Back
/ 23
Chapter 14

FI 12

FAKE IT | A KENTIN AU

"Jah, may gagawin ka ba this weekend?"

"Hindi ko pa alam. Bakit?"

"Family dinner. You know?" Napakamot si Ken sa batok niya.

"Last na ba 'to?" Parang may kirot sa puso ni Ken nang marinig niya 'yon.

"Oo. Last na 'to Jah. Sorry." Hindi na sumagot si Justin sa kanya. "Jah. Okay pa naman tayo 'di ba?" Ayaw mang aminin ni Ken pero nararamdaman niyang lumalayo na ang loob ni Justin sa kanya pero hindi niya alam kung bakit.

"Oo naman." Habang sinasabi iyon ni Justin ay nakatuon ang atensyon niya sa plates niya.

"Okay. Matulog ka na rin. Gabi na. Good night, Jah."

"Inaway mo ba si Justin?" Masama ang mga tingin ni Stell kay Ken.

"Hindi ah." Depensa ni Ken sa sarili.

"Eh bakit gan'yan 'yan? Halos hindi nga makausap." Nguso ni Stell kay Justin.

"Hindi ka naman talaga niya kinakausap. Ikaw lang ang assuming." Inirapan siya ni Stell. Nagpipigil naman ng tawa si Josh.

"Baka namiss na niya ang pinapadala kong flowers." Sabi ni Stell at tiningnan si Justin na tahimik na kumakain.

"Assuming ka nga talaga." Sabat ni Josh. "Annoyed is the right word Stell."

"Isa ka pa! Bakit hindi niyo na lang ako suportahan? Tulungan niyo kaya ako ano? Para naman may ambag kayo."

"Nah. Kaya mo na 'yan." Sagot ni Josh at kumain ulit.

"Justin, may lakad ka ba this weekend? Labas tayo!" Tanong ni Stell.

"May lakad ako." Tipid na sagot nito. Palihim namang napangiti si Ken. May date kami Stell. Joke.

Hindi naman maitago ni Stell ang lungkot niya at hindi na ginalaw ang pagkain niya.

"Parati ka na lang may lakad. Kailan ka kaya magkakatime sa akin?" Mahinang sabi nito na tama lang para marinig ni Ken at Josh.

"Hala! Nagiging delusional ka na. Ano kayo magjowa? Baka nga may jowa na 'yan si Justin tapos ikaw pinipilit mo pa rin ang sarili mo." Puna ni Josh.

"NO! Wala ka pang jowa 'di ba Jah?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Stell. Tumingin si Justin sa kanya.

"Wala." Napangiti agad si Stell dahil sa narinig.

"See?! Kayo ang assuming."

"Oh bakit gan'yan ka makatingin? Pangit ba? Palitan ko na lang." Aalis na sana si Justin para kumuha ng bagong damit pero pinigilan agad siya ni Ken sa paghawak sa braso niya.

"B-bagay sa'yo. 'Wag mo ng palitan." Nakasuot kasi ng cami dress si Justin para sa family dinner nila.

"Okay."

"Tara na. Naghihintay na sila mommy." Lumabas na ang dalawa sa kwarto ni Ken at naghihintay na ang mga magulang ni Ken sa living room.

"Wow! Jewel anak. Ang ganda mo." Nang dahil sa pagpapanggap nila ay pinag-aralan talaga ni Justin kung paano ang pagmake-up. Mukhang nagbunga naman ang pagod niya.

"Thank you po Tita." Nahihiyang sabi niya.

"Let's go? Ken doon na kayo sa kotse mo. Sunod na lang kayo sa amin."

"Okay dad." Magkahawak kamay silang dalawa papunta sa kotse at inalalayan pa ni Ken si Justin pasakay.

Nauna na ang mga magulang ni Ken kaya nagtataka si Justin kung bakit gano'n pa rin ang inasal ni Ken. Nakalimutan lang niya siguro Jah.

Pagkarating nila sa restaurant ay dinala na sila ng isang crew sa reserved table nila. Isa-isa na rin nilabas ang mga pagkain na inorder ng mga magulang ni Ken.

"Let's wait for a bit. May inaantay pa tayo." Pagkarinig no'n ni Ken ay alam na niya kung sino 'yon.

Napansin naman ni Justin ang pag-iba ng mood ni Ken kaya wala sa isip niyang hinawakan ang kamay nito. Nabigla si Ken sa ginawa ni Justin kaya tumingin siya rito.

Justin realized what he has done that's why he was about to remove his hands when Ken suddenly intertwined their hands. Ken's parents noticed the gestures of the two and they smiled to each other.

"Sorry. I'm late again." Nagmano muna si Paulo sa mga magulang ni Ken.

Ken squints his eyes when he saw a familiar face that Paulo has brought to THIER FAMILY DINNER.

Nabigla si Justin nang makita si Bea. Nagwave ito sa kanya habang may malapad ang ngiti.

"Oh, who is she?" Tanong ng mama ni Ken.

"Mind if she join us po? She's my friend Bea." Pakilala ni Paulo.

"Good evening po Tita. Good evening po Tito." Nagmano rin siya sa mga magulang ni Ken. "Paulo keep on insisting po eh. Ayoko po sanang sumama kasi family dinner niyo po and hindi naman po ako part ng family." Pinandilatan siya ni Paulo. Si Bea kasi ang nagpupumilit na sumama.

"It's okay. Have a seat." Umupo si Bea sa tabi ni Justin.

"Hi Jewel." Bati niya kay Justin. "Hi Ken."

"Did you know Jewel?" Naguguluhang tanong ni Paulo sa kanya. "I thought you didn't know her?"

"Magkaiba pala kami ng class kaya ko 'yon nasabi sa'yo. Nakadate ko kasi ang kapatid niyang si Justin. Magkaibigan kasi ang mga parents namin kaya doon ko lang nakilala si Jewel na KAMBAL niya." Bea's smile is implying something, but only Justin knows.

"Oh! That's great. Magkakakilala na pala kayo." Wika ng mommy ni Ken. "May kambal ka pala Jewel? I hope we could meet him." Tumango lang si Justin.

"Let's eat. The food is getting cold."

"Banyo muna ako." Bulong niya kay Ken. Tumango naman si Ken sa kanya. Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pagkain.

Pagkarating ni Justin sa banyo ay nalito na naman siya kung saan siya papasok. Lumingon siya sa paligid at nang masiguradong walang tao ay pumasok siya sa banyo ng panlalaki.

Pagkatapos niyang umihi ay inayos muna niya ang wig niya dahil napansin niyang medyo hindi maayos ang pagkakalagay niya.

Habang tinatanggal niya ito ay bigla na lang bumukas ang pintuan ng banyo.

"J-jewel?"

To be continued . . .

[vee: Mabubuking na ba si Justin? At sino kaya ang nakakita sa kanya? 🤔 Btw, gusto ko lang pong magpasalamat dahil naka-isang daang followers na tayo! 🥳 Thank you po for the support. Mas nagkakaroon pa ako ng rason para magsulat. It may be little for some, but it is already big achievement for me. No pressure po sa mga hindi nakafollow sa akin. You have your freedom here. Again, thank you! 🙇‍♀️ See you next week! 💕🫶]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter