CHAPTER 34
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 34: "THEY ARE BACK"
FRANCE LOPEZ
Kinuha ko na ang mga papeles na binigay ni maam ivy, dalhin mo daw ang mga ito kay Lucifer. Kasalukuyan akong nag lalakad dito sa hallway, tulad ng noon ay tahimik at mahangin parin ang paligid dahil may bagyo atang paparating. Tahimik lang akong nag lalakad ng biglang umuhip ng napaka-lakas ang hangin, sabay-sabay nag liparan ang mga hawak kong papel at nag-kalat sa lapag.
Pinuluto ko ito isa-isa, napa-tigil ako dahil may lalaking tumutulong saakin. Di ko inaaninag ang mukha nya dahil inuuna ko muna nag mga papel na ito, nang-wala na akong makitang papeles sa lapag ay tumayo na rin agad ako. Nasa harapan ko ngayon ang lalaking tumulong saakin, sa tansya ko ay six ang height nya, maputi at makapal ang kilay nya. Ang kanan nyang buhok ay black ang kaliwa naman ay ash gray ang kulay nito.
"Salamat" Sambit ko, ngumiti sya at inabot saakin ang mga papeles na kinuha nya. "Anong pangalan mo? Bakit parang ngayon lang kita nakita dito?" Tanong ko. Unti-unti syang humahakbang papalait saakin kaya kinabahan ako at natakot.
Ang ngiti sa kanayang mga labi ay napalitan ng ngisi, humahakbang naman ako patalikod habang pinag-mamasdan ang mukha nya. "I'm Ash Naxzzer... Also kwon as... Satan" Pakilala nya sakanyang sarili.
Nag-sitayuan ang mga balahibo ko saaking katawan... Shems! Kaharap ko ngayon si Satan!!! Nangilabot ang aking buong pagka-tao mga mare! Help me!! "S-satan" Bulong kong alam ko na narinig nya. "France!" Pagatawag saakin ng pamilyar na boses. Agad akong lumingon saaking likod at nandon si Devi, lumingon ako muli saaking likuran ngunit... Wala na! Wala ng Satan saaking likod kaya naka-hinga ako ng maluwag.
"France tara na sa cafeteria" Sabi ni Devi. Takte! Natakot ako duon! Akala ko katapusan kona! Agad ko ng pinuntahan si Lucifer, ibinigay ko na sakanya yung mga papeles tapos sabay na kaming pumunta sa cafeteria para kumain. Nasa iisang table lang kami nila Devi, Gab, Fae, Alier, Lucifer at si Trixy. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang mag karoon ng bulung-bulungan sa paligid ang mga atensyon nila ay sa entrance.
Lumingon kami nila Lucifer duon at nakita namin sila---Demon at si Chloe na magka-hawak ang kamay. Nginitian ako ni Demon kaya bumawi rin ako ng ngiti, sa palagay ko ay nakita nya na ang taong sinasabi ko na nasa paligid nya lang. Tama ako! Si Chloe nga yun! Dahil una palang ay napapansin kong gusto nya si Demon, ang saya ko lang dahil feeling ko ay wala na akong nasasaktan.. Sana nga, tulad ng dati ay sa gitna parin sila na-upo. Bigla namang bumaling ang mga paningin namin sa entrance ulit, takte! Siomai! Siopao! Papa! Mama! Help! Si Satan... May kasama syang babae, matangakad din yung babae, blone hair naman ang kulay ng mahaba nyang buhok. Nag lakad sila tungo sa isang lamesa malapit saamin, nginisian pa ako ni Satan...
"Satan" Biglang banggit ni Lucifer. Maging sya ay gulat na gulat din, pati narin si Gab na napa-tigil pa, "They are back" Mahinang sambit ni Gab habang di maalis ang tingin kay Satan at sa babae. Sumulyap naman ako kay Demon, maging sya at si Chloe ay gulat din ang mga mata. Maging sila ay nakatitig din kay Satan tsaka sa kasama nyang babae.
-
Natapos ang iilang mga klase namin, nandito kami ngayon sa plaza nakatambay sa isang bench. Katabi ko naman si Lucifer na malalim ang iniisip, habang sila Devi ay nag-uusap-usap sa damuhan kasam sila Trixy. "Okay kalang? Pagod ka ba?" Sunod-sunod kong tanong kay Lucifer. Tinignan nya ako at ngumiti
"Okay lang ako.. " Sagot nya, ngumiti naman ako at binigyan sya ng halik sa pisnge.. Namula nanaman si unggoy, "Sol para ka talagang namumulang baboy" Biro ko sabay tawa. Napatingin nalang sya ng masama saakin tapos ngumiti nalang din
Nabaling ang mga tingin namin ng biglang... Si Satan? Naka-tayo sya saaming haraoan kasama yung isnag babae, naka-tingin lang sila saamin. "Lucifer.. Mag-usap tayo" Wika ni Satan na nakay Lucifer lang ang paningin. Habang yung babae naman ay nakatingin saakin na parang.. Masaya?
Tumayo si Lucifer kaya napa-tayo din ako, baka kasi kung anong gawin nya. "Gusto mo ng banggaan?" Malamig na tanong ni Lucifer. "Ito agad ang bubungad mo saakin?" Balik ni Satan saka tumawa ng kaunti. Ang cute nya! "Ano bang gusto mo?" Tanong muli ni Lucifer, sa pagkakataong yon ay maypagka-inis na sa tono nya kaya hinawakan ko sya sakanyang braso.
"Gusto ko tayo lang.." Wika ni Satan, "Sol dito ka muna" Utos ni Lucifer saka na-una ng umalis. Sinulyapan naman ako ni Satan at nag bigay ng ngiti, may sapak? Nginitian din ako nung babae tapos umalis na sila. Ano ba crush nyo ba ako? Chares! Ngumuso nalang ako dahil kainis! Time namin ngayon ni Lucifer may sagabal pa! Pero yaan na! Baka importante yon! Pero ano nga yung pag-uusapan nila?
LUCIFER
Nagtungo kami sa likod ng isnag dorm kung saan walang tao kung hindi kami lang tatlo. Nag balik na pala ang mga to! Wala man lang pasabi sana ay nag handa kami! Mga ulupong! "Ano ngang kaylangan nyo?!" Inis na sabi ko. G*go pinapaligoy-ligoy pa eh! "Lucifer.. Masama ang mangyayari kay France pati narin saating lahat" Panimula ni Satan
Una palang alam kona yun! Nakikinig lang ako sakanya, "Ilabas na natin si France habang maaga pa" Sambit ni Rhiann. "Siya mismo ang nag sabi na ayaw nya" Wika ko. Nagka-titigan naman silang dalawa at huminga ng malalim, "Alam mo nanaman ang mga mangyayari hindi ba? Nakapag-handa ka na ba?" Tanong ni Satan
Huminga ako ng malalim, hindi pa! Hindi pa ako handan.. Nag sisimula palang kami ni France, "Alam ko na ang mga mangyayari.. H-hindi pa ako handa. Natatakot ako sa mga mangyayari" Pagsabi ko ng totoo. "Lucifer.. Mag tulungan ulit tayo" Sehestyon ni Satan, agad ko syang tinitogan sa mata...
"Hindi papayag si Demon.. Hindi sya makikinig" Sabi ko. Totoo naman eh! G*go din yun si Demon! G*go sya!
"Sasabihin na natin ang lahat.. Kilala natin si Demon, alam kong papayag sya" Sabi naman ni Rhiann. Tumango nalamng ako bilang sagot.
Sana nga! Sana ay mag-tagumpay ang planong ito...