Jacob over point of view
Ng makarating ako sa america ay nag pahinga muna ako at bukas ako mag sisimula upang hanapin ang mag ina ko.
Kinabukasan .
Pag kagising ko nag handa ako ng pancake at kape lang pag tapos ko kumain ay naligo na ako at nag bihis , at umalis .
Pumunta muna ako ng convience store para makabili ng stock na pag kain ko , dahil baka ilang days o ilang months ako mag stay dito para hanapin si leah.
Pag katapos ay sumaglit muna ako sa tinutuluyan ko upang iayos yung mga pinamili ko.
At lumabas ulit ako para mag hanap na kay leah. Nag simula ako mag tanong tanong sa mga pilipino dito , tapos sunod naman sa mga americano.
Subrang hirap halos inabot na ako ng gabe kakahanap pero hindi nila napapansin yun dito .
Sa subrang lawak ba naman dito sa tingin ko bihirang lumabas labas si leah dito. Bumili pa ako ng mapa dito para malaman ko kung saan ako sunod sunod makakapunta.
Naka limang street na ako pero wala ni isa nakilala sakanila. At inisa isa ko ang mga hotel kung may naka check in dun pero wala.
Wala ako nagawa kundi umuwi muna sa tinitirhan ko at kumain muna. Siguro papahinga muna ako naka limang lugar din naman ako .
Sa susunod na araw na ulit ako mag hanap. Hindi naman ako basta basta mag punta sa mga police dito baka ako ang mahuli dahil toris visit lang ako dito.
Kaya hindi ko aakasaya ng oras para hindi ko sila mahanap. Hindi ako susuko dun.
Ilang araw muna ako nag pahinga at inasikaso muna ang visa ko dito para hindi din ako mahuli .
Agad ko naman nakuha iyon at nag hanap muna ng trabaho para may pang gastos ako kahit paano dito .
Nag apply ako sa isang restaurant , pag day off ko naman ay hindi din ako tumitigil kakahanap kila leah. Alam kong pasuko na ako ng dahil sa tindi ng pagod..
Pero hindi , gagawin ko lahat para sa mag ina ko.
__