CHAPTER 27
THE UNIVERSITY OF GANGSTERS
CHAPTER 27: "KISS"
FRANCE LOPEZ
Pinunasan ko ang mga luha sakaing mata at huminga ng malalim bago pumasok sa kuwarto ni Lucifer. Pag ka pasok ko ay nakita ko ang walang malay na si Lucifer katabi sila Gab na para bang malungkot? "Ayos na ba sya?" Tanong ko.. "France.. Kalma kalang" Sabi ni Devi na nag pakunot ng noo ko. "P-patay na si Lucifer" Wika ni Gab na nakatulala kay Lucifer.
Agad na kumabog ang dibdib ko dahil sa narinig ko, dahan-dahan akong lumapit kay Lucifer at umiyak.. "S-sol? Bakit moko iniwan? Sol please! Gumising ka!" Sigaw ko habang umiiyak. Sobtang sakit sa puso ng nakikita ko, "Please Lucifer!" Pagmamakaawa ko.
"Ang ingay naman" Sabi ni Lucifer na dilat na dilat ang mata. P*tangina nyo! "B-buhay ka?" Gulat na tanong ko. "Nakadilat ako oh. Syempre!" Tinignan ko ngasama sila Gab na ngayon ay tawa ng tawa. Mga hinayupak!
"Sol gumising ka! *LOUGH*" Pang-aasar ni Gab. "Alam mo Gab sa susunod layuan mo na ako. Letche ka!" Bawi ko.
Hinaplos ko ang buhok ni Lucifer, "Okay kana ba?" Tanong ko. "Mhh" Maikli nyang sagot. Kumain lang kami saglit tapos non ay natulog narin si Lucifer dahil masakit pa ang katawan nya. Di naman mawala sa isip ko si Demon, alam kong mali ang ginawa ko.. Pero ayoko na syang saktan
Si Gab at ang mga lalaking naka maskara na ang kasama ni Lucifer ngayon sa clinic, sila Devi naman ay pumasok na. Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng clinic, umulan kasi kanina... Sa dulo ay na kota ko si Trixy na nag mamadaling mag lakad, baka pupuntahan nya si Lucifer. Pero ang sama ng tingin nya saakin, nang makaharap nya na ako isang malakas na sampal ang pinakawala nya. "Pag may nangyaring masama kay Lucifer di lang yan ang aabutin mo!" Pag babanta nya saakin. Dali-dali na syang pumunta sa kwarto ni Lucifer at naiwan akong naka tayo dito sa hallway.
Napa-upo nalang ako habang hawak ang kaliwa kong pisnge, ang sakit non ah! Pero sabagay kasalanan ko din naman kung bakit nag kaganyan si Lucifer. Dahil saakin yun kaya diko sya masisisi, ilang minuto pa ako nag tagal bago tuluyang umalis. Nag punta na ako sa klase ko
-
"Dismiss!" Malakas na sambit ng aming guro saka umalis. Isinabit kona saaking likod ang bag ko sabay labas na ng classroom. Sabay kami nag tungo nila Devi and Fae sa cafeteria, na-una na sila Gab and Alier saamin. Pagka-pasok namin sa cafeteria ay maingay parin, ang dami paring nag tatakbuhan at nag tatawanan. Nahagip agad ng mata namin sila Gab dahil malapit lang sila sa entrance, kumuha na kami ng pagkain at na-upo na.
"Nag review na kayo?" Tanong ni Gab. "Hindi. Mangongopya nalang ako kay Alier" Sagot ni Fae. Oo nga pala! Malapit na nga pala yung exam, hayy! Wala pang pumapasok sa kokote ko! So kailangan kong mag-review mga mare!
Agad na napukaw ng atensyon namin si Lucifer na papasok... Kasama si Trxy na naka busangot ang mukha, na-upo sila sa may bandang gitna. Wala sila Demon pati yung mga alagad nya, si Chloe din diko pa nakikita. Asan na kaya yung mga yun? "Kasama na naman nya si Trixy" Biglang sabi ni Devi sabay subo ng isaw. Napa buntong hininga nalang ako at tumuloy na sa pag kain
"Di kaba nag seselos sis?" Fae asked
"Konti. Bestfriend lang naman nya yan eh" Sagot ko habang nilalaro ang pag kain ko.
"Bestfriend? Eh lagi nya yang kasama kesa sa girlfriend nya ah" Mahinang sabi ni Devi. Alam ko naman yun! Pero ayoko namang manguna.. Malay natin BESTFRIEND nga lang, diba? "Crush talaga ni Trxy yang si Lucifer.. Matagal na" Wika ni Gab na nakatingin kila Trixy.
"Eh si Lucifer?" Tanong ko. Ibinaling ni Gab ang paningin nya saakin, "Hindi" Maikli nyang sagot. Nag patuloy na ako sa pagkain dahil baka ma-late pa ako sa next class ko, "France!" Napatigil ako sa pag tayo ng marinig ko ang pamilyar na boses---Si Lucifer. Tumingin ako sakanya, "Hatid na kita" Sabi ni Lucifer na palapit saakin. Ngumiti ako at umiling nalang, baka may gagawin pa sila ni Trixy! "Tara na. Hatid na--" Di na nya naituloy ang sasabihin nya ng bigla nalang sumulpot si Trixy sa tabi nya. Aba! Humawak pa sya sa braso ni Lucifer...
"Tara na sa main building?" Pag-aya ni Trixy kay Lucifer. "Wala na tayong gagawin don ah" Sabi ni Lucifer. "Meron pa. Kaya tara na" Pilit ni
Trixy.
"Sige. Sol mamaya nalang ah" Huling sasbi ni Lucifer bago tuluyang umalis. Napa-irap nalang ako, nagtungo narin ako sa klase ko dahil mukha akong tanga.
-
Makalipas ang apat na subject ay lumabas na ako at nag tungo sa plaza para maupo saglit at mag pahangin, marami na rin ang tao dito, wala pa sila Devi dahil may klase pa sila. Ganon din sila Gab, inikot ko ang ulo ko para patunugin ito, nahagip ng mga mata ko sila Lucifer at si Trixy na masayang nag-uusap habang nag lalakad. Gusto ko sana silang puntahan... Pero mukha namang okay na si Lucifer at ayokong maka-abala sa kanilang dalawa, hayy! Nakalimutan ata ni Lucifer na may jowa sya..
Habang nakatingin ako sakanila ay nakita ako ni Trixy.. Tinarayan ako ng bruha! Kumapit pa sya sa braso ni Lucifer kaya lalo pang uminit ang dugo ko, argh! Kainis! Diko na natiis, tumayo na ako at nilapitan silang dalawa. "Sol?" Pagtawag ko kay Lucifer na agad akong tinignan, "France?" Patanong na sambit nya. "Pwede ba kitang maka-usap saglit?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo nya at pumayag narin
Naglakad kami sa walang tao masyado at di narin kasama si Trixy. "Bat sol? May problema---" Di na sya nakapag salita dahil niyakap ko agad sya ng mahigpit. "Na-miss kita" Bulong ko sakanya. "Kanina lang magkasama tayo. Miss mo na agad ako?" Tanong nya, "Dapat pala lagi mo akong kasama" Dagdag nya pa sabay tawa. Humarap ako sakanya at hinalikan sya sa pisnge, namula pa nga si Lucifer...
Pag tapos non ay tumakbo na ako paalis, nakakahiya ng bery bery layt! Nakangiti akong tumatakbo na parang baliw. Wala akong pake kahit pinag titinginan na nila ako, di nila alam na ki-niss ko si Lucifer.