Jacob Pov
This is ito na ba yun? Ito na ba talaga , kanina pa ako paikot ikot dito hindi ako mapakali , ganito ba ang nararamdaman kapag ikakasal ka ? Sa taong mahal mo sa taong gusto gusto mo ?
Nagulat ako na tinapik ako ni ace sa balikat , nag ka titigigan kami dalawa.
Bro napag hahalataan ka na kabado. Ako nga dapat kabahan kase mag proprose ako kay janna eh.'oo nga pala mamaya yun sa reception , swerte din ni janna kay ace alam kong sila na talaga..
Kinakabahan ako bro , ganito ba talaga ang feeling?'tanong ko sakanya.
Hmm , I guess yes lalo na kung makikita mo leah na papasok sa simbahan iiyak ka daw , tsaka hindi pa ako nakakasal mag proprose palang ako kaya siguro yung kaba mo exciment lang yan.
Wag kana kabahan mag suot kana ng suot pupunta na tayo ng simbahan .'tugon niya ulit sakin.
Humarap ako sa salamin para ayusin ang necktie ko , lahat bumabalik sakin kung paano kami nag kakilala ni leah , kung paano mabuo ang love story namin dalawa at kung paano nabuo ang anak namin na si isaac .
Laking pasalamat ko kase sa dami namin napag daan ni leah , ito kami dalawa lumalaban ng sabay na kahit anong pag subok na dumating samin . Ito haharap kami sa altar at mangangako sa isat isa .
Nag handa na kami papunta na kami sa simbahan . Nag lakad na mga flower girl , maid of honnor at iba pa .
At pag sabay nun ang pag tugtug ng ikaw at ako . At pag sabay ng pag bukas ng pinto at nakatayo ang babae mahal ko simula noon hanggang ngayon .
Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling.
Sabi nga sa kanta , nung humiling ako na dumating siya sa buhay ko ay binigay siya ng may kapal sakin .
Unti unti siya nag lakad sa red carpet.
At nung dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli.
Nung dumating siya at si isaac sa buhay ko wala na ako maiihiling pa dahil kung ano ang pinapangarap ko sabay kami nangangarap ..
At ngayon anjan kana hindi maipaliwanag ang nadarama
Nung time na nag loko ako , subrang pinag sisihan ko yun dahil hindi ko alam kung mag kakaroon ba ako ng pag kakataon para mapatawad ako ni leah .
Nung oras na yun hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para mapatunayan kay leah na wala ako kasalanan para mapatunayan yung sarili ko sakanya.
Ngayon ay nasa harap ko na siya tama nga si ace kapag nakita mo na ang taong mahal mo na nag lalakad mapapaiyak ka nalang .
Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan siya sa pag punta sa harap ng pari. Hindi ako makapaniwala noon palang sigurado na ako kay leah , ngayon palang natutuwa ako kase sa dami dami namin napag daanan ni leah ito kami nasa harap ng panginoon at mangangako.
Simulan natin ang sermonya'
Ngayon ay nasa harap natin nag dalawang nag mamahal na ibubuklod ng panginoon .
Nasa harap natin si leah , at jacob na naging saksi din ako sa pag mamahalan nila'tugon ng pare.
Kilalang kilala kami ni father dahil madalas dito kami nag sisimba noon ni leah , kaya siguro nag worth it yung pag mamahalan namin dalawa.
Jacob Enriquez You Take Leah Marie Gonzales as your wife , to until forever and till death to apart.'tugon ng pare
Yes I Do Father.'sagot ko. At sunod naman na tinanong ni father si leah.
Leah Marie Gonzales You take Jacob Enriques As your husband , to until forever and till death to apart'tanong ulit ng padre..
Medyo kinakabahan ako .
Yes I Do Father.'sabay tingin niya saakin at ngumiti nawala ang kaba ko.
At sunod ay mag sasabi na kami ng vows sa isat isa. Ako una mag sasalita , pinag handaan ko to nag sulat pa nga ako pero parang ako robot na nakaharap kay leah. Subrang bilis ng tibok ng puso ko parang nag kakarera ..
Dati pinapangarap lang kita noon , mag kakabata tayo tatlo ni ace nung una kita nakita nahulog na loob ko sayo , nakakapag tampo nga eh . Dati kase ako yung anjan para sayo pero si ace ang nakikita mo'totoo yun kase si ace ang gusto ni leah.
Pero akalain mo? Yung taong ginusto mo noon siya pa yung tumulong para ayusin tayo dalawa. Napaka blessed mo nga kay ace eh . Hindi ako mahihiyang ipag malaki siya. Haha pero wag ka mag alala hindi ako nag selos wala ako galit'
Kase nag papasalamat pa ako dahil siya yung naging tulay para bumalik at maging maayos tayo dalawa , tunay siyang kaibigan . 'pag patuloy ko at sabay nun tumingin ako sa best man ko na si ace.
Nag buntong hinga ako at pag kasabay nun ay hinawakan ko ang kamay ni leah , tinitigan siya sa mga mata niya.
Nangangako ako , sa harap ng diyos sa harap ng maraming taong andito sa simbahan , sa harap ng pamilya mo at pamilya ko , at sa harap ng anak natin.' lalong bumilis ang tibok ng puso ko para bang nagpapaunahan .
Nangangako ako at gagawin ko , mamahalin kita ng walang hanggan kayo dalawa ni isaac , dahil napakaswerte ko ng dumating ka sa buhay ko lalo na si isaac . Kayo ang magiging insperasyon ko sa habang buhay . Mag hahanap ako ng trabaho para sainyo . Mahal na mahal kita Leah Marie Gonzales-Enriquez.
Napaiyak naman siya dun sa sinabi ko at sunod naman siya mag sasalita.
Nag buntong hinga muna siya bago siya mag salita.
Wala na ako mahihiling pa , nung simula noong dumating ka sa buhay ko at pinatunayan mo ang sarili mo , hindi ako nag kakamali na ipag laban ka Jacob.
Wala na ako maiihiling pa na hindi ka sumuko samin ng anak mo , kung tutuusin nung panahon nag loko ka napamahal ako kay ace .
Pero iniwasan ko kase alam kong kaya pang ayusin at alam ko kailangan ka ng anak ko. Hindi ako nag kamali na umasa at patawarin ka jacob , na bigyan ka ng pag kakataon para patunayan mo ulit ang sarili mo saamin ng anak mo.
Napakaswerte ko sayo , wala na ako maiihiling pa jacob wala na ako maiihiling pa sayo . Blessed kayo ni isaac sa buhay ko.
Mahal na mahal kita Jacob Enriquez .
Pag katapos nun ay agad sinabi ng pari .
May pronouce you husband and wife jacob you may kiss your bride.
Napangiti ako hindi ko alam kung kelan ang huling halik ko kay leah , pero ito ang the best na halik ko . Sa harap ng maraming tao harap ng panginoon.
Itinaas ako ang wedding head dress at saka ko siya hinalikan , na may halik na may kasamang pag mamahal at walang anlingan na pag mamahal na hanggang dulo .
Pag katapos nun ay nag punta na kami agad sa reception at madaming handaan nanaman subrang saya ko parang nawala yung kaba ko kanina habang tinitignan ko siya. At dito na rin pala mag susuprise si ace para kay janna , at syempre pakana namin yun . Subrang swerte ni janna kay ace.
At ako mas maswerte ako kay leah . Tinignan ko lang siya habang sumasayaw kami daming dalawa sa ginta habang kinakabitan ng pera sa mga damit namin.
Subrang saya ko'punan ni leah.
Ako din , kanina subrang kabado ako dahil hindi ko akalain na sa haba haba ng mga pinag samahan natin ito tyo ikinasal na .'
Sabay kase tayong lumaban kaya maswerte ako , at maswerte din si ace kay janna kase parehas sila worth it mahalin .
Pag katapos namin sumayaw umupo na kami hudyad na mag sisimula na ang supresa ni ace kay janna.
Ace
Kinakabahan ako , pero ito na yung tamang panahon , oo alam kong hindi pa kami gagaano katagal ni janna pero alam ko siya na talaga .
Andito kami sa reception ng kasal nila leah at jacob , hindi ko akalain na aabot sila ganito na ikakasal sila kahit subrang dami nila pinag daanan .
At ako ito mag proprose na kay janna , ito na ba tamang panahon para samin dalawa , sa subrang kabado ko ni hindi ko alam kunt ano gagawin ko.
Nasa harap ako ngayon ng stage at mag sasalita na para hudyat na maging saakin ang tuon ng mga bisita .
Goodevening , nagulat kayo lahat no? Gusto ko lang mag congrats kila leah at jacob naging saksi ako ng pag mamahal nila kami dalawa ni janna' nasa tabi ko si janna , nag speech muna ako para hindi ako mas lalong kabahan.
Naging saksi kami kung paano nila ipag laban ang relasyon nila sa mga pasubok na dumating sakanila.'tugon ni janna.
Oo kahit ako noon na nilapitan ni leah para makalimot kay jacob pero ako din ang nag ayos sakanila , kase alam ko kung gaano nila kamahal ang isat isa.' ito na ito na ang tamang oras.
At ako naman . May isa lang gusto hilingiin .'nag taka na si janna sa mga pinagsasabi ko.
Siya ang naging sandalan ko sa tuwing may problema ako , at unti unti nahulog ang loob ko sakanya'ngayon ay nakaharap na ako sakanya.
Lumuhod ako. Halatang nagulat si janna at napaiyak na siya.
Janna Mae Santos , Will you Marry Me?' pagkasabi ko nun inilabas ko ang sing sing at lalo siya napaiyak.
Hinawakan niya ang kamay ko.
Yes ace I will Marry You. Natuwa ako sa sinagot niya agad ko naman sinuot ito sakanya at niyakap ko siya at hinalikan ko ang noo niya.
--