Back
/ 23
Chapter 13

FI 11

FAKE IT | A KENTIN AU

"G-gusto mo ba talaga?" Tumango si Ken.

Bakit parang ang cute ni Ken?! Paano ko tatanggihan 'to?? What the hale Justin!

Tumayo si Justin at huminga muna ng malalim. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya kay Ken at nakita niyang pumikit ito. Napakagat labi siya para pigilan ang ngiti niya. Kelan pa 'to siya naging cute? Kainis.

Nang maglapat na ang mga labi nilang dalawa ay kusa na lang gumalaw ang mga kamay nila. Ang isang kamay ni Ken nasa likod ng ulo ni Justin. Kay Justin naman ay sa beywang ni Ken.

The kiss may last for just a minute, but it will linger in their memories for a while.

Pagkatapos ay bumalik agad si Justin sa upuan niya at napasabunot sa buhok niya. Si Ken naman ay hindi alam kung saan pupunta hanggang sa napagdesisyunan niyang magbanyo na lang muna.

Masarap ang tulog ni Ken at pagkagising niya ay para pa rin siyang nasa alapaap dahil sa nangyari kagabi.

Unang hinanap agad ng mata niya ay si Justin. Pagkatingin niya sa kabilang kama ay naka-ayos na ito at wala na siya. Iginala niya ang mata niya sa paligid at hindi niya ito mahanap. Maliit lang naman ang dorm nila kaya makikita na agad lahat kung nasaan siya. Alam din niyang wala ito sa banyo kasi nakabukas ang pintuan nito.

Pagkarating ni Justin sa restaurant kung saan sila magkikita ng kablind date niya ay hinanap niya agad ito. Mukhang siya na yata 'yon.

"Hi. Are you Beatrice?" Tanong niya rito. Lumingon ang babae sa kanya.

"Yeah. Hi Justin. Bea na lang. Have a seat." Umupo na rin si Justin kaharap si Bea. "Ang gwapo mo pala talaga sa malapitan." She said while scanning Justin from head to toe.

"Uhm . . . " Hindi alam ni Justin ang sasabihin niya.

"I'll just be straightforward. I asked for a date with you because I need your help." Eh?

"Help? With what?"

"Pwede mo ba kaming paglapitin ni Ken? I really like him. Actually, matagal na. Please." Nabigla si Justin sa sinabi niya.

So ito talaga ang pakay niya sa blind date na 'to? Ginamit pa niya ako.

Tapos may biglang naalala si Justin. "Perhaps, are you his secret admirer? 'Yong parating nagpapadala ng chocolates sa kanya?" Mabilis na tumango si Bea. No way.

"So ginamit mo lang ang parents mo para makausap ako? Bakit hindi ka na lang magpakilala kay Ken? I don't think you need me to bridge you to him."

"Nagpakilala na ko sa kanya dati pero the next day hindi na naman niya ako nakilala." Malungkot na saad nito.

"Are you aware na may girlfriend na siya?" Napangisi si Bea sa kanya.

"Yes . . . A fake one. You're Jewel, right? I asked dad if may kapatid ka ba and sabi niya only child ka raw. So . . ." Ah. Cunning.

"You really came prepared huh? But . . . I will not help you." Kala mo. I will not give in to your bullshits.

"Hmm. Paulo? He's my friend. He's suspicious of the two of you. He even asked me if I know someone named Jewel. You're protecting Ken, right?" So siya pala 'yon. Shit! "Should I . . . just . . . you know told him about your dirty little secret?"

"What do you want?" Bea smiled smuggly.

Pagkabalik ni Justin ay masama na naman ang timpla nito. Nagderi-deritso lang siya na para bang hindi niya nakita si Ken. Nilapag niya ang bag niya sa sahig, humiga sa kama niya at pinikit ang kanyang mata.

"Jah. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ken. Bahagyang tumango si Justin.

Baka pagod lang. 'Wag mo ng istorbohin Ken.

Hinayaan na lang niya ang kaibigan at hindi na nag-usisa pa.

Kinabukasan ay tahimik pa rin si Justin. Parang malalim ang iniisip. Pagkarating sa campus ay may napansin si Ken na kumakaway sa kanila. Nakita niyang kumaway pabalik si Justin kaya napakunot ang noo niya. Sino siya?

"Hi Justin! Ang gwapo mo naman! Ay, gwapo ka naman talaga always. Haha. Nag-enjoy ka ba sa date natin?" Mas lalong kumunot ang noo ni Ken.

Napalingon agad siya kay Justin at nakita niyang nakangiti ito sa babaeng nasa harapan nila. Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakita niya na parang napipilitan lang ngumiti si Justin.

"Yeah. By the way, friend ko pala si Ken. Ken si Bea . . . uhm—"

"Soon to be girlfriend niya." Sabi ni Bea sabay angkla sa braso ni Justin. Nakakakilabot. Wika ni Justin sa isipan.

Hinila ni Ken si Justin paalis. Nagtaka naman si Justin sa inasal ng kaibigan. Nagbabye na lang siya kay Bea.

"Ken. Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ni Justin habang hila-hila siya ni Ken. Pagkarating nila sa isang lugar na walang tao ay saka pa sila huminto at humarap si Ken sa kanya.

"Ano'ng date?! Ano'ng soon to be girlfriend? Jah alam ko ang gusto mo kaya imposible ang sinasabi niya."

"Bakit hindi? Pwede rin naman na magkagusto ako sa babae 'di ba? Hindi naman 'yon pinagbabawal." Napanganga si Ken sa sinagot ng kaibigan.

"Are you serious?!" Tumango si Justin. "Saan mo ba 'yon nakilala at bakit hindi ko alam? Paano?! Hindi ko maintindihan." Hindi alam ni Ken bakit naiinis siya sa mga nangyayari.

"'Wag mo ng alamin. Tara na." Tumalikod na si Justin at nauna ng umalis. Napasabunot si Ken sa buhok niya.

Naunang nakarating sa room nila si Justin at nakita na naman niya ang chocolates sa mesa ni Ken. Saglit lang niya itong tiningnan at umupo na sa upuan niya.

Pagkarating ni Ken ay tiningnan niya si Justin pero hindi ito tumingin sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya. Pagkakita niya sa mga chocolates ay kumunot na naman ang noo niya.

"Kunin niyo na 'yan." Sabi niya sa mga kaklase niya kaya nag-unahan agad sila sa pagkuha.

Pagkatapos ng klase nila ay palabas na sana sila nang makita ni Ken ang babaeng soon to be girlfriend raw ni Justin.

Si Justin ba ang nanliligaw o ang babaeng 'to? Sabagay hindi ko naman siya masisisi. Gwapo naman talaga si Justin. Ang hindi nga lang niya alam, mas maganda rin si Justin sa kanya.

"Hi. Tapos na ang klase niyo?" Tanong ni Bea. Tumango lang si Justin.

"Date tayo?" Pacute na sabi nito kay Justin. "Gusto mong sumama Ken?"

"No."

To be continued . . .

[vee: Yes, pinakilig ko lang kayo ng sandali tapos binawi agad. Haha Sorna! Ika nga, trust the process. Time is the ultimate truth teller. 😉 Chos! Haha]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter