FI 15
FAKE IT | A KENTIN AU
"Jah, matutulog ka na?" Pagtawag ni Ken.
Nakatalikod na si Justin sa kanya kaya hindi niya alam kung tulog na ito o hindi.
"Bakit?" Tanong ni Justin at humarap sa kanya.
"Uhm . . . 'yong nalasing ako. Ikaw ang naghatid sa akin dito 'di ba?"
" . . . Oo." Iniwas ni Justin ay paningin niya. "Buti at naalala mo."
"Oo. Naalala ko na . . .
lahat."
Napakagat labi si Justin sa narinig. Nang lumingon siya kay Ken ay nakatitig ito sa kanya.
Hindi naman siguro niya naalala pati 'yon 'di ba?
[FLASHBACK]
"Ang bigat mo Suson! Bakit ka ba kasi naglalasing?! Ugh!"
Parang hangin lang ang kinakausap ni Justin. Wala na kasi sa ulirat si Ken dahil sa kalasingan. Inihiga na niya ito sa kama niya.
Aalis na sana siya pero naalala niyang pawis na pawis pala si Ken kanina kaya kumuha muna siya ng damit at pinalitan ang damit nito. Kinumutan na niya ito pagkatapos at tatayo na sana nang hawakan nito ang kamay niya kaya napaupo siya pabalik sa kama ni Ken.
"Ken bitawan mo ang kamay ko. Aalis na ako." Sabi niya rito. Bahagyang dumilat si Ken at tumingin sa kanya.
"Jah?"
"Hmm?"
"Galit ka ba sa akin? Ayaw mo na ba sa akin? Bakit hindi mo na ako pinapansin?" Sunud-sunod na tanong niya.
Tila may kirot sa puso ni Justin nang marinig ang mga tanong niya. Inaasahan na niyang tatanungin siya nito.
"Ginagawa ko 'to para sa'yo. Hangga't magkasama tayo mas lalo lang tayong guguluhin ni Bea. Kaya sana maintindihan mo. Pinoprotektahan lang kita." Kinukumbinsi rin niyang tama ang naging desisyon niya. Alam niyang nahihirapan si Ken sa nangyari pero 'yon lang din ang naisip niyang paraan.
"Bea? Sino 'yon?" Napasapo sa noo niya si Justin.
"Siya 'yong soon to be girlfriend ko raw na secret admirer mo pala. Alam na niya ang sikreto ko, na ako si Jewel kaya binablackmail niya ako para paglapitin kayong dalawa."
"Eh bakit magkasama kayo ni Paulo? Gusto mo ba siya?"
"What?! Hindi ah. Tinutulungan lang niya ako. Sabi niya mas mabuti na munang maghiwalay tayo para isipin ni Bea na nag-away tayo para hindi ka na rin niya guluhin. Triggered lang naman siya dahil sa akin. Kasi nasa akin ang atensyon mo."
"Tsk. Inaagaw ka lang ni Paulo sa akin."
"Mabait naman si Paulo. Mapride lang talaga kayong dalawa. Unreasonable naman ang mga bangayan ninyo. Bakit ko ba 'to sinasabi sa lasing? Hindi mo rin naman 'to maaalala bukas." Hinigit ni Justin ang kamay niya pero ayaw pa rin itong bitawan ni Ken.
"Matulog ka na Ken." Sabi niya rito.
"Kiss muna."
Nanlaki ang mata ni Justin sa sinabi ni Ken.
Lasing nga! Kung anu-ano na lang ang pinagsasabi. Siraulo!
"Siraulo ka talaga Ken kahit lasing ka man o hindi. Bitaw na. Kailangan ko ng umuwi."
"Ayaw. Kiss nga muna!" Napasapo na lang si Justin sa noo niya.
"Hoy Ken Suson! Pinagbigyan lang kita no'ng una kasi . . . kasi . . . ewan! Last na 'yon!"
"Edi dito ka matulog. Hindi kita paaalisin." Umupo si Ken at niyakap ang braso niya. Para tuloy may koalang nakakapit sa kanya.
Pagbibigyan ko ba 'tong lasing na 'to?!? Hindi naman siguro niya maalala ano? Kiss lang naman. Hindi naman french ki-Utak mo Jah! Huhu
"Isa lang ha! Naku ka Ken! Sana 'wag mo na 'tong maalala." Tumingala si Ken sa kanya at biglang nagliwanag ang mukha.
Tuwang-tuwa pa ang kumag. Parang bata! Tapos ang hinihingi hindi naman pambata!
Papalapit pa lang ang mukha niya kay Ken ay sinalubong agad siya nito kaya agad na naglapat ang mga labi nila. Pinulupot nito ang kanang kamay niya sa beywang ni Justin at hinigit papalapit sa kanya. Napasinghap si Justin sa ginawa ni Ken.
Ang dapat na simpleng halik lang ay naging french kiss na nga. Napamura na lang si Justin sa isip niya. Gamit ang kaliwang kamay na nasa batok ni Justin ay mas diniinan pa ni Ken ang paghalik. Nalalasahan pa ni Justin ang alak sa bibig nito. Wala na siyang nagawa kundi ang pumikit na lang at sabayan si Ken.
The kiss went on for minutes. Kung hindi pa tinulak ni Justin si Ken ay hindi pa ito titigil. Nakaramdam na rin ng init ng katawan si Justin kaya pinilit na niyang tapusin 'yon. Baka kung saan pa mapunta.
"M-matulog ka na." Nauutal niyang sabi. Tumango naman si Ken at saka humiga. Nakahinga naman ng maluwag si Justin.
Buti na lang hindi na ulit humingi ng halik. Huhu. Mamatay yata ako ng maaga nang dahil sa'yo Ken!
Ilang sandali pa lang na nakahiga si Ken ay naririnig na ni Justin ang mahinang hilik nito.
Tinulugan agad ako! Ang galing! Ang sarap sapakin eh!
Napagdesisyunan na rin niyang umalis pero bago pa man siya makaalis ay napadako ang paningin niya sa mapupulang labi ni Ken. Tila ba parang may sariling utak ang katawan niya . . .
yumuko siya at hinalikan ito.
Napatayo siya agad nang mapagtanto ang ginawa niya. Sinabunutan niya ang sarili at mabilis na umalis.
[END OF FLASHBACK]
"Nagsisisi ka na sa ginawa mo?" Tanong ni Justin kay Ken.
"Hindi. Maybe, I really wanted it badly." Justin's breath hitched. "'Di ba sabi nila nagiging honest daw ang isang tao kapag lasing."
"Gano'n ba 'yon? HA HA Sana hindi mo na lang naalala."
"Bakit?"
"Kasi nakakahiya. Dapat hindi ako pumayag kasi lasing ka no'n." Tumihaya si Justin at sa kisame na lang tumingin para maiwasan ang mga titig ni Ken sa kanya.
"Do you think dahil lang 'yon sa kalasingan? Kapag hindi ba ako lasing no'n, papayag ka ba?" Napalingon si Justin.
"H-ha? E-ewan." Binalik agad ni Justin ang paningin sa kisame.
Tumahimik ang paligid kaya akala niya ay natutulog na si Ken. Pero nabigla siya nang umupo si Ken sa kama niya kaya napabangon agad siya.
"K-ken."
Seryosong nakatitig si Ken sa mga mata niya hanggang sa bumaba ang paningin nito sa mga labi niya. Hindi niya alam paano pakalmahin ang puso niyang kanina pa nagwawala. Nang tumitig ulit ito sa kanya ay para bang hinihigop siya papalapit dito. Kung anu-anong mura na ang sinisigaw niya sa isipan niya.
"Ken, matulog na tayo." Pinilit niyang 'wag mautal kahit na halos maubusan na siya ng hangin dahil sa kaba.
"Jah . . . Can I kiss you?"
To be continued . . .
[vee: Ken and his walang kamatayang request ng halik kay Justin! ð Pagbibigyan ba ulit??? ð¤ Btw, good luck po sa mga bibili ng Visar Royal Family! Sana makakuha rin ako! ð¤ Huehue]
ÊÑÉ vee | kentintrovert ÊÑÉ