Back
/ 23
Chapter 15

FI 13

FAKE IT | A KENTIN AU

Hindi nakagalaw si Justin sa kinatatayuan niya nang makita si Paulo.

Shit! Bakit ngayon pa?!?

"Why are you here? In the men's bathroom? Wait! Is that a . . . wig?" Nakarinig si Justin na parang may papasok sa banyo kaya hinila niya si Paulo papasok sa isang cubicle na kinabigla nito.

"Are you Justin?" Bulong na tanong ni Paulo nang mapagtanto ang mga nakita. Hindi makasagot si Justin na nagsilbing kumpirmasyon sa tanong niya. "So you're lying to us?"

"I'll explain to you, but not now. Can you please keep it a secret first?" Hindi makatingin ng diretso si Paulo dahil sa lapit nilang dalawa sa isa't isa. "Please?"  Walang nagawa si Paulo kundi ang tumango bilang sagot.

Nang masiguradong wala ng ibang tao sa labas ay pinauna na ni Paulo si Justin na lumabas ng banyo.

Hating gabi na at tulog na si Ken nang magtext si Paulo kay Justin. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama para hindi magising si Ken. Kumuha lang siya ng hoodie niya at sinuot ito bago lumabas ng bahay kung saan nakaabang si Paulo. Lingid sa kaalaman ni Justin, gising pa si Ken at nakita nito ang pagsakay niya sa sasakyan ni Paulo.

"So, what happened?" Tanong ni Paulo pagkatapos iparada ang sasakyan niya. "Bakit kayo nagpapanggap ni Ken?"

"Ayaw niya kasing madisappoint sila Tita na wala pa siyang girlfriend."

"What?! 'Yon lang ang dahilan?"

"Hindi lang 'yon lang. Importante para kay Ken ang validation ng parents niya lalo pa't . . . parati nila kayong pinagkukumpara." Natahimik si Paulo sa narinig. "Naawa ako sa kanya kaya ako pumayag."

"Si Bea. Bakit kilala niya si Jewel, I mean you?"

"Siya ang matagal ng secret admirer ni Ken. Magkakilala pala ang parents namin kaya kinausap niya ang parents niya na kausapin ang parents ko na magkipagblind date siya sa akin. Tinanong niya kung may kambal ba ako at doon niya nalamang wala."

"Is she blackmailing you? For Ken?" Hindi sumagot si Justin. "So that's the reason why she acted that way. I never thought she's capable of doing that. . . and Ken didn't know about this?"

"No. Wala rin akong balak na sabihin sa kanya."

"Why? This is his problem, not yours."

"Nagsimula naman 'to nang dahil sa pagpapanggap namin kaya hindi lang niya 'to problema. Problema ko na rin."

"I don't get it . . .

unless you have feelings for him." Hindi kumibo si Justin sa sinabi niya at nang tingnan niya ito ay nakayuko lamang ito.

"Please Paulo. 'Wag mo ng sabihin kila Tita. Isang buwan lang naman ang usapan namin ni Ken. Tapos sasabihin niya na naghiwalay na kami. Actually, huli na 'to kaya please 'wag mong isumbong si Ken." Napabuntong hininga si Paulo.

"Okay, but what will you do with Beatrice?"

"I need your help. Kaibigan mo siya 'di ba? Can you convince her too na 'wag isumbong si Ken?"

"Ang dami mo namang request. Ano ba'ng makukuha ko?"

"Ano ba'ng gusto mo?" Napaisip si Paulo sa tanong ni Justin. An idea pops in his mind.

"Layuan mo si Ken."

—

"Break na sina Jewel at Ken?! Saan mo naman nasagap ang balitang 'yan?" Gulat na tanong ni Josh kay Stell.

"Usap-usapan na sa buong college nila. Lumipat na raw ng school si Jewel. Hindi na rin daw nag-uusap sina Justin at Ken. Lumipat na rin daw ng ibang dorm si Justin." Napanganga na lamang si Josh. "May pag-asa na ako kay Justin. Wala ng umaaligid na Ken."

"Wow! Naisip mo pa 'yan? Napakahayop mo naman."

"Paki mo ba? Tsk. Sandali! Si Paulo ba 'yon?" Turo ni Stell sa lalaking naglalakad papasok ng cafeteria. "Kasama niya si Justin?"

"HAHAHA wala na ngang Ken, may Paulo naman. Sumuko ka na boy. Wala ka talagang pag-asa kahit ano'ng gawin mo." Napabusangot si Stell habang nakatingin sa dalawa.

"Hi Ken. Pwedeng makishare ng table?" Bago pa man makasagot si Ken ay umupo na si Bea sa harap niya.

Bakit ba 'to nandito? Hindi ko naman kasama si Justin.

"You can use it. Tapos na rin naman ako." Tumayo si Ken at kinuha ang food tray niya bago umalis. Inis na inis si Bea.

Bago makalabas ng cafeteria ay nahagip pa ng mata niya sina Justin at Paulo na masayang nagkukwentuhan. Parang nanikip ang dibdib niya kaya dali-daling siyang umalis.

May isang klase pa sila sa hapon at pansin ng mga kaklase nila ang hindi pag-uusap ng dalawa. Lumipat na rin ng upuan si Justin. Hindi naman makapagfocus sa klase si Ken dahil gulung-gulo pa rin ang pag-iisip niya sa mga nangyayari.

Pagkatapos ng klase ay mabilis siyang lumabas ng room para umuwi. Sulyap na lang ang ginawa ni Justin sa papaalis na si Ken. Sorry Ken.

Pagkarating ni Ken sa dorm niya ay sinalubong siya ng nakabibinging katahimikan. Tinapon niya ang bag niya sa kung saan at napaupo sa sahig. Hindi niya matignan ang kama ni Justin na ngayon ay foam na lang ang naiwan.

Hindi niya namalayang tumulo na pala ang luha niya. Napasabunot siya sa buhok niya dahil sa hindi mapaliwanag na nararamdaman niya ngayon.

—

"I heard Ken has been drinking lately." Nagpanting ang tenga ni Justin sa sinabi ni Paulo. Drinking? "Are you really sure you wanna do this?"

"Ikaw ang nagsuggest nito 'di ba? Bakit? May mas maganda ka pa bang solusyon?" Umiling si Paulo. "Kaya 'wag mo ng banggitin ang pangalan niya." Baka hindi ako makapagpigil.

"Okay, sungit." Sinamaan siya ng tingin ni Justin.

"Una na ako." Una ng umalis si Justin para umuwi. Napailing na lang si Paulo.

Pagkarating ni Justin sa address na binigay ni Paulo ay ando'n nga si Ken at natutulog na sa mesa. Lasing na lasing. May babae pang nasa tabi niya at ginigising siya.

"Ako na ang bahala sa kanya." Tinaasan siya ng kilay nang babae. "Kaibigan ko siya." Dagdag pa niya kaya umalis na lang ang babae.

"Ken. Gising. Uwi na tayo." Hindi pa rin gumigising si Ken. "Ken si Justin 'to."

Pagkasabi ni Justin ng pangalan niya ay dahan-dahang ibinuka ni Ken ang mga mata niya.

"Ken, gising ka na? Tara. Hatid na kita."

"Jah?"

To be continued . . .

[vee: Hello everyone! SB19 is finally back! 😭 Pero ang ating MCs ng Fake It ay hiwalay na. 😅 Kidding aside, I'm very happy they're back and I think this is the best gift I ever received this year. I usually don't look forward to December, but now, there are a lot to look forward to. I hope you have a great day everyone. Thank you for reading! 🫶]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter