Devon's PoV
Agad akong tumalikod sa kanila. At naglakad papalayo. Hindi ko na kasi kaya e. Ang sakit. Hindi din ako makahinga nga maayos.
Mas mabuti na lang ang umalis na sa harap. Parang kasi akong baliw sa harapan nila na palipat lipat ang tingin.
Bakit kasi sa kanya pa ako nagkagusto e? Sa isang kagaya nya pang hindi alam ang magseryoso.
Sabi ko noon, kailangan man hindi ako magkakagusto sa isang playboy na kagaya nya.
Tignan mo nga naman ngayon, kinain ko din ang sinabi ko. Halos isumpa ko na siya kung makikita ko at kung aasarin nya ako.
Kung kaya ko sanang pigilan ang pagtibok ng puso ko sa kanya, matagal ko na itong ginawa. Pero hindi ko magawa.
Minsan na nga lang ako magkagusto. Dun pa sa taong hindi ako gusto at hindi alam ang magseryoso.
Napakagat na lang ako ng labi habang naglalakad. Paminsan minsan napapahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga.
Mas maganda na yung umalis ako sa harap nila. Edi sila na ang PDA.. Psh. Pakialam ko naman sa kanila.
Oo na, nagseselos at nasasaktan ako sa nasaksihan ko kanina.
Hay... Wag ko na nga yong isipin. Baka mabaliw lang ako. Dapat hindi ako mabadtrip dahil baka mas lalo lang ako tatanda.... Manang na nga ako, mas lalo lang ako tatanda kung yun lang ang iisipin ko.
Tinignan ko na lang ang mga pinamili kong mga gamit para sa lunes. Inisa isa ko na lang itong tinignan, baka kung may hindi pa ako....
*bogsh!*
"Sh*t!!"
Napaatras ako dahil sa impak ng pagkakabunggo ko. Buti na lang at hindi ako napaupo dahil dun. Buti na din at hindi ko nabitawan ang mga gamit na binili ko.
Lapitin talaga ako ng disgrasya.
Kagat labi akong tumingin sa nakabangga ko. Nakayuko yung lalaki, tinitignan ang damit nyang basa.
Nanlaki agad ang dalawa kong mata. Natapunan ng milk tea ang nakabangga ko, sa damit nyang puti ang nakatapunan.
Medyo kinabahan naman ako at napalunok ng laway. Kalong nanlaki ang mata ko ng nag-angat ng ulo yung lalaki.
Siya....
Siya yung nakabunggo ko nung nakaraan. Yung lalaking parang hindi alam ang ngumiti.
"Tsss!"
Hindi sya nagsalita.
Napalabi ako...
"S-sorry! H-hindi ko si-sinasadyang m-mabunggo ka." mahinhin kong paumahin sa kanya.
Ewan ko kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya.
Bakit ganun na lang ang nararamdaman ko sa kanya? naguhuluhan na tanong sa aking isipan.
Naiilang ako sa tingin na pinupukol sa akin. Napansin ko na medyo malinis na yung damit nya pero kapansin pansin parin ang damit nyang may mantya.
Lihim na lang akong napakagat ng labi.
Medyo nagulat naman ako ng bigla syang humakbang patungo sa akin. Medyo napapikit pa ako.
Tuluyan na akong napapikit ng naramdaman ko syang nasa harap ko na sya.
Naamoy ko na din ang mabango nyang pabango.
Anong gagawin nya? Sasaktan nya ba ako? Sasampalin nya sa ako o ano? biglang tanong ko sa aking isipan.
Nagulat na lang ako ng may naramdaman akong pagpunas sa damit ko. Kaya dahan dahan ko namang binuksan ang dalawa kong mata.
Tumamblad sa akin ang mukha nyang seryoso habang pinupunasan ang damit kong..... May milk tea?
Ngayon ko lang napansin na natapunan din pala ako ng milk tea na iniinom niya kanina.
Para akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa ginagawa nyang pagpupunas. Wala sa sariling napatitig ako sa mukha nya.... Parang may nagtutulak kasi sa akin na titigan siya.
Hindi talaga maipagkakaila na ang gwapo siya. Parang pantay lang sila ni Calvin kung magkatabi sila.
Wait.
Aish!.. Bakit bigla na namang pumasok sa isip ko ang playboy na yun? Urgh! Ayokong isipan siya ngayon e. Nasisira ang araw dahil sa nasaksihan ko kanina. Bigla ding kumulo ang dugo ko sa lalaking iyon.
Winaksi ko naman sa isipan ko yun.
"A-a-anong gi-ginagawa m-mo?" utal utal kong tanong sa ko.
Nag angat sya ng tingin at diretsong tumingin sa mata ko. Napalunok naman ako dahil dun.
Hala! Bakit ganyan sya makatingin? May mali ba sa tanong ko?
"Tsk! What do you think?!" pabalang syang sagot.....at binalik na naman nya ang tingin sa pinupunasan nya sa damit ko.
Medyo napasimangot naman ako dahil sa sagot nya sa akin. Psh!
Kung titignan mo sya, makikita mo talaga na ang sungit sungit nya pero ang nakikita ko ngayon parang ang bait nya. Kita nyo naman pinupunasan nya ang damit ko.
Ewan ko lang kung may binabalak syang iba, baka pakitang tao lang ang lalaking ito.....
Pero wala akong naramdaman na pakitang tao siya. Ang gaan gaan talaga ng pakiramdam ko habang nakatingin sa kanya.
"Stop staring at me!" bigla na lang nyang suway sa akin. Kaya medyo napaigta ako dahil sa boses nyang malamig.
Nahihiya naman akong napayoko dahil sa sinabi nya. Huhuhu!! Nakakahiya talaga.
"H-hindi kita t-tinitignan." utal kong pagdidipensa sa sarili ko kahit huling huli ako.
"Tsss! Yeah, right!! psh!" medyo natawa naman siya dahil dun. Kaya medyo napatitig ako sa kanya nung bigla nyang tumawa ng mahina..
Parang may kung ano sa dibdib ko ang natutuwa dahil nakita ko syang tumawa ng mahina. Parang pamilyar din kasi sa akin ang ngiti nya.
Ang mas gumawapo ang lalaking ito nang tumawa sya. Sana kung lagi siyang tumatawa, edi mas lalo na naman sya gumagwapo. Hay naku.
"B-bakit ka ba tumatawa huh? Anong nakakatawa?" kunwaring inis na tanong ko sa kaniya.
Hindi ako galit sa kanya dahil sa pinagtatawanan nya ako, parang hindi ko kayang magalit sa kanya.
Lumayo naman sya sa akin ng dalawang hakbang. At biglang tumigil sa pagtawa pero hindi nawala ang ngisi sa labi. Hmp!
"Nothing! Psh! Your cute, kung naiinis ka" medyo natatawang sabi nya at sinabayan pa ng papuri.
Hmp. Ang bad, pagtawanan ba naman ako. Pero ok lang, ang cute naman nyang tumawa e. May dimples pa sa magkabila nyang pisngi. Parang ako lang, mayroon din.....
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong irapan sya. Hindi din ako natakot ng ginawa ko yun.
"Bakit mo ako pinagtatawanan? Hmp!" nakasimangot kong sabi at sinabayan pa ng pagpalo sa braso nya, pero hindi ganoong kalakas.
Medyo napatigil naman siya ng bigla kong ginawa. Mapansin ko din na napatitig siya sa akin ng ilang saglit.
Kaya napatigil din ako. Anong pumasok sa isip ko ng bigla ko na lang syang pinalo sa braso?
"Sorry!" bigla na lang lumabas sa bibig ko ang word na iyon.
Hindi sya nagsalita, nakatitig lang siya sa akin. Parang may kung ano siyang hinahanap sa mukha ko.
Pero hindi nakaligtas sa akin ang mga mata nyang ang lungkot?? At may kung ano pang emosyon na nakita ko sa mata nya. Na hindi ko maipaliwanag.....Parang may pinagdadaanan siyang hindi nya nalilimutan.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nanikip ang dibdib dahil dun. Parang nahawaan ako sa nakita kong emosyon sa mata nya.
Hindi ko alam kung bakit bigla bigla ko na lang nararamdaman ito? Wala naman akong sakit a.
"A-ayos k-ka l-lang?" medyo nanginginig kong tanong sa kaniya. Kinakabahan din ako dahil baka may nararamdaman syang masama.
Dahil sa tanong ko, parang natauhan naman sya. Bumalik din sa dati ang mata nyang walang ka-eme emosyon. Hindi ko pinahalata sa kanya na medyo nagulat ako dahil sa bigla biglang pag iiba ng mood.
Tumango lang sya biglang sagot sa tanong ko.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa simpleng pagtango nya. Kala ko kung ano na e. Kinabahan ako dun a.
"Wait! S-saan mo ako dadalhin? Bakit mo ako h-hinihila??" gulat kong tanong sa kaniya.
Bigla bigla na lang kasi syang nanghihila e. Hindi man lang sinabi sa akin na hilain ako.
Tinigil ko naman ang paglalakad. Buti na lang at napatigil din sya.
Humarap sya sa akin ng nakakunot ang noo at walang reaksyon sa mukha. Hindi talaga marunong ngumiti ang lalaking ito. Hmp.. Gustong gusto ko pa namang nakikita syang nakangiti.
Damot...
"What?" salubong ang kilay nyang tanong.
Sunget!
"Saan mo ba ako dadalhin ah? Bakit bigla mo na lang akong hinila?" kunot noo ko ding sabi sa kaniya.
"Tsk!"
Hindi nya ako sinagot at bigla na naman nya akong hinila. Hanggang nakarating kami sa department ng mga damit.
Napatigil na naman ako mula sa pinto ng pamilihan ng damit.
"Why did you stop again huh? Anong ba talaga ang problema mo?" iritang tanong nung lalaking hindi ko alam ang pangalan...
Hanggang ngayon hindi ko parin pala alam ang pangalan nya. Hehe!...
"Anong gagawin natin dito?" takang tanong ko sa kaniya at mabilis na tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.
"Kakain!"
"Huh?!"
Napatanga naman ako sa sagot.
Nakita ko naman ang pagbuntong hininga nya. Parang nagpipigil sya ng inis. Hehe! Sino ba kasi ang hindi maiinis sa akin kung kanina pa kami tigil ng tigil sa paglalakad tapos tanong ng tanong sa kaniya....
Pero ang cute nya talagang mainis.
Napa peace na lang ako sa kanya..... "sowwy!! hehehe!!!."
Napailing na lang sya sa inaasta ko.
Napasimangot naman ako ng bigla na naman nya akong hinila papasok sa loob... Napa WOW na lang ako dahil sa nakikita kong iba ibang design ng damit.. Mukhang branded lahat ng paninda dito..
Edi sila na ang mayaman at ako na ang mahirap....
"Good morning sir, ma'am." nakangiting bati sa amin ng mga sales lady...
Pero palihim din nila akong tinignan ng matatalim na tingin... Kung kutsilyo lang siguro sila, baka kanina pa akong nahiwa sa kinatatayuan ko...
Problema ba ng mga ito? Kung makatingin sila, akala mo may ginawa akong mali sa kanila.
Hindi ko sila pinansin. Ganun din kasi itong lalaking kasama ko. Basta dire diretsong linagpasan sila... Isnobero din pala ang lalaking ito... Psh!!...
"Aray ko!!!"
Hinihimas himas ko naman ang noo kong nauntog sa likuran nya.
Tumingin naman sya sa akin na nakakunot noo.
"What happened to you?" takang tanong nya sa akin pero hindi parin nawawla ang pagkakunot noo.
Inirapan ko naman sya at bigla din akong napanguso...
"Wala!"
"Psh! Go! find a dress you want." pag uutos nya sa akin....
Kung maka-utos naman itong lalaking ito, kala mo naman kung sino. Utusan ba naman akong pumuli ng damit na gusto ko. Eh! halos lahat naman ng damit gusto ko e..
Wala nga lang akong pambili.... Hello! Wala pa ngang 1000 ang dala kong pera e. Kita nyo naman ang preso ng mga damit na ito...
Thousand thousand ang preso bawat isa... Pinagloloko ba ako ng lalaking ito. Kung oo, masasapak ko na talaga sya.
"Wala akong pera para pambili ng mamahaling damit na yan. Kung gusto mong bumili ng damit ikaw na lang... At bakit kasi sinama sama mo pa ako dito? Wala namang akong gagawin dito e." mahaba haba kong sabi sa kaniya at medyo hiningal pa ako.
Ang haba ng sinabi ko a.
"Ang dami mong sinabi. Pumili ka na, ako ang magbabayad. Kita ang mantiya yang damit mo. "bored nyang sabi sa akin.
Medyo nagulat naman ako sa sinabi. Napatingin naman ako sa damit ko. Oo nga no. Wag ng magpabebe. Hehe
libre naman pala nya e hindi agad sinabi para hindi na ako dada ng dada. Tsk! Paano kaya kung araw araw akong magpabunggo sa kanya para may araw araw akong damit na mabibili? Hehe! Jwk!
Hindi ko naman kailangan ng damit e. Hindi naman masyadong kita ang mantiya ng milk tea.
"Hindi na kailangan.... hindi naman gaano makita ang mantiya ng natapon na milk tea e." pagtatanggi ko sa kanya at sinabayan pa ng iling.
"Tsk!"
Ano ba yan? Uso ba ngayong araw ang hilaan....psh!!
Wala akong nagawa kung ang pumili ng damit... May pagbossy pala ang lalaking ito. Hmp.
Napaisip naman ako bigla. Bakit naman ako mag-iinarte, libre na ito uyy......wag na dapat pang sayangin.. Sulitin ko na agad ang libre.
Mukhang mayaman naman ang lalaking ito e. Mukha na nga lang nya e, pangmayaman na. Kung titignan sya, mukhang kayang kaya nyang bilhin itong buong mall. Hehe!
"Waaah!"
Medyo napalakas naman ang boses ko nung may nakasagi sa aking braso. Putek! Nakakahiya. Napapatingin sa akin ang iba dahil sa boses kong medyo napasigaw.
Tinignan ko yung sumagi sa kanya.. Nakita ko ang isang batang lalaki na tumatakbo.
Napabuntong hininga na lang ako at biglang tumingin sa harapan ko.
Huh?
Nasaan na ang lalaking yun? Bigla bigla na lang kasi syang nawala sa harap ko. Kaasar ang lalaking yun a, kinakausap ko pa sya e.
Iniwan ba ako nung lalaking iyon dito?
Wala akong nagawa kundi ang igaya ang paningin ko sa loob. Nagbabasakaling makita ko ang kasama kong lalaki kanina.
Ayun, nakita ko sya na naghahanap na ng damit. Abat! Hindi man lang ako hinintay.
Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga. Wala akong nagawa kundi naghanap na din ng damit.
Habang naghahanap ako. Ang hirap maghanap, parang lahat ng makikita ko, gusto kong bilhin. Ang gaganda naman kasi lahat. Hay naku.
Parang wala namang nababagay sa akin dito. Ang gaganda damit tapos ang pangit ng magsusuot. Hmp.
Napailing na lang ako sa iniisip ko. Kung ano ano na namang pumapasok sa isip ko e. Pinagpatuloy ko ulit ang paghahanap...
Hanggang may nahagip ang mata kong damit. Simple lang ito, hindi gaano kagarbo. Dali dali ko itong nilapitan. Agad ko itong kinuha at pimagmasdan.
Napa wow na lang ako habang hawak hawak ko. Sobrang ganda talaga sa paningin ko kahit kokonti lang ang design.
Light pink ito na may anime na babae sa gitna. Napangiti naman ako ng mapansin ko na nerd yung anime na design at parang mamon ang dalawang pisngi.... Hihi! Ang cute.
Ito talaga ang naka-agaw ng atensyon. Nakukyutan ako sa mga damit na anime.
"You like that?"
Napatingin naman ako dun sa nagsalita. Nakita ko yung lalaki na hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan. Nakatayo ngayon sya sa likuran ko habang malamig ang tingin sa akin at nakakunot ang noo.
Napansin ko din na may hawak hawak syang damit. Pero hindi ko masyadong makita kung ano itong style.
Alinlangan naman akong tumango sa kanya biglang sagot.
"Oo, pwede ba na ito na lang ang bibilihin mo?" nahihiya kong sagot. May hiya pa pala. Haha! Peace.
Napakunot naman sya."Of course. Psh!"
Napakamot na lang ako ng ulo. Anong nginingisi ngisi ng lalaking ito. Bayaan na nga, pero mukha syang baliw kung ngumiti.
"Libre mo ba ito? Baka mamaya hindi pala a, tapos sabihin mong ninakaw ko ito." paninigurado ko sa kanya.
Mahirap na baka pagbintangan ako ng mga tao dito. Wala pa naman akong pagbayad, mahirap lang kami.
Tinignan naman nya ako ng masama at sinamahan ng tingin. Loko to a. Tsss.
"What do you think to me, walang isang salita. Tsk!" may irita sa boses nya ng sabihin nya yun.
Lah! Mukhang Na offense ko sya. Sorry naman, natatakot lang ako na mapagbintangan na magnanakaw.
"Sorry naman po, natatakot lang ako na mapagbintangan na magnanakaw. Kita mo naman ang itsura ko, mukhang magnanakaw na kahit hindi naman." pagdidepensya ko sa aking sarili.
Nakita ko naman syang napabuntong hininga. Palihim akong napakagad ng labi.
"Tsss!" at hayun na naman po bigla na lang nya na naman akong hinila papalabas.....
......wait?
Papalabas??
Bakit palabas na kami e, hindi pa kami nagbabayad e. Abat loko itong lalaking ito a. Hindi ba naman magbayad ng pinamili namin.
Napaangal naman ako bigla at tumigil sa paglalakad. Kaya napatigil naman sya sa paghila sa akin. At bumaling sya ng tingin sa akin at bigla na lang akong kinunotan ng noo.
Ano ba naman ang lalaking ito? Hindi ba nya alam ang ngumiti o kahit lagyan nya ng emosyon ang mukha?. Parang lagi itong galit sa mundo e.
Ewan ko kung bakit gusto ko syang makita na nakangiti palagi. Parang nalulungkot ako kung nakikita ko syang walang kahit anong emosyon sa mata. Parang may kung bumara sa lalamunan ko.
Napakagat na lang ako ng labi dahil dun. Kung ano ano na naman kasi ang nasa isip ko e. Hindi na dapat ako mag isip kung ano ano. Hay naku.
"What?!" tanong nya sa akin habang diretsong tiningnan ang mata ko.
Napalunok naman ako wala sa oras dahil sa lamig ng boses nya. Ang tipid nya talagang magsalita. Parang nabibili ang bawat salitang lumalabas sa bibig.
"Bakit agad tayong lumabas, hindi pa nababayaran ang mga damit na kinuha natin" takang sabi ko naman sa kanya.
Naguguluhan akong nakatingin sa kanya ngayon.
"Psh!! Haha!!" yun ang lumabas sa bibig nya. Isang maaliwanas na tawa ang kumawala. Parang pinipigilan pa nga nya ang tawa nya e.
Loko to, pinagtawanan ba naman ang sinabi ko. Medyo may kalakasan pa ng tawa. Psh! Tsk! Nagmumukha syang baliw sa lagay nyang yan.
"Bakit ka ba tumatawa diyan ha? Anong nakakatawa? Pinagtatawanan mo ba ako ha?" nakasimangot na sunod sunod kong tanong sa kaniya.
Dahil sa sinabi ko, tumigil sya bigla sa pagtawa at tumingin sa akin. Pero nandun parin ang naglalarong ngisi sa kanyang labi.
Napatigil naman ako bigla. Hindi naman ako namimilik mata diba? Nakita ng dalawa kong mata kung paano nya tumawa ng maaliwanas.
Parang may kung anong emosyon sa dibdib ko ang nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag. Hay naku, bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa kanya?
Pangalawang beses ko lang naman syang nakita. Alam ko naman na wala akong gusto sa kanya. Iba talaga e. Hindi pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya. Iba ito.
"Hey! are you listening to me?" pukaw nyang tanong sa akin.
Dahil dun, napabalik ako ng ulirat at napatingin sa kanya ng inosente.
"M-may sinasabi ka?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya.
Sorry naman kung hindi ko narinig ang sinabi nya. May iniisip lang kasi ako, kaya hindi ko narinig ang sinabi. Psh.
"Tsk! I said, we own this whole mall. kahit anong gusto kong kuhanin dito, makukuha ko. Get it?"
Hindi ko namalayan na napanganga na pala ako dahil sa sinabi nya. Whattt!! Seriously??
Weeh? Baka pinagloloko lang ako ng lalaking ito. Baka baliw na pala itong kasakasama ko, hindi ko lang alam. Hala....
"Wee? maniwala naman sayo! Baka pinagloloko mo lang ako huh? Marami ng manloloko ngayon. Hmm. Malay mo isa ka pala duon." prangka kong sabi sa kaniya.
Nagulat naman ako ng binigyan nya ako ng nakakamatay ng tingin. Wuoh! Tagos hanggang buto yun a. Hehe!
"Tsk! Kung hindi ka naniniwala, edi wag kang maniwala. Hindi ko na yun problema."
Hala! Mukhang napikon ata ang lalaking ito.
"Hehe!" napa peace na lang ako sa kanya.
"Tsss!"
Agad naman syang tumalikod sa akin. Tatalikuran na sana ako ng biglang ko syang pinigilan.
"W-wait!" pigil ko sa pag-alis nya.
Napakunot naman ang noo nyang tumingin sa akin. Napakagat na lang ako ng labi dahil hindi ko masabi ang dapat kong sabihin.
Parang naputol ang dila ko.
"What?" tanong nya.
"A-ano pala ang p-pangalan mo?" medyo utal kong tanong sa kaniya, medyo umilap pa ang tingin ko at tumingin pa ako sa ibang direksyon.
"Devin" maikli nyang sabi sa pangalan. At ngumiti ng totoo sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pangalan nyang sinabi sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko?
Bakit magkatunog sila ng pangalan ko?
Pinilig ko sa isip ko yun. Siguro nagkataon lang yun. Hindi ko dapat yun ang iniisip ko.
But.... urgh!...hindi mawala wala ang lalaking iyon sa isip ko.
Binalik ko naman ang tingin ko sa kanya. Pero laking gulat ko na lang ng wala na sya sa harapan ko.
Nasaan na ang lalaking yun? Bakit bigla bigla na lang syang nawala sa harapan ko ng hindi ko man lang namamalayan? naguguluhan kong tanong sa aking isipan.
Luminga linga naman ako sa paligid umaasang makikita ko siya. Pero bigo ako, hindi ko na siya makita pa.
Ang bilis naman siyang mawala?
Ganun na ba ako kalutang para ko naramdaman ang pag alis? Hay naku.
Napailing na lang ako dahil dun. Makauwi na nga. Wala na naman akong gagawin dito. Alangan maggagala pa ako dito sa mall e, baka hindi na ako makauwi nyan.
Napansin ko naman ang hawak hawak kong paper bag na naglalaman ng damit na binili ng lalaking yun. Yung nagngangalang Devin.
Hindi ko pa pala suot ang pinili kong damit. Paano nyan? Magpapalit pa ba ako o hindi na? Hindi na siguro, uuwi naman na ako.
Nagpasyahan ko na lang na hindi ko na lang yun isusuot. Hindi pa naman nalalabhan e. Ayoko pa naman ang magsuot ng damit kung hindi pa nalalabhan.
Lumabas na lang ako sa mall at agad pumunta sa waiting shed para dun na lang maghintay ng masasakyan.
Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko agad may tumigil sa tapat ko na tricycle. Walang alinlangan akong pumasok sa loob.
Habang nasa biyahe ako. Iniisip ko parin ang lalaking yun. Kung bakit ganun ang na lang kagaan ang pakiramdam ko sa kanya. Parang matagal na kaming magkakilala.
Nagkataon lang siguro yun diba? Wala lang yun diba? Ugh! Hindi maalis alis talaga sa akin yun e. Paulit ulit na nag reply sa isip ko ang lalaking yun. Parang may kamukha sya na hindi ko mawari kung sino.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Ineng nandito na tayo. Hindi ka pa ba bababa? Magpapasada pa ako."
Nabalik ang ulirat ko ng nagsalita ang tricycle driver mula sa side ko. Nahihiya naman akong napakamot ng ulo. Kinuha ko naman ang pera mula sa bulsa ko. At binigay sa kanya ang pamasahe, agad aking lumabas ng maibigay ko yun.
Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Ang lalim naman kasi ang iniisip ko. Buti na lang at hindi ako nalunod. Hehe!
Agad kong inopen ang bakod naming gawa sa ginto. Tama kayo ng nabasa, ginto ang gate namin. De joke lang. Syempre pininturaan namin ng kulay ginto na pintura... Hehe! Peace!
Agad akong pumasok sa loob ng bahay namin. Napakunot naman ako ng hindi ko maabutan si inay sa loob ng bahay namin.
Saan naman kaya pumunta ang nanay kong yun? Imposible namang nagtinda sya ng kakanin e wala naman akong nakita na linuto nya kanina? Imposible din namang rumaket na maglaba sa kapit bahay si inay, ang sabi nya may magpapahinga sya ngayong araw? naguguluhang tanong ko sa aking isipan.
Andaming naglalaro sa isip ko dahil dun. Nasaan kaya si inay? Hindi man lang nagtext kung may pupuntahan sya. May tag isang cellphone naman kami na keypad.
Imposible namang mawalan ng load si inay parang araw araw may katext yun. Hmmm.
"Nay??! Yuhuuu!!! Where are na u? Nandito na me. " tawag ko sa kanya. Parang baliw namang akong tumatawag sa kanya. Inilagay ko pa kasi ang kamay ko sa gilid ng bibig ko. Hehe..
Nang mapagot akong katatawag sa kanya, agad akong umupo sa monoblack na upuan namin sa sala. Kapagot naman ang pumunta sa mall at katatawag kay nanay.
Agad kong binaba ang mga pinamili ko kasama ang bigay ng lalaking yun na damit, yung nagngangalang Devin.
Nagpahinga naman ako ng ilang minuto at agad akong tumayo at tumungo sa kusina para kumuha ng tubig. Nang makakuha ako ng tubig, agad akong bumalik sa kinakaupuan ko kanina.
Hindi pa ako nakakarating sa upuan ko kanina ng makita ko si nanay na kadadating nya din mula sa labas ng bahay.
Nagulat pa sya ng makita niya ako na nakatingin sa kanya habang nakakunot amg noo ko. Ewan ko kung guni guni ko lang yun o ano. Nakita ko na medyo namutla sya at pinagpawisan, napaiwas naman sya ng tingin sa akin. Kaya mas lalo akong napakunot.
Hanggang napababa ang tingin ko sa hawak hawak nyang grocery??...... Grocery?
Saan naman nakuha ni nanay ang perang pinamili nya ng mga grocery na hawak hawak nya? tanong ko na lang sa aking isipan.
"N-nakauwi ka na p-pala nak? K-kumain k-ka na ba? A-anong gusto mo, i-ipagluluto kita ng p-paborito mo?" utal utal na tanong sa akin ni nanay. At hindi makatingin diretso sa mata ko.
Parang may mali sa kanya ngayon? Bakit ganyan sya magsalita? Nauutal? Anong nangyayari kay nanay?
"Saan ka nanggaling nay? Bakit andami nyo namang grocery na pinamili?"
Napalunok sya.