Devon's PoV
"A-aray! D-dahan dahan lang naman, anong akala mo hindi ma-masakit. Ouch! F*ck! U-umalis kana nga diyan, mas lalo lang su-sunasakit kung d-dinidiin mo e. Ugh! Bakit mo kasi dinidiin? D*mn it."
"Tumigil ka nga sa kangangawa. Ang sakit sa tainga ang boses mo. Kung hindi ka talaga titigil dyan. Mas lalo ko lang itong ibabaon. P*nyemas to. Wag kang masyadong gumalaw galaw dyan, hindi ko na----"
"A-ayoko na please. Tama na. H-hindi ko na kaya ang s-s-sakit e. Waahhh! AYOKO NA TALAGA.... WAAAHHHH....."
*blagg!*
"WALANGYA KANG LALAKI KA. SABI KO SAYO NA WAG KANG GALAW NG GALAW DAHIL HINDI KO PA NAILALAGAY ANG BAND AID SA GILID NG PISNGI MO." sigaw ko sa lalaking maarte na ito.
[a/n: oy! oy! yang isip nyo. Nalumot na, wag maging green ang isip. Buti na lang ako at red ang nasa isip ko. BUWAHAHAHAHA!!! tawa kayo...]
Langya!. Parang babaeng ngawa ng ngawa sa harap ko. Sarap batukan. Pero wag na, kawawa naman. May pasa na nga sa gilid ng labi.
Buwahahahahhha..
"Pero in fairness nakakatawa yang itsura mo. Parang natakasan ng dugo dahil sa putla. Pffs." pang aasar sa kanya.
Pinagmamasdan ko sya na hanggang ngayon hindi pa tumatayo sa pagkakahulog sa umupuan. Wow ha. Mukhang maganda ang tales na kinakaupuan nya. Parang ayaw na syang tumayo sa sahig.
Ma-try nya rin minsan kung maganda ba. Haha!
"Anong sinabi mo ha ugly nerd?" inis nyang bulyaw sa akin.
Ouch! Ugly nerd talaga.
Medyo natawa naman ako dahil sa itsura nya. Para syang bata na nakaupo sa sahig. Namumula pa ang nguso nya.
"Wala" natatawang sabi ko. "mukhang masarap ang umupo sa sahig a? Parang ayaw mo ng tumayo dyan? Baka gusto mo maalalayan na tumayo?"Â sabi ko sa kaniya.
Nakita ko kasi na medyo namula sya. Namumula din pala ang isang ito. Ang cute.
Bakit mas cute pa sya kaysa sa akin? Hmp. Hindi ko matanggap.
Napanguso na lang ako.
Calvin's PoV
Agad akong tumayo sa pagkaka upo ako sa sahig. Naramdaman ko na medyo nahilo ako pero hindi naman gaano kalala. Naramdaman ko din na medyo namula ako.
Kainis kasi itong nerd na ito. Kung maglinis ng sugat, sobrang idiin sa mismong sugat. Ang hapdi na nga ang sugat sa labi ko.
Nang makatayo ako, agad kong pinagpagan ang suot kong pants at napatitig kay nerd na ngayon nakanguso sa harap ko.
Napakunot ako bigla. Anong nangyari sa nerd na ito? Bakit sya nakanguso sa harap ko? Nagpapa-cute ba sya sa akin?
Pero kung nagpapakyut man sya sa akin. Masasabi ko syang hindi sya cute sa paningin ko.
Hindi sya cute sa paningin ko.
Kundi maganda sya.
Wala namang masama kung sabihin ko na maganda sya. Hindi nya naman alam na pinupuri ko sya sa aking isipan. Kung tatanggalin nya sana ang salamin sa mata nya, edi sana may lalo syang gaganda.
Baka kung sinabi ko sa kanya na maganda sya. Baka lalaki pa ang ulo nyan. Kaya wag na. At isa pa, bakit ko naman sasabihin sa kanya na maganda sya? Baka isipan pa nya na may gusto ako sa kanya.
Agad kong winaksi sa isipan ang bagay na yun. Tsk. Kung ano ano na naman ang nasa isip ko.
Binalik ko kay nerd ang tingin ko. Ayun parin, parang ang lalim ng iniisip. Psh. What really happened to this girl? Crazy. Psh.
*poink!*
"Aray! bakit ba ha? bakit ka ba namimitik dyan? Ano na naman ba ang kasalanan ko sayo? Tsk! Kaasar ka." bwisit nyang bulyaw sa akin.
Cute. bigla na lang sabi sa aking isipan. Kaya medyo nagulat naman ako sa sa biglang nag pop sa aking isipan.
D*mn! What was that?
Agad ko naman iniba ang emosyon sa mukha ko. Pinalitan yun ng pilyong ngisi. Hmmm.
"Naiilang kasi ako sa titig na binibigay mo sa akin. Kaya ko panitik ang noo mo dahil para mabalik ka na sa diwa. Baka mamaya, matunaw pa ako sa titig mo." medyo seryoso kong sagot sa kanya.
Pero sa loob loob ko. Gusto ko ng matawa dahil sa nerd na ito. Ang sarap nyang asarin. Mas natawa pa ako ng makita ko ang pamumula ng magkabila nyang pisngi. Na mas lalo syang naging kyutt.
*dug*dug*dug*
Nakahawak ako bigla sa bandang dibdib ko, kung saan parte ng puso ko. Bigla bigla na lang kasi bumibilis ng tibok. Parang nakikipag race dahil sa bilis.
Wala naman siguro akong sakit sa puso no? Wala naman sa pamilya namin ang may ganitong sakit. kinakabahan kong sabi sa aking isipan.
Hindi naman ako tumakbo ng sobrang bilis para ganito kabilis ng tibok ng puso ko.
Nakita ko lang na paano lumaki ang medyo singkit na mata ni nerd. Kung paano ito namula ang magkabila nyang pisngi, nung nakita ko ang pagkasimangot nya.
Nagulat nya ako ng ganun na lang ang reaction ko. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit bigla bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko sa kanya?
O baka naman may ibig sabihin ang pagbibilis ng tibok ng puso ko?
Baka naman.........
Kinulam na nya ako? Hindi rin malabo.
Sh!t. Kung ano na namang kabalastugan ang biglang pumasok sa isipan ko. Dang. Parang nababaliw na ako dahil dun.
*pionk!*
"Ah! F*ck! Why did you do that? It's hurt! Sh*t!" tangna. Ang sakit ng pitik nya sa noo ko.
Bakal ba ang daliri nito? Sa akin isipan.
Kaya napahawak na lang ako sa noo kong pinitikan nya. Putek! Ang sakit talaga. Randam ko din na medyo namula ang noo.
Anong klaseng daliri ang merong ng babaeng nerd na ito?
Ayoko pa naman ang nagagasgasan ang napakagwapo kong mukha.
Bakit? May angal ka? Tsss.
Para akong napako sa kinakatayuan ko dahil naramdaman ko ang dalawa nyang palad sa magkabila ko pisngi. Parang kinupas na din ako ng hangin sa katawan. Hindi ko din alam kung aatras ba ako o hindi. Isa pa, hindi ko masyadong maihakbang dalawa kong paa.
F*ck! Ang lapit lapit ng mukha nya sa mukha ko. Kaya kitang kita ko ngayon ng malapitan ang buo nyang mukha kahit may salamin syang suot.
Shit! Ang ganda nya ng malapitan. Napansin ko na ang ganda pala ng mata nya. May pagkagreen ito. Ang cute ng ilong nya, hindi man katangusan, pero hindi din ito pango parang katamtaman man lang. May mabibilog na pisngi na parang mamon. Hmm. Cute. May kahabahan ang pilik mata. Hanggang nakarating ang tingin ko sa kanyang labi.
Wala sa sariling napalunok ako ng laway dahil parang nanuyo ang lalalmunan ako. D*mn. Bakit hindi maalis alis ang tingin ko sa kanyang labi?
Parang ang sarap halikan?
D*mn it. What's wrong with me? This is not me. I swear. kontra ko sa aking isipan. Ugh!
"S-sorry! h-hindi ko sinasad na m-mapalakas ang p-pagkakapitik ko sa noo mo. S-sorry talaga" may pag aalala nyang paumahin sa akin. Ramdam ko sa boses nya na sincere paghingi nya ng paumanhin.
Napabuntong hininga ako. Para mabawasan ang kabang kanina ko pa nararamdaman at ang sobrang pagbibilis ng tibok ng puso ko.
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa ngayon hawak hawak nya ang magkabilang pisngi ko. Isama mo pa ang mukha naming magkalapit.
Syet! Parang ako pa ata ang naiilang sa posisyon naming ito. Hindi nya nakakaramdam ng pagkailang?
Pls, nerd. Kung hindi mo pa iaalis ang mukha mong malapit sa akin. Baka hindi ko mapigilan na m-mahalikan ka. parang baliw kong sabi sa aking isipan.
Ugh! D*mn.
"I'm okay. Don't worry. Ang lapit pa masyado yang mukha mo sa mukha ko."
Pagkasabi ko yon, agad ko syang tinulak konti. Hindi na kasi ako masyadong makahinga. Kaya bumuntong hininga muna ako.
Napansin ko sa mukha nya ang pagkamula ng dalawa nyang pisngi. Hmmm. Mukhang napapadalas ang pamumula ng pisngi nya a.
"A-ah! s-sorry!" nakayukong paumanhin nya.
Masyadong madrama ang nerd na ito. Napabuntong hininga na lang ulit ako dahil dun.
Wala ako sa sariling humakbang patungo sa harap nya. Hanggang ginawa ko sa kanya ang dapat kong hindi gawin. Kahit kailan man hindi ko inaakalang gagawin ko.
Ramdam na ramdam ko na nabigla sya sa ginawa ko. Ako din e.
Devon's PoV
Sumusobra na ba ako sa pananakit sa kanya? Hindi ko naman sinasadya na mapalakas sa pamimitik sa noo nya. Naiilang kasi ako sa titigna nya kanina.
Naalala ko naman ang nangyari kanina. Bago napunta sya dito sa clinic ng school.
Flashback........
"Bakit ganun ang amoy nerd?"
"Nag-aam---!!!"
*bogsshh!*
Sapol.
"MS. ACOSTAAAA!!"
Hala!.
Nagulat naman ako ng biglang sumigaw ang adviser namin.
At dahan dahan naman akong napatingin kay Calvin na sinapak ko sa mukha. O__O napalaki ang dalawa kong mata ng makita ko syang nakaupo sa sahig. Hindi lang yun, may nakita din akong dugo sa gilid ng kanyang labi.
Hala! Mukhang napalakas ang pagsapak ko sa kanya ha. Napaupo pa sya sa sahig. Pero hindi ko naman kasalanan. Eh sya naman kasi e. sinong hindi maiinis ng sabihan ka ng ganun ng hindi naman totoo.
"Bakit mo sya sinapak Ms. Acosta? What happened?" hindi makapaniwalang tanong ng teacher namin.
Tinamaan naman ako ng hiya dahil lahat ng mata ay nasa amin dito sa likod pati din sina Ross na medyo malayo sa amin, kapansin pansin na napanganga sila habang palipat lipat ang tingin samin ni Calvin.
Hanep talaga ang lalaking ito, ayaw tumayo sa pagkakaupo sa sahig.
Ang mga babae naming kaklase, ang sasama ng tingin nila sa akin. Baka kung wala ang guro dito sa loob. Baka kanina pa nila ako pinag aano. Ang tatalim ng isang. Jusko. Nakakatakot sila.
"Ms. Acosta?? I'm talking to you. Anong nangyari?" nakataas na ang kilay na tanong ni Mrs. Thomson. Mukhang napikon dahil sa hindi ko kaagad nasagot ang tanong nya.
Napakagat naman ako ng labi ko dahil sa kahihiyan. Nakatingin kasi silang lahat sa akin at isama mo pa ang lalaking nasa harap ko. Si Devin. Kahiya.
Tinignan ko muna si Calvin. At ang loko, nakangisi ng palihim. Ako lang ang nakakakita ng ngisi nyang yun. Bwisit talaga ang lalaking ito. Parang kulang pa sa kanya ang ginawa kong pananapak.
Inayos ko ang suot kong salamin.
"Siya naman kasi ma'am e. Sabihan ba naman akong mabaho ang hininga. Na amoy laway daw. Dahil sa inis na inis ako sa sinabi nya. Kaya sinapak ko sya sa mukha. Naasar kasi ako sa kanya." dire diretso kong sagot sa kanya.
Hindi ako nautal ng sinabi pinaliwanag ko kung bakit ko ginawa yun. Hindi din ako kumurap man lang. Medyo hiningal ko ng matapos kong sabihin ang katagang yun.
Halos malaglag ang mga panga nila dahil sa pag-aamin ko. Parang hindi sila makapaniwala na sasabihin ko.
Napatingin ako kay Calvin na pinipigilan ang tawa na gustong kumawala sa kanyang bunganga.
Pero sinamahan ko lang sya ng sobrang sama na tingin. Walangya. Kaasar.
Napayuko na lang ako. Pero maya maya may narinig akong tawanan. Kaya napaangat ako ng ulo.
O__________O
Nagulat ako ng tumawa lahat ng kaklase ko. Kulang na ang magpagulong gulong sa sahig dahil sa sobrang tawa.
Lah! Problema ng mga ito. Parang takas mental.
Mas malakas ang mga tawa nina Tristan sa kani kanilang mga upuan. May papalo- palo pang nalalaman sa kanilang mga upuan. Mukhang tutulo na rin ang kanilang mga luha.
"Grabe ka talaga Devon. Buwaahhaha!"
"Ang lakas mo palang manapak."
"Dapat pala hindi ka namin binibiro ng sa ganun hindi ka bigla biglang mananapak. Haha. Sayang naman ang mukha namin kung nagkataon. Psh!"
"Hindi ako makapaniwala na masasapak mo sya sa mukha... Buwahahahahaa!"
"Hayaan mo yan. Buti na lang at sinapak mo yan. Para magtigil tigil sa pag-aasar sayo. D*mn! Nakakatawa talaga kayong dalawa. Haha."
"Hahaha! Hanga talaga ako sayo. Ikaw ang kauna kaunahang babae na nakasapak sa kanya. Psh."
Napanganga na lang ako sa mga sinasabi nina Megan. Tinawanan lang nila ang nangyari. Wala lang sa kanila ang pagsapak ko kay Calvin.
"QUIET!!"
Dahil sa sigaw ni Mrs. Thomson sa amin. Natahimik kaming lahat. Parang may dumaan na angel sa loob ng room namin.
Hindi namalayan ang pag upo ni Calvin sa tabi ko. Pero bago yun, binigyan lang nya ako ng nakakamatay na tingin. Tsss.
"You Ms. Acosta, dahil mo si Mr. Monteverde sa clinic upang magamot ang pasa sa kanyang labi." seryosong pag uutos ng ni ma'am sa akin.
Napalunok ako. Medyo kinabahan din ako.
"S-sige po ma'am."
Dali dali naman akong tumingin kay Calvin. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala sya sa kinakaupuan nya. Hindi ko man lang napansin.
Agad agad akong tumayo ng makita ko syang naglakad na pagtungo sa pinto ng room. Pero bago yun, nagbow muna ako kay Mrs. Thomson.
"Sa susunod na inulit nyo pa ang ganoong pangyayari. Detention agad ang bagsak nyong dalawa. Wag nyong sabihin na hindi ko kayo binalahan a. Nagkakaintindihan ba tayo?" seryoso nyang sabi sa amin.
"Y-yes po." medyo utal kong sagot. At tumango lang ang sagot ni Calvin. Kaya hindi nya nagawang sumagot dahil mahapdi ang labi nya.
Nakonsensya naman ako sa ginawa ko sa kanya.
"Ano pang ginagawa mo. Halika na."
End of the flashback.....
Yung ang nangyari kanina.
"Sorry!" mahinang paumanhin ko na naman.
Medyo nagulat naman ako ng bigla syang humakbang papunta sa akin. Nang makarating sya sa harap ko.
Hindi ko inaakalang gagawin nya sa akin. Ang yakapin ako ng mahigpit.
"Shhh!"
Halos hindi ako makahinga. Parang kinakapusan ako ng hininga sa baga
Hindi sa yakap nya sa akin kundi ang pagbibilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ako makagalaw. Para akong na estatwa sa kinakatayuan ko. Amoy na amoy ko din ang panlalaki nyang pabango na ang sarap na singhutin.
Bakit nya ako niyayakap? bigla na lang tanong ko sa aking isipan.
"Ehem!"
Mala flash naman kaming naghiwalay sa pagyayakapan namin ni Calvin. Wait. Let me correct. Hindi pala ako tumugon sa pagyayakap nya. Dahil sa gulat ko kanina. Medyo naguluhan din ako kung bakit bigla bigla na lang syang nangyayakap.
Sana hindi nya narinig ang pagbibilis ng tibok ng puso ko. Pero ako, dinig na dinig ko ang tibok ng aking puso.
"Ehem! Miss Devon Acosta, pinapatawag ka sa principal office." narinig kong sabi ng lalaki sa labas ng clinic.
Napatingin naman ako dun sa lalaki at binigyan ko sya ng isang tango at maliit na ngiti.
Nang umalis na ang lalaki. Parang hindi ako makatingin kay Calvin sa harap ko. Sobrang pula ng mukha ko. Halatang halata ang pamumula. Buti na lang at medyo malayo na sya sa akin.
Natahimik din kami ng ilang segundo bago sya nagsalita. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Sige. Iwan mo na lang ako dito. Kaya ko ng gamutin itong sugat sa labi ko. Konting gasgas lang naman ito. Puntahan mo na lang ang sinabi nung lalaki." mahinahon nyang sabi sa akin.
Napigilan naman ako sa sinabi nya. Nakonsensya naman ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Ayoko sana syang iwan dito. Pero kailangan ko kasing pumunta sa principal office.
"T-talaga bang kaya mo ng gamutin ang sugat sa labi mo?" may pag aalalang tanong ko sa kaniya. Kahit medyo naiinis ako sa kanya hindi ko naman maitatago ang pag aalala.
"Hmm! Yeah! don't worry." binigyan nya ako ng isang ngiti pero unti unti ding naging ngiwi dahil sa hiwa sa gilid ng labi nya. Psh. Kaya daw.
"Hahaha! Kaya pala ha. Psh" natatawa kong panunukso.
"Tsk! umalis ka na nya dito. Baka mas lalo lang akong maasar sayo e. Tsss." singhal nya sa akin. "Ah! F*ck! It's hurt."
"Pffs! Yan kasi magsalita ka pa. Yan ang napapala ng masungit. Ge! Bye bye. Ang cute mo pala kung nakasimangot. Ayy hindi ka pala cute sa paningin ko kundi gwapong parang bakla kung makainarte. Hahaha."
Pagkatapos kong sabihin yun. Tumakbo ako ng sobrang bilis para hindi nya ako mahabol.
Takbo lang ako ng takbo kahit alam kong hindi nya ako hinahabol. Pero ewan ko kung bakit bigla na lang may sumilay sa labi ko ng isang ngiti. Isang ngiti na parang ako ang pinakamasayang babae sa mundo.
Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang dalawang pisngi at isama mo na rin ang pamumula ng kanyang tenga.
Pero ang mas lalong napagpalawak ng ngiti ko ay ang may sumilay sa labi nya na isang ngiti. Alam kong hindi ako namamalikmata, kitang kita ng dalawa kong mata ang ngiti nyang yun.
Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Kahit sa simpleng ngiti lang nyang yun. Parang tunaw na tunaw ang puso ko.
[a/n: ang corny! Pffs!]
Inaamin ko na kinikilig ako. Shhh. lang. Ikaw ba naman ang ngitian ka ng taong gusto mo, Hindi ka ba kikiligin? Hay naku.
Ok, kalma lang.
Nang makarating ako sa harap ng pinto ng principal office. Tumigil muna ako para huminga ng malalim. Habol habol ko parin kasi ang hininga ko.
Agad kong pinunasan ang noo kong nagtatalak ng pawis. At inayos ko din ang salamin kong medyo hindi nagkapantay.
Himinga ako ng malalim.
*tok*tok*tok*
"Come in"
Agad akong pumasok sa loob. Pagpasok ko, nakita ko ang principal na may binabasa na papeles sa deck nya.
"Good morning ma'am." agaw atensyon na bati ko sa kanya.
Agad naman syang nag-angat ng tingin at tumingin sa akin ng diretso. Ngumiti naman sya ng malaki ng makita nya akong nasa harap nya.
"Nandito ka na pala Ms. Acosta. Good morning din sayo." nakangiting pagbabati din ni Mrs. Davis.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Bakit nyo po pala ako pinatawag?" magalang kong tanong sa kaniya.
Tinanggal naman nya ang kanyang salamin. At sumandal sa kinuupuan nya.
"Gusto kong ilibot mo si Mr. Harris sa buong school. Hindi kasi sya masyadong pamilyar dito kaya gusto ko na samahan mo syang malibot" seryoso nyang utos sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Mrs. Davis. Ano? Ililibot ko si Devin sa buong school? Pero bakit ako ang naatasan na manglibot sa kanya? Ang dami naman dyan a.
"Bakit ako ma'am? Marami po naman dyang iba." takang tanong ko sa kaniya.
Dahil sa tanong ko sa kaniya biglang kumunot ang noo nya. Naguhuluhan din syang tumingin sa akin.
"What?" balik nyang tanong sa akin.
Napaurong naman ang dila ko dahil sa pagbabalik ng tanong nya sa akin.
"Wala po. Naguguluhan lang po ako kung bakit ako ang napili nyong samahan sya." magalang kong sagot. Medyo kinabahan ako sa tanong nyang yun.
Nakita ko naman na tumango tango sya.
Hindi ko na dapat tinanong yun e. Nakakahiya naman. Ako pa ang may ganang tanungin yun.
Dapat nga magpasalamat pa ako dahil nakilala ko ang isa sa mga Harris. Sila ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa paaralan nila na nag-agaaral. Sila ang nagbigay ng scholar sa akin. Kaya laking pasasalamat ko sa kanila.
Tumingin naman ako kay Mrs. Davis.
"Kailan ko po sya sasamahal sa paglilibot ma'am? Ngayon na po ba?" magalang kong tanong sa kaniya.
Ngumiti naman syang umiling iling." hindi pa ngayon. Ipapatawag na lang kita mamaya." sabi nya.
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.
"Sige po."
"Sige bumalik ka na sa klase mo."
Nagbow muna ako sa kanya bago umalis sa kanyang harapan.
Nang makalabas ako, dun ako nakahinga ng maluwag. Kinabahan talaga ako dun. Akala ko may nagawa akong masama upang ipatawag ako sa principal office. Hay naku.
Agad akong naglakad para pumasok sa next subject namin. Baka mamaya iabsent nila ako.
Habang naglalakad ako. Napatigil ako bigla. Biglang pumasok sa isip ko si Calvin na nasa clinic.
Balak kong sanang pumasok sa next subject ko. Pero biglang nag iba ang daan ko. Agad kong tinungo ang clinic kung saan ngayon si Calvin. Hindi ko sigurado kung nandun pa sya. Baka bumalik na sya sa room?
Pero dahil gusto kong malaman kung nandun pa rin sya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad.
Medyo kinakabahan din ako habang palapit na palapit ako sa clinic. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan.
Nang makarating ako dito sa labas ng clinic. Agad akong pumasok. Pero hindi pa ako nakakarating sa pwesto kanina ni calvin ng may bigla akong narinig.
Alam ko ang tunog na yun.
Isang..............
[a/n: oy! oy! oy! Wag na naman kayong green dyan. Iba na naman ang pumapasok sa isipan nyong malumot. Masama yan sa utak, baka mabaliw ka. HAHAHAHA!! Buti na lang at blue naman ang isip ko. Buwahaha!! Oh! Tigil na. Basta wag lang green. Psh. K. Bye.]
Isang tawanan ang nadatnan ko.
Agad akong sunilip sa kurtinang nakatalakbong sa bed ng clinic na kung saan kinakahigaan ni Calvin ngayon.
Naramdaman ko na lang na nanikip ang dibdib ko. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Parang hindi ko maihakbang ang paa ko para umalis sa harap nila.
May gusto din na kumawala sa mata ko na tubig. Dahil ayokong mahulog ang luha na gusto kong mahulog. Agad akong tumingin sa taas para pigilan.
Agad akong tumingin sa kanila. Kahit ang sakit sakit na sila sa mata. Nakikita ko kay Calvin na nasisiyahan sya kay nurse Kristine.
"Haha! Ikaw talaga Mr. Monteverde. Ang hilig mong mambola. Tigil tigilan mo nga ako. Hindi mo ako madadaan sa mga papuri mong ganyan." natatawang sabi nya kay Calvin.
Hindi ko nakikita ang mukha ni nurse Kristine dahil nakatalikod sya sa akin kaya si Calvin ang nakaharap sa akin. Pero hindi nya ako napapansin na nakasilip sa kanilang dalawa na nagtatawanan.
Paano naman nya ako mapapansin e, bising-busy sya kay nurse Kristine e. Ano ba nya ako pala balingan ng tingin?
"Eh! Totoo naman a. Ang ganda ganda mo naman talaga. Kung hindi ko lang alam na nurse ka pala noon, baka linigawan nakita e." nakangising sabi ni Calvin kay nurse Kristine.
Dahil sa sinabi nyang yun. May nahulog na isang butil ng luha sa mata ko. Ang sakit sa puso. Tagos na tagos sa dibdib.
Bakit ganun? Ang sakit na marinig ang katagang yun mula sa bibig nya.
Sabagay. Sinong matinong lalaki ang magkakagusto sa isang katulad kong ang pangit pangit? Lahat naman sila, ayaw na ayaw sa mga pangit na kagaya ko.
Sino bang lalaki ang hindi magkakagusto sa kanya. Ang ganda ganda nya. Parang nasa kanya na lahat ng gusto ng lalaki.
Hindi na ako nagpakita pa kay Calvin at dali daling umalis sa loob ng clinic. Kung magtatagal pa ako dun, baka mas lalo lang ako masasaktan ng paulit ulit.
Habang naglalakad ako ng hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Parang wala ako sa sariling naglalakad.
Dahil sa paglalakad lakad ko. Himdi ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa field, kung saan ako madalas na tumatambay noong hindi ko pa kaibigan sina Megan.
Dito ang lugar kung saan gusto kong mapag isa. Kung may problema akong binadala. Dahil dito, nababawasan ang mga problemang nararamdaman ko.
Agad akong umupo sa damuhan at sumandal sa puno. Inayos ko ang salamin sa mukha ko at tumingin sa malawak na lupain ng field kung saan naglalaro ang mga soccer player.
Agad kong pinikit ang mata ko at humugot ng buntong hininga. Gusto kong ipikit ang mata. At inalala ang nangyari kanina.
Pumasok sa isipan ko ang tawanan nila. Kaya hindi parin mawala wala ang sakit sa dibdib ko. Hanggang ngayon nasasaktan parin ako.
May gusto pala sya kay nurse Kristine. Sabagay ang ganda ganda naman kasi si nurse Kristine. Parang magkasing edad lang sila kung titingnan.
Bigla ding pumasok sa isip ko ang sinabi ni Calvin na liligawan nya sana kung hindi nurse si nurse Kristine sa school namin.
Ang sakit na isipin ang bagay na yun. Paulit ulit lang akong sinasaktan. Anong gagawin ko para matanggal ang pananakip ng dibdib ko? Hindi ko kaya ang sakit na bumabakat sa puso ko.
Kung kaya ko lang turuan ang puso na wag ng tumibok sa kanya. Matagal ko ng ginawa.
Napabuntong hininga ako. Kagat kagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang wag umiyak. Parang gugustuhin ko na lang ang paulit ulit na mabully kanya masaktan ang puso ko. Para hindi ko naramdaman ang ganitong nararamdaman ko.
Nakapikit parin ako, kinakalma ko ang sarili ko. Baka pagmulat ko, bigla na lang tutulo ang luha na ayaw kong mahulog.
"Bakit kung nakikita kita dito na mag-isa, lagi ka na lang malungkot? Parang ang laki ng problema mo?"
Napamulat ako ng mata ng narinig ko ang boses na yun sa kabilang side ko. Agad akong tumingin sa nagsalita.
Nagulat ako ng mapansin ko na sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Dahil sa gulat, dali dali kong inilayo ang mukha ko sa kanya.
Inayos ko muna ang suot kong salamin at tumingin ulit sa kanya.
"B-bakit ang lapit ng mukha mo huh?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya.
Nakangisi naman syang nilayo sa akin ang kanyang mukha. Problema ng lalaking ito? Kung makangisi parang adik sa kanto.
"Tinitignan ko kasi ang mukha mong nakapikit. Ramdam ko kasi na malungkot ka kanina habang nakapikit." seryoso nyang sabi sa akin.
Medyo napayuko nama ako dahil sa sinabi nya. Humugot ako ng buntong hininga para mawala ang pagbabara ng lalamunan ko.
Tumingin naman ako sa kanya. Kahit kailangan talaga ang lalaking ito, feeling close. Hmp. Basta lagi akong pumunta dito na mag-isa, lagi nya akong pinupuntahan.
"Oh! bakit ganyan ka makatingin sa akin? Wala naman akong ginawang masama sayo a."
Napailing iling na lang ako dahil sa sinabi nya. Advance mag-isip ang Liam na ito. Wala pa naman akong sinasabi pa e. Inunahan ako. Psh. Pero napangiti ako ng konti dahil dun.
"Oh ngayon naman ngingiti ka na parang baliw. Nababaliw ka na talaga. Baka mamaya sasabununtan mo na ako." pekeng takot na takot na sabi naman nya sa akin pero nandun parin ang naglalaro na ngisi sa kanyang labi.
Pero alam ko naman yun na biro lang nya. Dahil sa pinaggagawa nya, natawa na ako ng tuluyan.
"Pffs! Ikaw lalaki ka, ang advance mo mag-isip. Haha!! Hindi ako baliw no. Dahil sa sinabi mong sasabunutan kita, parang gusto ko talaga kitang sabunutan e. Ano sa tingin mo?" pangisi ngisi kong patanong sa kanya.
Dahil sa sinabi kong sasabunutan ko sya dahan dahang nawala ang naglalaro nyang ngisi sa labi at napalitan yun ng pagkaawang ng labi. Napansin ko na dahan dahan syang lumayo sa tabi ko.
Napangiti ako ng palihim. Psh. Takot pala itong lalaking ito e.
"Oh! Bakit ka lumayo ka sa akin? Diba ipapakita ko pa kung paano ako maging baliw? Balik ka dito sa tabi ko. Halika." natatawa kong pababalik sa kanya dito sa tabi ko.
Mas lalo akong natawa ng umusog na naman sya papalayo sa akin. Mukhang natakot sa biro ko.
"Buwahahahaha!!" tawa ko ng malakas habang nakatingin sa kanya. Kung na lang ang magpagulong gulong ako sa sahig dahil sa katatawa.
Mukhang bakla itong Liam na ito. Parang tinakasan ng dugo ang mukha nya. Psh.
"Mukhang bakla Liam. Kung nakikita mo lang ang mukha mong parang natakasan ng dugo. Baka sarili mong mukha, pagtatawanan mo. Haha." matatawang sabi ko.
"YOUUUU!!"
Nagulat naman ako ng bigla syang lumapit sa akin. At sinakal ako, ang klaseng sakal ay parang inaakbayan nya ako. Na parang magkatropa lang. Parang biruan ganun.[a/n: syet! Ang hirap mag explain.]
Nagulat ako ng bigla nyang ginulo ang magulo kong buhok.
"Waaahh! Walangya kang lalaki. Magulo na nga ang buhok ko, mas lalo po pang ginulo. Sasapakin kita dyan kung hindi mo pa ako bibitiwan." sigaw ko sa kanya.
Pero ang loko, tinawanan lang ako.
"Haha! Ayoko nga. Blee!"
Bwisit! Mas lalo lang nyang ginulo.
"Ehem! Mukhang nagkakasiyahan kayo a?"
A/N: hulaan niyo kung sino yun?