FI 16
FAKE IT | A KENTIN AU
"Jah . . . Can I kiss you?" Pilit mang umiwas ng tingin ni Justin ay parang nalulunod siya sa mga tingin ni Ken. Pero may naalala siya.
"'Di ba sabi mo nirereserve mo ang kiss mo sa taong magugustuhan mo? Paano 'yan? Nakailang halik ka na sa akin." Natawa si Ken sa sinabi ni Justin.
"Tsk. You ruined the mood."
"Ay sorry naman. Matulog ka na nga!" Tinulak ni Justin si Ken paalis ng kama niya.
"Saan na ang halik ko?" Hirit ni Ken sa kanya.
"Adik ka ba? Dapat jowa mo lang ang hinahalikan mo. Bakit sa akin ka nanghihingi?"
Bigla na lang siyang hinalikan ni Ken ng walang abiso. Hindi agad nakareact si Justin sa bilis ng mga pangyayari.
"Can you be my boyfriend?" Ken blurted out. Nakanganga lang na nakatingin si Justin sa kanya. Natatawa naman si Ken sa ekspresyon niya.
"Ano na? Tulala ka diyan? I like you Jah. Hindi pa ba halata? Bakit naman ako manghihingi ng kiss sa'yo kung hindi kita gusto?" Mas lalo lang nalaglag ang panga ni Justin sa biglaang pag-amin ni Ken. "I don't go around asking for a kiss, you know."
"Lasing ka ba?" Ang tanging lumabas sa bibig ni Justin.
"Hindi ako lasing." Piningot ni Ken ang ilong niya. "At saka sino ba ang nanghahalik diyan sa tulog?" Napatakip ng mukha si Justin dahil sa sinabi ni Ken.
"Haha Halika nga rito." Niyakap niya si Justin ng mahigpit habang nagtatago pa rin ito sa mga palad niya.
"Kainis! Gising ka pa pala no'n!" He said in a muffled voice. "Nabaliw lang ako ng panandalian no'n. Bwisit ka kasi! Nanghihingi ka ng halik tapos halos ayaw mo ng tumigil. Sino ba'ng hindi mababaliw?" Natawa si Ken sa narinig.
"Patingin nga ng nabaliw sa halik ko?" Tinanggal ni Ken ang mga kamay na nakatakip sa mukha ni Justin. Pinaghahampas naman siya nito sa braso.
"Ahhh! Nakakainis ka!" Tawang tawa si Ken kay Justin.
"I love you too." Hinalikan ni Ken ang noo ni Justin at nawala agad ang inis sa mukha nito. "I love you Jah." Tumulo ang luha ni Justin kaya niyakap niya si Ken para itago ang mukha niya.
"Nakakainis ka." Nanginginig ang boses ni Justin habang sinasabi niya 'yon. Hinagod ni Ken ang likod niya para patahanin siya.
"I love you too, Jah." Bulong ni Ken sa kanya.
"Good morning sa jowa ko."
Tinadtad ng halik ni Ken si Justin habang mahigpit niya itong niyayakap. Napapapikit na lang si Justin sa ginagawa ng jowa niya. Oo. Sila na.
"Ken, itigil mo na nga 'yan. Bangon na tayo. May pasok pa tayo oh."
"Good morning kiss ko?" Ngumuso si Ken sa kanya kaya tinampal ni Justin ang labi niya.
"Ke aga aga Ken. Nanghihingi agad ng halik. Adik ka ba?"
"Adik sa'yo. Ayieeh." Inirapan ni Justin si Ken at tinulak. Dahil maliit lang ang kama ni Justin kung saan nakikisiksik si Ken para doon matulog ay nahulog si Ken sa kama. "Aray!"
"Malilate na tayo! Bilisan mo na diyan!" Ken gazed at his grumpy boyfriend with a smile on his face.
â
Habang naglalakad sila ay pilit na inaabot ni Ken ang kamay ni Justin kaya panay iwas naman Justin sa kanya.
"Ken, umayos ka nga. Ang daming tao sa paligid." Pabulong na sabi ni Justin.
"Paki ba nila." Sinamaan siya ng tingin ni Justin. Hindi na nagpumilit pa sa Ken at sinabayan na lang siya sa paglalakad.
Pagkarating nila sa room ay nagtinginan agad ang mga kaklase nila. Nagtataka bakit magkasama na naman sila.
Tahimik silang umupong dalawa. Nilapit ni Ken ang upuan niya kay Justin at nilaro-laro ang kamay nito. Pilit namang pinipigilan ni Justin ang mapangiti dahil sa ginagawa ni Ken.
Pagkatapos ng klase nila ay dumiretso sila sa park para mag-aral. May quiz kasi sila sa next subject nila.
"Woah! Bati na sila!" Lumingon agad silang dalawa sa nagsabi nito.
"Hi Justin! Magkaaway na naman kayo ni Paulo?" Natawa si Justin sa tanong ni Stell.
"Hindi. Bakit mo naman nasabi?"
"Wala lang. Hindi na naman kasi kayo magkasama. Hehe Free ka ba this weekend?" Napalingon si Justin kay Ken. Matalim nitong tinitingnan si Stell.
"Uhm . . . May date kami ng boyfriend ko." Napangiti agad si Ken at palihim na hinawakan ang kamay ni Justin sa ilalim ng mesa.
"WHAT?! May boyfriend ka na?" Nanlumo si Stell sa narinig. Agad naman siyang dinaluhan ng kaibigang si Josh at hinagod nag likod niya. "Sino? Bakit hindi ko alam?"
"At bakit naman niya ipapaalam sa'yo? Baliw na 'to." Singit ni Josh. "Magmove-on ka na kasi. Alam mo naman na wala ka talagang pag-asa." Sinamaan siya ng tingin ni Stell.
"By the way, kumusta na pala si Jewel?" Pahabol na tanong ni Josh. Nagkatinginan sina Justin at Ken.
"Uhm . . . About diyan, sa susunod na namin sasabihin sainyo." Ang tanging sinabi ni Justin.
Medyo naguguluhan man sila sa sagot ni Justin ay hindi na rin sila nag-usisa pa.
"Tara na nga. 'Wag na natin silang istorbohin. Una na kami. Enjoy!" Pabulong ang pagkasabi ni Josh sa huli niyang sinabi. Nagwink pa ito sa kanilang dalawa pagkatapos ay hinatak na niya si Stell paalis.
"Ang bilis makaramdam ni Josh ah." Puna ni Ken. "So may date tayo this weekend?" Nakapangalumbaba niyang tanong.
"Wala. Sinabi ko lang 'yon para tumahimik siya." Sumimangot si Ken. "Saan mo ba gusto?" Nagliwanag agad ang mukha ni Ken.
"Hmm. Sainyo?"
"What? No."
"Grabe naman 'to. Ilang beses ka na nga sa bahay, dalhin mo naman ako sainyo."
"Alam mo naman na hindi pa tanggap ni mama kung ano ako 'di ba? Tapos magdadala ako ng lalaki? Baka itakwil na ako."
"Kaya ba nagset-up siya ng blind date sainyo niâsino nga 'yon? Basta." Tumango si Justin. "Sabihin mo lang na kaibigan mo ako. Promise hindi sasama ang loob ko."
"Seryoso ka ba? Bakit gustung-gusto mong sumama sa bahay?"
"Para mas makilala pa kita. I know may side ka pang hindi pinapakita sa akin kaya gusto kong malaman 'yon."
"Wala na akong maipapakita pa kasi nakita mo na lahat."
"Hindi pa ah. May hindi pa ako nakikita." Sabi ni Ken habang nakataas-baba ang kilay niya kaya binatukan siya ni Justin.
"Ang dumi ng utak mo!"
â
"Ma, si Ken po . . . "
"Hello po Tita." Bati ni Ken at nagmano sa mama ni Justin.
"Ikaw na ba 'yong kaklase ni Justin?"
"Opo."
"Si Papa?"
"Nando'n sa vegetable garden niya sa likod. 'Wag niyo ng puntahan, pabalik na rin 'yon. . . Ayan na nga."
"Oh! Andito na pala ang prinsipe ko." Nilapag muna ng papa ni Justin ang basket niya na may lamang mga gulay bago lumapit at niyakap ang anak niya.
Napalingon siya sa likod nang mapansing may kasama pala ito.
"Boyfriend mo?" Bulong niya sa anak.
To be continued . . .
[vee: Uyyyy! Sila naaaa! Ayieeeh! Hahaha Ang bilis ng panahon! Two weeks to go and we'll say goodbye to Fake It. 𤧠Parang kailan lang, excited pa ako na irelease 'to tapos ngayon patapos na. Haaayyy. Thank you po sa mga nag-aabang at walang sawang sumusuporta! Love you all! ð«¶ Btw, update ko lang ang Visar, nakakuha po akoooo! 𥳠My kuting heart is so happy! Sana nakakuha rin po kayo! If hindi man, may second batch ata base sa live ni bujah kahapon. Stay tuned lang daw sa sns nila! Nagpromote? Haha Anyways, see you again next week! ð]
ÊÑÉ vee | kentintrovert ÊÑÉ