CHAPTER 30
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 30: "FORGOT"
FRANCE LOPEZ
Di ko na mapigilan ang galit ko kaya kinalampag ko ang lamesa dahip para mapukaw nila ang atensyon ko, tumingin ako ng masama kay Trixy na ngayon ay nakangisi na para bang nang-aasar. Lahat sila ay nakatingin saakin, galit ako pero masakit kasi parang wala lang kay Lucifer. Tutulo na ang luha ko kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng cafeteria, takbo lang ako ng takbo hanggang dalhin ako ng mga paa ko sa dorm namin.
Nagtaklob ako ng kumot at nag-iiyak nalang, grabi! Ang sama ng ugali nya! Baka totoo namang nagda-date na sila? O baka palabas lang ni Trixy yun? Bakit ka ganto Lucifer?
-
Sa sobrang iyak ko ay naka-tulog na pala ako, nagising akong gabi na at kumakain na sila Devi. "Okay kalang France---" Di kona pinakinggan si Devi at dali-dali na akong lumabas ng dorm namin para puntahan at ka-usapin si Lucifer.
LUCIFER
"Bakit mo ginawa yun?!" Sigaw ko kay Trixy na ngayon ay naka-simangot ang mukha. Nandito kami sa plaza, wala nanamang tao kaya ayos lang na pag-usapan namin yun dito. "Chill kalang Luci---"
"Chill? Trixy sinasaktan mo si France!"
"B-biro lang naman yung kanina eh."
Ginulo ko ang buhok ko at tinitigan sya sa mata, nakita kong na mumuo na ang luha sa mga mata nya. "P-prank lang yun" Dahilan nya pa. Tuluyan nang lumabas ang luha nya sa kaliwa nyang mata
"Sinisigawan mo ko.. Nakalimutan mo nabang birthday ko?" Naiiyak na sabi nya.
"Hindi ko nakakalimutan. Lika nga dito" Hinila ko sya at niyakap, mali ako... May nilabas akong kuwintas saaking bulsa "Ito nga regalo ko oh" Wika ko, ngumiti naman sya at muli akong niyakap.
"T-thank you.. Kala ko nakalimutan mona"
"Ikaw nag bestfriend kong iyakin. Kaya bakit ko makakalimutan?"
Humiwalay sya sa pag kayakap at humarap saakin ng naka-ngiti. "Suot mo saakin" Utos nya. "Baka isipin na ng lahat na nagda-date tayo" Seryoso kong sabi. "Edi sasabihin ko bukas sa lahat na prank lang yon" Inarte nya.
Itinaas nya ang buhok nya, pumunta ako sa likod nya at sinimulang isuot ang regalo kong kuwintas...
FRANCE LOPEZ
Habang naglalakad ako ay napukaw ng atensyon mo si---Lucifer? Sinusuotan nya ng kuwintas si---Trixy? Napatigil ako at para bang napako ako sa kinatatayuan ko.. Nakangiti si Trixy habang si Lucifer ay masayang sinusuotan sya ng kuwintas.
Malayo ako kaya di nila ako makikita, pero ako? Tanaw na tanaw ko sila, kilalang-kilala kona ang pag tayo at ang aura nilang dalawa, pag tapos suotan ni Lucifer ng kuwintas si Trixy ay agad nya itong niyakap.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig... Tumakbo ako pabalik sa dorm at nag-iiyak na nanaman sa loob ng kumot, di ako ginagambala nila Fae dahil alam nilang kaylangan ko toh.
-
Maaga akong nagising, nagtungo agad ako sa cr para maligo at ayusin ang sarili ko. For sure may plano sila Devi para saakin yayy! Exited na ako! Nag uniform na ako at lumabas ng may ngiti saaking mga labi.... Nakita ko silang naka-upo lang sa sofa, naka busangot ang mga mukha.
"Goodmorning bunso! Okay kana ba?" -Fae
"Nagugutom kaba? Dika kumain kagabi" -Devi
"Naka-usap mona ba si Lucifer?" -Alier
"Maayos naba kayo?" -Gab
Nalungkot naman ang ekspresyon ko, nakalimutan ba nila? O may pinaplano sila? Umalis na ako at nag tungo na sa classroom, naka sunod lang sila sa likod ko. "Gooday class" Bati ni maam ivy. "Marami sa inyo ang bagsak... Kasama ka na don France Lopez" Mapait na sabi ni maam ivy.
Gulat ang naging ekspresyon nila Devi, dali-dali akong lumabas ng classroom at nag tungo sa isnag bench na wala masyadong tao. Alam kong sinusundan ako nila Devi, na-upo ako sa bench at huminga ng malalim, nakita ko ang dalawang pares ng heels kaya agad ko itong tiningala--Si Trixy. "H-hi" Bati nya. Tumayo ako at tinitigan sya ng masama
"Gusto ko lang mag so---"
*PAK*
Iasang malakas na sampal ang inabot nya saakin, galit at lungkot ang nararamdaman mo ngayon kaya diko makuntrol ang emosyon ko. "France!" Pagtawag saakin nila Devi. Nasa kanan kona pala sila, at nasa likod ni Trixy si Lucifer.
"Pumunta ako dito para mag sorry! Pero sa tingin ko dimo deserve!" Sigaw ni Trixy. Diko DESERVE? Mama mo! Agad na humarang si Lucifer, nasa kanan kona ngayon sila Devi. "France?" Gulat na sabi ni Lucifer.
"G-girlfriend mo ba talaga ako ha?!" Pasigaw na tanong ko. Kumunot ng noo si Lucifer, "Oo, ano bang---" Di na nya naituloy ang sasbaihin nya dahil tumulo na nag basang likido saaking mata. "Bakit diko maramdaman?" Tanong ko.
"Ikaw bayan France? Kasi parang hindi eh.. She need your apology!"
"I need your apology!.... And your f*cking attention!"
Lahat sila ay nagulat at natahimik sa inasal ko. "May pabigay-bigay kapa ng kuwintas kay Tixy! Akala mo diko nakita ah!" Sigaw kong muli.
"Binigyan ko sya non dahil BIRTHDAY nya" Balik ni Lucifer saakin.
Si Trixy naman ay umiiyak ngayon, pa-victim? "Buti pa ibang tao alam mo yung birthday nila... Sa girlfriend mo hindi" Wika ko
"Ang pangit ng ugali nyo! Ilang taon na tayo mag-kakaibigan di nyo alam kung anong petsa ng birthday ko!" Bulaslas ko kila Devi.
"Alam moba kung anong araw ngayon ha? B-birthday ko" Wika ko. Tumakbo muli ako dahil ayoko ng kausapin sila, dinala ako ng dalawang paa ko sa malaking puno, kung saan naka sabit ang dalawang duyan.
Na-upo ako duon at humagul-gol ng yak, grabi sila! Buong akala ko may plano sila para sa birthday ko ngayon, pero mali ako... Ang pangit ng ugali nila! Ilang taon na kami magka-kaibigan nakalimutan pa nila ang birthday ko.
DEVINA KELT
"F*ck" Mahinang sambit ko, "Oh M G! Sabi na may nakalimutan tayo eh" Sabi ni Fae. "We Forgot..." Dagdag nya pa.
Sa sobrang busy namin sa pagre-reviwe ng exam, nakalimutan nanamin ang birthday ni bunso. Argh! Anong klasing utak meron ako? Takte! Lahat ng birthday namin kabisado nya... Tapos yung kanya nakalimutan namin
Masakit nga yon, babawi kami. "Habang maaga pa planuhin na natin" Biglang sambit ni Gab. "Kasi naman Lucifer eh!" Inis na sambit ni Fae.
G*go ka talaga Lucifer! Gulat ang ekspresyon ng mukha ni Lucifer at ni Trixy ngayon. Na-upo kami nila Fae dito sa bench at nag simulang mag-isip ng plano para sa birthday ni France.
"May na-isip ako" Biglang sabi ni Lucifer. Buti naman g*go ka! "Gab hanapin nyo si France.. Mag kita-kita nalang tayo sa main building" Dagdag nya pa.
Ano bang plano ni Lucifer ah?! Sinunod nalang namin sya dahil wala talaga kaming ma-isip, sana all may isip! Agad na naming hinanap si France...