Chapter 14: Chapter 13

FIXED MARRIAGE (COMPLETE)Words: 8427

Leah Marie

Nasa condo na kami ni jacob at nag aayos ng mga gamit.

"Ako na mag mag aayos niyan mag pahinga ka nalang."sabi saakin ni jacob.

Hindi ko nalang siya pinakiggan at nag tungo ako sa kusina , dambuhala ba tong anak ko at lagi ako gutom -_- .

Wala yung hinahanap ko pag kain kakainis . Bumalik nalang ako sa sofa at nanuod.

"May gusto kabang kainin? Bibilhin ko?.sabi ni jacob habang nag aayos padin siya ng gamit.

"Gusto ko sana ng langka , apple , at orange , tas bili ka din ng manok pang adobo mamaya ulam."sabi ko sakanya. Bigla naman siya ngumiti feeling ko namumula ako dahil kinilig ako dun .

Dahil siguro nga nag lilihi ako , ganito ba pag buntis kung ano anong hinahanap na pag kain.

Nag paalam muna siya at bibili ng pagkain.

-

Jacob

Nasa labas ako at nag hahanap ng mga prutas para leah , laki ng tuwa ko ng nalaman ko na buntis siya.

Feeling ko parang sasabog yung puso ko nong nalaman kong buntis siya . Mabubuo na ulit kami . Na hindi kumware na walang plano na walang kahit ano man.

Alam kong hindi padin niya matanggap yung sa fixed marriage namin pero gagawin ko yung best ko para kay leah at sa magiging anak namin dalawa.

Nakahanap na ako ng mga prutas dinagdagan ko lang ito ng iba para kung gusto niya madami siyang mapipili sa prutas na binili ko.

Pag dating ko sa condo nakatulog na pala si leah , matagalan ata siya sa pag aantay saakin.

Inilapag ko yung prutas at pinag balat ko muna siya ng langka at mansanas at tsaka ko nag tungo sa sofa . Pinag masdan ko si leah , siguro ganito kaganda yung magiging anak namin.

Hinalikan ko si leah sa noo at nagising siya sa ginawa ko.

"Anjan ka na pala."sabi niya saakin . Parang sasabog yung puso ko sa tuwing mag kalapit kaming dalawa ganito yung feeling noong sinagot niya ako.

"Ah oo pinag balatan na kita ng langka at mansanas ."inabot ko ito sakanya , at agad naman niya ito kinuha . Subrang saya niya nag lilihi nga siya.

Medyo malaki nadin naman ang tyan niya kahit hindi pa formed ang pitus ang saya saya ko kapah naiibigay ko ang gusto niya.

"Kapag may gusto ka pabilhin sabihin mo nalang ah. "sabi ko sakanya. Hindi na siya sumagot dahil kumakain padin siya ng prutas.

Pag katapos namin kumain ay natulog na kami ni leah para naman makapag pahinga kaming dalawa .

-

Kinabukasan

Leah Marie

Gumising ako at hinahanap ko si jacob nag luluto pala siya ng pagkain . Medyo nagugutom na din ako.

"Ah pwede ba ako pumunta kila mama ngayon?"paalam ko sakanya gusto ko na kaseng humingi ng sorry kay mama.

"Samahan na kita?"sabi niya saakin.

"Wag na gusto ko kase makapag usap kami ni mama eh."sabi ko naman sakanya siguro naiintindihan naman niya ako.

"Sge pero mag uupdate ka kapag pauwi kana ah. O kaya text mo ko o tawagan mo ko."sabi niya saakin halata nag alala siya dahil nga buntis ako.

"Oo text nalang ako sayo.

---

Pag katapos kong kumain at maligo nag paalam na ako kay jacob na alis na ako para makahingi na ako tawad kay mama.

Pag dating ko sa bahay agad akong niyakap ni mama at umiiyak saakin . Hindi ko na mapigilan na umiiyak din . Namiss ko si mama .

Kahit na ganun yung ginawa niya saakin mahal na mahal ko ka padin siya at hindi ko aabulagin na mama ko padin siya.

Inabot ako ng kila mama dahil sa kwentuhan namin dalawa , natutuwa padin ako nun hindi ko na namalayan yung oras na gabe na.

"Anak sure kabang uuwi ka , dito ka na kaya matulog text mo si jacob."sabi saakin ni mama.

"Ma wag ka mag alala tsaka natext ko na si jacob na susunduin niya ako dun sa park. "sabi ko at sabay nag paalam ako kay mama.

Naglakad ako papunta ng park medyo malapit naman yun dito sa bahay. Medyo malapit na din ako malobat pero wala padin si jacob.

Medyo kinakabahan nadin ako dahil madilim na dito . Uuwi na kaya ako muna. Babalik na dapat ako ng bahay pero may biglang may umakbay saakin na lalake at may tinututok siyang matalim na bagay sa taligiran ko, natakot ako hindi ko alam parang bigla ako kinabahan.

"Holdap to."sabi saakin habang nakatutuk yung matalim na bagay saakin.

"Ito kuya yung bag ko wag niyo lang ako sasaktan."mangiyakyak na ako takot.

Asan kana ba jacob.

Hindi lang pala siya mag isa may kasama siya. Lima sila pero nakatakip yung mga mukha nila tangging mata at bibig lang nakikita ko.

"Bro mukhang maganda yan ah."sabi ng isang lalake. Bigla ako kinabahan.

"Teka lang ho ito na yung gamit ko wag niyo lang ako saktan."pilit kong kumala sa kamay nila pero bigla may sumuntok sa sikmura ko.

Para ako nalamya  na ewan at hindi ko alam yung nagyare.

Ace

Nag lalakad ako patungo sa park para tumambay . Nagulat ako na parang si leah yun ah.

"Hoy."sigaw ko sa mga lalake at nag sitakbuhan , tumakbo ako at susundan ko sana yung mga lalake kaso si leah humahawak sa tyan niya.

"L-leah?."nag alala ako sakanya may dugong dumadaloy sakanya.

"Y-yung b-baby k-ko."yan ang huling salita ni leah bago siya mawalan ng malay.

Binuhat ko siya at dinala sa hospital nag aantay padin kami ng resulta. Kinakabahan ako bakit kase andun siya dapat nag papahinga siya eh. Tangina jacob yan pabaya sa gf niya at anak niya.

Wala pa din yung doktor kinakabahan ko , tinawagan ko muna si tita.

Ringgg

[Hello iho]."rinig ko sa kabilang linya

Hello tita si leah po nasa hospital.sabi ko kay tita.

Binababa niya agad yung tawag siguro papunta na sila dito sana kasama niya si jacob para masuntok ko yang lalake na yan.

Pabalik balik ako hindi ko alam kung anong gagawin ko . Napatigil ako ng makita ko sila tita at jacob.

Hindi ko napigilan yung sarili ko ng sinuntok ko siya.

"Gago ka pabaya ka."agad naman kami pinagilan ng mga guard.  Tangina hindi ko mapigilan yung sarili ko.

Kaya inlayo muna kami ni tita at tinanong ako ni tita kung anong nanyare kay leah , sinabi ko naman na may nakita ako mga lalake at pag dating ko dun dinudugo na si leah. Sana nga daw hindi makunan si leah.

Jacob

Nasa hospital kami ngayon , andito daw leah napahamak siya dahil saakin , natataranta ako hind ko alam kung anong dapat kong gawin .

Hindi ko matatanggap kung mawawala yung baby namin , unang una anak pa naman namin , magiging kasalanan ko to pag nawala yung baby namin.

Tama lang yung suntok ni ace saakin dahil tama siya napabayaan ko si leah dapat pala sinamahan ko siya . Nag aantay padin ako ng update dahil pinalayo muna ako kay ace dahil nag kaabutan kami.

Andito din ako sa simbahan ng hospital nag dadasal na wag niya kunin yung baby ko hindi ko makakaya . Pag labas ko ng simbahan ni leah nakita kong nasa labas si ace.

"Okay na leah , pati yung baby niyo."galit padin siya sa tono niya.

"Salamat dahil dinala mo siya dito."yun lamang nasabi ko nag papasalamat ako sakanya hindi dahil sakanya hindi niya makikita si leah , hindi niya din maliligtas yung baby namin .

"Ang sabi ng doctor buti malakas ang kapit ng bata sa tyan ni leah at naidala ko agad siya dito."sunod pa niyang sabi.

"Sorry kanina , dala lang ako init ng ulo."sabi pa niya ulit.

"Wala yun , tama lang yun kase kasalanan ko bakit hindi ko siya sinamahan."sabi ko naman sakanya.

"Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may hindi nangyare sa anak ko at kay leah."sabi ko pa sakanya hindi ko maiwasan na umiyak dahil mahal ko si leah. At kahit kelan hindi ko na mauulit yun.

"Basta ayoko ng malalaman ko na sasaktan mo si leah , kundi aagawin ko siya sayo."tinignan ko lang siya halata may gusto siya kay leah.

Sabagay hindi naman mapapahamak si leah kung hindi siya maganda eh . Kahit naman siguro magugustuhan siya.

-

Leah Marie

Pag mulat ko sa mata ko inilibot ko yung mata ko parang nakikita ko ang puting paligid lang at ang kesame .

Tinginan ko yung paligid ko . Nakita ko si mama at si jacob.

"Anak leah , kamusta pakiramdaman mo?"sabi ni mama saakin.

"O-okay l-lang  p-po ."sabi ko kay mama . Hinawakan ko ang kamay ko inaalala ko padin yung pag suntok saakin ng tyan ko.

"Anak okay naman yung baby mo sabi ng doctor , buti nadala ka ni ace dito."si ace pala ang nag ligtas saakin . Hindi ko mapigilan mag patak ng mga luha ko .

"Leah? Naalala mo ba kung sinu yung mga lalaking sumugod sayo?"tanong saakin ni jacob.

"W-wala a-ako n-nakita d-dahil l-lahat sila n-nakatakip y-yung m-mukha."utal utal kong sagot kay jacob.

Totoo naman ang sinabi ko , na wala ako nakita kahit ano dahil nakatakip sila ng mukha tanging mata at labi lang nila ang nakita ko.

Umalis muna saglit sila mama para makapah pahinga ako. Hinawakan ko ulit ang tyan ko.

"Baby kapit ka lang kay mama ah."kinausap ko ang anak ko na parang maririning niya.

Hinawi hawi ko ito hanggang sa makatulog ako.

__