CHAPTER 28
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 28: "BUSY"
FRANCE LOPEZ
Malapit na ang exam kaya abala kaming lahat sa pagre-review, ang lahat nga ng estudyante ay sik-sikan sa library eh. Kami naman ay sa dorm lang nag review dahil marami nganga tao sa library, "Alier tulungan mo naman ako sa english" Sabi ko. Sa aming lahat kasi ay si Alier lang ang mahilig mag-aral, sumunod langa ko.
"Ako muna! Tulungan mo ako dito sa history" Sabat ni Devi na kanina pa hirap na hirap sa history at sa math. "Guys pwede ba sa susunod mag-aral naman kayo" Inis na sambit ni Alier. "Andyan ka naman" Wika ni Gab na walang ginagawa kung hindi ang kumain ng piatos. "Alier mamaya tulungan mo ako sa math ah" Sabi ko. "Kay Lucifer. Magaling yun sa math" Suhestiyon ni Gab, oo nga! Dati si Lucifer ang gumawa ng paper quiz ko eh.. Pero nasan nga ba sya? Ilang araw ko narin sya di nahahagilap eh.
LUCIFER
"May balita na ba tungkol sa BBW?" Tanong ko sa isang tauhan ko. "Wala pa po, hindi pa namin mahanap ang kuta nila" Sagot nya. Kinalampag ko ang lamesa at lahat sila ay napa tingin saakin, "Wag kayong babalik dito hanggat wala kayong magandang balita. Maliwanag ba?!" Sigaw ko
Tumango na sila at nag simula ng mag martsa paalis, minasahe ko ang noo ko habang nag sisigarilyo. *KNOCK* *KNOCK* Pag tapos nyang kumatok ay agad na syang pumasok, di man lang nag hintay.
"Boss, abala ang lahat sa nalalapit na exam"
"Anong gagawin ko?"
"Ah.. M-marami na po kasi ang hindi gumagawa ng mga exams nila.."
"Madali lang yan. Umalis kana"
Lintik na mga estudyante toh! Gusto talagang ginagalit ako eh! Inubos kona ang sigarilyo ko at nag simula ng pumunta sa mga buildiong nilang lahat. Marami ang nagsi-siksikan sa library, marami din sa plaza, mukha namang okay ang lahat. Minsan talaga g*go lang ang mga tauhan ko, "Lucifer?" Pagtawag saakin ni Audrey. "May problema ba?" Tanong ko, "Ang dami pong nag pupumilit na lumabas, nasa gate ang karamihan" Balita saakin ni Audrey. Minsan talaga si Audrey nalang ang magaling sa pag bibigay ng balita
Agad na akong tumungo sa gate, ang daming nag kukumpulan at nag pupumilit na lumabas. Di sila natatakot sa mga bantay ah! "Lahat kayo!" Sigaw ko na pumukaw ng atensyong nilang lahat, "Balik sa loob!" Dagdag kopa. Tinignan nila ako na parang takot na takot, "Gusto na naming umalis sa kulungang ito" Sabi ng isnag lalaki. Ngumisi ako "Bakit? Akala koba gustong-gusto nyo dito dahil masaya at walang bawal? Ha?" Tanong ko.
"Papatayin mo kami pag bumagsak kami sa exams."
"Alam mo naman pala eh. Edi dapat ngayon ay nasa library din kayo habang nagre-review diba?"
"Hindi kami matalino---"
"Dahil hindi kayo nag-aaral! Gusto nyo lang na laging masaya! Lagi nyong tandaan na hindi lahat ng sobra ay mabuti! Buti nga hinihikayat kopa kayo mag-aral eh! Bumalik na kayo sa loob kung ayaw nyong mamatay ng maaga!"
Dali-dali silang nag martsa paalis, napasinghap ako sa hangin. Tsk! Diba nila naiintindiha ang paaralang ito? Mga gunggong! Bumalik na ako sa main building para asikasuihin ang mga gawain ko. Na-miss ko tuloy si France, sana naman ay nag-aaral sya ngayon.
Tambak na papeles ang bumungad saakin sa office ko, agad ko itong tinignan at pinirmahan lahat. "Lucifer" Biglang sumulpot si Trxy sa harapan ko kaya tumingala ako para makita sya. "Marami ka atang ginagawa. Gusto mo tulungan kita?" Pag-aya nya. "Kaya ko nato." Sabi ko.
"Pero gusto---"
"Trixy umalis kana. Diko kaylangan ng tulong"
"Mukhang pagod kana.. Masahihin kita gusto---"
"Labas na!"
Napa-irap nalang si Trixy at lumabas na, kahit kailan talaga napaka kulit ng bestfriend kong yon. Maghapon akong naka-upo sa swivel chair ko habang inaasikaso ang tambak na papeles sa harapan ko.
Gabi na at di paako kumakain, ang tanging gusto ko lang ay matapos tong p*tanginang papeles nato para makapunta ako sa dorm nila France, miss na miss kona ang sol ko. Lumagok ako ng wine at nag sindi muli ng sigarilyo ko tapos ay binasa ang mga papeles.
FRANCE LOPEZ
Gabi na pero di pa ako tapos sa pagre-review ko, ayoko namang mag patulong kay Lucifer dahil siguro ay abala din yun sa mga gawain nya. Pagtapos ko maligo at kumain ng hapunan ay na-upo agad ako sa sofa at nag basa ng libro, si Devi na ang naliligo ngayon, si Fae naman ay katabi si Alier na nag babasa din ng libro. Habang si Gab, ayun! Lakwatsa nanaman, halos manakit na ang mata ko kakabasa sa mga librong toh! Wala pa ako sa kalahati nakakaramdam na ako nang antok.
Buong araw kami di nag kita ni Lucifer dahil sa ka-busy-han, miss kona nga sya eh. Kasama nya kaya ngayon si Trixy? Kahit hindi ko sabihin ay nag seselos naman talaga ako. Sino ba namang hindi? Hayy! Halos lumuwa na ang mata ko kakabasa sa mga librong toh! Pagod na pagod na ang batok ko kaka-yuko.
-
Kinabukasan, ganon parin! Sa susunod na araw na kasi ang exam kaya abala talaga ang lahat sa pagre-review. Di nga ako nakakalabas ng dorm eh, pag gising ko ay libro agad, pag tapos maligo mag-susulat naman. Pag tapos kumain ay magka-kabisado naman
Sana pagtapos ng exam na toh ay magsaya naman kami... Mahalaga pa naman ang nalalapit na araw..
Kumain na kami ng sabay-sabay, "Para sayo daw" Wika ni Gab sabay lapag ng isang plastic bag. "Ano toh?" Tanong ko habang binubuklat ang plastic. "Galing kay Lucifer yan" Sagot nya naman.
Pagkain ang laman ng plastic, marami itong laman na gulay at may mga gummy bears pa. Hinatian ko sila dahil diko naman mauubos ang lahat ng ito, buti nalang ay naalala pa ako ni Lucifer.
Di pa sya nakuntento, pag balik ni Gab ay may dala pa syang mogu-mogu, at ibinigay saakin.. Galing daw kay Lucifer, may nakasulat pa nga eh.
I Love you sol, galingan mo sa exam ah! Goodluck!
Sweet yarn? Halos mamula ang buong pagkatao ko, nako! Nako! Lucifer wag mokong sinasanay! Baka mamaya mag-intay ako ng mga pagkain. HAHA Charess!
I Love you na talaga Lucifer!!!