Chapter 17: Chapter 16

Ugly Nerd Falling In Love With A Playboy (COMPLETED)Words: 31638

Devon's PoV

Nakita ko naman na napalunok si nanay dahil sa tanong kong iyon.

Pero maya maya napabuntong hininga siya at diretsong tumingin sa mga mata ko. Hindi ko mawari kung anong emosyon ang nakapaskil sa mata nya.

"N-nag palaba kasi ang kapitbahay natin ng mga damit kanina. Dahil marami ang nilabahan kong mga damit nila, malaki ang binayad sa akin. Pagkatapos kong naglaba ng mga damit nila, agad akong bumili ng mga grocery na kakailanganin natin." mahaba haba nyang paliwanag sa akin..

Ang bilis makasagot si inay huh. Parang may hinahabol. May kung ano pa sa boses nya. Parang ayaw ipahalata na kinakabahan sya. Ay ewan ko ba.

Napatango naman ako sa sinabi nya at lumapit sa kanya.

"Tulungan ko na po kayo diyan. Mukhang mabigat pa naman."

"Sige nak."

Agad naman akong lumapit sa kanya upang kuhanin ang iba niyang pinamili. Kahit medyo nagtataka ako na parang sobra sobra naman ang pinamili niya.

Siguro malaki lang talaga ang binayad sa kaniya kaya marami syang nabiling grocery. sabi ko na lang sa isipan ko.

Agad akong tinungo ang kusina para ilagay ang mga grocery. Medyo mabigat din pala.

"Kumain ka na ba, nak?" tanong ni nanay pagpasok nya palang ng kusina.

Bumaling naman ako ng tingin sa kanya.

"Hindi pa po e. Medyo gutom na din po ako. Hehe!"

Tinignan naman nya ako ng masama. Lah! Problema ni nanay? Bakit ganyan sya makatingin sa akin?

"Bakit po kayo ganyan makatingin sa akin?" takang tanong ko sa kaniya.

"Diba sabi ko sayo na huwag kang magpapagutom. Kumain ka kung nagugutom ka. Sana naghanap ka ng pagkain sa kusina." pangangaral nya sa akin at nakapamaywang sa harapan ko.

Napakamot naman ako ng buhok.

"Nay naman, halos sabay lang tayong dumating. Mas nauna lang po akong dumating sayo. Nagpahinga lang ako ng ilang minuto at dun na kayo dumating." pagtatangol sa sarili ko.

Napabuntong hininga na lang sya dahil dun.

"Oh siya! Siya! Hintayin mo na lang akong matapos sa pagluluto ng tanghalian. Kung gusto mo kumuha ka muna ng biscuit diyan sa pinamili kong grocery, para hindi ka muna gaanong magutom." sabi ni nanay sa akin.

"Sige po nay." sabi ko at pumunta sa pinamili niyang grocery at dun kumuha ng rebisco na may palaman na chocolate. Favorite ko.

"Magpahinga ka muna sa kwarto, tatawagin na lang kita kung luto na ang pananghalian natin."

Humarap naman ako sa kanya at tumango.

"Sige po nay."

Agad akong pumunta sa sala para kuhanin ang pinamili ko kanina sa mall at dire diretsong pumasok sa loob ng kwarto namin.

Agad akong humiga sa kanya at pumikit. Sobrang pagot ko talaga ngayong araw. Ang daming nangyari.

Una yung nakita ko ang Calvin na may kasama babae. Hindi lang babae na isa sa collection nya, kundi ang mahal niyang babae.

Naalala ko naman yung sinabi niya sa babae kanina. Na mahal na mahal niya daw yung babae. Psh! Ang sakit lang na malaman na may mahal ng iba ang taong gusto ko.

Bwisit namang Calvin na yun e. Pafall kahit araw araw niya akong iniinis at binubwisit. Siya parin ang gusto ko.

Pangalawa naman ay yung lalaking nakabangga ko kanina. Iba kasi ang nararamdaman ko sa kaniya. Parang matagal na kaming magkakilala pero hindi ko lang alam kung saan.

Ang gaan gaan ng pakiramdam ko noong nakasama ko siya kanina. Parang may koneksyon kami sa isa't isa. Naguguluhan naman ako dahil dun.

At ang pangatlo ay yung si nanay. Parang hindi ako kumbinsido sa sagot niya sa akin. Parang may tinatago sya na ayaw niyang malaman ko.

Hindi naman niya siguro kinuha sa masama ang perang pinangbili niya diba? Alam ko naman hindi ganun si inay e. Hindi gumagawa ng masama.

Dahil hindi ako makatulog. Kahit gusto ko muna ng matulog, nakipagtitigan muna ako sa mga butiki sa kisame namin.

Kung nagkakaintindihan sana kami ng butiki, makikipagkwentuhan talaga ako sa kanila. Siyempre, joke lang naman yun no. Hindi ako baliw para gawin yun.

*beep*

Hinanap ko naman kung nasaan naggaling ang tunog na yun. Tunog yun ng keypad kong cellphone. Yeah! May cellphone ako, pero keypad nga lang.

Agad kong kinapa ang keypad kong cellphone sa aking bulsa. Dun nang galing yung tunog e. Tinignan ko naman kung sino ang nagtext.

From: Trisha

Napakunot naman ako bigla dahil dun. Medyo nagulat din ako ng makita ko siyang nagtext. Minsan lang kasi magtext sa akin ito e. Tinatamad daw mag-type, baliw talaga ang babaeng yun.

Dahil minsan lang itong mag-text, agad akong binasa ang text nya sa akin.

Nakabili kana ng materyal na gagamitin sa pagdo-drawing?

Basa ko sa text nya sa akin. Kala ko kung ano na ang importanteng sasabihin nya e. Yun lang pala.

Bumangon naman ako upang maayos akong makapag reply. Ang hirap kung nakahigang magreply e.

Nakabili na ako kanina. Bakit mo pala natanong?

>Message sentmessage sentmessage sent<

Bumuntong hininga naman ako. Agad kong binaba ang cellphone ko at nahiga ulit.

"Nak, halika na. Luto na ang pananghalian natin. Kakain na tayo." Sigaw ni nanay mula sa kusina.

Ang lakas talaga ng boses ni inay. Halos magiba na ang bahay dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya. Joke!

"Sige po, susunod po ako." Sigaw ko ding pabalik sa kanya.

Sino kaya ang mas malakas ng sigaw sa aming dalawa? Mamaya ko na nga lang iisipin yun.

Naalala ko hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Kaya agad akong nagpalit ng pambahay. Dahil narin sa pagod ko,hindi na ako nakapagpalit ng damit kanina.

Nang matapos akong nagpalit ng pambahay agad akong lumabas ng kwarto. Hindi ko na din tinignan pa ang keypad kong cellphone kung may nagtext.

Nang makarating ako sa kusina, agad kong nakita si nanay na hinahanda ang pananghalian namin. Agad akong lumapit sa kanya.

"Tulungan na kita nay."

Medyo nabigla naman sya. Kalaunan bumalik din sa dati ang reaction sa Mukha.

"Ikaw talagang bata ka, ginulat mo ako." napahawak pa sya sa bandang puso nya.

Napaeace naman ako sa kanya. Sorry naman.

"Hehe!! Pasensya naman po nay. Nakalimutan kong magugulatin ka pala. hehe!" Sabi ko naman sa kanya.

Pero inirapan nya lang ako at pinagpatuloy ang pag aayos.

"Umupo ka na lang dyan. Ako na ang bahala dito." Pagtatanggi nya sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa.

Napa buntong hininga na lang ako. At sinunod ang sinabi nya sa akin. Heto ako ngayon nakalumbaba habang pinapanood sya.

"Mukhang marami nyang niluto nyo nay a?" maya maya kong tanong sa kaniya.

Tumingin naman sya sa akin at agad ding binalik ang tingin sa ginagawa.

"Sinadya ko talagang magluto ng marami. Alam kong isa din ito sa mga paborito mong ulam. Baka kasi hindi magkasya sayo, kaya dinamihan ko na din." nakangiting sagot sa akin.

Dahil sa sinabi nya naningkit ang mata ko. Sinasabi nya bang malakas akong kumain? Psh. Ang bad talaga ni nanay o.

Sumimangot naman ako." Nay naman, sinasabi mo bang malakas akong kumain? Hmp." pagmamaktol kong tanong sa kaniya.

"Hahaha!" tumawa sya ng malakas. Kita nyo, tawanan ba naman ako.

Batukan ko na kaya, para tumigil na sa katatawa?

Siyempre joke lang yun. Hindi ko kaya magagawa kay inay yun. Kahit ganyan, lab labs ko parin!

"Wag mo nga po akong tawanan nay

Hmp!. Makakain na nga lang." pagmamaktol ko.

Hinalis ko ang tingin ko kay nanay. At agad tumingin sa mga nakaahin sa lamesa. Parang nagsakluban ng langit at lupa ang mukha ko. At bumusangot ang mukha ko. Lahat ng excitement sa katawan ko, biglang nawala na parang bula.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo nak? Hindi ka ba masaya na pagkaing nasa harap mo? Diba paborito mo yan?" nakangiting tanong ni nanay sa akin.

Parang pinaghalong ngiti at ngiwi ang nakapaskil sa bibig nya.

"Seriously nay! Tortang talong at tuyo?" hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya.

Inosente naman syang tumingin at biglang tumango sa akin.

"Diba paborito mo ang tortang talong at tuyo. Edi iyan ang linuto ko. Bakit ayaw mo na ba yan?" tanong nya sa akin.

Umiling iling naman ako. At napabuntong hininga na lang ako.

"Gusto ko po ang mga linuto nyo pero diba pang umaga lang ang ganito?"

Dahil sa sinabi ko binigyan nya ako ng matatalim na tingin. Lah!

"Kakain ka ba o hindi? At hindi lang pang umaga ang pagkain na yan. Kung ayaw mo yan, bumili ka na lang ng iba" may pagkamataray sa boses nyang sabi sa akin.

Napalunok naman ako dahil dun. Wala akong nagawa kung ang kumain. Baka mamaya bugahan pa ako ni nanay ng apoy.

Nang matapos kaming kumain agad akong bumalik sa kwarto namin. Yun kasi ang utos ni nanay e. Gusto ko pa sana syang tulungan sa pagligpit at sa paghuhugas pero agad nya akong pinigilan.

Alam ko naman na pagod na sya e. Bakit kasi hindi na lang nya ibigay sa akin yun.

Nang makabalik ako sa kwarto namin. agad akong umupo sa kama. Hinanap ko naman agad ang cellphone.

Nang makita ko, agad kong binuksan. Walang nagtext ni isa. Kaya medyo nagtaka naman ako dahil dun.

Bakit wala akong sagot ni isa na natanggap sa kanila? Nagkabit balikat na lang ako dahil dun.

Agad kong ibinaba sa kama ang cellphone ko. At humiga. Pinikit ko ang dalawa kong mata para matulog. Medyo inaantok na rin ako.

Kapagod.

"TAO POOO!! DEVONNN!!! YUHUUU!!"

Sigaw nung taong parang nakalunok ng megaphone. Kaya napabalikwas ako sa pagkakahiga.

Parang tinakasan ako ng kaluluwa dahil sa sigaw na narinig ko.Nawala ang antok ko dun a.

Sino bang baliw na sumisigaw ng ganitong oras. Jusko. Tanghaling tapat. Parang may kaaway.

" YUHUUU!! DEVOOON!! NANDIYAN KA BA SA LOOB NG BAHAY NYOOO?!!!"

"TAO POOOO!!"

"NAMAMASKO PO.."

Nagmamadali naman akong sumilip sa bintana namin. Ang lalakas ng boses. Devon lang sila ng Devon. Parang nawawala ang mga ito. Psh!

O_O

Ganyan ang mukha ko ng makita ko kung sino ang sigaw ng sigaw sa labas ng bahay namin. Hindi ko namalayan na napanganga lang ako ako.

ANONG GINAGAWA NILA DITO??

WAAAHHHH....

********************************************

(A/N: medyo magulo po itong chapter na ito. Ito po kasing chapter na ito dati, magkahiwalay pinagsama ko lang.)

NEXT DAY...

Nakaupo ako ngayon sa upuan ko, dito sa room namin. Habang nakatingin sa malawak na lumain ng school.

Dahil wala pa naman ang adviser namin. Wala namang magawa dito sa loob. Buti pa yung iba walang ginawa kundi ang mag ingay ng mag-ingay sa kani kanilang mga upuan.

Ewan ko kung bakit wala ako sa mood ngayon. Parang walang gustong gawin kundi ang tumunganga na lang mag damag.

Hay. Napabuntong hininga na lang ako at binalik ang tingin sa labas ng bintana.

Habang nagmuni muni ako. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noong sabado na hindi ko inaakala.

Flashback....

"YUUHUUU!! TAO PO!!!"

"DEVONNNN!!!"

"BESSS!!!

"TAO POO!! DEVON!!"

"Devon lumabas ka diyan sa loob, nandyan ang mga kaibigan mo!"sigaw ni nanay mula sa sala.

Kaya wala akong sinayang na oras. Napabuntong hininga muna ako at agad agad akong lumabas ng kwarto namin.

Hindi ko naman nakita si nanay sa sala. Pero pinag sawalamg bahala ko na lang yun at dali daling lumabas ng bahay para puntahan ang mga kaibigan ko. Akala mo kung sinong nakawala sa mental dahil sa sigaw ng sigaw sa ganitong oras.

Agad akong tumungo sa kanila. Pero natamaan ko si inay na kinakausap ang mga kaibigan ko. Kaya naman pala hindi ko makita si nanay sa loob e.

Nang makarating ako sa pwesto nila. Narinig Kong nagsalita si nanay.

"Pasok muna kayo sa loob mga iho at iha. Ang init init pa naman dito sa labas." Narinig kong Pagyayaya ni nanay sa kanila.

" Sige po, tita"

Sabi nila. Nang mapansin sila akong paparating napatingin silang lahat sa pwesto ko. Sabay sabay silang ngumiti sa akin. Pero ang isa sa kanila ay nakasimangot na nakatingin sa akin.

Anong problema ng lalaking ito? Kung makasimangot wagas. Sabi ko sa aking isipan.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng nagtama ng paningin naming dalawa. Heart naman, nagtama lang ng paningin nyo. Bibilis na agad ang tibok ng puso ko.

Hindi ko namalayan na bigla na palang uminit ang magkabilang pisngi ko. Nakakahiya.

"Uyy! Devon? Ok ka lang ba? Bakit nakatulala ka diyan? Bakit namumula ang pisngi mo?" takang tanong ni Ross.

"Oo nga Devon. Anong nangyari dyan sa pisngi mo? Bakit sobrang pula?" takang tanong din ni Tristan sa akin.

Napatingin naman silang lahat sa akin. Mas lalo akong namula dahil sa tingin nilang yun.

"Baka naman." may panunukso sa boses ni Ross. Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Anong baka naman ang sinasabi nya?

Nakita ko din na napangisi si Tyron sa tabi ni Calvin. Pero si Calvin, nakatingin sa akin habang may ngisi sa labi.

Halata bang may gusto ako sa kanya?

Medyo kinabahan naman ako sa ngisi nyang yun. Agad ko na lang inalis ang tingin sa kanya.

"Ano ba kayo. Syempre namumula yan dahil ang init init ng panahon ngayon. Duh!!" bigla na lang sabi ni Trisha.

Kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Oo nga, parang may kung ano sa tanong nyo sa kanya a." napatingin naman ako kay Tanya dahil sa sinabi.

Hindi ko nagets ang sinabi nya. Nagtinginan silang lahat.

"Pasok na lang tayo sa loob ng bahay nila Devon. Ang init init kaya dito sa labas. Huhu! Sayang naman ang balat ko dito." reklamo ng ni Megan sa amin.

Nakita ko din na hinawak hawakan nya ang kanyang mga braso.

"Arte mo. Kala mo naman ang kinis kinis ng balat mo. Para namang Buwaya ang balat mo e. HAHAHA!!" pang asar ni Tristan at tumawa ng sobrang lakas.

Dahil sa sinabi ni Tristan, napatingin kaming lahat sa kanya. Binalik ko naman ang tingin kay Megan.

Ñ

Lumaki naman ang dalawa kong mata dahil sa nakita. Mukhang may sagutan na magaganap ngayon dito a. Yung Mukha ni Megan, parang gusto na nyang bumuga ng apoy at mang bugbug ng tao.

Matatalim naman nyang liningon si Tristan.

"What did you say?"

Kung nakakapatay siguro ang tingin nyang yun, baka kanina pa nakabulagta si Tristan sa bakuran namin

Napansin ko naman na palipat lipat ang tingin nina Ross sa dalawa. Hinihintay kung anong mangyayari. Ako naman, medyo umurong dahil baka idamay pa nila ako.

Inikot ko naman ang paningin ko sa paligid. Buti na lang at walang taong dumadaan sa pwesto namin. Napansin ko din na wala na si nanay sa pwesto nya kanina.

Hindi ko man lang namalayan. May pagka Ninja turtle Este Ninja si nanay

"WALANGYA KANG LALAKI KA!!! ANONG TAWAG MO SA AKIN??? ISANG BUWAYAAA!!!! WAAAAAHHHH!!!! PAPATAYIN TALAGA KITAA!!!! YAAHH!!! BUWISITT KAA!!!"

"Arayyy!!!! Ano ba Megan!!! Ouch!!! Itigil mo nya yang pagsabunot ng buhok ko...waahhhhh!!! WAGGGG ANG BUHOK KOOO!!!"

"GAGO KAAA!!! Kasalanan mo din kung bakit kita sinasanunutan kita. Walangya ka, nakakaasar kaaa... Sasakalin talaga kitang lalaki."

"Tama na... Huhuhu!!! Kamballll!!! Tulungan mo akooooo!!!! Mawawalan na ako ng buhok dahil sa unggoy na itooo!!! Huhuhu!!! Waahhhh!!! Samebodyyyyy help meeee!!!!" Pag ngangawa ni Tristan.

Tumingin naman sa ibang direksyon si Trisha na parang walang narinig. Kaya medyo natawa ako dun. Bruhang to. Hindi man lang tulungan ang kakambal nya. Kanina pa ngawa ng ngawa. Pfft.

"YOUUUU!!! UGHHH!!! I HATE YOUUU!!! GRRR!!! ANG LAKAS NG LOOB MONG TAWAGIN AKONG UNGGOY!!!! EHH MAS MUKHA KA NAMANG UNGGOY. WALANGYA KA!!" namumula sa galit inis na sigaw ni Megan sa kanya.

Halos makita na ang ugat sa leeg. Grabe to, parang nakalunok ng maraming megaphone.

"Hehe! Totoo naman kasi e."

"Abat! Ikaw lalaki ka."

"Waaahhh!!"

Napailing na lang ako dahil sa nakikita ko ngayon.

"Haan mo yang dalawa na yan. Ganyan talaga ang mga yan, laging nag-iinisan. Parang walang magawa sa buhay. Masasanay ka din." pagkukwento ni Tanya sa tabi ko.

Napahawak agad ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Walangya! Nakakagulat ang babaeng ito. Bigla bigla na lang nagsasalita.

"G-ginulat mo ko. Anong g-ginagawa mo dyan sa l-likod ko?" medyo utal kong tanong sa kaniya.

Natatawa naman syang tumingin sa akin. Anong nakakatawa sa tanong ko? Muntanga talaga to.

"Haha! Ikaw talaga Devon. Mukhang hindi mo talaga ako napansin na naglakad ako patungo sa likod mo kanina. Mukhang busy ka sa pinapanood mo. Pfff." natatawang sabi nya sa akin.

"Let's go. Pasok na tayo sa loob. Ang init init pa naman dito sa labas. Damn. Parang naausunog ang balat ko. Ugh! Ayokon maging maitim." naiinis na reklamo ni Calvin.

Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Maliban sa dalawang nagbabangayan hanggang ngayon. Mukhang hindi napansin ang sinabi ni Calvin.

Makareklamo naman ang lalaking ito. Kala mo naman ke-gwapo gwapo nya.

At ang walangya, nauna ng pumasok sa loob ng bahay NAMIN.

"Let's go."

At sumunod din si Tyron na pumasok.

"Halika na Devon." yaya nina Trisha at Tanya. Humawak pa sila sa magkabilang braso ko.

Nakakagulat e.

"Wait! paano sila Tristan at Megan? hindi ba natin sila aawatin?" takang tanong ko sa kaniya habang hindi pa ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"Wag mo nang pansinin ang dalawang yan. Ganyan na talaga ang mga noon pa man. Kaya sanayin mo na ang sarili mo na lagi silang nagbabangayan."

"Magsasawa din yan sa pagnanangayan. Hayaan mo silang umitim. Pft!"

Grabe talaga ang mga ito.

End of flashback...

Walang silang ginawa sa bahay kundi ang mag-ingay. Nagkwentuhan lang kaming mga babae noong sabado.

Pero ang mga lalaki, ang iingay, halos marinig na hanggang barangay ang mga boses nila.

Akala mo naman kung wala kaming kapitbahay na mga tsismoso at tsismosa. Baka kung ano ano na naman ang sabihin nila. Pero wala akong paki alam dun. Sabihin nila kahit anong sabihin nila.

Gabi na silang umuwi noon. Hindi kasi namin namalayan na maggagabi na pala. Napasarap sa kwentuhan. Haha. Doon na din sila kumain sa bahay.

Buti na lang at hindi sila maarte. Sarap na sarap pa sila sa ulam naming ginisang kangkong at tortang talong. Sarap na sarap sila sa luto ni nanay. Ubos na ubos, walang natira. Psh.

Gusto pa sana nilang bumaon pauwi. Pero wala na. Haha!!

"GOOD MORNING CLASS!!!"

"Waahh!"

Napahawak na lang ako sa aking dibdib dahil sa boses na narinig ko mula sa pinto ng room namin. Halos mahulog ang puso ko dahil sa gulat.

"Sino yung narinig kong sumigawa?" nakataas ang kilay na tanong ng class adviser namin.

Kaya wala sa sariling napalunok ako ng laway. Pinagpawisan na din ang noo ko at ang palad ko. Hindi din ako mapakali sa kinakaupuan ko.

Nakita ko naman na napatingin sina Megan sa akin. At etong katabi ko naman ay parang pinipigilan ang tawa. Anong tinatawa ng lalaking ito? Sapukin ko to e.

"Anong nangyari Devon? Bakit ka sumigaw?" mahinang tanong ni Megan sa akin. Tamang tama lang na kami kami sa likod ang nakarinig.

Napalunok naman ako wala sa oras at dahan dahan na lumingon sa kanila. Nakita ko napatingin silang lahat sa akin. Kaya medyo napaiwas naman ako ng tingin sa kanila.

"N-nagulat ako e." kinakabahan kong pag-aamin.

"Pfffs!"

Naningkit naman ang mata ko dahil sa narinig kong tawa ng katabi ko. Kahit mahal ko to. Masasabunutan ko sya. Kaasar.

"Anong tinatawa mo?" inis kong tanong sa kaniya.

Hindi naman sya sumagot. Umiling iling lang sya.

"Wala bang sasag--!" hindi pa natatapos ng class adviser namin ang sasabihin nya ng may biglang pumasok.

Kaya lahat ng tingin namin ay nasa pinto.

O ___________ O

Ganyan ang mata ko ng makita ko kung sino ang taong nasa pinto. Hindi makapaniwalang makikita ko ngayon dito sa room namin.

Anong ginagawa ng lalaking ito dito? tanong ko sa aking isipan.

Napatingin ulit ako sa lalaking nasa harap ng pinto ng room. Hanggang nagtama ang paningin namin. Heto na naman yung nararamdaman kong kakaiba nung nagtama ang paningin namin.

Pero agad ko din iniwas ng tingin ko sa kanya.

"Kilala mo ba sya Devon?" pabulong na tanong ni Trisha habang nakakunot ang noo.

Napatingin naman ako sa. Pero ramdam kong nasa akin ang mga mata nila.

Napalunok muna ako ng laway bago sagutin ang tanong nila." hi-hindi"

"Tsss!"

Hindi ko na lang pinansin itong katabi ko.

"Ah! kala ko kilala mo."

Ngumiti lang ako ng konti.

"Come in Mr."

Pumasok naman agad yung nagngangalang Devin. Oo, Devin ang pangalan na sinabi nya noon. Muntik ko ng hindi maalala ang pangalan nya.

"Transferree?"

"Yes"

"Magpakilala ka."

Hamarap naman sya sa aming lahat. Inikot naman ang paningin nya hanggang napako sa akin. Lah! Problema nito?

"Devin Miller Harris."

Devin Miller Harris?

Harris??

HARRIS

HARRIS

ISA SYANG HARRIS?

Edi, SILA ANG MAY ARI NITONG PAARALAN NA ITO?

MY GOSH!!!

"My gosh! isa syang Harris?"

"Omo! sya yung anak ng may ari ng school na ito."

"Ang gwapo gwapo nya pala sa personal."

"ang pogi at ang puti ng skin. Nakakainggit. Gosh!!"

"Kyaahh! nakaka inlove sya besh!"

"Oo nga e. Akin na lang sya."

"Anong sayo. Akin sya."

"Ngayon ko lang sya nakita personal. Ang gwapooo! Kyaaahhh!!"

Napatakip na lang ako ng tainga dahil sa boses nilang ang lalakas. Para silang nasa loob ng basket ball court kung maka hiyaw ng malakas.

Halos dumugo ang tainga ko dahil sa kanina. Ang gandang lagyan ng tape ang mga bunganga nila. Nakakarindi. P*tek.

"Mga walangya ang mga ito. Akala mo kung sinong makahiyaw. Parang ngayon lang sila nakakita ng lalaki." iritang irita na sabi ni Trisha.

Halos bulong lang ang pagkasabi nya. Pero dinig na dinig namin dito sa likod. Kahit kailan talaga to.

"Oo nga e, ang gandang lagyan ng tape ang mga bunganga nila para hindi na sila makapaghiyaw ng ganyan kalakas. Tsss. Kaasar." bwisit na bwisit din na gatong ni Tanya.

Natawa ako ng mahina dahil sa sabay pa silang nagpaikot ng mata. Itong dalawa na ito e, may pagkamaldita. Hay naku.

"Pero in fairness ang gwapo po nya. Ang ganda ng buhok nya, bumagay sa mukha nyang manly. Gosh! Yiee!" pagpupuri ni Megan.

Napatingin naman ang kay Devin sa harapan. Tama naman sya, ang gwapo ng lalaking ito. Maa bumagay sa kanya ang buhok nyang kulay ginto dahil sa maputi ito. Pinkish pa ang kanyang labi na hugis puso. Kyut! Parang ang labi ko. Ang tangkad talaga ng lalaking ito.

Hindi ko sinabi sa kanina kilala ko si Devin. Kilala ko lang sya dahil sa nagkabungguan kami sa mall at dito sa school. Dito sa school ko sya unang nakita.

Pero nakikita ko sa mukha ng Devin na yun e, mukhang masungit at hindi gaano palangiti. Tulad ngayon, naka poker face lang sya.

Pero bakit kaya nung kaming dalawa sa mall noong nakaraan? kung makatawa akala mo wala ng bukas.

Hay naku. Hindi ko nga sya kilala tapos kung makahusga ako, akala mo kilalang kilala ko na yung tao.

"Tsss! hindi naman gwapo!"

"Tsk! He's not handsome!"

Narinig kong sabay na sinabi ni Tristan at Calvin. Ano daw?

Sinong hindi gwapo?

Wala sa sariling napatingin naman ako sa katabi ko. Nakita ko din na nakatutok ng masama si Megan kay Tristan parang gusto nya itong bugahan ng apoy. Hala!

Binalik ko agad kay Calvin ang tingin ko at pinaningkitan ng mata. Napatingin naman sya sa akin diretso sa mata ko.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa simpleng tingin na yun. Hindi ko pinahalata medyo namula ang pisngi ko.

"What are you looking?" nakataas ang kilay nyang tanong sa akin.

Napalunok ako. Taas noo ko naman syang tinignan at hindi pinahalata na naiilang ako.

"A-anong hindi sya gwapo? kung makapanlait ka naman akala mo ke gwapo gwapo mo. Tss." sabi ko sabay irap sa kanya. Kala nya kahit gusto ko sya, hindi ko na sya papatulan.

Tinignan nya naman ako ng sobrang talim na tingin. Na akala mo mahihiwa ako dahil sa kataliman.

Anong mukha yan? Bakit kung makatingin sa akin akala mo may ginawa akong masama?

"Do you like him huh?" may pagkairita sa boses nyang tanong sa akin.

Lah! Bakit mukhang galit ang isang ito? At ano daw? Gusto ko daw si Devin?

Shunga ang lalaking ito. Anong gusto ang punagsasabi nya. Hindi nya ba alam na sya ang gusto ko?

Pero natagalan akong sumagot sa tanong nya. Wala lang, gusto ko lang patagalin ang pagsagot ko. Trip ko lang e. Joke.

Inayos ko muna ang salamin ko bago sagutin ang tanong nya.

"---" luh?

"Whatever!"

Hindi pa ako nakapagsasalita ng bigla syang nagsalita. Napahugot na lang ako ng buntong hininga upang pigilan ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Hindi kasi ako patapusin na magsalita.

Sasabihin ko na sana na gusto ko sya pero hindi ako pinatapos na magsalita. Edi wag.

Syempre joke lang yung sasabihin ko ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Waah! Nakakahiya kayang sabihin na gusto ko sya. Alam ko naman na wala syang gusto sa akin e.

Sa pangit ko itong, ang pangit kung manamit. Ang baduy baduy pa. Hay naku, malabong magustuhan din ako ng isang Calvin Jace Monteverde. Ang lalaking mahilig sa mga magaganda, mapuputi, maganda ang pangangatawan, may makinis na balat.

Kaya imposibleng magkagusto sya sa akin na dakilang dukha ng campus. Ang tinaguriang lampa lampa, tinaguriang baduy kung manamit, tinaguriang utos utusan at kung ano ano pa.

Kahit kulamin pa sya para lang magustuhan ako, baka hindi pa tatalab sa kanya ang kulam na yun. Hehe!!

"Ehem! Stop looking at me. Baka matunaw ako nyan, kaya hinay hinay lang."

Gulat naman akong napatingin sa kanya dahil sa bigla bigla na lang syang nasalita sa tabi ng tainga ko. Naramdaman ko din ang mainit nyang hininga na dumapo sa balat ko.

Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya at iniba ang tingin ko. Nakita ko din syang ngumisi ng sobrang laki. Urgh! Nakakahiya at nakakailang.

Hindi ko namalayan na uminit na pala ang dalawa kong pisngi dahil sa eksenang yun. Hindi din ako makatingin sa kanya ng diretso. Nakaramdam din ako ng konting hiya sa katawan.

Kinalma ko ang puso ko dahil randam na randam ko ngayon ang pagbibilis ng tibok ng puso ko. Parang nakipagkarera ng mabilis.

Mapalunok naman ako bago tignan sya diretso sa mata.

*dug*dug*dug*

Please lang heart. Wag kang bumilis ng tibok, baka marinig ng taong nagpapabilis ngayon ng puso ko. Ayoko pa naman nyang makinig ang pagbibilis nito.

Inhale.... Exhale.... Inhale...... Exhale...

"H-hindi kaya kita ti-tinititigan. Filingero ka lang talaga. Hmp." inis ko bulyaw na kanya pero hindi gaano kalakas ang pagkasabi ko.

"Just kidding." sabi nya at narinig ko pa ang munting tawa nya sa tabi ko. Ugh! Ang hilig nya talaga akong asar asarin ang lalaking ito.

Walang araw na hindi pinapalampas. Pero OK lang, hindi kumpleto ang araw ko kung hindi nya ako inaasar.

At least napapansin nya ako sa paraan nyang yun. Ok na sa akin. Hindi ko man masabi na gusto ko sya, at least lagi ko syang nakikita at nakakasama. Ehem.

Pero ang puso ko. Sobrang tuwang tuwa dahil araw araw nyang nasisilayan ang ngiti sa kanyang labi. Nakakagaan sa pakiramdam ang ngiti nya.

Hindi ko na lang sya pinansin at tumingin na lang ako ulit sa harapan. Napakunot ako bigla ng hindi ko na makita ang lalaking yun.

Saan na nagpunta ang lalaking yun? tanong ko sa aking isipan. Medyo inikot ko naman ang paningin ko para hanapin kung nasaan sya.

Ewan ko kung bakit gusto ko syang makita?

O ____________ O

Lumaki naman ang mata ko ng mabaling ang tingin sa harapan ng upuan ko ngayon. Gulat na gulat dahil yung taong hinahanap ng mata ko, nasa harap ko na pala.

Paano sya nakarating dyan na hindi ko namamalayan? Hindi ko man lang naramdaman. May lahi talaga itong kabute. Hehe! Joke lang.

Buti na lang at hindi nya nakita ang mukhang kong gulat na gulat. Nakakahiya. Bakit dito pa nya naiisipan na umupo sa harap ko? Ang dami namang bakanteng upuan e. Hmp.

Hindi naman sa pinagdadamot a. Basta.

Agad kong iniwas ang tingin ko ng bigla syang lumingon sa tapat ko. Napalunok ko ako dun. Medyo kinabahan din ako.

Nakikilala nya ba ako? kinakabahan kong tanong sa aking isipan.

Hindi naman siguro no? Hetong mukhang ito, may nakakaalala. Tataalon na lang ako ng building kung may nakaka-alala sa akin.

Syempre joke lang yung tatalong ako ng building. Lol. Marami pa akong pangarap no. Gusto ko pang gumanda. At gusto ko din maamin na gusto ko itong katabi kong lalaki. Walang ginawa kundi ang mambabae.

Ang sarap ihambalos sa dingding. At ingudngud ang nguso sa dingding. Hindi mawala wala sa aking yung nakita ko kaninang umaga sa gate ng school.

Flashback......

Dahil sa maaga pa. Napagdesisyunan kong maglakad na lang papuntang school dahil sa malapit lang naman ang bahay namin sa school.

Ang ganda pala ng simoy ng hangin kapag umaga. Maganda na rin ito sa katawan. Hehe.

Marami din akong nakikita at nakakasabay na naglalakad, patungo din sa school. Nakikita ko kasi ang mga uniform nila na kagaya ng uniform ko.

Medyo nainggit namana ako dahil lahat sila may kanya kanyang kasabay. May nagtatawanan, nagkukuwento, nagbabangayan, mayroom ding naghaharutan na magjowa na akala mo walang taong nakakakita sa kanila. May naka-holding hands, may nakaakbay at ano ano pang makikita mo.

Ang saya siguro kung kasama ko din sina Tanya. Ang saya kasi nilang kasama, laging kang nakangiti at tumatawa. Hindi nauubusan ng kalokohan.

Napangiti na lang ako ng palihim habang nakatingin sa kasama kong estudyante na naglalakad. Ang ganda nilang tignan.

Nakangiti akong inalis ang tingin sa kanila at pinagpatuloy ang paglalakad. Baka dahil sa kamamasid ko sa paligid e, malate pa ako sa klase. Mahirap na. Ang sungit pa naman ng adviser namin.

Medyo binilisan ko naman ang paglalakad. Hanggang tanaw na tanaw ko na ang gate ng school.

Ang laki at ang lawak talaga ng school na ito. Ang yayaman ng nag aaral dito. Buti na lang at isa akong scholar dito. Kaya laking pasasalamat ko sa kanila dahil sa pagtanggap sa akin.

Napatigil ako sa paglalakad ng matamaan ko ang pigura ng dalawang tao sa guard house. Napako ang paa ko sa kinakatayuan ko at napako rin ang tingin ko sa kanila.

Parang hindi ako masyadong makahinga. Paulit ulit na parang tinutusok tusok ng kutsilyo ang dibdib ko. Parang may gusto ring kumawa sa mata ko na tubig.

Bakit ganun? Ang sakit na makita mo ang gusto mo o mahal mo may kahalikang iba. Mahal ko sya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang mahal na ang naramdaman ko sa kanya.

Akala ko dati, gusto ko lang sya pero ngayon. Nag-iba na agad ang tingin ko sa kanya. Mahirap man aminin na mahal ko na sya, na dati dati sya ang kinakainisan kong tao sa mundo. Walang ginawa kundi ang pagtripan ako.

Ngayon na hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ng hindi ko man lang napapansin.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko namalayan na may isang butil na pala ng luha na nahulog sa pisngi ko. Pero agad agad ko din itong pinahid.

Binalik ko naman ang tingin sa kanila. Pero laking gulat ko ng makita ko syang nakatingin diretso sa mga mata ko.

Bumilis ng tibok ng puso dahil sa mata naming magkatagpo. Kahit medyo malayo ako sa pwesto nya. parang may nakita aking emosyon na dumaan sa mga mata nya. Hindi ko lang ito mapangalanan.

Ako na ang unang umiwas ng tingin. Naiilang ako sa pinapakita nyang tingin sa akin. Mapansin ko din na wala na dun ang babaeng kahalikan nya. Kaya medyo nakahinga ako dun ng konti.

Pero nandun parin ang sakit sa dibdib ko dahil sa nasaksihan ko kanina.

End of the flashback....

Kaya inis na inis ako sa lalaking yan. Ang landi landi, sa guard house pa naisipang makipaglaplap. Yuck! Kadiri talaga to. Tanggalin ko yang labi nya e. Para tigil tigilan na sya ang makikipaghalikan kahit kanino.

Inalis ko na lang sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Mas lalo lang ako manggigil kung iisipin ko pa ang bagay na yun.

Ok. Kalma lang self. Inhale..... Exhale..... Inhale.... Exhale......

"Yuck nerd! ang baho ng hininga mo. Bakit ganyan ang amoy? Amoy panis na laway. Nang-tooth brush ka ba bago pumasok?"

Napanganga na lang ako sa sinabi ng katabi ko. Parang hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi nyang yun. Parang gusto ko ng lumubog sa kinakaupuan ko dahil dun.

Namula na din ang buong mukha ko. Pati tenga at leeg, isama mo na rin. Parang nabingi din ako sa sinabi nya.

Napasara ang dalawa kong kamao. Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ko. Halo halong emosyon.

"Bakit ganun ang amoy nerd?"

Napapikit ako sa sinabi nya ulit. Tangnang lalaking ito. Inulit pa talaga. Kalma lang nerd este Devon Miles. Wag mo syang patulan. Papansin lang yan. Kalma.

Huminga ako ng malalim.

"Nag-aam---!!!"

*bogshhh!!*

Sapol.

HAHAHAHHA!

HAHAHAHHAHAHHAHAH!

HAHAHA!!

grabe ang rami kong tawa dun a. Syet! Nakakatawa ang lagay nya. Alam nyo ko bakit ako tumatawa sa akin isipan?

Ganito kasi..... BUWAHAHAHHAHHAHAA!!

BUWAHAHAHAHAHA!!

sorry, hindi ko mapigilan tumawa e. kahit sa isipan ko lang. Hehe. Hindi ko muna saaabihin kung anong nangyari.

Tawa lang ako ng tawa sa akin isipam. Parang baliw lang.

"MS. ACOSTAAAAA!!!"

O_____________________O

Hala!