Back
/ 23
Chapter 12

FI 10

FAKE IT | A KENTIN AU

Agad na tumayo si Ken at inalalayang makatayo si Justin.

"Okay ka lang Jah? Hindi ka ba nabalian?" Nag-aalalang tanong niya.

"O-okay lang . . . uhm . . . " Hindi alam ni Justin kung saan siya titingin. "Matulog na tayo." Ang tanging naisip niyang sabihin.

"Okay . . . matulog na tayo." Napakamot sa batok niya si Ken.

Pinulot muna ni Justin ang nahulog niyang unan at saka sumampa sa kama. Sumunod naman agad si Ken.

"Himala yata hindi kayo magkasama ni Ken?" Bungad ni Stell nang makita nila si Justin na mag-isang nakaupo sa park ng school. "Pwede bang makishare ng table?" Tumango si Justin sa kanila. Umupo sila sa harap niya at nilabas din ang mga libro nila.

"May practice sila ng basketball ngayon."

"Sila pa ba ni Jewel?" Biglang tanong ni Josh. Nabatukan tuloy siya ni Stell.

"Puro ka na lang Jewel."

"Puro ka rin nga Justin Justin, sinuway ba kita?!" Napakamot sa sintido niya si Stell at nahihiyang sumulyap kay Justin. Napailing na lang si Justin sa bangayan nila.

"Justin wala ka pa rin namang jowa ngayon 'di ba?" Tanong ni Stell sa kanya.

"Wala. Bakit?" Napangiti si Stell.

"May pag-asa pa pala ako." Mahina niyang sabi.

"Asa ka naman." Sabat ni Josh kaya nakakuha siya ng masamang tingin rito.

"What if kayo na lang dalawa? Mukhang bagay naman kayo." Suhestiyon ni Justin.

"Jusmiyo Justin! He's not my type!" Sabi ni Stell na may halong pandidiri.

"Kala mo naman type rin kita! No thanks!" Inirapan ni Josh si Stell. Tawang-tawa naman si Justin sa reaksyon ng dalawa.

Ang hindi niya alam ay nakatingin sa gawi nila si Ken na napadaan sa park kung saan sila nakatambay.

"Justin, pwede bang makuha ang number ng kambal mong si Jewel?" Tanong ng isa niyang kaklase.

"Bumili ka na lang ng bagong sim kung kailangan mo ng number." Walang ganang sagot ni Justin.

Umusok naman ang ilong ng kaklase niya at padabog na umalis. Nagtawanan naman ang iba. May pumalakpak pa nga.

Si Ken naman ay pinipigilan lang ang sariling matawa. Hindi pa rin kasi sila nag-uusap ni Justin simula no'ng nangyari sa kanila. Wala rin siyang lakas ng loob na kausapin ito kasi baka tama nga ang nasa isip niya. Na nandidiri ito sa kanya.

Nang matapos na ang klase nila ay napagpasyahan ni Justin na dumaan muna ng Library para humiram ng libro para sa research nila. Si Ken naman ay nauna nang umuwi.

"Justin"

"Uy! Paulo. Manghihiram ka rin ng libro?"

"No. Magsasauli lang. By the way, nakausap ko na pala ang friend ko, wala raw siyang kilalang Jewel sa Multimedia Arts." Shit! Sabi na nga ba eh. May pagka Detective Conan talaga 'tong pinsan ni Ken.

"Ah. Nagkita na kayo ni Jewel dito?" Pagmamaang-maangan ni Justin.

"Hindi ba niya nasabi sa'yo?"

"Hindi eh. Sige, mauna na ako sa'yo. May gagawin pa kasi ako. Bye!" Bago pa man makasagot si Paulo ay umalis na agad si Justin.

It's been days, but Justin is still avoiding Ken. Ken can't even start a conversation with him since he would instantly come up with an excuse to escape any conversation with Ken.

No'ng una ay binabalewala lang ito ni Ken pero hindi niya aakalain na tatagal ng ilang araw. Namimiss na rin niya ang kulitan nilang dalawa.

"Jah, busy ka ba?" Kanina pa kasi nasa study table si Justin.

"Oo"

"Jah galit ka ba sa akin? Dahil sa nangyari? Hindi ko naman sinasadya 'yon." Malungkot niyang sabi.

"Hindi ako galit. Tsaka kasalanan ko naman 'yon kasi nahila kita." Nakatalikod pa rin si Justin sa kanya at busy pa rin sa ginagawa.

"Pero bakit hindi mo ako kinakausap? Nandiri ka ba sa akin?"

Tumunog ang cellphone ni Justin kaya hindi agad siya nakasagot sa tanong ni Ken.

Napahilot ng sintido niya si Justin pagkababa niya ng kanyang cellphone.

"Nandiri ka nga talaga sa akin." Malungkot na sabi ni Ken. Mahina lang ang pagkasabi niya pero narinig pa rin ito ni Justin.

"Tsk. Hindi nga ako nadidiri sa'yo. Kung anu-ano'ng sinasabi mo diyan." Inikot ni Justin ang upuan niya para harapin si Ken.

"Kung hindi ka nandidiri sa akin, sige nga halikan mo nga ako."

"SIRAULO KA BA KEN?!?" Hindi makapaniwala si Justin sa narinig niya.

Dumadagdag pa 'to sa sakit ng ulo ko! Naku!

Napakamot ng ulo si Ken. Hindi niya rin alam bakit sinabi niya 'yon pero wala rin siyang balak na bawiin ang sinabi niya dahil feeling niya sasabihin at sasabihin din niya 'yon.

"'Tamo. Tama nga ako." Sobra na siyang nahihiya sa mga pinagsasabi niya pero mas lalo lang siyang naging desidido.

Ilang araw na rin kasing gumugulo sa isip niya na baka nandidiri nga talaga si Justin sa kanya kaya siya nito nilalayuan. Kung hindi, bakit?

Napanganga na lang si Justin habang nakatingin sa kaibigan niya. Hindi niya alam kung totoong siraulo nga talaga ang kaibigan o pinagtitripan lang siya nito. Either way, siraulo pa rin siya.

"Sana naririnig mo ang sarili mo Ken." Tinalikuran na niya si Ken at bumalik na lang siya sa ginagawa niya.

"Jah" Inikot ni Ken ang upuan niya para iharap ito sa kanya. Napatingala si Justin sa kanya.

"Pwede ba kitang halikan?"

Nanlaki ang mga mata ni Justin. Hoy! Seryoso ba siya sa pinagsasabi niya?!

"K-ken" Hindi maitago ni Justin ang kaba sa boses niya. Hindi rin niya maipaliwanag ang lakas ng kabog sa dibdib niya.

"S-sorry" Parang natauhan si Ken sa pinagsasabi niya kaya tumalikod agad siya. Nandiri nga siya sa akin.

Paalis na sana siya sa harapan ni Justin nang maramdaman niya ang paghawak nito sa palapulsuhan niya. Napalingon agad siya rito.

"G-gusto mo ba talaga?"

To be continued . . .

[vee: Pagbibigyan na ba talaga ni Justin si Ken? 🤔 Abangan! 🤭]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter