Chapter 25: Chapter 24

FIXED MARRIAGE (COMPLETE)Words: 5124

Ace Pov

Pag katapos ng araw na iyon na nag propose si jacob umuwi na sila sa pilipinas ako ay  naiwan pa dito sa america pero uuwi din ako dahil nangako ako kay leah na andun ako sa kasal nila dalawa .

Ako ang nag silbing daan kung bakit sila nag kita at kung bakit naging sila ulit , saksi ko ang lahat ng paghihirap nila dalawa , saksi ako kung paano nila ipaglaban .

Hindi ko alam pero masaya ako dahil kahit papano nawala yung galit ni leah kay jacob masaya din ako dahil nag kapatawaran na sila at dahil yun sakin.

Nag ayos na ako ng gamit dahil bukas ay uuwi na ako ng pilipinas para asikasuhin yung ibang kailangan nila leah , busy sila masyado dahil nag hanap sila ng lupa para pag tayuan ng bahay nila at busy din si leah dahil nag hanap siya ng trabaho para sakanila.

Pag katapos ko mag ayos at nag pa book agad ng ticket para bukas ang byahe ko . Halos ilang buwan din ako nanatili dito sa america kung hindi dahil kay leah at kay isaac kung hindi dahil sa babaeng minahal ko at kahit kelan hindi ako nasuklian ng pag mamahal.

Alam ko naman yun na si jacob ang nasa puso niya hindi ako.. Nalala ko yung mga panahon na halos araw araw siyang umiiyak kay jacob nun, nakaawa kahit isaac nun ay napabayaan niya nun.

Flash back

Bakit ganun ace ? bakit nagawa niya yun kahit na may anak kami kahit na pinagbubuntis ko nun ang anak namin."sabi niya hawak ang bote ng beer hindi ko siya mapigilan hindi uminom kahit ako nasasaktan ako sa ginawa ni jacob sakanya. Pero ang alam ko set up lang ito ng pinsan ko..

Siya ang nag tawag kay leah , siya din ang nag bigay ng clip ng video nilang dalawa dahil sa subrang desperado na siya nun at subrang mahal niya si jacob pero hindi ko hinayaan na masira yun ng pinsan ko kaya noong araw na binigay niya kay leah yung clip pinakulong ko siya.

Hinawakan ko ang kamay ni leah.

Leah tama na yan makakasama yan kapag ng breast feed sayo si isaac, andito ako para tulungan ka makalimot pero gagawin ko lahat para maayos kayo" ito yung panahon na nakita ko nun si jacob sa restaurant na nag tratrabaho.

Napahinto siya sa pag iinom ng beer at nakatitig lang siya sakin.

At unti unti siyang lumapit saakin na para bang hahalikan niya ako.

Agad ako umiwas at tumayo , at inaalalayan siya tumayo.

Mali yung gagawin namin kung pag kakataon ayoko gumawa ng ikakasira nila dapat ang gawin ko ay ang ayusin sila.

Pag hatid ko sakanya hindi niya binitawan yung braso ko at nakatitig lang kami sa isa't isa.

W-wag m-mo k-ko i-iwan u-ulit ."utal utal niyang sabi at agad niya ako hinalikan . HIndi ko alam kung bakit hindi iyon pinigilan parang napaka selfish ko ng mga oras na yun na hayaan ko na halikan ako ni leah kahit si jacob yung nakikita niya sakin.

--

End of flashback..

Walang nalala si leah ng gabing iyon hindi ko din nasabi na may nangyare samin dahil natatakot ako kase na magulo ko sila kaya hinayaan ko at tinago ko iyon kay leah , hindi ko kayang sirain yung meron na sila ngayon ni jacob .

Oo mahal ko si leah pero mali yung nagawa ko , dapat pinigilan ko yung sarili ko pero hindi inabuso ko yung pagkalasing niya inabuso ko yung akala na niya na ako si jacob na nakikita niya.

Nasa airport na ako nag aantay ako na makasakay ako sa airplane .

--

Leah Pov

Busy ako sa pag hahanap ng bahay na titirhan namin jacob ang gusto ko kase malapit lang kila mama para mas madali yung pag bisita nila saamin .

Inaantay ko pa si ace  , siya kase kasama ko dito sa pag hahanap ng bahay since nakabalik na din siya dito sa pinas at siya din tutulong sa wedding namin ni jacob.

Grabe nga eh subrang laki na ng tinulong niya saamin .

Leah?'lumingon ako si ace na pala yung tumawag sakin

Wow Gumagwapo yung best man ko ah.'biro ko sakanya.

Natawa naman siya .

So ano may nakita kna bahay?'ani nito.

Wala pa nga eh , tapos sa isang araw na yung premium shoot namin tas ang dami pang kailangan , pati invatation diko pa nagagawa.'malungkot kong sabi

May kakilala ako para sa invatation , tapos sa premium shoot pwede ako yung maging photographer niyo.'sabi ni ace

Talaga ? Eh ace madami kana gagawin eh nakakahiya na.

Ano kaba naman leah matagal na kita tinulungan kaya hayaan mo nalang ako na isagad ko yung tulong ko. So ano hanap na tayo ng bahay'sabi niya.

Nginitian ko lamang siya ..

Alam mo ace napaka swerte ng mangpapangasawa mo.'sabi ko sakanya habang nag lalakad kami dito sa subdivision namin.

Nag butong hinga na lamang siya.

Lalim nun ah hahaha.'

Natawa naman agad siya.

Masaya na ako , pero sana malay mo may mahanap ako na kasing bait mo.'sabi niya saakin. Hinawakan ko siya sa kamay.

Walang imposible yun ace makikita mo din siya.

--

Halos ilang oras kami nag hahanap ng bahay dito sa subdivision namin , lahat naman maganda lahat naman recomended pero wala diko talaga siya magustuhan .

Sabi nga ni ace pwede naman iparenovate kung hindi ko siya trip eh. Pero may isa ako nagustuhan kaya sasabihan ko nalang si jacob.

Hinatid naman ako ni ace sa bahay at agad naman din siya umalis. Pag dating ko ang himbing ng tulog ni isaac , kamukha kamukha talaga niya si jacob . Pinag masdan ko ito at tinitignan siya na habang tulog.

Hindi ko alam na naka tulog na din pala ako...

__-