CHAPTER 35
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 35: "WHERE IS SHE?"
FRANCE LOPEZ
Naka-tayo parin ako hanggang ngayon, iniintay ko ang pagbalik ni Lucifer. Sila Devi naman ay malayo saakin kaya di nila ako napapansin, "Pinapatawag ka ni Lucifer" Agad kong nilingon ang boses na iyon. Isnag lalaking naka-uniform, kumunot ang aking noo. Ha? Pinapatawag? "Pinapatawag? Eh sabi nya dito lang ako eh" Sambit ko. "Sabi nya sunduin kita dahil may sorpresa sya sayo" Nakangiting sambit nya.
Ngumiti namna ako dahil duon, jusko! Dami known Lucifer ah! Tumango nalamang ako at sinundan ang lalaki, sa kagubatan kami dumaan. Mag-didilim na, buti nalang ay may kaunti pang araw, halos ilang minuto din kaming naglalakad. Ang daming trip Lucifer ah! Nakarating kami sa isnag mataas na building, parang luma na ito. Pumasok kami duon, walang tao at mabaho sa loob, "Nasaan si Lucifer?" Tanong ko.
Ngumisi sya dahilan para mag tayuan ang mga balahibo ko. "Wala" Maikling sagot nya, at lalo pa akong nakaramdam ng sobrang takot..
Nanlabo..
Masakit at may kirot...
Ang ulo ko..
Dahan-dahan akong nawalan ng malay, pero alam kong may bumubuhat saakin.. Lalaki sya dahil matigas at malaki ang katawan nya, teka! Saan nyo ako dadalhin? Masakit ang ulo ko dahil pinalo ako.. Pinalo ako ng kahoy ata?
DEVINA KELT
"France?!" Malakas na tinig mula kay--Lucifer. Tinatawag nya si France eh magkasama lang naman sila, napatayo kami sa damuhan at lumapit kay Lucifer na kasama si Satan at yung blandinang babaeng toh. "Anong nangyari?" Alalang tanong ko. Tinitigan ako ni Lucifer na parang may hinahanap
"N-nawawala si France" Tugon ni Lucifer, "Nawawala? As in missing?" Tanong ni Fae, tumango lang si Lucifer. "Baka naman nandyan lang o nasa dorm" Sambit ni Alier. Umiling si Lucifer, ano bang nangyayari? Nasaan si France?
Itinaas ni Lucifer ang kanan nyang kamay at may hawak syang---Palaso? Isnag palaso! "BBW" Singit ni Gab. T*ngina! Sh*t! Sh*t! Napa-sabunot ako saaking buhok. Takte! Hindi pwede! Si France! Nang mai-kwento ni Gab saakin ang lahat-lahat ay natakot na ako sa BBW.. Lalo na kay France, paano kung sila ang mag-sabi kay France ng lahat? Ayoko! Gusto kong si Lucifer mismo ang mag-sabi kay France ng lahat.
-
Halos ilang oras na kaming paikot-ikot dito sa buong school, wala parin! Walang France! Napa-upo nalang ako sa isnag bench at sinabunutan nanaman ang aking buhok. "Kasalanan ko to. Ako ang may kasalanan" May voice broke, sana ay hindi namin iniwan si France. Sana ay hindi sya nawawala ngayon, "Walang may kasalanan.. Makikita din natin si France okay" Mahinahong wika ni Gab.
Gabi na at wala paring France ang nakikita namin, madilim na at mukhang uulan pa. Lahat ng tauhan nila Lucifer ay pinag-hahanap narin si France. Nagkita-kita kami sa gitna ng plaza, hingal na hingal sila Alier at si Fae. Si Lucifer naman ay walang nag bago, si Satan at yung Rhiann naman ay pawis na pwis rin.
"Where is she?" Mahinang sambit ni Satan na rinig namin dahil sa katahimikan. "P-paniguradong hawak sya ng BBW" Wika naman ni Rhiann. "Papatayin ko yang BBW nayan pag may-nangyari kay France" Giit ni Lucifer.
"Ikaw ang nag-lagay sakanya sa panganib. Lucifer" Biglang sabi ko, di ko na mapigilan. Totoo naman ah! Si Lucifer ang may kasalanan! "Dapat una palang ay sinabi mo na hindi yung pinatagal mo pa" Giit ko. "Masasaktan si France ng sobra.. At paniguradong mawawalan sya ng tiwala sa lahat" Dagdag ko pa.
Napakunot naman ng noo si Fae, oo nga pala! Ako lang pala ang nakakaalam... "Huh? Devi may hindi ka ba sinasabi saamin?" Tanong ni Fae. Na-upo ako sa tabi nya at kinwento ang lahat-lahat sakanilang dalawa ni Alier. Napa-hawak si Fae sa kanyang bibig at napahikbi nalang, si Alier naman ay may kaunting gulat sa kanyang mga mata. Tulad ng naging reaksyon ko nung una, ganong-ganon.
"Wag na tayong mag-aksaya ng panahon Lucifer.. Gusto talaga nyang angkinin ang lahat" Wika ni Rhiann na tulala, "Kumilos na tayo" Sambit pa nya. Tumayo na kami at nag-simulang maghanap...
-
Nakalipas ang ilang oras at kaunti nalang ay sisilay na ang araw, naka-ilang kape narin kami ngunit di ko na talaga kaya.. Ang sakit na ng mga paa at mata ko, pinayuhan kami ni Lucifer na matulog na mun, nung una ay hindi ako pumayag.. Ngunit wala eh! Pago na talaga ako!
Nagising ako ng hapon, tulog parin sila Fae at si Alier. Si Gab naman ay wala na sa kama kaya bumangon na ako para kumain ng kaunti, pagtapos non ay naligo ako para magkaroon ng lakas. Mamaya ay hahanapin ko muli si France, sana ay okay lang sya.
Natapos ako sa dorm kaya dali-dali akong lumabas at nag-tungo kung saan-saan, ilang estudyante n arin ang tinanong ko kung nakita ba nila si France.. Ngunit iisa lang ang mga sagot nila, hindi
"Devi!" Pagtawag saaking pangalan ng pamilyar na boses---Si Satan kasama si Rhiann. Hingal na hingal silang lumapit saakin, "Devi si Lucifer" Huminga muna ng malalim si Satan. "Pinapatay nya ang lahat ng estudyante" Sambit ni Satan. Nanlaki ang mga mata ko, ano? "Ano?!" Tanong ko. "Pinapatay nya lahat ng estudyante na hindi nakita si France.. Pigilan natin sya" Sabi ni Rhiann.
LUCIFER
"Nakita mo ba si France?" Tanong ko sa isnag estudyante. "H-hindi---" Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin nya. Bigla ko nalang sya pinugutan ng ulo gamit ang hawak kong lakol, mga tanga! Ni isnag estudyante wala man lang na kakita kay France?! T*ngina!
Sasabog na ako sa galit sol! Nasaan ka na ba?! Wala pa akong tulog at wala akong pake! Nilibot ko ang cafeteria at walang katao-tao dito, kinalampag ko ang mga lamesa at nag silabasan sa ilalim ang mga estudyanteng takot na takot. "Nasaan.Si.France?!" Bulaslas ko. Umiling ang karamihan sa kanila.
"Lumapit kayong lahat!" Utos kong agad nilang sinunod, pumila sila para sa kanilang kamatayan. Isa-isa kong pinugitan ng ulo ang lahat ng estudyante dito sa cafeteria, hindi naman ako tatawaging Lucifer kung hindi ako demonyo. Kaya kong patayin lahat malaman ko lang kung nasaan ang mahal ko! Nasaan ka na sol?!
Nasaan kana ba sol?