Leah Pov
Nasa hospital ako dahil sumakit ang tyan ko , siguro sa subrang stress nanaman buti medyo okay na at andito naman sila mama para bantayan ako pero mas gusto ko padin na andito si jacob para maibsan ko ang sakit na nararamdaman ko .
Halos 7months na si isaac subrang kulit na niya sa tyan ko at ang parang ang sigla sigla niya bata , panigurado ako na magiging katulad siya ni jacob. Nag text ako kay jacob na sa bahay nalang niya kami antayin kase pwede nadin naman ako lumabas sa hospital basta daw mag iingat ako at wag kong kakalimutan na uminom lagi ng tubig at vitamins at gatas para sa baby ko at saakin.
Gusto ko naman maging malusog ang baby ko. At may ilang pang napadala ng mga damit na panglalake nakakatuwa yung support nila saamin ni jacob .
Nakauwi na kami si jacob agad niya ako niyakap at kinamusta.
"Okay kana ba ? Okay na ba kayo ni isaac?"halatang alala siya , siguro namiss lang kami dahil subrang pagod siya sa trabaho niya.
Ngiti ang lang ginanti ko sakanya upang maibsilan yung takot niya . Agad niya ako ulit niyakap at hinalakan na parang bang ngayon lang kami nag kita.
Pag katapos nun ay kumain na kami ng handa nila mama , at nag pahinga na agad si jacob , siguro pagod na pagod siya. Kaya hinayaan ko lang siya matulog. Pinag mamasdan ko lang siya siguro kung hindi siya nakagawa ng mali saakin nun ganito kami kasaya , masaya naman kami eh pero may takot at panggamba padin ako.
Matutulog na dapat ako ng nag vibrate ang cp ko .
Tinignan ko ito may nag text saakin na number lang.
+63977********
Mag kita tayo bukas ng umaga sa park ikaw lang , may mahalaga ako sasabihin sayo tungkol kay jacob.
Bigla ako kinabahan sinu naman iyon? Bakit kilala niya si jacob. Mas lalo ako kinabahan dun feeling ko may masama nanaman hindi mangyayare.
Mas iisipin ko padin kapakanan ng anak ko baka mapahamak ako. Binura ko yung nag text saakin at hindi ko siya sisiputin bukas.
-
Kinabukasan ay wala na si jacob sa tabi ko , sabi ni mama maaga daw pumasok si jacob dahil madami pa daw siya gagawin sa office , kawawa naman siya wala siyang pahinga.
Si mama bumili ng stock ng pagkain namin dito kaya ako lang ulit mag isa dito sa condo , nag handa ako ng cereal na may gatas nag crave kase ako bigla eh. Tas nanunuod ako ng movies hehe. Minsan naman nag papakining ako ng mga baby's song.
Habang nanunuod ako nag vibrate nanaman ang cp ko panigurado ako yung nag text nanaman kagabe , hays ano ba kase kailangan nito . At sinu ba ito.
Binasa ko ang text niya.
Ayoko sa lahat ang pinag aantay ako.
Nireplyan ko naman siya agad ang sinabi ko wag niya na ako guluhin . Pero mas kinagulat ko yung last text niya saakin.
Ayaw mo ba talaga malaman yung totoo leah? Niloloko ka ng asawa mo nasaakin ang ibedensya kung gusto mo makita ito mag kita tayo 3pm ng hapon aantayin kita dito sa park.
Napaiyak ako ng wala sa oras , totoo ba ? Niloloko ba ako ulit ni jacob ? Wala naman masama kung pupuntahan ko iyon diba paano kung patibong lang iyon pano kung may masamang gawin saakin yung kung sinu man nag text saakin.
Pero para makasigurado ako pupuntahan ko nalang siya. Naligo ako at nag bihis , sakong 3 ako umalis ng condo at sumakay sa trycle papunta dun sa park.
Pag dating ko dun wala naman ka tao tao , nag aaksaya dito sa park , aalis na dapat ako ng may humawak sa braso ko. Nilingon ko siya naka takip ang bibig niya yung tanging mata lang yung nakikita ko sakanya.
Agad siya may inabot saakin na cp . At umalis , ang weird nun ah hindi ba holdaper yun at pinasa niya saakin yung cp pero nag papakataka wala naman sumusunod sakanya na kahit sinu eh.
Tinigan ko yung cp anong gagawin ko dito?
Binuksan ko ito wala naman itong pin. Tinignan tigan ko lang ito wala naman masyadong laman . At napagawi ako sa photos.
Videos lang meron dito , at hindi lang simpleng videos iyon para siyang scandal. Parang kumusa yung daliri ko na pindutin yung play botton .
Halos napaupo ako at mabitawan ang cp na hawak ko para akong nabagsakan ng langit at lupa sa nakita ko sa video.
Akala ko okay na . Akala ko magiging masaya na , akala ko hindi na niya ako magagawang saktan pa . Pero nag kamali ako . Nag kamali ako sa mga akala na iyon .
Dahil ang akala na iyon ay mali lang . Halos mapaupo ako sa damuhan iyak ako ng iyak hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung uuwi paba ako.
Hanggang sa may humawak sa braso ko , hindi ko siya maaninang dahil sa subrang iyak ko. Binuhat niya ako ng dahan dahan , hanggang sa makatulog ako.
Pag gising ko inilibot ko ang mga mata ko , mukhang si ace yung humawak sa braso ko. At agad na bumukas yung pintuan.
"Gising kana pala, tatawagan ko si jacob na andito ka para sunduin ka niya."sabi niya saakin.
"Ace wag."nag taka siguro siya kung bakit ko sinabi yun.
"Bakit naman?halatang taka taka nga siya.
"Ace wag mong sabihin na andito ko please , ayoko umuwi."hanggang sa hindi ko mapigilang umiiyak .
"Tahan na leah , baka makasama yan sayo."pero ang sakit sakit padin eh , ang sakit bakit ganun ..
"Arayy."humawak ako sa tyan ko , bigla ako napatingin kay ace.
"Leah namumutla ka , dadahil na kita sa hospital. Agad niya ako binuhat at dahan dahan niya inaardar yung sasakyan hanggang sa makarating kami sa hospital. Subrang sakit talaga ng tyan ko.
Namimililipit na ako sa sakit . Nakahawak padin ako sa kamay ni ace.
"A-ace w-wag m-mo ko i-iwan."yan ang huling nasabi ko bago ako mawalan ng malay.
-
Nagising ako sa liwanag ng araw ar agad kong inikot ang paningin ko , oo nga pala sumakit ang tyan ko. Kinapa ko ang tyan ko pero bakit ang liit na.
"Aceee"sigaw ko.
"Leah wag ka gumalaw mahina kapa.
"A-asan ang baby ko , asan si isaac."naiiyak ako bakit wala siya tyan ko bakit.
"Shh kalma, okay si baby isaac nasa inquevator siya , sabi kase ng doctor hindi na nakayanan kaya lumabas agad siya na wala sa oras dahil din sa strees mo buti hindi siya namatay . Mamaya ihahatid siya dito. Para maka breastfeed siya sayo."agad naman ako nakalma sa sinabi ni ace.
"A-alam ba ni mama na a-andito ako?".
"Hindi."sabi niya saakin.
"Ace pakiusapan gumawa ka ng paraan para makaalis ako dito sa pilipinas ayoko dito."sabi ko sakanya.
Hindi na lamang siya sumagot .
Mga ilang buwan muna kami nag stay sa hospital dahil kay isaac kase kulang siya sa buwan, kaya ingat na ingat ako sakanya. Alagang alaga ko siya at hindi din kami iniwan ni ace kaya nag papasalamat ako sakanya.
Nakakuha na siya ng passport ang inaantay nalang namin ay gumaling na si isaac at mapabuti na siya. Kung hindi pa okay hihingi kami ng clearance at dun ko sa america itutulot yung inquevator ni baby isaac.
Nakahingi naman agad kami ng clearance at kumuha naman agad kami ng ticket para sa america . At nakarating na kami dun , may ilang misscall at text na sila mama at jacob kaya pinalitan ko ang cp number ko para hindi na nila ako contact. At pinatay ko din ang gps ko para hindi nila kami matututuntun dito sa america.
Okay okay na si baby isaac at masaya din ako na hindi umalis si ace saamin.
"Ace salamat ah."inilapag ko si isaac sa grib niya.
Lumapit siya saakin at hinawakan yung kamay ko , sa totoo lang nahuhulog na din ako kay ace.
"Wala yun leah , lahat gagawin ko para sainyo ni isaac."hinawakan niya ang mukha ko at hinawakan ko din ang kamay niya.
At unti unti niya ako hinalikan. Pero umiwas ako.
Mali padin ito mali padin...
___