Chapter 7
Yesterday's Loaded Bullets
It's already 4:15pm kakatapos lang ng klase namin kaya naman nagchat nlang ako sa mga kaibigan ko na magkita kami sa parking lot sa mall na lagi naming pinuntahan pag may oras. Ngayon pala kami gagala dahil na postpone ito sa pagbabar last time.
I drove my way to the mall at ilang minuto pa'y naabutan ko ang mga kaibigan kong pinagtatawanan si Jazer. Agad naman akong pumarada sa harap nila at pinark yung ducati ko.
"Oh anyare jan sa mukha mo?" tanong ko kay Jazer ng makitang may benda ito sa pisnge. Nagtawanan nanaman sila Leon at Cassidy kaya nagkatinginan nalang kami ni Zayah.
"Tanga kasi magtatampisaw nangalang sa dibdib pa ni Ms. Mendoza." sambit ni Leon kaya dko na napigilang tumawa. Gago ampota kaya naman pala mapula ang pisnge ket nakabenda na. Malakas siguro ang sampal ni Ms. Mendoza sakanya.
"Masarap ba Kendall?" tanong ni Zayah dito, kaya napakunot na napalingon ito sakanya.
"Ang alin." nakakunot na tugon nito habang hawak ang pisnge.
"Ang sampal." sabi ko sabay tawa kaya natawa marin kaming apat except kay Jazer na grabe kasama ang tingin samin. ket kailan talaga napakatanga.
"Tama na, a-ayoko na gago." natatawang saad ni Cassidy habang pinipigilang tumawa ulit.
"Ito magsuot ka ng cap girl baka kami pa pagbintangan na gumawa nyan." natatawang sabi naman ni Leon at inakbayan si Jazer.
Pumasok na kami sa mall at naglibot. Kung ano ano lang pinupulot namin tutal nandito naman si Leon may taga bitbit kami, para naman may ambag yung mga muscle nya. Kung di palang to bakla magkakapamalang bouncer sa bar sa bruskong kumilos pag nasa labas kami. Leon sa umaga, mariposa sa gabi.
Napunta kami sa arcade nitong mall, nasa may basketball area ako at naglalaro kasama si Cassidy. Yung tatlo naman di ko alam saan nagsilusot mukhang naglalaro rin. Padamihan kami ng score ni Cass , ang talo may dare sakin. I smirked when i won. Easy pussy.
"Paano ba yan?" nangaasar na saad ko dito. Natawa naman ako sa asim na mukhang pinapakita nya dito. Tangina ampanget talaga.
"Oh ano? bilisan mo para matapos na gutom na'ko." nakahalukipkip na sabi nito at inirapan pa talaga ako naknangpucha.
"Kita mo yan?" sabay turo ko sa babaeng naka jogging pants lang at parang nagbabantay ata ng maliit na bata pero sa cp naman naka tingin.
"Oh? ano titigan lang ba?" masayang saad niya. Tanga mas exciting tong naisip ko.
"See that child? itakbo mo at ilibot sa mall." natatawang sambit ko dito. Agad naman nanlaki mata nya at napatingin sakin.
"Gago kaba? Bata yan oi iba nalang." napailing iling na sabi niya.
"Tanga, sabi ko itakbo mo ng dahan-dahan at libutin mo sa mall, inshort i babysit mo." saad ko dito sabay pitik sa noo.
"Mukhang bored na yung baby ouh , di man lang pagtuonan nung yayang nagbantay." dagdag ko pa dito kaya naman kalaunay pumayag narin ito.
Nagsilapit namana yung ibang kaibigan namin sa pwesto ko habang si Cassidy at tinanguan ko para magsimula na siya. Napatingin naman sila Leon sakin na nagtatanong.
"Watch her." natatawang sabi ko sakanila at binaling ang tingin kay Cassidy na palapit na dun sa bata. Ilang minuto pa ay tumingin tingin ito sa paligid at maya maya ay kinuha ang bata sa gilid nung babae at tinakbo sa labas ng arcade.
Nagkatinginan naman kaming apat at tumawa ng malala. Tangina yung reaction nung nagbantay mas dinaig pa si brenda na natataranta.
"Hayup na Cassidy, shit." nakaluhod na tawa ni Jazer habang hawak hawak yung pisnge nyang kumikirot kakatawa.
"Tangina mo Rajim pag may nangyari dun sa bata ipapakatay kita." sermon naman ni Zayah sakin.
"Nope , ipapasyal lang naman ni Cass yung bata kasi bored na dun sa yaya niyang cp ang inaatupag." natatawang saad ko. Hinila naman kami ni Leon para lumabas. Nakita pa naming sinundan siya ng mga security guard at ang gaga takbo nang takbo, pinagtitinginan nanga siya.
"Cassidy Janea E. Castro certified kidnapper 2k22." sambit ni Leon at may pa sign pa sa billboard. Natawa naman kami ulit dito. Para na kaming sira sa sobrang lakas ng tawa namin.
Ilang minuto pa ay napunta kaming apat sa Korean Restaurant para kumain ng panghapunan.
"Jazer ikaw muna magbayad sa pinagkainan ko bente nalang nasa bulsa ko." sabi ko kay Kendall tsaka nginitian ko ito ng matamis.
"Tanginamo ako pa hiningan mo wala rin akong dalang pera nanghiram lang ako kay Zayah." himutok naman na saad nito kaya napatingin kami kay Leon.
"Leo--" naputol naman yung sasabihin namin ni Jazer ng pinalsakan niya kaming dalawa ng kimchi.
"Ang ingay niyo kumain nangalng kayo! Andami niyong mga pera tapos ni sengkwenta wala sa bulsa niyo?? Ginagago niyo ba ko??" nakatingin lang kami dito habang nangsesermon.
"Oh! magpasalamat kayo kay Zayah dahil siya ang magbabayad ng pagkain natin." dagdag pa niya kaya napahalagpak kaming dalawa ni Jazer kakatawa. Lakas ng loob mangsermon di rin naman siya ang magbabayad tangina.
Napatingin naman kami kay Zayah na parang pinagsakluban. Sa sobrang sama ng tingin nito samin.
"Anonâ"
Naputo ang sasabihin ni Zayah at tawanan namin dahil sa babaeng nakatayo sa harap namin na parang badjao na dahil sa pawis at nakakarga parin ng bata.
"T-Tanginamo Rajim, hawakan niyo muna yung bata pagod na pagod nako kakatakbo, mga siraulo." hinihingal na saad ni Cassidy sabay bigay samin nung batang karga nya. Kinuha ko naman agad ito at inupo sa lap ko. Ang cute na bata naman to. Nakangiti lang ito at nagpapalakpak na nakatingin samin kaya napangiti nalang ako.
"Yan tanga, umopo ka muna dito tsaka kumain , orderin ko lng yung pagkain ng bata kung meron man." sabi ni Jazer tsaka umalis sa upoan at pumunta ng counter para magorder. Ilang minuto pa ay bumalik na ito kasama yung bowl ng cerelac.
"Gago ka, saan mo nakuha yan? Seriously cerelac sa korean restaurant??" Nakataas na kilay na salubong ni Zayah kay Jazer.
"I find ways." matipid na tugon ni Jazer at umopo sa tabi ni Cass. Kinuha naman ni Cass yung bata at sya na nagpakain mukhang ginanahan magpakain dahil sa sobrang cute nito.
Kumakain lang kami dito at nagkwentohan ng nakarinig kami ng ingay sa may entrance ng restaurant. Agad naman akong napalingon doon at agad nanlaki ang mata ko sa nakita. What are they doing here?
Agad ko namang kinalabit sila Jazer ar nginuso yung sa entrance. Pare-pareho kami ng reaction. Lima silang lahat isang lalaking naka uniporme na pulis at apat na babae kasama na dun si Doc Sol, nakasunod rin sakanila yung yaya nitong bata.
"What the hell did you do to my son Castro?!" galit na sabi ni Ma'am Alex. Tsaka ano raw?? Son?? Anak niya tong ubod ng cute na bata??
"Teka Ms. Alex , a-anak mo tong si pochie??" nanlalaking tugon ni Cass sabay turo sa batang nasa lap niya na tumatawa lang at hinampas hampas pa siya sa mukha.
"I'm asking you." mariin na sabi ni Miss Alex. Pinag titinginan na kami ng mga tao dito. Kaya nilapitan naman kami nitong pulis na kasama nila.
"Sumama muna kayong lahat sakin sa presinto, doon tayo maguusap." sabat nung pulis na lalaki kaya agad nanlaki ang mata ko. Yawa makukolong kami?
"Give my son Castro kung ayaw mong dumapo itong kamay ko sa madumi mong mukha." walang preno saad ni Ms. Alex kay Cassidy at kinuha ito sakanya. Binigay niya naman ito sakanya at nauna ng maglakad paalis.
Napatingin naman ako kay Ms. Soline na tahimik lang na nakamasid samin. Si Ms. Alliyah at Ms. Luji naman ay inirapan lang yung nasa gilid ko kaya napamaang nalang sila Zayah at Jazer dito. Tiningnan ko naman si Leon na kanina pa tahimik , himala ata to. Malayo ang tanaw nito at nakatitig lang sa pulis na kausap ni Ms. Alex.
Lumabas na kami sa mall at sumakay sa sasakyan ng pulis para dalhin sa presinto. Tangina ayokong makita si papa sermon abot ko nito. Ilang minuto pa ay nakarating na kami at pumasok na sa presinto. Sumumod naman sila Ma'am sa likod.
"Ipasok mo yang lima sa selda" sambit ni sir na pulis. Tangina lang.
"T-Teka sir pagusapan muna natin to pinasyal ko lang yung bata!" sambit ni Cassidy dito. Pero wala itong narinig at tinulak kami sa selda. Tiningnan ko naman si Ms. Soline na nakatingin sakin pero wala man lang pakealam na inirapan ako.
"Sir naman pinakain namin yung bata sir!" sigaw naman ni Jazer.
"Tanginamo Rajim, ba't kasi yan pa dinare mo kay Cassidy tanga ka." nangigigil na sabi ni Zayah sakin tsaka binira yung dulo ng buhok ko.
"H-Hoy! sabi ko lang naman ipasyal, malay ko bang anak ni Ms. Alex yang bata. Isapa, hello!kung di sa utos ko edi sana di mageenjoy yang bata." sambit ko naman dito tskaa tinuro yung bubwit na nakadila samin at pumapalakpak pa talaga.
"Miss Alex b-baby este ma'am pinasyal lang naman namin yung bata." muntik pa kong matawa sa mukha ni Cassidy parang inagawan ng candy.
"Umopo muna tayo dito , kita niyo ng di man lang tayo balingan ng tingin nila ma'am." himutok ni leon sabay upo sa sahig. Napatingin naman ako kay Ms. Sol na nakatingin sakin and she just rolled her eyes on me. the heck is wrong with her kanina pa to irap nang irap. Umalis naman silang lahat pati na si Ms. Sol after magusap ni Ms. Alex at nung pulis na dumakip samin.
Ilang oras kaming nakatunganga sa selda at inaantok narin dahil sa pagod. Napapikit naman ako, nagising lang ng may maingay na nagsasalita papunta dito.
"What the hell is this Inspector Maniego?!" napatayo naman agad ako sa boses ni papa. Tangina talaga. Napatayo narin ang mga kaibigan ko dahil dun.
"Why did you locked my daughter behind bars?!" galit na sigaw ni papa mukhang ngayon niya lang nalaman. Lagot nanaman ako nito.
"Capt. Lopez they kidnapped a child." mariing sambit nito at sinamaan pa ng tingin si leon? somethings fishy here.
"What?! Rajim ano to?!" Sigaw ni papa sakin kaya napaismid nalang ako. Pagod nako magsalita antok na antok na talaga ako. I miss my doraemon pillows.
"Eh tito tinak- este pinasyal lang naman kasi namin yung bata at pinakain." sabi ni Cassidy habang nakabusangot.
"Get them out of here." saad ni papa kaya walang nagawa si inspector at pinalaya kami. Sinaman naman ako ng tingin ni papa.
"And you lady, follow me maguusap tayo." Sumunod naman ako kay papa at tinanguan naman ang mga kaibigan bago lumabas ng presinto. Pumasok naman ako ng sasakyan katabi si papa pauwi ng bahay. Wews the night is still young.
"Anong pumasok sa kokote niyo at tinakbo niyo ang batang yun?? Apo ng mga Roa yun Rajim paano nalang at nagsampa ng kaso ha?" sermon ni papa pagpasok namin ng bahay.
"Pa sinabi ko na sayo na pinasyal lang namin yung bata, we didn't harm the kid at isapa pinasaya lng namin." paliwanag kopa dito habang paakyat ng hagdan.
"Pinasaya o kung ano man yan kidnap parin yun, the fact na tinakbo niyo yung bata." patuloy pa rin na sambit nito.
"Goodnight pa inaantok na talaga ako, just postpone this arguement i'm really tired." tugon ko dito at pumasok na ng kwarto ko. Naglinis muna ako ng katawan at humiga na. Natatawa nalang ako habang inaalala ang mga pinag gagawa namin kanina. Fucking retards.