Back
/ 92
Chapter 8

0:11

Half Past Midnight

Quantum Leap

1:03 PM

Andre:

salamat pala sa mga to

kahit na mukhang handa pang new year

saka san niyo nabili yung mansanas medyo walang lasa

sumakit lang panga ko kakanguya

Travis Avan:

ang kapal ng mukha mong kainin yan di naman para sayo yan

Gab:

dinala namin yan para kay tito??!

Gian:

siya rin nakahiga kanina tas si tito nakaupo sa tabi niya nagbabantay gago

Andre:

aba siyempre puyat ako kakabantay sa kaniya

Cyd:

teka sino bumili ng fruit basket

niyog ba yun

bakit may niyog??

pano nila bubuksan saka kakainin yan diyan?

Dous:

gi sabi ko alisin mo diba

Gian:

di, malay natin gusto ni tito kumain ng ginataan sa ospital

Cyd:

sa tingin mo ba pwede yung ginataan sa ospital??

Travis Avan:

ni hindi man nga naconfine si tito

pauwi na rin sila tas pag-ginataan mo pa

River:

hideout na kami dre

pakisabi kay tita salamat, and kay tito na pagaling siya

Andre:

parang gago kasi bakit di niyo pa ako sinama

Gian:

diyan ka na lang

Gab:

bantayan mo muna sila tito, kami na bahala

ngayon ka lang naman wala

Andre:

di ba kayo pupuntang ent ngayon?

hoy

sumagot kayo

seryoso nab-bored na ako dito sa ospital

dapat pala dinala ko gitara ko

wala akong ginagawa

di sanay kamay ko

hoy kausapin niyo ako

Dous:

magdasal ka para naman magkakuwenta buhay mo

Travis Avan:

anong gitara mambubulabog ka pa sa ibang pasyente diyan

Gian:

mamaya ka na busy kame

River:

kung pambalat mo ng prutas si tito diba

Andre:

ano pang silbi na nandito si alexei

Travis Avan:

palitan mo na lang yung galon ng water dispenser ubos na yon kanina

Andre:

ah pinalitan na rin ni tatay kanina

nauhaw ako e

Gian:

gago to?

Dous:

tarantado ka

Andre:

joke lang malamang ako nagpalit

---•---

Twitter

Dous @rushthe_ii

who let andre in the group again?

comments.

Cyd Lardizabal

desperado tayo nung mga panahon na yon

Share This Chapter