Back
/ 44
Chapter 12

CHAPTER 11

THE UNIVERSITY OF GANGSTERS

CHAPTER 11: "DEADLY TOWER"

FRANCE LOPEZ

Kanina paako nandito sa loob ng cr, umiihi naako para di naako maihi mamaya sa tower. Hinubas ko ang aking blazer at inilapag iyon sa sink, baka kasi mabasa.

Pin-lash kona ang inidoro at binuksan ang pinto, pag bukas ko ay bumungad saakin ang dalawang lalaki. Hinatak nila ang dalawa kong braso, shems! Kinalad-kad nila ako palabas ng building, pinag titinginan panaga ko eh.

"Argh! Ano ba ha?!" Bulas-las ko. Pero wala silang ginagaw akung di kalad-kadin ako.

Ang lakas nila, naka rating kami sa magubat na parte ng university. Bumungad saamin ang napaka taas na tower, piste! Kaya nga tower eh! Parang bahay ni repunzel toh! Walang bintana o kahit na ano. Tanging pinto na itim ang nandon.

Nandun si Audrey at si Lucifer na parang iniintay ako. "Ipasok na yan!" Utos ni Audrey na agad nilang sinunod.

Pinasok nila ako sa loob, sumunod naman si Lucifer na parang di man lang kinalad-kad, madilim at mainit sa loob. Pag sara ng pinto ay agad akong napa kapit sa braso ni Lucifer, sobrang dilim.

"Wag kang matakot, nandito ako" Malamig nyang wika.

Umakyat kami sa napaka-taas na hagdan, pag karating namin sa taas ay may pinto duon. Binuksan ni Lucifer ang pinto at bumungad saamin ang napaka lakas na hangin, lumavas sya at ako naman ay naiwan.

"Halika.." Pag-aya saakin ni Lucifer. Dahan-dahan akong lumabas, hawak-hawak ni Lucifer ang kanan kong kamay.

"Idilat mo yang mata mo.. Tignan mo ang ganda" Sambit nya. Binuksan ko ang dalawa kong mata at namangha ako, napaka gnda nga.

Puro puno at kulay green lang ang tanawin, rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon. Rinig ko rin ang malakas na hangin na hinahampas kami, naupo sa gilid si Lucifer at ako.

"B.. Bakit ka nga pala sumama?" Lakas loob kong tanong.

Nakatingin ako kay Lucifer habang sya ay nasa tanawin ang paningin. "Pag nandito kasi ako feeling ko walang problema." Malamig na sagot nya.

Ahh kala ko gusto moko makasama, shares! Ang pogi ni Lucifer mga inday! He's brown eyes, he's pink lips. He's chubby cheeks, shems! Parang ang sarap kurutin ng pisnge nya. Takte! Kalam kalang selp!

Natamaan ng araw si Lucifer, habang ang buhok nya naman ay nililipad ng hangin, ang pogi nya sa malapitan.

FAE KATSUMI

Nasa Deadly Tower na daw sila France and Lucifer, kami naman ay nandito sa cafeteria kumakain. Sana ay okay lang sila France, ow sh*t! Di alam ni Lucifer na may hika si France! Sana ayos lang sila...

Tahimik lang kaming kumakain nang bigla nalang may malakas na tunog kaming narinig banda sa pintuan. Lahat kami ay agad na napa tingin duon, pumasok si Demon and Chloe kasama ang mga lalaking naka maskara.

Galit na galit ang mata ni Demon habang si Chloe naman ay para bang naiinip? Lumapit si Demon sa kina-uupuan ni Audrey.

"Bakit mo pinarusahan si France?!" Bulas-las ni Demon. Shems! Anong meron?

"D-dahil ako ang SSG president-*BOGSH" Lahat kami ay napatayo at nagulat dahil sinapak ni Demon si Audrey.

"Sa susunod umayos ka, sabihin mo muna saakin lahat ng hakbang mo!" Sigaw ni Demon. Umalis na si Demon at ang mga kasama nya.

Lahat kami ay naiwang tulala at gulat, bakit ganon yung reaksyon ni Demon? Nagse-selos ba sya or ewan!

FRANCE LOPEZ

Kanina pa kami ni Lucifer nakatulala dito sa tanawin. Ang tahimik nya, buong mag damag lang sya naka tingin sa malayo.

"Nilalamig ka?" Finally! Tinanong iyon ni Lucifer dahil kanina paako naka akap saaking sarili. Naiwan ko kasi yung blazer ko eh.

"H.. Hindi" Ows? Tologo ba? "Suot mo tong blazer ko oh" Saad ni Lucifer sabay tanggal ng blazer nya.

"Hindi. Okay lang" Pag sisinungaling ko, ayaw ko tanggapin dahil baka nilalamig din sya.

"Suot mona"

"Dina-"

"Isusuot mo o huhubaran kita hanggang sa manigas ka sa lamig?" Promblema mo Lucifer ha?

At dahil natakot ako sa titig at pag babanta nya.. Kinuha kona ang blazer nya at isinuot kona saakin, mejo malaki kaya parang kumot narin.

"Salamat" I smiled.

"Lucifer ba talaga pangalan mo?" Wala sa sariling tanong ko. Kasi naman napaka tahimik eh, di ako sanay.

"Hindi. Xyver Thor Cassiano" Malamig na sagot nya. Naka titig lang ako kay Lucifer habang sya naman ay nasa malayo ang tingin.

"Ilang taon kana?" I asked.

"18"

Ahh dapat pala kuya ang tawag ko sakanya, i'm 16.

"May kapatid kaba?" Makulit talaga ako.. Sorna!

"Meron"

"May Girlfriend ka?"

"Nasa QandA baako?" Inis na sambit nya

"Ah.. Sorry"

Hayss! Ang kulit ko talaga. Sensya na tao lang, napatingin kami ni Lucifer sa bubong dahil biglang umulan. Nag didilim na pala, kanina paako di kumakain kaya kumakalam na ang sikmura ko.

-

Lumubog na ang araw at sumilay na ang dilim, walang buwan dahil natatakpan ng makapal na ulap. Wala paring hupa ang pag ulan, nababasa na nga yung sapatos namin eh.

Magdamag lang kami nakatingin sa malayo ni Lucifer, di sya umiimik o nag sasalita. Hayss! Binibitay baako? Ang sakit na talaga ng tyan ko!

Humikab ako at kinamot ang mata ko "Inaantok ka?" Tanong ni Lucifer. "Konti." Tipid kong sagot.

"Sumandal ka sa balikat ko" Sambit nya. Agad akong napatingin sakanya, ha? Seryoso ka?

"Di ayos lang" Saad ko. "Sasandal ka o iuumpog kita sa pader?" Sambit ni Lucifer na nag patakot saakin.

Shems! Ano ba Lucifer! Tinatakot moko! Wala naakong nagawa kung di sumandal nalang sa balikat nya. Shems! I feel so safe.

Sa sobrang komportable ko ay diko nalamalayang naka akap na pala ang kaliwa kong kamay sakanya. Ang kaliwa nyang kamay ay naka ikot saakin, habang ang kanan nyang kamay ay naka hawak sa kaliwa kong kamay.

Lalo paakong inantok sa ginawa naming posisyon, "May Boyfriend kana ba?" Diko marinig ang sinasabi ni Lucifer pero alam kong nag-sasalita sya. "Pwede bang ako nalang?"

"Ha?"

"Wala. Binge"

Ano daw?

-

Iminulat ko ang dalawa kong mata, nakita ko ang buong paligid na basa at ang araw. Agad naakong kumalas sa yakap ni Lucifer, pinunsan ko ang aking nata at inilibot iyon.

"Goodmorning" Agad akong napa tingin kay Lucifer na gising na pala.

"Goodmorning din" Masaya kong sambit.

Di na kami nag tagal, binuksan na nya ang pinto at bumaba nakami. Pag labas namin sa Deadly Tower ay sinalubong kami nila Devi na agad akong niyakap.

"Okay kalang France?" Tanong saakin ni Fae

Tumango nalamang ako bilang sagot. Nag lalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria dahil gutom na gutom naako.

Nasa labas palang kami ng cafeteria nang maka salubong namin sila Demon, kasama nya si Chloe at ang mga lalaking naka maskara.

Tumingin ng masama si Demon kay Lucifer, lumapit si Demon ng kaunti kaya lumapit din si Lucifer. Ngayon ay mag kaharap na sila habang kami ay nasa likod lang.

"Bumalik kapa" Giit ni Demon. Tinignan ako ni Demon kaya napa tingin din ako sakanya.

"Kakabalik ko palang. Banggaan ba gusto mo?" Tanong ni Lucifer. Diko makita ang ekspresyon nya dahil naka talikod sya. Tinitigan ni Demon si Lucifer ng napaka itim

"Madaming mangyayari ngayong buwan na ito.. Sa unang linggo ng mayo, pagsumilip na ang buwan. Duon tayo mag banggaan" Sambit ni Demon sabay ngisi.

Humakbang na si Demon paalis kasama sila Chloe. Nilapitan ni Gab si Lucifer at may ibinulong sya, di naman namin marinig.

Agad na kaming pumasok sa cafeteria at umorder ng maraming pag kain. "France okay kalang? Parang aso ka kung kumain" Wika ni Devi.

Diko na sila pinapansin, tuloy-tuloy lang ako sa pag kain dahil napaka sakit ng tyan ko. Itong si Lucifer naman ay parang sanay ng magutom, umiinom lang sya ng beer

"Ayy sis kahapon pala si Demon sinapak si Audrey" Napatigil ako sa sinabi ni Fae. Ha? Si Demon?

"Ha? Bakit daw?" Tanong ko. "Ewan ko" Sagot ni Fae.

"Pabida" Agad kaming napa lingon kay Lucifer dahil sa sinabi nya. "Ehem" Biglang sambit ni Gab

Binaliwala ko nalang iyon. Pero bakit nya sinapak si Audrey? Tsaka babae yon! Grabi naman si Demon, mejo batakot tuloy ako sakanya, may naaalala ako sakanya kapag nagagalit sya...

Yun ay yung stepfather ko na binubog-bog ako dati...

Share This Chapter