Devon's PoV
*TITTILAOK* [isipin nyo na lang na manok ang nagtitilaok. Hindi ko alam kung ganyan ba. Pero paano nga ba? Try mo nga.^_^]
Agad akong bumangon ng pagkakahiga ng marinig ko ang tunog nang tilaok ng manok. Ang ganda ng orasan ko no?
Magpabili ka na din, mura lang yan.
Sinuot ko ang salamin ko.
Agad akong lumabas ng kwarto, nang hindi ko makita si nanay na wala sa tabi ko. Hindi na bago yun sa akin dahil madalas si nanay ang unang nagigising sa aming dalawa.
Nakita ko si nanay sa sala na nagkakape, kaya agad naman akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi.
"Good morning, nay" pagbabati ko.
Agad naman na umasim ang mukha niya. Napakunot naman ako bigla dahil sa inaasal ni nanay.
"Anak naman, baka gusto mong magmulumog muna. Iba kasi ang amoy ng hininga mo, parang ewan." prangka ni nanay.
Napakamot na lang ako ng ulo, kaya wala akong nagawa kundi ang nagmulumog. Nakakahiya naman kay nanay, na akala mo mabango ang bunganga. Joke lang.
Nung matapos akong nagmulumog agad akong tumulong sa paghanda ng agahan namin.
Hmmm. Mukhang masarap.
"Mukhang masarap ang ulam natin nay ha?" nakangiti kong sabi.
"Masarap talaga ang luto ko. Ako ang nagluto e." proud na sabi nanay.
Kaya natawa naman kami pareho.
"Tama ka, nay"
"Hala sige kumain kana, baka lumamig pa yang kanin at ulam."
Matapos kaming kumain agad akong nagpalit ng uniform.
"Sige nay una na ako" paalam ko.
Agad naman syang tumango.
"Ingat ka, nak"
Kinaway ko lang ang kamay ko bago lumabas sa bakuran namin.
Habang naglalakad ako sa corridor ng school namin, nang may biglang bumuhos sa akin ng tubig at sinamahan pa ng arina at itlog.
Para naman akong napako sa kinakatayuan ko. Hindi ako makakilos dahil sa gulat.
Kaya ibat-ibang tawanan ang narinig ko at panlalait. Gusto ko silang sigawan para tumigil na sila. Pero hindi ko magawa.
"Hahaha! Nababagay lang sayo yan. Mukha ka ng white lady, white lady na ang pangit!"
"Akala mo kung sino dito. Ang kapal ng mukha na sumasama sa mga bagong tranferee"
"Hindi man lang mahiya"
"Kaasar nga ang babaeng yan e."
"Baka nasa loob lang ng kulo ayaw lang ipakita. Malandin."
"B*tch!"
Kaya tuluyan ng nahulog ang luhang pinipigilan ko. Bakit ganito na lang lagi ang nararanasan ko? Hindi ba sila nagsasawa na bulihin ako?
Kung ako ang tatanungin, matagal na akong sawang sawa sa pinaggagawa nila. Bakit hindi na lang nila ako pabayaan na manahimik sa isang tabi.
"Ayy! Umiiyak pala ang isang nerd. Hahaha!"
"Kawawa ka naman, ang pangit mo na nga mas lalo ka pang pumangit habang umiiyak."
"Sige pa umiyak ka pa ng malakas. Ang hina naman hindi namin naririnig e."
"Hahahahhaa!"
Tiwanan na naman nila ako ulit.
"ANONG GINAWA NIYO SA KANYA?"
Sigaw mula sa likuran ko. Kaya napabaling lahat ng tao dun sa sumigaw. Napatingin din ako doon.
Lumaki ang mata ko ng napagtanto ko kung sino ang sumigaw. Nakita ko sa mukha nila ang pag-aalala.
Dali dali naman akong inalalayan ni Tanya at Megan na tumayo mula sa pagkakaupo.
"May masakit ba sayo, Devon? Mayroon ba pa ba silang ginawa sayo maliban sa pagbubuhos ng tubig at pagbato ng itlog?" sunod sunod na tanong ni Trisha.
Agad akong umiling sa kanya. Tinanong din ako nila Ross kung okay lang ako. Tumango na lang ako bilang sagot at hindi na nag atubli na sagutin ang tanong nila.
"Ano bang kasalanan ni Devon sa inyo a? Kung lait laitin niyo siya parang hindi siya nasasaktan! Kayo kaya ang ipahiya ko dito ngayon, gusto nyo ba?! Hindi ko kayo uurungan! Kaibigan ko yang inaaway nyo." mahabang sabi nya.
At tinignan isa isa ang mga estudyante sa harap namin. Makikita mo sa mata niya ang matinding galit.
Walang umimik dahil dun.
"Hayaan n'yo na sila. Wag na kayong makipag away dahil sa akin. Baka kayo pa ang pag-initan nila e." halos pabulong kong sabi sa kaniya.
Agad naningkit ang mata niya dahil sa sinabi ko.
"Ganun ganun na lang, di mas lalong aawayin ka nila kung hindi mo sila lalabanan. Sumusobra na sila e." May iritang sabi nya.
Napatungo naman ako dahil sa sinabi niya. Kahit man gusto kong gawin. Pero hindi maaari e.
"Ka-kahit gusto kong l-lumaban, hindi ko magawa e. A-ayokong mawalan ng scholar, dito na lang ang pag-asa ko na makapagtapos ng pag-aaral. Kung g-gagawin ko yun, anong m-mangyayari sa akin?" nanghihinang paliwanag ko.
Natahimik lahat sila dahil sa sinabi ko.
"S-sige m-mauna na ako. Maraming salamat sa pagtulong." paalam ko.
At naglakad paalis sa maraming tao na nanonood. Masama ba ako? Dahil pinagtatanggol na nga ako nila ito parin ako na nagrereklamo.
Para naman din sa kanila ang ginagawa ko e. Dahil sa akin baka madamay pa sila. Kahit alam kong kaya nila ang mga sarili nila.
Napag isip ko. Magsosorry na lang ako mamaya kung papansinin pa nila ako. Ako na nga ang pinagtatanggol, ako pa ang may ganang umalis kanina.
Agad akong dumeretsyo sa locker room para kunin ang isa kong uniform. Tatatlo lang ang uniform ko. Ang isa nasa bahay yung isa ay nasa locker ko, para may pagpapalit ako kung pinagpapawisan o binubuhusan ako kung ano ano.
Puro luma na ang mga uniforms ko dahil ito palang ang uniform muna nung nakaraang taon. Pinagsasyagaan ko na lang ang mga ito, para may maisuot na bago.
Agad akong pumasok sa CR na malapit sa locker room namin. Agad akong pumasok sa isa sa pinto. At nagpalit ng uniform.
Pagkatapos kong magpalit, agad akong pumasok sa unang klase ko.
'Sana hindi pa ako late.' Sa isip ko.
Agad ko na lang na binilisan ang paglalakad para makarating agad ako. Baka mapagalitan pa ako.
Nang nasa harap na ako ng room namin, huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
*tok*tok*tok*
"Come in!"
Agad kong binuksan ang pinto ng room namin pagkarinig ko ang boses sa loob.
Nang nakapasok na ako, nakita ko naman na napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Agad akong napayuko.
"S-sorry ma'am kung late na ako." paumanhin ko habang nakayuko sa harap niya.
Akala ko magagalit sya at bubulyawan niya ako pero nagkamali ako.
"Sige maupu ka na, Ms. Acosta."
Tumango naman ako bilang sagot at naglakad patungo sa upuan ko. Nakita ko naman na pati mga mata kaklase ko ay mariin na nakatingin sa akin.
Nadaanan ko ang pito sa kaniya kaniya nilang mga upuan. Naalala ko naman ang nangyari kanina, kailangan ko palang magsorry sa kanila.
Nakatingin lang sila sa akin na umupo sa upuan ko. Nakita ko rin na nakatitig si Calvin sa gilid ko pero hindi ko na lang yun pinansin at nakinig na lang ako sa klase.
Matapos lahat ng klase namin sa umaga. Agad kaming nagsilabasan para mag meryenda. Agad naman akong lumabas ng room namin at dumeretso sa tambayan ko sa field.
Nang nakarating ako dun agad akong umupo at sumandal sa puno. Nilabas ko naman ang baon kong banana que at isang battle ng tubig.
Kahit ganito ang baon ko, okay na sa akin. Masaya na ako dahil may baon ako pang araw araw. Masarap naman e. Kaya solve na ang tyan ko. Luto ng nanay ko e kaya masarap.
"Bakit hindi ka sumama kina Megan? Kanina ka pa nila hinahanap." salita bigla ng boses mula sa likuran ko.
Nabitin naman ako pagsubo ko ng banana que sa bunganga ko. Kaya dahan dahan naman akong humarap sa nagsalita.
Nakita ko naman si Calvin na mariin na nakatingin sa akin. At sa kinakain ko.
Hindi ako sumagot sa tanong nya at binalik ako sa kinakain ko. Pake ko naman sa isang yan. Nakakabanas ang pagmumukha niya, ang sarap ingudngod sa damuhan.
"Tsk!"
Naramdaman ko naman na naglakad nya patungo sa isang puno. Nakita ko sa gilid ng mata ko na umupo din s'ya dun.
Hindi ko na lang iyon pinansin. Pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko, pinahalata ko na lang na wala akong kasama na nakaupo.
"What is that?" biglang tanong nya.
Sino naman ang kinakausap nito? Hindi kaya may kausap ito na hindi ko nakikita?Nakakatakot naman ang lalaking ito.
Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ang kumain. Baliw na to siguro.
"Hoy nerd! Ikaw ang kinakausap ko. Parang kang tanga dyan." inis nyang sabi sa akin.
Agad ko naman syang sinamahan ng tingin. Abat! Siya pa ang may ganang mainis sa akin. Siya na nga tong nagtatanong e.
"Banana que. Oh! Nasagot ko na ang tanong mo, pwede na ba akong kumain?" iritang sagot ko sa kanya at inirap ulit.
Pinagpatuloy ko naman ang kinakain ko.
"Pahingi niyan"
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Siya humihingi sa akin ng baon ko? Parang hindi kapa-kapaniwala ang sinabi niya.
Bakit kumakain ba siya ng meryenda ng mahihirap? Tanong ko sa isip ko.
Bigla akong napatitig sa kanya.
"Bakit ganyan ka makatingin?" iritang bulyaw nya.
Napa-ikot na lang ako ng mata. Ang sungit, kaasar.
"Anong pahingi ang sinasabi mo dyan?"tanong ko.
Agad naman niya akong sinamahan ng tingin. Bakla ba to? Kung makairap wagas.
"'Yang kinakain mo. Pahingi ako." bossy nyang sabi.
Agad naman akong napatingin sa kinakain ko. Ang konti na nga lang hihingin pa niya. Bakit hindi na lang sya bumili? Mas marami pa ang mabibili nya e.
"K-kumakain ka nito?" medyo bigla kong tanong.
Napakunot naman ang noo niya. Mukhang naasar ko ata.
"Anong akala mo sa akin? At isa pa, h-pindi pa kasi a-ako n-nakakain nang ganyan." utal nyang pag aamin.
O__O- me
Yan ang mukha kong nakatitig sa kanya. Woah! Di nga? Parang ang hirap paniwalaan. Pero sabagay ganun talaga ang mga mayayaman, hindi alam kumain ng banana que.
Dahil dakilang mapagbigay ako, sige na nga bibigyan ko siya. Kahit lagi nya akong inaasar at sinabihan ng masama.
"Oh! Sayo na lang, nakakahiya naman sayo." sabay abot sa kanya ang tatlong piraso ng banana que.
Medyo nagliwanag naman ang mukha nya. Maliit lang na bagay, masaya na. Psh. Napangiti na lang ako palihim.
Agad naman nyang inabot ang binigay ko sa kanya. Nakita ko naman na sinubo ang buong isang banana que.
Napangiti na lang ako ng palihim.
"Inferness, it's delicious. Who made this?" manghang tanong nya sa akin.
"Thanks. nanay ko ang nagluto nyan." sagot ko habang nakatingin parin sa kanya.
Ang gaan niyang kumain, makikita mo sa mukha nya ang hindi nandidiri. Dahil sa hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Bigla niyang kinaway ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Anong tinitingin tingin mo dyan? Ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong kumain. O wag mong sabihin na iinlove ka na sa akin?" pilyong sabi nya habang nakangisi.
Naningkit naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Anong sabi niya? Ako inlove sa kanya? Asa sya, hinding hindi ako magkakagusto sa isang playboy na kagaya niya.
"Ako? Inlove sayo? Asa ka. Hindi ako pumapatol sa isang katulad mong playboy!"Â prangka kong bulyaw sa kanya.
"Kala mo naman may papatol sa kanya." medyo bulong niya na sabi.
Nadinig ko naman ang bulong nya. Abat!
"Anong sinabi mo, huh?" iritang tanong ko.
Padabog naman s'yang tumayo."Wala!"
Luh! Problema ng isang iyon? Ang laki ng problema sa akin kahit wala akong ginawaga sa kanya.
"Poblema nito?" Bulong ko.
"And by the way, salamat sa pagkain. It's delicious, magbaon ka ulit." may ngiti nyang pasasalamat niya.
Nagulat naman ako dahil sa bigla siyang nagsalamat. Hindi ko naman ine-expect na magpapasalamat siya sa akin at hindi lang yun a, ngumiti pa siya.
Nabalik na lang ang ulirat ko ng wala na siya harapan ko. Napangiti na lang ako ng hindi ko namamalayan.
Medyo nabawasan na ang pagka-irita ko sa kanya. Hindi ko pa kasi nakakalimutan ang sinabi niya. Pero kalimutan ko na yun, sanay na akong masabihan ng ganun e.
*ring*ring*ring*
Agad ko namang linigpit lahat ng pinagkainan ko bago ako tumayo. Agad ko namang binasura malapit sa kinakaupuan ko.
Hindi pa pala ako nagso-sorry kina Trisha kanina. Hindi naman kasi sila pumunta dito kanina e. Dito din kasi sila madalas pumunta kung break time.
Agad akong pumasok sa room. Nakita ko naman silang, pero wala si Calvin na kasama nila. Saan naman pumunta yun?
Ayiee! Hinahanap nya. Asar ng isip ko.
Medyo na mula naman ako dahil dun. Lumakad naman ako patungo sa kinakaupuan ko. Nakita ko sa gilid ko na nakatingin sila sa akin. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko.
Nahihiya ako e. Kaya hindi ko sila matignan sa mata. Hahanap na lang ako ng tyempo para magsorry.
Agad naman akong umupo sa upuan ko at tumingin sa labas ng bintana. Gusto kong panoorin ang lumilipad na paro paro. Nakarelax kasi ang mga itsura nila, ang gaganda.
Napako naman ang mata ko sa dalawang tao sa ilalim ng puno. Kala mo wala ng bukas kung maghalikan, hindi man lang mahiya dahil may mangilan ngilang nakakakita sa kanila dalawa.
Napailing na lang ako dahil sa nasaksihan kong pangyayari. Ang landi talaga ng isang iyon. Iba na naman ang kasama, kahapon yung parang hipon ang mukha. Nangyon naman mukhang clown sa sobrang kapal ng make up.
Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila.
"Nasaan na naman ng lalaking yun? Sabi niya lang kanina magc-cr sya, hanggang ngayon wala parin."
"Ano pa ba ang maasahan mo sa isang yun. Eh di nambabae na naman."
"Tatawanan ko talaga ang isang yun kung makahanap siya ng katapat niya. Tsk!"
"Sana nga makahanap na siya ng babaeng mamahalin niya. Para naman tigilan na nya ang pang bababae. Tsk! Tsk!"
"Malas naman ng babaeng yun kung nagkataon."
Narinig kong pinag uusapan nila. Dinig na dinig ko kasi dahil ang lapit lang nila sa akin. Napailing na lang ako.
Napabuntong hininga na lang ako at binalik ang tingin sa labas. Nakita ko naman na wala na ang dalawa sa kinakatayuan nila kanina.
Baka umalis na sila.
Ay hindi nagtago lang sila dahil nakatingin ka kasi sa kanila kanina. Kontra ng isip ko.
"Good morning class" bati ng subject teacher namin.
Agad naman kaming nagsitayuan.
"Take a sit"
Agad naman kaming nagsiupo. Magsasalita pa sana ang subject teacher namin pero biglang bumukas ang pinto.
Pumasok doon si Calvin na pachill chill lang.
"Sorry, ma'am I'm late." nakangiwing paumanhin nya sabay kamot ng buhok.
Agad naman na nagsalubong ang kilay ni Mrs. Robinson. Lagot ka, isa din yan na masungit dito.
"Next time, huwag na 'wag kong magpapalate. Mas importante pa ba ang makipaghalikan sa labas, kaysa sa klase mo." prangka nya.
Isa yan ang kinakatakutan ko kay Mrs. Robinson e, ang pagiging prangka nya. Kahit masaktan ko pa sa binibitawan nyang salita. Pero mga tama naman ang sinasabi nya.
"Sorry ulit ma'am. Hindi na mauulit."
"Palalagpasin ko muna ito Mr. Montverde kung uulitin mo pa to, hindi kita papasukin sa klase ko. Maliwag ba?" nakataas ang kilay na sabi nya kay Calvin.
Tumango tango naman siya. Agad naman siyang umupo pagkasabi ni Mrs. Robinson na umupo na sa harap.
Pagkaupo nya, agad siyang tinadtad ng mga kaibigan niya kung ano anong tanong.
"Bakit ngayon ka lang bumalik? Kanina ka pa naming hinihintay na bumalik sa canteen."
"Hindi ka pa nagmemeryenda a."
"Saan ka naman kumain nyan?"
Narinig kong tanong nila sa kanya.
"Chill, pwede ba isa isa ang tanong nyo. Anong akala nya sa akin masasagot ng sabay sabay ang mga tanong niyo?"
"Hehehe!"
"Saan nga?"
"Secret!"
*pak*
"Ang labo mo talaga kausap."
"Pigilan nyo ako masasapak ko talaga ang lalaking yan."
"Hindi nyo ba narinig ang sinabi ni Mrs. Robinson kanina? Nakita niya daw kanina si Calvin na may kahalikan. Di yun na ang meryenda niya. Haha!"
"Hahahahha!"
Pinagtawanan nila ang sinabi ni Tristan. Hindi ko alam kung anong reaction ni Calvin. Pero alam kong masama niyang tinignan ang mga kaibigan niya.
Natawa na lang ako sa aking isipan. Hindi nila alam na humingi yan ng pagkain sa akin kanina. At sarap na sarap pa. Maliban na lang yung nasaksihan ko kanina.
"Tigilan niyo ako baka masapak ko kayo dyan. Anong pinagsasabi nyong nasarapan sa halikan huh?" iritang sabi nya sa kanyang mga kaibigan.
"Yun ang narinig namin kay Mrs. Robinson e. Kala mo hindi nasarap ang isang to."
"Bahala kayo sa buhay niyo. Ang mga walangya, ako pa ang napiling pagtripan."
"Ito na po hindi ka na po namin pagtitripan."
Ang iingay talaga ang magkakaibigan na ito. Kahit nagkaklase ang iingay parin.
Habang nakikinig ako ng may biglang bumulong sa tainga ko.
"Baon ka ulit ha"
Ramdam ko ang init sa bibig nya dahil sa hangin na bumakat sa balat ko. Para naman akong hindi makagalaw sa kinakaupuan ko dahil doon.
Bakit hindi ko namalayan na uminit bigla ang pisngi ko dahil sa simpleng bulong lang nya.
Tumango na lang ako sa kanya, hindi na ako lumingon sa kanya. Baka makita pa nya ang pamumula ng pisngi ko. Baka tuksuhin na naman ako.