Back
/ 44
Chapter 15

CHAPTER 14

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 14: "BESTFRIEND"

FRANCE LOPEZ

Hanggang ngayon ay sumasayaw parin kami ni Lucifer dito sa gitna, natigil kami dahil nabungo kami. Sabay kaming napa tingin sa likod ko at nandun si Demon kasayaw si Chloe, sa kaliwa ko naman ay nandun sila Devi and Gab. Tapos sa kanan sila Fae and Alair, napa singhap nalang kami sa hangin ni Lucifer.

May babaeng lumapit saamin kaya napatingin kami sakanya, sya yung babaeng kasama kanina ni Lucifer. "Hi?" Bati nung babae. "Ahm France, this is Trixy Farllow. May Bestfriend" Pagpapakilala ni Lucifer sakanya.

Ngumiti ako "Hi din" Sabi ko. "Ah France pwede bang mahiram yung Bestfrien ko?" Tanong nya sabay kagat ng labi. "Ah oo naman" Sambit ko sabay bitaw sa batok ni Lucifer.

Ngumiti naako at bumalik na sa kinauupuan ko kanina, silang lahat ay masayang sumasayaw sa gitna habang ako ay naka tunga-nga lang dito! Napatingin ako kay Lucifer at Trixy.

Masaya silang nag bubulungan at nag tatawanan, sila Demon and Chloe naman ay seryoso lang na sumasayaw. Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Lucifer, shems! Ano batong nararamdaman ko? Di naman ata to selos noh? Sana nga di selos toh!

Tumigil na ang kanta at napalitan ng hip-hop song kaya lahat sila ay naupo sa sakanya-kanya nilang puwesto, may mga waiter na nagse-serve ng mga pag kain. May mga meet balls, pasta, chiken, take, salad, at isang bote ng wine.

"May beer ba kuya?" Tanong ni Gab sa waiter. "Yes po sir, kukuha ko po kayo. Ilan po ba?" Saad ng waiter. "Apat lang" Sagot ni Gab. Tumango nalamang ang waiter at umalis na.

"Iyo lahat yun?" Tanong ko. "Dalawa sakin, dalawa kay Alair" Sagot ni Gab, kaming girls ay hindi umiinom ng beer. Si Fae and Devi ay nagwi-wine habang ako ay nagtu-tubig lang dahil di namna ako umiinom ng alak.

Natapos na kaming kumain, kasalukuyan akong naka tayo dito sa harapan ng mga pag kain. Kumukuha lang ako ng juice, "France right?" Tanong ng babae sa gilid ko, si Trixy

Tumango nalang ako at ngumiti "Boyfriend mona ba si Lucifer?" Malakas na tanong nya, maingay kasi yung sound kaya nilalakasan nya yung boses nya.

"Hindi pa" Maikli kong sagot. "Hindi pa? So may balak kang sagutin sya?" Tanong nya habang nag sasalok ng wine. "Ewan" Wika ko.

"Tara dun tayo sa mesa namin" Sambit nya sabay hila sa kamay ko. Wala naakong nagawa dahil ang higpit ng hawak nya sa kamay ko

Nakarating kami sa mesa nila at naupo sya sa tabi ni Lucifer, ako naman ay naupo sa harap nilang dalawa. "France?" Patanong na sambit ni Lucifer. "Hi" Ngumiti ako.

"Dito muna si France. Inom ka sis" Alok saakin ni Trixy ng wine. "Okay lang, di ako umiinom" Saad ko. Sumimangot si Trixy, and shems! Ang cute nya!!!

"Sayang naman. Pero okay lang" Sambit ni Trixy sabay inom ng wine. "Lasing kana ata eh" Wika ni Lucifer. "Ano kaba! Wala pangang sampung baso tong naiinom ko" Saad ni Trixy.

Napasandal nalang si Lucifer, ano bang ginagawa ko dito? Naupo lang ako dito para pag masdan si Trixy uminom ng wine? Ano to joke? Tumayo naako at aalis na dapat pero...

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lucifer. "Hinahanap na ata ako nila Devi" Sagot ko. Tumango nalamag si Lucifer kaya umalis naako.

Napabugtong hininga nalamang ako dito sa kina-uupuan ko, habang sila Devi ay nag tatawanan. Naka titig lamang ako kila Lucifer and Trixy na masayang nag bubulungan. Hayss! Kanina lang sabi ni Lucifer na mahal nya ako, ngayon naman parang binabawi nya na.

Baka naman mali lang yung pagka-rinig ko kanina? O baka naman totoo. Nakakabanas ka na Lucifer! Takte! Ano batong nararamdaman ko? Kainis.

-

*2Hours Later*

Kasalukuyan kaming nag lalakad ngayon pauwi sa dorm dahil tapos na ang party, naka sabit si Alier sa balikat ni Fae, si Gab naman ay naka akbay din kay Devi.

"Akala koba dalawang beer lang ha?!" Pagbu-bunganga ni Devi kay Gab. "Eh naka sampu ata kayo ei" Dagdag pa nya.

Nakarating na kami dito sa dorm, natulog na silang lahat. Ako naman ay kasalukuyang naliligo ngayon, di mawala sa isip ko sila Lucifer at si Trixe. Mag Bestfriend ba talaga sila? Eh parang kay Trixy lang ngumingi tong si Lucifer eh.

Nag bihis naako ng pajama, at isasara kona ang bintana. Sandali akong napatigil dahil may nakita kong lalaking naka kapoteng itim, may takip ang mukha nya kaya diko sya makita. Naka tingin lamang sya saakin kaya kinabahan ako

Agad nyang kinuha ang pana nya sa likod at pinana ang bintana namin kaya napa-upo ako sa lapag. Dali-dali kong sinara ang bintana at sinilip ito ng kaunti. Wala na yung tao

Binuksan ko ulit yung bintana at nakita ko dun yung pana, kinuha ko iyon at naupo ako sa kama ko. Sinara ko narin yung bintana, ito yung pana na pinutol ni Lucifer sa plaza nung nakaraan.

Bakit naman nila ako papanain? Tsaka ako ba yung papanain nila o yung bintana talaga? Itinatago ko nalang ang pana sa ilalim ng kama at niyakap na si Devi, natulog nalanga ko dahil sa sakit ng paa ko.

-

Maaga akong nagising kaya ako na ang nag luto, tulog pa silang lahat. Walang itlog sa kabinet kung saan naka lagay yung mga pag kain namin, kaya kasalukuyan akong nag lalakad dito sa labas papunta sa minnie store

Nasa minnie store naako at nag titingin-tingin lang. "Goodmorning" Agad kong nilingon ang katabi ko at si Trixy iyon.

"Goodmorning din" Sambit ko, "Marunong ka mag luto?" Tanong ni Trixy sabay kuha ng chips.

Ngumiti ako at tumango nalamang, "Wow, sana sa susunod turuan moko" Saad nya. Hindi pala marunong mag luto tong anghel nato! Tsk. Ano ba France? Ansama mo ah!

"Sige" Malamig na sagot ko. "Yon! Sa susunod punta ka sa Main Building, dun kasi kami nakatira" Saad nya.

Main Building? Meganon pa pala, diko panga talaga nalilibot ang kabuuan ng university na to. Umalis na si Trixy kaya nag bayad naako at umalis narin.

Bumalik naako sa dorm at nadatnan ko si Devi na naka upo nasa sofa. Pumunta naako sa kusina at nag luto na.

Sabay-sabay ko na silang ginising para kumain. Pag tapos namin kumain ay natulog muli sila Gab and Alair, kami naman ay naka upo lamang dito sa sofa, wala kasi kaming pasok ngayon.

Share This Chapter