Chapter 29: Chapter 28

FIXED MARRIAGE (COMPLETE)Words: 2939

Janna POV

Hi Ako nga pala si Janna Erica Cruz ako yung pinaka matalik na kaibigan ni leah at ni jacob , ako mismo nakakasaksi sa mga panahon na kung gaano nila kamahal ang isat isa .Nakakatuwa nga eh sa subrang dami nila pag subok ito padin sila lumalaban at hindi sumuko.

So kwento ko na din kung ano meron samin ni Clifford Ace Mendez at kung paano nag simula ang love story namin dalawa.

Mga bata palang kami gusto ko na siya pero alam ko mas gusto niya si leah , hindi ako nagalit kay leah o nainggit kase kung hindi dahil kay leah mas hindi ko magiging close nun si ace tapos hanggang sa lumaki na kami apat . Then nalaman namin nun na sila ni jacob tas umamin si ace saakin na nasasaktan siya kase hindi naman daw nakikita ni leah na kung gaano niya kamahal noon si leah.

Minsan naiinis ako Puro nalang leah , leah ,leah nalang lagi niya bukang bibig minsan gusto kong sabihin na andito naman ako eh bakit hindi nalang ako. Hahaha putcha diba halos ang tagal kong umasa nun kay ace . Alam niya din yun ang sabi niya sakin ayaw niya ako masaktan pero hindi ako tumigil para mahulog siya sakin.

Tapos nun nabalitaan ko na mag Fixed marriage sila ni leah at jacob subrang saya ko na nun kase akala ko mapapasakin na si ace pero nag kamali ako dahil noon nag loko nanaman si jacob kay leah si ace nanaman yung todo rescue . Nasanay na ako hanggang sa mag sawa na ako mag antay kay ace kase baka hindi talaga siya para sakin.

But isang araw niyaya niya ako lumabas nag sorry siya sakin na kung bakit hindi niya ako nakikita kahit anjan naman ako sa tabe niya , kaya simula nun lagi niya na pinapaaramdam na special ako na ayaw niya ako mawala sa buhay niya.

First Time na maging ganun sakin si ace na nakita din niya yung halaga ko nakita din niya na may totoong nag mamahal sakanya. Sabi niya sakin na wag akong sumuko dahil papatunayan niya pa saakin kung gaano niya ako kamahal.

Tas sabi niya kilalanin na muna namin ang isat isa kahit mag kakabata kami nun kase lagi daw si leah ang nakikita niya at inuuna niya kaya pumayag naman ako syempre ayoko naman lumabas na panakip butas niya lang ako kaya nag kakabutihan kami lagi niya ako nilalabas minsan dumadalaw siya samin. At napakakilala niya na din ako sa pamilya niya .

Tama nga sila sa tamang panahon may dadating na isang taong bubuo sa puso mo at yun ay si ace .

Sa madaming panahon na sinubok at pag aantay ko at pag aasa ko nun kay ace ito kami pinag tagpo ulit ng tadhana at pag kakataon na mahalin namin ang isa't isa .

Mas maswerte dun sila jacob at leah , dahil sa subrang dami na pinagdaan nila , subrang dami pag subok na dumating sakanila ito sila lumalaban ito sila strong sila . Bukas haharap sila sa altar pag iisang dibdib ng panginoon .

Sana maging ganun kami ni ace dumating sa point na ikakasal kami at pag iisang dibdib kami dalawa ni ace.

Nakakatuwa isipin na kahit una laro laro lang yun kila jacob at leah maging totoohanan na at pag iisang dibdib na sila..