CHAPTER 36
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 36: "HAMON"
DEVINA KELT
Agad kaming nagtungo sa cafeteria kung saan nakakarinig kami ng mga sigaw na inimoy nag-mamakaawa, nanalaki ang mga mata namin sa gulat ng tumambad saamin ang napakaraming estudyanteng naka-handusay sa lapag. Duguan at wala ng ulo ang mga ito, agad na napasuka si Fae saaking tabi habang ako naman ay pinipigilan ang aking luha at ang aking suka.
Nilapiatan nila Satan si Lucifer at kina-usap ito, wala pang isang minuto ay lumabas sila ng cfeteria at nag tungo palapit saamin, "Gab sumama kayo saamin" Utos ni Satan. Sumama kami sakanila, lahat kami ay nag-tungo sa isnag building. Malayo palang ay kita ko na agad ang mga taong nagsi-sik-sikan.
Nang-makalapit kami ay nag bigay sila ng daan at kumaripas ng takbo, lahat kami at naka-tayo sa harapan ng building. Dahan-dahan naming itinaas ang mga ulo namin at... "P*tangina" Bulong ni Gab saaking gilid. May mga patay!! Naka-sabit sila sa taas! Duguan at wak-wak ang buong katawan nito. May mga maskara pa ito sa mukha at alam kong miyembro ito ng Dark Chaos at ng Bloody Dragons. Sa gitna nito ay may red flag.. T*ngina! Dugo yun!
"Gusto nila ng gyera" Sambit ni Satan. Nabaling naman ang mga paningin namin sa harap, nandon sila Demon kasama si Chloe at ang iba nilang alagad. "Kamusta Satan?" Tanong ni Demon, may galit sakanyang mga mata...
DEMON
"Kailangan namin ang tulong mo" Sabi ni Satan. Ngumisi ako ng napakalalim, ano? Tulong ko? Eh p*tangina! Wala ngang tumulong saakin nung time na nangyari ang nakaraan! "G*go kaba?" Natatawang sabi ko. "Ako makikipag-tulungan sa mga hayop na katulad nyo?" Dagdag ko pa.
"Demon makinig ka.. Buhay ng lahat ang nakataya dito, lalo na si France at si Lucifer" Paliwanag ni Rhiann. Napatawa naman ako ng mahina, "Eh ano ngayon ah?" Natatawang sabi ko. Ano ako u*lol? G*go! Bahala kayo magpatayan dyan!
"Paano kung ayaw---" Hindi na nila ako pinatapos mag-salita, sapak agad ni Satan ang naabot ko. Sa sobrang lakas ay napa-higa pa ako sa lupa, g*go to ah! Ang napaka-guwapong mukha ko! "Pwede ba Demon makinig ka naman!" Sigaw ni Satan. Tinulungan ako ni Chloe makatayo..
"D-demon panahin na para makinig ka" Biglang sambit ni Chloe. Ano bang meron mga hayop?! Takte! Ano! "D-demon hindi si Lucifer ang pumatay kay Heaven" Giit ni Chloe. Ikaw den? Ikaw den naniniwalang hindi si Lucifer ang pumatay kay Heaven? Ano ba?! Mga bobo!
"Ano bang---" Hindi ko nanaman naituloy ang sasabihin ko dahil isang malakas na sapak muli ang ginawad saakin ni Satan, ngayon ay sa kaliwa naman. Hayop ka! My handsome face! "Sinabing makinig ka!" Sigaw nyang muli.
Oona! P*ta! "Si Heaven ang kusang nagpaka-matay.. Hindi ko sya pinatay Demon, alam mong hindi ko kayang patayin ang taong mahal ko... Nung gabing tumatakas kami ay nagpa-pgil sya.. Sabi ko tatakas kami dito, pero ayaw nya na. Pamilya nya ang kinalaban nya kaya pakiramdam nya ay napaka-sama nyang tao, hindi ko alam na may baril pala sya sa bulsa nya. H-hinugot nya ito at p-pinutok sa sarili nya.." Paliwanag ni Lucifer. Na-istatwa naman ako, namumuo ang mga luha saaking mata. Buong akala ko pinatay ng BESTFRIEND ko ang kauna-unahang MINAHAL ko.. P-pero nag kamali ako.
"Pero bakit hindi mo agad sinabi sakain?" Tanong ko. "Demon ayaw mong makinig... Naunahan ka ng galit mo" Sabi ni Lucifer, "P-patawad mga kaibigan ko..." Naluluhang wika ko.
Agad aking niyakap ni Satan at ni Lucifer, Damn! I miss my BESTFRIEND and my BROTHERS. Inakap ko din sila ng napaka-higpit, ang tagal kong nag tanim ng galit sakanila dahil sa maling akala..
Lessong learn! Wag magpapadala sa sariling emosyon! Matuto kang makinig at mag-tanong! Buang ka!
"Patawad mga kaibigan ko" Sabi ko. Kumalas agad sila sa yakap at tumingin saakin ng sersyos, alam ko ang mga tingin na yan.. May plano!
"Kung paoayag ka.. Ibabalik na natin ang Gods Of Demons" Wika ni Satan. Tumango si Lucifer at ganon din ako.
"P*tangina pinahaba nyo pa! Na-miss ko kayo mga pare!" Sigaw ni Satan. Ito talagang lalaking to g*go!parang bata parin sya hanggang ngayon
Saaming lahat si Satan ang palaging nakikipag-usap, para syang bata kung minsan, madal-dal at laging naka-tawa ang mukha, ayaw nya ng bad vibes, gusto nya happy lang daw lagi.
Si Lucifer naman ang pinaka-cold at pinaka-bossy saaming tatlo, lagi syang seryoso sa lahat. Pag-dating sa mga babae? Lagi syang na-uuna dahil wala syang sinasayang na oras. Kapag-gusto nya ang isnag tao ang sasabihin nya agad ito para di na makawala, kung baga.. Time is gold! Ganern!
At ako naman si Demon, ang pinaka-guwapo saaming tatlo.. Oo na siga na di na ako magyayabang! Si Lucifer talaga ang takaw atensyon, sya ang laging nakikita at napapansin. Napaka-amo kasi ng mukha nya, pero pag nagalit ay parang drago na nag wawala, si Satan naman ay gwapo rin at lalo syang gumagwapo kapag naka-ngiti sya. Syempre ako! Kahit na mahangin ako ay may ilalaban tong mukha ko! Kahit na mukha akong bad boy! Saaming lahat ay ako ang pinaka-kinatatakutan dahil narin sa lagi akong naka-ngisi.
"Ayusin na natin ang p*tanginang gulong to" Sambit ko. Hanapin na natin si France at sapukin na natin ang mga BBW na yan!
"Ready na kayo?" Tanong ni Rhiann. "Wag kami ang tanungin mo... Si Lucifer" Sabi ko, agad naman akong siniko ni Chloe. Bakit ba? Nag-sasabi lang ako ng totoo ah! "H-handa na ako.." Sambit ni Lucifer, sa palagay ko ay handa na si Lucifer pero sa tingin ko ay natatakot sya. Kilalang-kilala ko lahat ng kaibigan ko lalo na tong si Satan at si Lucifer, alam kong natatakot si Lucifer.. Alam kong maiintindihan din ni France ang lahat, at natatakot din ako dahil lalabas na ang demonyong naka-kubli sa kanyang loob
I'm sorry France...
"Isang hamon nanaman" Biglang smabit ni Chloe. Niyakap ko nalang sya at hinalikan sa noo nya, mhh ang bango ng mahal ko!
"Kumilos na tayo" Utos ni Lucifer.