Back
/ 23
Chapter 19

FI 17

FAKE IT | A KENTIN AU

"Paano niyo po nalaman?" Bulong ni Justin sa papa niya.

"Siya ang unang dinala mo rito eh. Alangan namang wala lang 'yon."

"Papa, maririnig tayo ni mama." Nahihiyang sabi ni Justin.

"Hayaan mo siya." Sabi ng papa niya at saka tumawa.

"Ahem. Ano na naman 'yang bulongan niyo diyan?" Napahiwalay agad ng yakap si Justin sa papa niya.

Lumapit ang papa ni Justin kay Ken kaya nagmano agad si Ken sa kanya.

"Hello po Tito. I'm Ken po."

"Feel at home ka rito ha. Kung may kailangan ka sabihan mo lang si Justin." Tinapik nito ang balikat niya.

"Thank you po."

"Jah, dalhin mo muna si Ken sa kwarto mo para makapagpahinga kayo. Maghahanda lang kami ng mama mo ng pananghalian. Tatawagin na lang namin kayo." Nag-okay si Justin at dinala na niya si Ken sa kwarto niya.

"Woah! Ang cute naman ng kwarto mo." Iginala ni Ken ang paningin niya sa buong kwarto ni Justin. "Malayong-malayo sa personality mo." Biro ni niya kaya nakakuha siya ng irap galing sa jowa niya. "'Tamo! Ang sungit-sungit tapos ang kwarto ang cute-cute. Magpacute ka nga Jah."

"Ayoko nga. Akin na 'yang bag mo. Ilalagay ko rito sa cabinet 'yang mga damit mo." Binigay ni Ken ang bag niya at nilabas ni Justin ang mga damit na dala ni Ken at nilagay niya sa loob ng cabinet.

"Parang ang close niyo ng papa mo." Puna ni Ken at umupo sa kama ni Justin.

"Alam na niya na jowa kita." Nagulat si Ken.

"Sinabi mo?"

"Hindi. Napuna lang niya. Ikaw kasi ang una kong dinala rito kaya pagkakita niya sa'yo alam na niya agad. Sa kanilang dalawa, si papa lang ang tanggap ako." Halatang may lungkot sa boses ni Justin. Umupo na rin siya sa tabi ni Ken. Hinawakan ni Ken ang kamay niya. "Sasabihin ko na sa kanila ngayon, okay lang ba?"

"Ikaw, okay lang ba sa'yo? Kung hindi ka pa handa, okay lang naman sa akin. Ayokong masaktan ka kung sakali."

"Ayoko rin kasing itago. Ayokong magsinungaling sa kanila." Naiintindihan ni Ken ang nararamdaman ni Justin. Alam niyang mahalaga sa kanya ang mga magulang niya.

"Okay. Kapag hindi pa rin tanggap ni Tita, itatanan na lang kita."

"Siraulo!" Nahampas tuloy siya ni Justin.

Parang nabawasan naman ang bigat sa damdamin ni Justin dahil sa biro ni Ken. Alam niyang pinapagaan lang nito ang loob niya.

"Gusto mo bang magpahinga muna? Matagal pa 'yon sila matatapos magluto kasi mas matagal pa ang bangayan nila." Natawa naman si Ken. Hinila niya si Justin pahiga at niyakap ito.

"Ken baka makita nila tayo." Pabulong na sabi ni Justin.

"Nilock mo naman ang pinto. Okay lang 'yan. Magpahinga muna tayo. Pagod ako eh." Nakapikit na si Ken habang nakayakap sa kanya.

"Kailangan ba nakayakap?"

"Oo. Para mas mabilis mawala ang pagod ko."

"OA nito. Sige na. Magpahinga ka na."

—

*knock* *knock*

"Anak, kain na. Labas na muna kayo diyan." Pagtawag ng papa ni Justin.

Naalimpungatan si Justin nang marinig 'yon. Nakita niyang mahimbing pa ring natutulog si Ken.

"Ken, kakain na raw tayo. Gumising ka na."

"Hmm? Ah. Nakatulog pala talaga ako." Umupo na si Ken at hinagod ang mata niya.

"Tara na." Hinila niya si Ken patayo. Pagkalabas nila ay nakahain na ang mga pagkain sa mesa.

"Halina kayo." Pagtawag ng mama ni Justin sa kanila.

Magkatabing umupo ang magjowa at sa harapan nila ang mga magulang ni Justin.

"Nak, kumusta naman kayo ni Bea?" Tanong ng mama ni Justin. Nagkatinginan ang magjowa.

"Ma . . .

may jowa na ako. At hindi si Bea 'yon." Ngumiti ang papa ni Justin sa kanya.

"Sino? 'Wag mo sabihing—"

"Ma, hayaan na natin ang anak natin. Hayaan nating mahalin niya ang gusto niyang mahalin."

"Pa—" Hindi na tinuloy pa ng mama ni Justin ang sasabihin niya at bumuntong hininga na lang. "Dalhin mo 'yang lalaking 'yan dito. Kailangan ko munang makilala 'yan." Napangiti ang papa ni Justin.

"Ma,

si Ken po ang jowa ko." Napanganga sa gulat ang mama ni Justin at palipat-lipat ang tingin nito sa dalawa.

Hinawakan ni Ken ang kamay ni Justin at nagkatinginan sila.

"Pa, bakit wala kang reaksyon diyan? Alam mo na? Sinabihan ka na ng anak mo?"

"Hindi ma. Kahit na hindi sabihin ng anak natin, alam ko na agad na jowa niya si Ken. Siya ang pinakaunang dinala niya rito sa bahay eh. At saka masaya ako na hindi niya tinago sa atin at pinakilala niya agad." Pabulong na nagthank you si Justin sa papa niya. "Alam kong mahirap din sa part niya ang pag-amin kasi hindi mo pa siya tanggap ng buo pero naglakas loob siya kahit na magalit ka pa."

Tumayo ang mama ni Justin at lumapit ito sa kanya. Nabigla siya nang yakapin siya nito.

"Sorry. Anak sorry. Tanggap kita. Okay? Pagpasensyahan mo na si mama kung pinipilit kitang makipagdate sa hindi mo naman gusto. Hindi na 'yon mauulit." Umiyak si Justin sa balikat ng kanyang mama. Hindi niya lubos maisip na darating ang araw na 'to.

"M-ma. Thank you."

"Ken alagaan mo itong anak namin ha. Kapag ikaw nagloko, susundan talaga kita sa impyerno."

"Ma, grabe naman 'yan." Natatawang sabi ng papa ni Justin.

"Don't worry po Tita. Hinding hindi po 'yan mangyayari and thank you po sa pagtanggap sa amin." Tumango ang mama ni Justin at hinagod ang balikat ni Ken.

"Kumain na tayo." Bumalik na sa pagkaka-upo ang mama ni Justin.

"By the way, alam na ba ng parents mo?" Tanong ng papa ni Justin kay Ken. Nagkatinginan ang magjowa.

"Hindi pa po pero sasabihin din po namin."

"Sabihan mo kami anak kung hindi ka tanggap ng mga magulang ni Ken. Susugurin ko."

"Ma!" Pag-awat ng papa ni Justin.

Natawa ang magjowa sa sinabi nito pero sa kaloob-looban nila ay natatakot silang umamin sa nga magulang ni Ken dahil sa ginawa nilang panloloko sa mga ito.

"Jah, sigurado ka bang ngayon na talaga tayo pupunta? Pwede namang sa susunod na linggo na lang."

"Binabagabag na kasi ang kalooban ko Ken. Kung mag-aantay pa tayo ng isang linggo, baka mabaliw na ako. Gusto ko ng malaman kung mapapatawad pa ba nila tayo o hindi. At least, mas maaga malaman ko na para maka move-on na rin."

"Ano'ng move-on? Makikipaghiwalay ka sa akin kung hindi nila tayo tanggap?! Hindi ako papayag Jah. Pipiliin pa rin kita."

To be continued . . .

[vee: This chapter focuses on reconciliation. Sa tingin niyo ba magiging maayos din ang pag-amin nila sa parents ni Ken? 🤔 o itatanan na talaga siya ni Ken? 🤭 Btw, malapit na talaga tayong matapos. Ano'ng hula niyo sa ending? Fluff or Angst? 🤔 What do you think? Ano'ng genre ang gusto niyo?]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter