Chapter 4: Chapter 3

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 18309

Devon's PoV

"Sige nay, pasok na ako. Huwag ka masyadong magpapagod." paalam ko at pagpapaalala sa kanya.

"Oo na, mag ingat ka. Hala sige, baka malate ka pa." paalam niya din palalik.

Agad akong lumabas ng bahay. Pumara agad ako ng tricycle ng may nakita ako.

Nung nakarating na kami sa school agad akong nagbayad.

Agad naman akong lumakad papasok pero hindi pa ako nakakapasok ng may biglang bumangga na naman sa akin.

Buti na lang at hindi ako natumba. Inayos ko naman ang salamin kong muntik ng mahulog.

"Opss! Hindi kita nakita e" asar ng nakabangga ko.

Napatingala naman ako sa taong bumangga sa akin. Medyo lumaki naman ang mata ko dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagwapong na lalaki. Pero pangit naman ang ugali.

"I know I handsome, you don't have to staring at me like that." nakangising pagpupuri sa sarili.

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Wow huh! Ang lakas makapuri sa sarili. Porket gwapo na siya.

Oo, inaamin kong gwapo siya at matangkad. Ang lakas nga lang makabilib sa sarili. Ayoko sa lahat ay yung mahangin at bilib sa sarili.

'ang tanong, gusto ka rin ba? Assumera' pambabara naman ng isip ko.

"Kala mo naman kung sinong makapuri sa sarili." bulong ko, sapat na ako lang ang makakarinig.

"May sinasabi ka?" tanong ng lalaking mahangin na ito.

"B-Bakit may narinig ka?" pagakatapos kong sabi yun. Nauna na akong umalis.

Naiinis ako sa pagmumukha nya. Sino ba ang lalaking yun? Bago ba lang ba sya dito?

Huwag ko na ngang isipin ang taong yun. Nakakasira lang ng araw. Sana nga lang at hindi ko na makikita at makakasalubong ang landas namin. Baka mabigwasan ko pa sya.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad para agad akong makarating sa tambayan ko sa field. Gusto ko munang magpalamig ng ulo dahil sa nangyari kanina.

Habang papalapit ako doon, natamaan ko naman sina Trisha at ang kakambal nyang si Tristan na nag aasaran na naman.

Ano na naman kaya ang nag awayan ng magkapatid na ito?

Tatalikod sana ako ng biglang nila akong tinawag.

"Devon, saan ka pupunta?" sigaw nila sa akin.

Kaya nabitin naman ang pagtalikod ko sa kanila. Unti unti naman akong bumaling ng tingin sa kanila.

Ngumiti naman ako sa kanila. Tumayo naman ang tatlong babae patungo sa akin.

"iniiwasan mo ba kami?" malungkot na tanong ni Tanya.

Nataranta naman ako.. Umiling iling naman ako bilang sagot. Na misunderstanding nila ang pag iwas ko sa kanila. Ayaw ko lang naman na madamay sila sa pangbubully sa akin eh.

"h-hindi! h-hindi. A-ah! Ano kasi?" utal utal kong hindi masagot ang tanong nila.

Napakamot na lang ako ng buhok.

"hay! Halika na nga. Sabi na naming kaibigan kana na nami e. Kaya huwag ka ng mahiya." sabi ni Trisha at hinila ang kamay ko.

"ikaw talaga Devon, sobra kang mahiyain. Sanayin mo na ang sarili mo na lagi mo na kaming kasama." umiiling iling sa sabi ni Tristan.

"turalan mo yang tatlong yan, walang hiya ang mga iyan." natatawang pang asar ni Ross.

Kaya ayun nakatanggap ng batok sa tatlo. Haha! Kawawa naman sya, pinag tutulungan.

Agad natawa ang tatlong lalaki. Ako naman alin langin naman akong ngumiti. Ganito pala ang may kaibigan, ang sarap kasama.

Magsasalita sana ako ng may biglang nagsalita mula sa likuran.

"hello guys!!!"

Natigilan naman ako dahil familiar sa akin ang boses na yun. Saan nga ba?

" Calvin the playboy is finally here."

"oh! Buti naman at naisipan mo pang pumasok."

"hey! Dude! Akala ko makiki pagdate ka na naman maghapon e."

"Mukhang masaya ka ngayon a? May nangyari ba?"

"playboy as ever!"

"ano bang aasahan nyo dyan."

Isa isa nilang komento sa bagong dating. Kaya dahan dahan naman akong humarap sa likuran ko.

Agad naman nagsalubong ang kilay ko nung nakita ko ang lalaking mahangin. Anong ginagawa niya dito?

Huwag niya sabihin na siya ang sinasabi nilang isa pa nilang kaibigan. Kita mo nga naman. Sabi ko na ngang ayaw ko siyang makita e.

"Bakit ang tagal mo naman, bro?" tanong ni Tyron.

"may nangyari lang kanina sa gate at muntik pa akong maligaw. Ang lawak ba naman ng school na ito. Tsk!" may iritang sabi nito.

Kasalanan pa talaga ng school kung bakit siya muntik na nang maligaw. Ang sama talaga ng ugali ng isang to.

"halika may ipapakilala kami na bagong kaibigan." yaya nila dito.

Agad naman akong tumalikod para hindi halata na kanina pa ako nakatitig sa kanila.Narinig ko naman ang mga yapak nilang papalapit sa kinaroroonan ko.

"chiks ba yan? Sana maganda!" narinig ko naman na tanong nya. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil don.

Tama nga sila ng sinabi kahapon, isa itong playboy.

"kahit kailan hindi ka parin nagbabago." saway ni Trisha.

"ganun talaga ang gwapo. Hindi mapipigilan."

"makakahanap ka din ng katapat mo. Kung nagkataon yun, tatawanan talaga kita."

"that not gonna happen. No fvcking hell"

"tsk! tsk!"

Kahit pa pala sa pananalita ang tabas ng dila.

"Devon? May ipapakilala kami sayo."

Tawag pansin ni Megan. Kaya dahan dahan naman akong humarap sa kanila.

O_O -siya

>_< -me

Ganyan naman ang mukha kong bumungad sa kanya dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina.

"oh! bakit ganyan ang mukha niyong dalawa? Parang may nangyari na hindi namin alam?" tanong ni Tanya.

Naguguluhan naman silang anim sa amin.

"it's you!" biglang sabi nung lalaking mahangin.

"oo, ako nga ano naman ngayon?" asar kong tanong.

Napasinghap naman ang anim.

"woah! Chill! High blood ka masyado." natatawang sabi nya.

"haha! Ngayon lang na may sumagot ng pabalang kay Calvin Jace Montverde, ang tinaguriang campus playboy. First time to a. exciting" pag aasar ni Tristan.

Tumawa na din ang iba.

Agad naman na binigyan ng nakakamatay na tingin si Tristan.

"so, paano kayo nagkakilala?" tanong ulit ni Tanya.

Ako na sumagot sa tanong nya. "sya yung lalaking nakabunggo ko kanina. Hindi ko alam na mahangin pala ang kaibigan n'yong yan at sobrang bilib sa sarili." sagot ko at masamang tinignan ang lalaking mahangin.

Nanliit naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko inalintana yun at mas lalo ko pang sinamahan ng tingin.

"wuaahh!!..."

"buaahhh!!..."

Tawanan nila. Kaya kunot noo ko naman silang tinigana. Tumigil naman sila nung nakatingin ako sa kanila..

Anong problema ng mga ito?

"b-bakit kayo tumatawa?" takang tanong ko sa kanila.

Napa peace sign naman sila sa akin, pero hindi nila sinagod ang tanong ko.

*ring*ring*

"halika na nga kayo. Baka malate pa tayo sa unang klase natin." yaya ni Trisha.

kaya nagsitayuan naman kaming lahat.

Habang naglalakad kami nasa hulian ako. Ayokong tumabi sa kanila dahil ang sasama na naman ang tingin ng mga babae na nadadaanan namin.

Para wala ng gulo, dumistansya ako ng konti sa kanila.

Pero kahit anong gawin ko. Itong isa nilang kasama na hanggang ngayon inaasar parin ako. Gusto ko na talagang sapakin to.

"may crush ka sa akin noh? Napansin ko pa na kanina ka pa nakatitig sa akin. Ayiee!" pang aasar niya sa akin habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.

Agad ko naman siyang sinamahan ng tingin. Epal talaga! Kanina pa niya na sinasabi yan sa akin.

"asa ka!"

"wow! Siya pa ang may ganang tumanggi, kala mo naman kagandahan." bulong nya.

Pero hindi ko dinig dahil ang hina lang nang pagkakasabi.

"may sinasabi ka?" nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya.

Napangisi naman sya. "may narinig ka?" balik naman nyang tanong.

Nakakairita talaga ng isang to.

"bahala sa buhay mo. Bwisit na 'to" asar kong bulyaw ko.

Kaya napatingin naman sa amin ang amin na parang naguguluhan kung ano ang nangyayari.

"kayo huh, anong pinag-uusapan niyo d'yan sa likod? Kakakilala niyo lang close na agad kayo." biglang asar ni Tristan.

"wag mo silang pansinin. Bahala ka baka masapak ka ni bestfriend Calvin nyang dahil iniistorbo mo sila." gatong din ni Tyron.

Natawa naman silang lahat, kami naman ni Calvin the mahangin, nakatingin lang sa kanila ng masama.

Nag peace sign sila at nagsitakbo papasok. Tinignan ko muna si Calvin ng masama at sumunod na sa kanila.

Pagpasok namin sa loob ng room, tilian ang bumungad sa amin. Sa kanila lang pala.

"syet! Ang gwapo nya"

"parang siya ng hulog ng langit."

"ang lakas ng sex appeal niya guys."

"nakaka inlove."

"waahh! Gusto ko siyang maging boyfriend"

Sari saring mga bulungan ang maririnig ko sa room. Mga timang. Parang hindi nakakakita ng mga lalaki ang ito.

Kung makasigaw wagas.

Pero ang loko, ngumiti sa kanila ng sobrang lawak. At may pa kindat kindat pang nalalaman. Agad naman kaming nagsi upo sa mga upuan namin.

Hindi nagtagal pumasok ang class adviser namin. Agad naman kaming nagsitayuan at bumati sa kanya.

Tumango lang siya bilang pagbati at suminyas na umupo na kami.

"nandito na ba si Mr. Monteverde?"

Nagtaas naman ng kamay itong katabi ko.

"pakilala kana"

Agad naman syang pumunta sa harap. At ngumiti ng malaki. " hi guys! I'm Calvin Jace Monteverde. *wink*"

Kaya napahiyaw na naman ang mga babae. Tss.

"quiet"

Tumahimik naman silang lahat. At sinenyasan ng umupo si Calvin.

Pagkatapos non, nagsimula na kaming mag lesson.

****

Natapos lahat ng klase namin agad na nagtanong si Tristan kung saan kami kakain. Alam mo ba kung anong sagot nila?

"syempre sa plato tayo kakanin, ano pa nga ba?!"

Pero itong si Tristan hindi nagpatalo.

"tanga ba kayo o ano? Saan ang sinasabi ko, hindi ko sinabing pagkakainan natin. Tsk! Simpleng tanong lang hindi pa masagot."

Kaya ang ginawa nila kay Tristan ay pinapapalo. Kaya ayun Aray ng aray lang si Tristan.

"hanggang ngayon ang sakit parin ng ginawa niyo sa akin. Ang sama niyo" nakapout na reklamo ni Tristan

"kasalanan mo yan. Ang pilosopo mo kasi, kaya yan tuloy ang napala mo. Sige ulitin mo pa yun hindi lang yan ang matitikman mo." banta ni Megan.

Nakita ko naman na napalunok si Tristan. Pero taas noo naman siyang humarap kay Megan at panaulukan ng masamang tingin.

"bakit kaya mo bang saktan ako? Alam ko naman na patay na patay ka sa akin e." nakangisi niyang pang aaasar.

Agad naman na lumaki ang mata ni Megan ng sinabi yun ni Tristan, pero agad naman nya itong sinamahan ng tingin. Pero hindi nakaligtas ang pamumula ng pisngi nya.

"asa ka naman na patay na patay ako sayo. Baka ikaw nga ang patay na patay sa akin e. Ayaw lang amin." iritang bulyaw nya kay Tristan.

"malay mo!" makahulugan nyang sabi. At nagkabit balikat.

Napangiti na lang ako ng palihim. Inferness, bagay sila.

"anong nginingiti mo dyan? You looked crazy." pang aasar na tanong ni Calvin the mahangin.

Agad ko naman siyang siniko, pero hindi kalakasan. Porket naasaran ako sa kaniya mananakit na ako. Binigyan ko din siya ng masamang tingin.

"aww!" daing nya.

Pero binaniwala ko na lang at pinagpatuloy ang kinakain ko. Hindi na ako nakisali sa usapan nila. Wala naman akong sasabihin e kaya mas mabuti ng hindi ako magsalita.

Kung magtatanong naman sila, dun lang ako magsasalita. Wala na silang magawa dahil ganito na ako mula noon.

"hoy! Kayong dalawa kanina pa kayo dyan a. May something ba kayo?" may panunuksong tanong ni Ross.

"oo nga dude, kanina ko pa napapansin" gatong din nila Tyron at Tristan.

Agad naman na sumama ang mukha ni Calvin.

"wala kaming something, kung ano ano ang pinagsasabi niyo dyan. Magsikain na nga kayo." asar niyang bulyaw. Galit?

"ayiee!! Sige lang magdeny kayo hanggang gusto nyo. Hindi naman namin kayo pinipilit na umamin e." asar naman ni Tanya.

"a-ano bang p-pinagsasabi niyo dyang na may so-something kami. Wala a, i-inaasar niya lang ako." mabilis kong paliwanag.

Namula naman ako dahil sa pagtutukso nila sa amin.

"sige na nga, magpapanggap na lang ako na hindi ko nakita ang pamumula mo." inosenteng sabi ulit ni Trisha.

Kaya nasa amin ang atensyon nila.

"asa naman kayo na magkakagusto ako sa kanya. Hindi sya yung tipo kong babae. Tsk!" iritang panginginsulto nya sa akin.

Kaya natahimik naman kami. May kumurot naman sa puso ko nung sinabi nya yun. Hindi ko mawari kung bakit.

Alam ko naman na malabong magkagusto sya sa akin. Hindi na kailangan na iprangka sa pagmumukha ko.

Alam ko naman na walang papatol sa katulad ko na ganito kapangit. Napayuko na lang ako. Para hindi nila makita ang sakit na bumakat sa mata ko.

"ang sakit mo naman magsalita kay Devon, Calvin. Babae pa din sya." asar na ani Trisha at masamang tinignan si Calvin natahimik bigla.

"hayaan mo na, tama naman siya e. Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa isang katulad ko. Himala na lang kung merong magkakagusto sa isang katulad ko. At isa pa, sanay na akong pinagsasabihan ng ganun." medyo nanginginig kong paliwanag sa kanya.

May dumaan naman na lungkot sa mukha niya. Walang nagsalita sa amin, maririnig mo lang ang huni ng mga ibon sa taas ng puno. At ang tawanan ng mga tao sa malapit sa kinakaupuan.

Lumipas ang ilang minuto wala nang naglakas naglakas loob na nagsalita sa amin. Para kaming nawalan ng dila.

Kaya tahimik kaming nagsitayuan. Dahil narinig na namin ang pagtunog ng bell.

Kahit naman room kami hindi walang nagsalita. Kahit kabati ko si Calvin, hindi ko rin siya pinapansin, nakatingin lang ako sa labas habang hininintay ang next subject namin.

Pero nararamdaman ko minsan na tumitingin sila sa akin. Pinabayaan ko na lang.

Nung matapos namin lahat ng subjects namin. Nagsilabasan kaming lahat, pinauna ko muna silang lahat bago ako sumunod na umalis.

Nagulat naman ako ng lumapit sina Megan sa akin. Yung mga lalaki naman hindi ko na sila nakita.

"sabay kana sa amin Devon. Baka kung anong gawin nila sayo kung nag iisa ka lang." pagyaya nila sa akin.

Tatanggi na sana ako ng biglang nagsalita si Tanya.

"opss! Alam ko na ang sasabihin mo. Wag mo ng ituloy dahil hindi ka namin titigilan kung hindi ka sumabay." banta ni Tanya.

Napakamot na lang ako ng buhok dahil sa kakulitan nila. Ayoko sanang sumama sa kanila e. Alam ko naman na kasama nila ang lalaking yun.

"Huwag na, may dadaan pa ako sa library e. Mauna na kayo." pagsisinungaling ko.

Sana kumagat.

"anong gagawin mo dun? Pagbukas mo na lang gagabihin ka kung dadaan ka pa dun. Wala naman tayong research a." takang sabi ni Trisha.

"oo nga, ang rami mo talagang palusot." sang ayon naman ng dalawa.

Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Suko na ako sa kanila. Mapilit sila e.

"sige, sige mapilit kayo e"

Natawa na lang sila sa sinabi ko. At hinila palabas.

"pagpasesyahan mo na lang si Calvin, Devon. Alam mo naman ang lalaking yun walang preno ang bunganga. Kung ano ang nasa isip niya, sasabi niya. Kahit nakasakit siya ng damdamin ng isang tao." pagpapaliwanag nila habang naglalakad kami patungong parking lot. Dahil nandun daw ang mga lalaki na naghihintay.

Tumango naman ako bilang sagot hindi ko na ding nagawa ang sumagot.

"oo nga pala Devon, bakit hindi ka nagtext sa amin nung nakauwi ka? May nangyari ba?" naalala pa nila yun?

Sasabihin ko ba na hinabol ako ng aso at hindi na ako nakapag text dahil sa pagot ko katatakbo. Pero nakakahiya naman kasi kung sasabihin ko pa ang bagay na yun.

"a-ano kasi k-kahapon." alin langin ko namang ikwento sa kanila ang nangyari.

Siguro naman na hindi nila ako pagtatawanan kung sasabihin ko no?

Napakagat naman ako ng labi.

"hindi na kasi ako nakapag reply sa inyo dahil pagot ako nung nakarating ako sa amin." paliwanag ko naman.

Napakunot naman sila sa noo.

"wala naman tayong ginawa ng nakakapagot kahapon ah. Bakit napagod ka?" takang tanong ni Megan.

Sige na nga sasabihin ko na kanila, kaibigan ko naman sila e.

"hi-hinabol kasi ako ng aso k-kahapon. Kaya ayun tumakbo naman ako ng tumakbo hanggang sa nakarating ako sa bahay. Dahil sa sobrang pagod ko katatakbo ayun nagpass out ako. At hindi ko na din kayo natext san." pagkukwento at pagpapaliwanag ko sa kanila.

Dahil alam kong hindi nila ako pagtatawanan kung ikukwento ko ang nangyari. Sana pala hindi ko na lang kinwento edi sana hindi nila ako pagtatawan ng ganito kalakas.

Halos mamula na ang buong mukha nila dahil sa kwento ko. Ang mukha ko naman para na ring kamatis kapula.

Sabi ko na nga ba e. Dapat hindi ko na sinabi.

"pasensya na kung hindi hahahha! namin hahaha! mapigilan ang pagtawa.. Haha!"

"haha! Hindi namin mapiligan e..."

"Peace!!"

Tawa lang sila ng tawa hanggang nakarating kami sa parking lot.

Napakunot naman ang apat na lalaki dahil sa inaasta ng tatlong babae na hanggang ngayon tumatawa parin sila. Parang baliw lang ang mga ito.

"anong nangyari sa tatlong yan? Bakit sila tumatawa na parang walang bukas? Mukhang timang lang." takang tanong ni Ross.

Napakamot na lang ako ng buhok. Sasabihin ko din ba sa kanila ang sinabi ko kanina? Tanong ko sa aking isipan.

Nagkabit balikat na lang ako at nagpasyahan na hindi na lang sabihin. At tumingin ulit kina Tanya.

Pero nahagip ang mata ko si Calvin na nakatingin sa akin, pero agad naman siyang umiwas ng napatingin ako saglit sa kanya. Kala nya nakalimutan ko na ang sinabi nya kanina.

Pero hindi lang pala siya mag isa. May kasama din pala siya na babaeng maganda at sexy.. Sa mukha na palang ng babaeng mukha na itong malandi.

Kung makalingkis kay Calvin para na itong ayaw niyang malayo sa tabi niya. Nakita ko naman ang pag irap ng babae sa akin ng palihim.

Hindi ko na lang yun pinansin.

"ehem!"

Kaya napabaling ulit ako sa kanila.

"buti naman at tumigil na kayo sa katatawa. Kala namin habang buhay na kayong baliw." naka ngising pang aasar ni Tyron.

"pake mo ba, di tumawa ka din kung gusto mo." pabalang na sagot ni Trisha at sinamahan ng tingin.

"chill lang trishang, ang sungit mo ngayon. Meron ka ba?" naka ngisi ulit na pang asar ni Tryon kay Trisha.

Kaya mas lalong naningkit ang mata ni Trisha, na parang gusto na ng bumuga ng apoy.

"pigilan nyo ko, baka maibabalibag ko ang Toron na yan."

"hindi kita uurungan, halika"

Umiling iling na lang ako.

"babe! Let's go. Ano pa ba ang gagawin natin dito? Andyan na naman ang mga kaibigan mo oh. Kaya ihatid mo na ako." may bahid na inis ang boses ng babae habang nakakapit sa braso ni Calvin the playboy.

Kaya napatingin naman kaming lahat sa kanilang dalawa.

Nakita ko naman ang pagkainis ni Calvin.

Kaya hinintay namin na magsalita siya.

"pwede ba, kung ano man ang pangalan mo. Sino ba kasi ang nagsabi sayo na maghinatay ka din. Kung gusto mo umuwi ka na mag isa mo." iritang bulyaw nya sa babae.

*pak*

At tumakbo ng mabilis ang babae kanina.

Ouch! Masakit yun a. Yan ang napapala mo. Haha!

Napailing na lang ang mga kaibigan niya. Parang hindi na sila nagulat sa nangyari.

Nagpaalam na akong mauuna na dahil maggabi na. Pinilit pa nila ako na ihatid hanggang sa amin pero tinanggihan ko na.

Nung nakarating ako sa bahay agad kaming kumain ni nanay. Ginawa ko naman ang routine ko paggabi. Hanggang hindi ko namalayan na nakatulong na pala ako.

Zzzz....