananakit nila sayo, hindi ka nila titigilan. Ulit ulit nila ang bagay na yun"

Mahaba habang paliwanag nila at paumanhin.

"Hindi mo dapat hayaan na tapak tapakan ka nila. Hindi sa pinipilit ka namin na gantihan sila a. Ang gusto ko lang sabihin na huwag mong hayaan ang ginagawa nila sayo." mahabang paliwanag ni Trisha.

B-bakit sila nagso sorry sa akin? Wala naman silang kasalanan sa akin a.

"Woahh! Ang haba nun a. Nakaka-touch naman, pero ang corny niyo guys."

"Para kayong nagko-confess d'yan. Hindi ko inaakalang may ganun palang lumalabas sa bunganga mo Trisha!"

"Kala namin puro pagsusungit lang ang alam. Syempre joke lang!"

"Hahaha! Ang Kakornihan niyo!"

Pinaukulan naman ang tatlo sina Ross ng masamang tingin. At nag dirty finger sila.

O_O- me

Nabigla naman ako sa ginawa nila. Kala ko lalaki lang ang gumagawa ng ganun. Pati din pala ang babae.

Agad naman binalik nina Tanya sa akin ang tingin nila.

"Da-dapat a-ako ang m-magsorry sa inyo e. Dahil ganun ang s-sinagot ko sa inyo. T-tinutulungan niyo lang naman ako." pahayag ko sa kanila.

Nalito naman sila sa sinabi ko.

"Huh? Bakit ka namam nagso sorry sa amin?" taka nilang tanong.

"Dahil sa pag i-iwan at p-pag i-iwas sa inyo kanina. At isa pa ayoko kasi na may n-nadadamay dahil lang sa a-akin." paliwanag ko.

Napahinga naman silang ng maluwag. Agad silang lumapit sa akin at niyakap ng mahigpit.

"Waahh! Dapat huwag ka ng umiwas sa amin a. Kala namin tuloy ayaw mo kaming makasama e." may patatampo na sabi Megan.

"Sali naman kami dyan!" kaya nagsitakbuhan naman silang pumunta sa amin at nakiyakap din.

"Waahh! Guys! hindi na kami makahinga dahil sa higpit ng yakap nyo." reklamo naman ni Tanya.

Pilit na inaalis ang pagyayakap sa kanya. Pero hindi sila nagpatinag. Mas lalo pa nilang hinigpitan. Kaya kaming mga babae, nagreklamo na.

"Hoy! Kayo bitawan niyo na nga kami, hindi na kami nakahinga e." nahihirapan na sabi Megan.

"Ayaw! Hahahahha!"

Tawanan nila. Kaya masama naman na tinignan nila Trisha sina Tristan.

"Bakit may naaamoy akong iba?" ani Tyron.

Kaya isa isa naman kaming nagbitayan sa pagyayakapan.

"Amoy banana que. Sino sa inyo ang kumain ng banana que?" tanong nya.

Nagsitinginan naman silang lahat pati rin ako, kahit alam kong ako ang kumain kanina ng banana que.

Ganun na lang ba kaamoy ang banana que na kinain ko kanina?

Nakita ko naman na natigilan sina amin at unti unting humarap sa akin at kay Calvin, na kanina pa pala walang imik.

Medyo kinabahan naman ako dun. Huwag nilang sabihin na nag-aamoy akong banana que?

Dahan dahan naman na lumapit sina Trisha sa akin. Nakita ko din na lumapit sina Tristan kay Calvin.

Wag mong sabihin na aamoyin ako ng mga 'to.

"Ikaw yung nag aamoy banana que, Devon?"

Medyo napa-atras naman ako, para kasi silang manyak e na nakangisi habang lumalapit. Hehe! Joke lang yung mukha silang manyak.

Pero yun ang magandang i-describe sa kanila.

Para naman akong napako nung nilipat nila ang mga mukha nila sa akin at inamoy.

"IKAW NGA!"

Sabay sabay nilang sigaw. Baliw talaga ang mga ito. Pero masaya naman silang kasama.

"Saan ka bumili ng banana que, pre? Hindi ka man lang nagsabi, edi sana nakabili din kami." maktol na sabi Ross.

"Ang daya"

Nabaling naman ang tingin naming mga babae sa kanila. Nakita namin na pinapalibutan nila si Calvin.

Ang epic ng mukha niya. Para syang natatae na ewan.

"Tigilan niyo nga ako." asar niyang sabi sa mga kaibigan niya.

"Nagtatanong lang naman e. Ang sungit talaga ng isang to." kamot ulo na pagtatampo ni Tyron.

At umalis sa tabi niya. Kala ko tapos na ang pagtatanong nila pero nagkamali ako.

"Bakit amoy banana que kayong dalawa?" naka ngising tanong nila.

"Alam namin na walang nag titinda ng ganun dito sa school. O baka naman magkasama kayong kumain ng banana que kaninang break time?." may kung ano sa boses ni Tristan na sabi.

Nakita ko naman ang pilyo nilang ngiti na naka paskil sa labi nila.

"Wala kayo kanina sa canteen e. Alam kong hindi masyadong pumupunta si Devon doon, pero bakit wala kanina si Calvin dun? naiisip niyo ba ang naiisip ko mga kaibigan?" Pang-asar na sabi ni Trisha.

"Yes! Of course. Edi magkasama sila kaninang kumain ng banana que." sabay sabay nilang sagot.

"Buaaahhaahaha!"

"Hahahahhhhhaaha!!"

Napatanga naman kami ni Calvin dahil sa sinabi nilang lahat. Pinapanood lang namin sila na tumatawa na parang wala nang bukas.

Kulang na lang ang magpagulong gulong sila sa semento, para na silang baliw sa ginagawa nila. Kulang na lang ay mga buhok nilang magulo at mga damit nilang sira sira, para masasabi mo ng baliw na ang mga ito.

"Ayiee! Magkasama sila kanina!"

"May patago tago pa kayong nalalaman dyan."

"Syempre ayaw nilang sumama tayo. Kaya nilihim nila ito."

"Don't worry, suportado ko kayo. Ayiee! Hehe!"

"Waahahahahaahaah!"

"Ayieee!! Hahahhhaha!"

Ayon matapos nilang sabihin nagsinawanan na naman silang lahat.

"Tsk!"

Buti na lang at walang dumadaan na dito. Kung meron man baka nagkamalan na silang mga baliw. Mga sirang plaka.

"Tss! let's go. Mauna na tayong umuwi." yaya nya sabay hila sa akin.

Napaigta naman ako dahil dun at sa paghila niya sa akin.

"Paano sila? Hindi pa ba sila uuwi?" takang tanong ko habang hinihila parin ako.

"Tsk! Hayaan mo sila doon. They didn't stop when we still there. Kaya mas mabuti na lang na umalis na tayo." may pagka iritang sabi nya habang hila hila parin ako.

"Baka magalit sila?"

"Hindi magagalit ang mga yun."

"Okay"

Nang nakalabas na kami sa parking lot napansin ko a, bakit hinihila ako ng isang to palabas? Bakit sinama pa ako? Wala ba tong kotse?

"Wait! Wait!" sabay tanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nya.

Napabitaw naman sya at tumingin ng walang emosyon.

"Why?"

"Bakit mo ako hinila palabas, eh nasa parking lot pa ang kotse mo." kunot noong sabi ko sa kaniya.

Medyo nagulat naman siya. Pero agad ding nawala.

"Hindi ko dala ang sasakyan ko. Nagpapasundo ako sa driver namin." sagot nya.

Tumango naman ako bilang sagot. "Sige una na ako. Pakisabi na lang kung maabutan mo sila, pakisabi na nauna na ako." pakisuyo ko.

"Sige, bye!"

Napakunot naman s'ya ng noo. Hindi ko nalang yun pinansin at nagsimulang naglakad. Maglalakad na lang ako pauwi, yun naman ang lagi kong ginagawa pag uwian.

Para Exercise na rin ng mga paa.

Hindi pa ako nakakalayo sa kinakatayuan namin kanina. Nang may biglang humatak sa kamay ko.

Sisigawan ko na sana siya, pero biglang nagsalita ang humatak sa akin.

"Hey! It's me."

Parang familiar ang boses nya, kaya dahan dahan naman akong humarap.

"Calvin?"

"Sino pa nga ba?"

"A-anong na naman ang kailangan mo?" inayos ko ang salamin ko.

Kala ko kung sino ng humatak sa akin. Buti na lang at hindi ko ito nasapak.

"Tss! Hatid na kita."

Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil lang sa pag-aalok nya.

Natulala naman ako ng isang saglit sa kanya. Hindi makapaniwalang ihahatid ako. Siya? Ihahatid ako sa bahay? Wee di nga?

Baka ginu-good time lang ako nito. Alam ko ang ugali ng isang ito, magaling manloko.

"Oh? Bakit ka nakatulala dyan? Tusukin ko yang mata mo e." iritang sabi nya.

Agad ko naman syang sinamahan ng tingin. Itong lalaking talaga laging masungit kapag ako ang kaharap nya, porket ba pangit ako. Kung sa iba naman ang bait bait at laging nakangiti.

Eh ano naman pakialam ko kung hindi ganun ang ipinapakita niya sa akin. Hindi ko na yun problema.

"Huwag na. Kaya kong umuwi mag-isa." pagtatanggi ko at sinilan mulan ulit ang paglalakad.

Bahala siya dyan.

Bigla na naman niya akong hinatak. "I said, I'll drive you home." at kinalakad ako.

"Ano ba? Bitayan mo nga ako, kaya ko naman maglakad ng hindi hinihila e." reklamo ko.

Agad naman nya akong binitayan. Muntik na akong ma out balance. Kaya nahulog ang salamin ko.

"Naman oh. Yan tuloy nahulog ang salamin ko." inis kong bulyaw sa kanya.

At dali daling pinulot ang salamin kong nasa sahig. Nang napulot ko agad ko naman na pinunasan. Kahit medyo malabo ang mata ko. Napansin ko parin na may cracked sa gilid.

"Kita mo na may cracked na sa gilid." reklamo ko. At sinuot ang salamin ko.

Tumingin naman ako sa kanya ng masama. Napakunot naman ako sa kanya dahil titig na titig ito sa akin.

Anong problema nito? Bakit titig na titig? Alam kong pangit ako, hindi na nya kailangan na ganyan siya makatingin sa akin.

"B-bakit ganyan ka m-makatingin sa a-akin?" utal utal kong tanong.

Hindi ko mawari kung bakit biglang tumibok ng mabilis ang pitik ng puso ko dahil sa titig nya sa akin.

"Damn it! She's beautiful when she not wearing glasses."

May sinabi sya pero hindi ko narinig dahil binulong nya lang ito.

Minumura ba ako ng isang to? Tanong sa aking isipan.

"Huh?" takang tanong ko.

Doon naman siya natauhan.

"Wala, halika na nga. Ang dami pang arte e. Tss!" reklamo nya.

"Wow huh! Ako pa ngayon ang maarte a!" bwisit talaga ang isang ito.

Agad naman siyang naglakad patungo sa sasakyan na hindi kalayuan masyado sa kinakatayuan namin.

Wala na akong magawa kundi sumunod sa kanya. Nang makarating ako sa labas ng sasakyan  nakita ko ng siyang nakasakay sa backseat.

"What are you waiting for? Sumakay ka na nga" kunot noong sabi nya.

May hinahabol ba ito? Kung makapag-utos. Sinamahan ko siya ng masamang tingin bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Sa harap na lang ako umupo dahil nasa likod naman siya. Hindi naman sa ayaw kong makatabi siya. Baka asarin lang ako nito.

"Sinong nagsabi sayo na dyan ka uupo?" iritang tanong nya.

Napabaling naman ng tingin ko sa kanya. "Ikaw. Diba sabi mo nga na sumakay na ako, di heto sumakay na ako. Ano pa ba ang gusto mo?" inis kong bulyaw sa kanya.

Napatingin naman ang driver nya sa aming dalawa.

"Oo, ako ang may sabi pero may sinabi ba akong dyan ka uupo. Dito ka sa likod umupo, sa tabi ko."

Medyo na bigla naman ako. Ano? Ako uupo sa tabi niya?

Ay hindi hindi. Sa compartment. Pampipilosopo ng isip ko.

Padabog naman akong umalis sa kinakaupuan ko at lumapit sa tabi niya. Hindi na ako lumabas ng sasakyan.

"Kababaeng tao kung saan saan sumusulpot. Tsk!" parinig nya.

Sinamahan ko naman siya ng tingin. Pake n'ya ba.

"Pake mo."

Pero inirapan din ako ng loko. Nang nakaupo na ako ng maayos, agad niyang sinabi sa driver na paandarin na niya ang sasakyan.

Habang nasa byahe kami.

"Saan parte ang bahay niyo?" biglang tanong nya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Ituturo ko na lang." maikli kong sagot.

Tumungo naman sya. Walang imikan hanggang naka rating kami sa aming maliit na bahay.

"Dito na lang. S-salamat sa paghatid. Sige una na ako." pasasalamat ko.

Agad naman akong lumabas. Bubuksan ko na sana ang kahoy naming gate nang biglang nagsalita sya.

Kunot noo naman akong humarap sa kanya.

"May kailangan ka pa ba?" takang tanong ko.

"P-pwede bang m-magbaon ka ulit ng b-banana que bukas?" medyo utal nyang sabi.

At umiwas ng tingin.

"Sige" tipid kong sabi.

Tumango naman sya at nagpaalam.

"Night"

Nabigla naman ako dahil sa sinabi. Bago yun a. Hindi ko naman kasi inaakalang maggu-good night sya sa akin.

"Night din"

Pagkatapos kong sabihin yun, agad akong tumalikod sa kanya. Hindi ko namalayan na may munting ngiti na pala na nakapaskil sa aking labi.

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Narinig ko naman ang sasakyan nya na umandar na. Kaya tuloy tuloy na akong pumasok sa loob ng bahay namin.

"Anong ibig sabihin ng ngiting yan, huh?" pagtutukso ni nanay pagpasok sa loob.

Napaigta naman ako sa bungad sa akin. Huwag niyang sabihin na nakita nya kanina yung nangyari sa labas.

"Nay naman, bakit kaba nanggugulat?" naka simangot kong sabi.

Pero ngumiti lang siya ng pang-asar. At hindi pinansin ang sinabi ko.

"Sino yun? Manliligaw mo?"

Agad naman akong namula. Manliligaw? Ano bang pinagsasabi ni nanay? Hindi ko kaya manliligaw yun.

"Ano bang pinagsasabi mo, nay? Hindi ko yun manliligaw. Kaklase ko lang sya at k-kaibigan." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Kung ano kasi ang isipin nya e. Alam nyo kasi itong nanay kong 'to ang galing mang-asar.

"Kaklase at kaibigan lang nga ba? O mas higit pa doon?" patuloy na pagtukso ni nanay.

Biro ko naman syang inirapan.

"Bakit nyo po kasi pinagpipilitan na nililigawan ako ng lalaking yun. Nakakainis kaya 'yun at lagi pa akong inaasar." maktol kong paliwanag.

Para paring timang ang nanay ko dahil hindi mawala wala sa labi nya ang pilyong ngiti.

"Ika nga ng iba. the more you hate, the more you love." ani nya.

Luh! Saan naman napulot ng nanay ko ang kasabihan na yun. Ito talaga si nanay oh, kung ano ano ang sinasabi.

"Nay, naman e. Hindi ko nga siya manliligaw, kaklase ko lang siya." pagmamaktol ko.

"Eh bakit ka n'ya hinatid dito? Kala mo hindi ko yun nakita, may pangiti ngiti ka pang nalalaman dyan. Hindi lang aminin na kinikilig siya."

Ang kulit talaga ng nanay ko. Kaasar.

"Siya po ang may gusto na ihatid ako. At syaka kabayaran daw ng paghingi ng banana que sa akin kanina." pagsisinungaling ko.

Sorry Lord! Nagsinungaling ako kay nanay. Tinutukso niya kasi ako e. Kung sinabi ko na hinatid talaga niya na hindi binabayaran ang pagkain na binigay ko kanina.

"Ah! Sabi mo e. Halika na nga kain na tayo, tamang tama katatapos ko lang magluto ng hapunan natin." pagyaya ni nanay.

Tumango naman ako at dali daling linapag ang bag ko sa salas. Aayusin ko na yun kapag tapos na akong kumain.

Agad akong tumungo sa hapag kainan namin. Naglinis muna ako ng kamay bago kumain.

"Anong niluto mo, nay?" tanong ko pagkaupo ko.

Tumingin naman siya saglit sa akin pagkatapos binalik agad ang tingin sa inahanda nya.

"Hmm! Tortang talong, nak. Yung paborito mong ulam." nakangiting sagot nya.

*\0/*

Napalunok naman ako. Agad naman na kuminang ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Excited na po akong tikman ang linuto niyo. Tulungan ko na po kayo na maghain, para mas mabilis." masigla kong pag-aalok.

Nakangiti naman syang umiling.

"Huwag na, nak. Umupo ka na lang dyan." pagtatanggi niya. At pinag patuloy ang paghahanda.

Pagkatapos niyang naghanda agad naman syang umupo sa harapan ko.

Oyy! Oyy! Hindi sa mismong harap ko a. Sa katapat kong upuan. Baka kung ano na naman ang nasa isip nyo.

Nagdasal muna kami bago kumain. Nang matapos kaming nagdasal agad kaming kumain.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Nagsalita naman si nanay.

"Kamusta naman ang pag-aaral mo, nak?" tanong ni nanay habang nakatingin sa akin.

Agad ko naman itinigil ang kinakain ko para masagot ang tanong nya.

"Okay lang naman po." pagsisinungaling ko, hindi naman pure na pagsisinungaling. At ngumiti naman ako ng malapad. Pero ang mga grades ko, okay naman. Matataas parin.

Ayokong sabihin sa kanya ang pangbubully nila sa akin kanina.

Pinagpatuloy ang kinakain ko.

"May kaibigan ka na dun? Hindi ka ba nila inaaway? Alam mo naman ang mga tao dun." tanong ni ulit nya.

Ayokong madagdagan ang problema ni nanay kung sasabihin ko pa sa kanya ang pambubully nila sa akin.

Kahit ayaw kong maglihim.

"Meron po akong mga kaibigan ang babait nila. Kahit isa lang po akong hamak na nerd, tinanggap parin nila ako." masayang pagkukwento ko.

Nakita ko naman sa mata ni nanay ang tuwa dahil sa sinabi ko. Ako din masaya dahil may kaibigan na akong masasabi.

"Masaya ako para sayo, anak. Pagbutihin mo ang pag aaral mo ha." naka ngiting pangaral nya sa akin.

"Opo"

Buti na lang at nakalimutan nya ang pangbubuling na tanong nya.

Nang matapos kaming kumain agad ko naman nilinis ang pinagkainan namin at ako na din ang naghugas..

Nang matapos akong naghugas agad naman akong pumunta sa sala para kunin ang bag ko, bago pumunta sa kwarto namin ni nanay.

Naabutan ko naman si nanay na nag aayos ng mahihigahan namin.

"Tapos mo na ba lahat ang ginagawa mo, nak? Halika kana tulog na tayo." tanong ni nanay.

"Magha-haft bath lang po ako pagkatapos non matutulog na ako." sagot ko.

"Sige bilisan mo at matutulog na tayo."

Tumango naman ako bilang sagot at lumabas. Nang matapos akong naglinis ng katawan agad akong pumasok sa kwarto namin.

Tinanggal ko muna ang salamin ko sa mata.

At agad akong tumabi kay nanay sa paghihiga. Nagdasal muna ako bago matulog.

Nang hindi pa ako tuluyan na nakatulog biglang nag beep ang cellphone kong keypad sa ulunan ko. Hindi ko na yun pinansin hanggang dalawin ako ng antok.