Back
/ 44
Chapter 30

CHAPTER 29

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 29: "It's Official"

FRANCE LOPEZ

Nakalipas ang tatlong araw nang puro review ang ginawa ng mga estudyante dito, maging kami ay nag busy talaga sa pag-aaral ngayon. Wala na nga kaming time ni Lucifer eh, kasalukuyan kaming nandito sa field naka-upo sa mga bench dahil P.E day namin. Naka red short and white t shirt ang mga babae, ang mga lalaki naman ay naka red pants and white t shirt den

Sila Demon ay hindi kopa nahahagilap mag-mula nung nangyari yong laban nila ni Lucifer. Nasaktan ko ba sya? Well oo syempre! Pero sana naman ay mapatawad nya ako, ni-realtalk kona sya para di sya masaktan....

"Ang tagal naman ng teacher natin" Inis na sambit ni Devi na kanina pa nilalamok, "Baka lumalandi pa si sir" Biro naman ni Gab. Lahat kami ay napatingin sa gawing kanan ng pumasok sila Lucifer kasama si Trixy na naka P.E uniform din, kasama din nila yung mga naka maskara.

Naupo sila malayo saamin, nginitian lang ako ni Lucifer bago ma-upo. Ilang minuto lang ay dumating na ang teacher namin na pawis na pawis na agad. "Okay class, sorry i'm late" Paghingi ng paumanhin ni sir. Ang gagawin namin sa klase ni sir ay walang iba kung di ang tumakbo.

Mag-rereklamo sana kami pero wala na kaming nagawa, ang init-init tatakbo pa kami! Tapos mamaya pa yung exam, ano toh tortured? Kalaban ni Devi si Lara ang muse namin. Ang bilis tumakbo ni Devi, samantalang si Lara ay pahinto-hinto pa, ang arte kasi... Syempre nanalo si Devi, sumunod ay si Trixy kalaban nya si Fae, "Go Fae!" Sigaw namin ni Devi, maarte si Fae at si Trixy kaya diko alam kung sino ang mananalo.

Nangunguna si Trixy, di naman masyadong maka-habol si Fae dahil humihinto sya at nag-pupunas ng pawis, pabalik na sana si Trixy pero bigla syang natisod. "Trixy!" Sigaw ni Lucifer. Lahat kami ay lumapit kay Trixy na ngayon ay naka-handusay sa damo, si Fae ang nanalo. "Okay kalang Trixy?" Tanong ni Lucifer. Tumango lang si Trixy, "May sugat ka" Sabi ko. Tinulungan ni Lucifer si Trixy makatayo at maka-upo sa bench, "Everyone! Come here!" Sigaw ng teacher namin.

Naka-upo na ako sa bench kasama sila Fae, si Lucifer naman ay nilalagyan ng band aid ang sugat ni Trixy sa tuhod. Nag tatawanan pa nga sila eh, "Parang mga sira, nadapa na nga tumatawa pa" Sabi ni Devi, "Magpasugat karin France para ganyanin ka ni Lucifer" Biro ni Gab. Binatukan ni Devi si Gab dahil sa mga sinasabi nya, magpadapa din kaya ako? Ang suaunod na tatakbo ay Ako kalaban si Reyan.

Pumwesto na kami, pumito ng malakas si sir at nag simula na kaming tumakbo. Nangunguna si Reyan dahil ang la-laki ng hakbang nya, syempre di ako papatalo! Ayoko ngang mapahiya! Binilisan ko ang takbo ko at naunahn ko si Reyan. Pabalik na sana ako nang may maapakan akong bato dahilan para ako ay masub-sob sa damuhan, nauna si Reyan...

Lahat sila ay nag lapitan saakin, tinulungan ako ni Devi at ni Fae maka-upo, hinahanap ng mata ko si Lucifer... "Sis umalis na sila ni Trixy" Malumanay na sabi ni Fae. Napabuntong hininga nalang ako, tsk! Diko sinasadyang madapa... Ano bayan! Butu nalang ay wala akong sugat, nainis lang ako ng konti! Sino bang hindi?! Pagtapos ng P.E namin ay nag palit na kami ng uniform namin at nag tungo na sa classroom dahil mag-sisimula na ang exam.

Nasa harap kona ang test paper ko pero di makapasok ang mga sagot sa utak ko, iniisip ko parin ang nangyari kanina.... Nagseselos ako! Lagi nya nalang kasama si Trixy, oo bestftiend nya yon! Alam ko! Pero grabi naman! Parang mas jowa nya pa yung bestfriend nya kesa sa totoong girlfriend nya. Nakakainis! Naka-titig lang ako sa test paper ko at walang pumapasok sa isipan ko kung di si Lucifer at si Demon.... Wala akong maisagot! Nadi-distract ako!

-

Makalipas ang halos dalawang oras ay natapos din ako sa exam ko, na-una na sila Devi saakin sa cafeteria kaya dali-dali akong tumakbo tungo duon. Hindi ko alam kung tama ba lahat ng sagot ko sa exam, basta nag-exam okay nayun!

Bukas pa naman lalabas ang result kaya wala akong gagawin ngayon kung di ang mag-saya dahil for sure bagsak ako, ni wala akong naintindihan sa exam ko! Lalo na sa math at english! Dapat di ako mag mukhang stress lalo na malapit na ang.... Secret!

Pagpasok ko sa cafeteria ay nakita ko agad sila Lucifer kasama si Trixy nanaman! Lagi nalang sila ang mag-kasama! May karapatan akong awayin si Trixy... Pero di ako ugaling aso! Mas gusto kong kausapin muna si Lucifer bago mag-assume, napanguso nalang ako at nag simula nang kumuha ng pagkain.

Na-upo na ako sa tabi ni Devi, "Kamusta exam?" Tanong nya.  "Bagsak ako" Mabilis na sagot ko. Lahat sila ay napatingin saakin, "France? G*ga ka!" Wika ni Fae.

"Nice! Akala ko ako lang" Natatawang sabi ni Gab. Di na sila nag salita pa, kumain na kami ng tahimik---Este ako pala, sila tawa ng tawa at kuwentuhan ng kuwentuhan habang ako ay nakanguso at naka titig sa pagkain ko. "Everyone! Listen!" Maarteng sigaw ng babaeng tumayo sa lamesa. Lahat kami ay napatingin sakanya at nag-aantay ng sasabihin nya

"Guys wala ba kayong napapansin? It's official! Lucifer and Trixy is now dating!" Masya nyang sabi. Lahat sila ay napangiti at nag hiyawan, sila Devi naman ay tinignan ako na para bang gulat na gulat. Well ako den nagulat! Ano ba earth? "Break na kayo?" Sabay na sabi ni Devi at ni Gab. Umiling ako at ngumuso nalang, "My god!" Sabi ni Fae.

Sumulyap ako kay Lucifer na nakatingin din pala saakin, gulat ang nakikita ko sa mata nya. "Congrats" Sabi nung babaeng palaka na nag sabi na nagda-date si Lucifer at si Trixy. Tumayo si Trixy sa gilid ni Lucifer at hinalikan nya ang pisnge ni Lucifer kaya lahat kami nila Fae ay napatayo.

Diko na mapigilan ang galit ko...

Share This Chapter