Chapter 30: Chapter 28 The Intruder

One Stormy NightWords: 10657

" What happened back there hon? Bakit mo naisipang i-fire si Lyka as my Secretary?" Talagang hinintay nito na matapos siyang kumain bago ito nagtanong tungkol sa nangyari kanina sa labas ng opisina nito. " She is so efficient in her job at nahirapan akong maghanap ng secretary bago siya. Kaya ano ang rason mo bakit gusto mo siyang mawala?"

Napairap siya. At balak pa yatang ipagtanggol ng lalaking ito ang bruhildang babae na iyon. Mabuti na lang talaga ay tapos na siyang kumain.

She drink her juice at naglakad papunta sa receiving area ng opisina nito, hindi niya sana gustong sagutin ito, but Kyshaun as Kyshaun wouldn't want to be ignored.

" Hon, Lyka's termination is not yet final dahil hindi naman ako ang nagtanggal sa kanya, so kailangan mo talagang sabihin—"

" Hindi marunong gumalang ang sekretarya mong iyon Kyshaun. Napakabastos at walang manners." She stopped what he was saying, ipinagtatanggol ba nito ang babaeng iyon? Naiirita tuloy siya sa isiping ganoon nga, parang lumalabas na naman tuloy na siya pa ang masama, why he can't just agreed with her. Why can't he trust her judgment?

" Hindi marunong gumalang? How? Why?" Kunot-noong tanong nito. " She is by far my most trusted employee ni wala akong narinig na may nagreklamo laban sa kanya,"

" Do you have CCTV installed in your office?" She asked him, ayaw niyang patuloy na marinig ang pagtatanggol nito sa babaeng iyon. So kung may puwede naman siyang magamit para gawing ebidensiya upang malaman nito ang pinanggagalingan ng galit niya, why not used it?

Naguguluhang tumango si Kyshaun.

" Good!" Ininom niya ang juice at umupo sa pang isahang sofa, she crossed her legs and motion him to go out. " Go to the security room and watched the footage, malay mo malaman mo ang totoo, hmmmp." Nakangusong utos niya dito.

Nakakapikon 'tong lalaking ito!

Wala pang isang araw ang lumilipas mula ng magbigay sila ng kondisyon kaakibat ng "deal" nilang dalawa, pero heto at pinagdududuhan na naman nito ang kakayanan niyang magsabi ng totoo.

Umiwas siya ng tingin ng humakbang ang binata, she can feel pain in her chest.

Shutang ina naman talaga!

Kahit anong pilit niyang sabihin na okay lang sa kanya ang lahat ng gagawin at mga gagawin pa ng binata na posibleng makasakit sa kanya, hindi pa rin niya maiwasang masaktan.

She just doesn't want him to see it kaya pinanatili niyang walang emosyon ang mukha.

Hindi na niya kailangan pang budburan ng asin ang sugat niya. And she don't want to be a laughing stock at the end.

Hinintay niyang bumukas ang pinto na nilabasan ni Kyshaun kaya naman ng wala siyang narinig na anumang ingay ay nagtatakang napalingon siya.

Only to find herself face to face with him.

Kyshaun was squatted in front of her, he was staring at her at tila hinihintay talaga nito ang paglingon niya sa gawi nito.

" W-what are you doing?" She stammered. Their face was just inches away from each other, at gahibla na lang din ang pagitan ng mga labi nila.

Umiling si Kyshaun, " Wala pa akong ginagawa, hon. I'm just looking at you."

Sinamaan niya ito ng tingin. " Hindi iyon ang tinutukoy ko! What I mean is, what are you still doing here. Akala ko ba gusto mong malaman ang dahilan ko kung bakit ipinatanggal ko ang pinakamagaling mong sekretarya?" She eyed him thoughly," Bakit hindi mo pa puntahan ang CCTV room para naman malaman mo ang basis ko!''

Nginisihan lang siya ni Kyshaun, " Are you mad?"

" Hmmmp, at bakit naman ako magagalit? May karapatan ba akong magalit? As far as I remember, lover mo lang ako, not your keeper?" Shut it! Bakit ba napaka bitter yata ng pagkasabi niya nun? Nag-iwas siya ng tingin dito and pretend to look elsewhere.

" Hey hon, don't say that c'mon look at me,' Kyshaun cupped her face and forced her to look at him.

Green ones meet the same green orbs. Parang huminto yata sa pagtibok ang puso ni Jhossa ng napagmasdan ang mata ni Kyshaun. It was as if it was drowning her and pulling her to him, hindi niya maiiwas ang sarili sa muling pagkahulog dito.

" Ky—." She whispered softly so soft na tila hangin na lang iyon na humalik sa pandinig ng binata.

" If you say I need to replace my secretary I will replace them kahit na sino pa sila, binibiro lang naman kita kaya ako nagtatanong but it doesn't mean I am taking her sides okay, kaya huwag mong kuwestiyunin ang karapatan mong magalit because you have that right at hindi naman kita pinagbabawalan na gawin iyon," Kyshaun voice was gentle, nararamdaman niya ang mainit at mabango nitong hininga na humahampas sa mukha niya.

She arched her brow para maiiwas ang sarili sa pagkaramdam ng muling pag init ng katawan.

" You don't look like you were joking Ky,  para ngang napakaseryoso mo pa eh. Nanghihinayang ka ba sa pagkawala ng sekretarya mo huh? Or baka naman nagsisisi ka na sa desisyon mo na alukin ako ng deal mo na puro kalokohan lang naman. Sabihin mo lang, I can easily back out."

Sumeryoso naman ang mukha ni Kyshaun. " Don't fucking say that! We already sealed that deal so there's no fucking way you can get back out from that. I won't let you!"

" But you still want to believe that girl, anong gusto mong maramdaman ko? I  really hate it when you start showing your distrust on me Kyshaun kahit pa pabiro iyon, nakaka- trauma lang." She said but trying to refer on their past issue.

Tumawa si Kyshaun, " You know what hon, you really look so hot when you are mad like that. It's turning me on. Big time!" He said huskily at pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. He run his fingers to the contour of  her face and trough her jawline.

The heat that she was refusing to feel ignite something from her body. Ang kakaibang init na iyon ang tila tumutupok sa pagpipigil niya na makaramdam ng kakaibang pagnanasa lalo pa at bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina sa penthouse.

Naubo siya. And color crept from her face at nasisiguro niyang nakita iyon ni Kyshaun lalo pa at malapit na malapit lang ang mukha nila sa isa't-isa.

My gosh! Ano ba naman itong Kyshuan na ito? He is really bipolar and she find it so hot. Ang hindi niya maintindihan na pag-uugali nito. One moment he is so serious, then formidable! Tapos ngayon naman tukso.

Haisst maloloka na yata siya!

" I don't know what kind of magic you possess hon at nawawala ako sa sarili ko. My world turned upside down with or without you na hindi ko na alam kung anong remedyo ang gagawin ko. I hate you but at the same time I want you. Galit ako sa iyo kapag nakikita kita pero mas lalo akong nagagalit kapag nakikita kitang may kasamang iba. I don't know how to satisfy this craziness I felt on you at alam kong ganoon din ang nararamdaman mo kaya ito ang solusyon na naisip ko. You and I will stick to each other. At habang umiiral ang kasunduan natin ayokong malalaman o makikita na may iba akong kahati sa iyo. I am very possessive hon. What is mine will stay mine. And you are mine since day one."

Napasinghap siya sa intensidad ng mga salita ni Kyshaun, But it made her raised her eyebrows as well.

" Paano mo naman nasabi na nababaliw ako sa iyo huh? For your information Attorney, matagal ka ng wala sa sistema ko noh!" She knew she was lying pero mas maganda na iyon keysa naman tuluyan niyang iexpose ang sarili dito.

And it was a wrong choice either dahil agad niyang naramdaman ang tensyon mula sa binata matapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon.

" You're lying! Sabihin mong hindi totoo ang sinabi mo ngayon-ngayon lang," he hissed darkly. Ang mga berdeng mata nito ay dumilim at ang mga kamay nito ay dumiin sa panga niya.

Umiling siya at sinikap alisin ang kamay nitong mariing nakahawak sa mukha niya.

" Eh totoo namang hindi ako nababaliw sa iyo Kyshaun. Kung aalalahanin mo l, I only agreed to this deal because you force me to do so."

" I did not force you," ganoon pa rin ang higpit nang hawak nito sa mukha niya na may pakiramdam siyang mamamantal iyon mamaya. " You agree wholeheartedly," he added boastfully.

" Only because I have no choice." Pahiyaw niyang sagot. Her eyes are burning dahil sa sakit ng hawak nito. " You are threatening to ruin someones life na malapit sa akin, how can you expect me to just sit there and watch while you do your dirty job? " Pauyam niyang sagot, " And will you please remove your hands from my face, masyado nang masakit ang ginagawa mo," tinampal niya ang kamay ni Kyshaun na nakahawak sa kanya.

Kyshaun automatically removed his hands that was cupping her  face. He muttered a series of expletives ng makita nito ang bakas ng daliri nito sa mukha niya.

She gently massaged her jaw . Gosh pakiramdam niya ay nagkaroon ng lockdown sa panga niya ng dahil lang sa hawak nito na mistulang nanggigil sa kanya.

" Hindi ko sinasadyang saktan ka hon. Ikaw naman kasi eh, bakit ba kailangan pa nating banggitin ang deal na iyan. We just started our newfound relationship kaya sana huwag na nating isama yung mga nakaraan. And please, hon. Para sa ikatatahimik nating pareho please refrain from doing things that would trigger my jealousy. Hindi ko pa rin kasi kayang pigilan ang sarili ko eh, lalo na pagdating sa iyo . "

" Nangako na ako sa iyo Kyshaun. And I won't do such thing okay, I gave you my wor—" nahinto siya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina ng binata.

At iniluwa doon ang mukha ng babaeng gustong -gusto niyang ilampaso sa sahig.

" Kyshaun, ano itong nabalitaan kong—, what the in the hell is she doing here?"

Kung kinakitaan man ng gulat si Jhossa ay sandali lang iyon dahil agad niyang nahamig ang kanyang sarili.

So this witch of a story teller ay dito lang pala niya makikita. After kasi ng insidente sa mall at sa Cappussina ay hindi na niya ito nakita simula ng umpisahan niyang ituon ang pansin sa paghihiganti dito.

Minsan talaga magaling gumawa ng paraan ang tadhana para mapagbayad niya ang mapanirang makating dila na ito.

She stand up at diretsong tiningnan sa mga mata ang babae.

" Hello Crizel!" She greeted sarcastically. " Finally! It is really not so nice seeing you." May maisasampal na siya sa muka nito . Panggising sa natutulog nitong diwa.

" What are you doing here?"

Pinagsalikop  niya ang kamay nilang dalawa ni  Kyshaun at itinaas- iyon.

"Can't you see, we are together... Again.. ang swerte ko hindi ba, hindi katulad nang iba diyan, malalanta na lang at lahat pero wala pa ring nangyayari."

" Pinatatamaan mo ba ako?" Galit na bulyaw nito sa kanya. Baliw lang ang leg hindi ba.

" Why ? Are you hurt? Sabagay ganoon naman talaga ang intensyon ko. " She gritted her teeth. " I want the intruder in my life to suffer, big time for ruining my life."

And she had the smile of satisfaction of hearing Crizels gasped horrifyingly...

A/N

😇😇😇😇

Votes / comments

Sinnersaintbitch