Back
/ 23
Chapter 11

FI 9

FAKE IT | A KENTIN AU

The cycle continues. Nasa bahay na naman ng mga magulang ni Ken sina Justin.

"Tita tulungan ko na po kayong magluto."

"Hindi na anak. Galing pa kayo sa biyahe. Magpahinga na muna kayo. Tawagin ko na lang kayo kapag kakain na. Sige na." Hindi na nag-insist pa si Justin kaya bumalik na lang ulit siya sa kwarto ni Ken.

"Bakit hindi kayo close ng parents mo eh maalaga naman sila ah?" Sa nakikita ni Justin hindi naman gano'n kahirap pakisamahan ang mga magulang ni Ken.

"Kasi nga hindi ko namimeet ang expectations nila?" Sagot ni Ken habang busy sa computer niya.

"Sinabi ba nila sa'yo 'yon?"

"Hindi naman na kailangang sabihin. Nararamdaman ko naman." Tinigil muna niya ang ginagawa niya at humarap kay Justin.

"Eh paano kung ikaw lang pala nag-iisip niyan?"

"Hindi naman nila ako ikukumpara kay Paulo kung gano'n nga. 'Wag na nating pag-usapan ang mga problema ko. Halika rito. Tulungan mo akong tapusin 'to Ms. Multimedia Arts student." Inirapan niya si Ken pero sumunod rin naman.

"Siraulo. Ano ba 'yan?"

"Magco-color rendering na lang ako nito. Ikaw nga ang gumawa." Pinakita ni Ken ang drawing niya sa pc niya.

"Hindi naman ako marunong niyan."

"Halika nga rito. Tuturuan kita." Pinaupo niya si Justin at nasa likod siya nito nakaalalay.

"Dito 'yong colors, dito naman 'yong brushes. Dito mo iaadjust 'yong opacity. Tapos dito naman 'yong mga blending modes." Habang tinuturo iyon ni Ken ay halos magkadikit na ang mukha nilang dalawa.

"Ang bango mo Jah." Ken blurted out out of nowhere. Justin blushed at the remark.

"Napakarandom mo." 'Yon lang ang nasabi niya. Inihilig niya ng bahagya ang ulo niya para lumayo ng konti kay Ken.

"Para kang nang-aakit eh." Panunukso ni Ken sa kanya.

Lumingon si Justin sa likod niya para komprontahin si Ken ngunit hindi niya alam kung gaano pala nila kalapit sa isa't isa. Pagkalingon niya ay muntik na silang maghalikan.

"Shit! Sorry. Akala ko malayo ka." Napatayo agad si Justin.

"Namumula ka Jah." Natatawang sabi ni Ken.

"Tapusin mo 'yang mag-isa mo!" Mabilis na lumabas ng kwarto si Justin at iniwan si Ken.

"Jah, mahuhulog ka na diyan. Umusog ka nga rito." Hindi kumibo si Justin at nagtulug-tulugan lang siya. Nakatalikod kasi siya kay Ken kaya hindi nito nakikita ang mukha niya.

Naiilang pa rin siya dahil sa nangyari kanina. Kahit mga magulang ni Ken ay napansin din ang tila kakaibang kinikilos ng dalawa. Dumagdag pa ang kanilang sitwasyon na hindi na niya alam paano tuldukan.

[FLASHBACK]

"Bakit ang layo niyong dalawa? Nag-away ba kayo?" Puna ng mommy ni Ken.

"Hindi mom. Bakit naman kami mag-aaway?" Nagkatinginan sila at umiwas din agad.

"Ikaw Ken ha. 'Wag mong inaaway si Jewel. Malalagot ka talaga sa akin." Banta ng mommy niya. Natawa naman ang daddy ni Ken sa sinabi ng kanyang asawa.

"Mom baka nakakalimutan mong ako ang anak mo."

"I know, pero anak ko rin si Jewel." Napangiti si Ken sa sinabi ng mommy niya.

Nahiya naman si Justin sa narinig niya. Hindi niya akalaing gano'n na pala ang tingin ng mommy ni Ken sa kanya.

Pero naalala niyang nagpapanggap lang pala sila at paniguradong masasaktan nila ang mga magulang ni Ken kapag nalaman nila ang katotohanan.

Hindi na umimik si Justin hanggang sa natapos silang kumain. Napansin naman ni Ken ang pag-iba ng mood ni Justin kaya panay sulyap siya rito. Dahil pa rin ba sa nangyari kanina?

[END OF FLASHBACK]

"Jah, alam kong gising ka pa. Uusog ka rito o gusto mong hilahin pa kita para umusog ka lang." Walang nagawa si Justin kundi ang umusog ng dahan-dahan palapit kay Ken.

"Jah"

"Hmm?" Hindi pa rin humaharap si Justin sa kanya.

"May problema ba? Kanina ka pa wala sa mood eh. Dahil ba sa nangyari kanina?"

"Hindi."

"Kung hindi, humarap ka nga sa akin." Huminga muna ng malalim si Justin bago hinarap si Ken.

"O nakaharap na ako." Walang gana niyang sabi.

Tumitig lang si Ken sa kanya.

"Okay na ba?" Tatalikod na sana ulit si Justin nang pigilan siya ni Ken. Hinawakan nito ang braso niya kaya napahinto siya.

"Jah. Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang problema?"

"Wala. Pagod lang ako. Gusto ko ng matulog."

"Gusto na lang kitang paniwalaan na wala lang talaga kahit alam kung merong problema, pero alam kong hindi ako makakatulog kakaisip kung ano 'yon kaya sana sabihin mo na sa akin. 'Wag na natin 'tong ipagpabukas, pwede ba Jah?" Umiwas ng tingin si Justin.

"Nahihiya na ako sa mga magulang mo Ken. Nahihiya ako sa pinaggagawa natin. Masasaktan natin sila kapag nalaman nilang niloloko lang natin sila."

Napaisip si Ken sa sinabi ni Justin. Alam niya ang ibig nitong sabihin pero may parte rin sa kanya na ayaw pang tumigil. Hindi niya alam kung bakit.

"Edi totohanin na lang natin." Tinapon ni Justin ang unan niya at sapol ito sa mukha ni Ken.

"Seryoso ako rito tapos ikaw may gana ka pang magbiro!" Bago tumalikod si Justin ay inirapan muna niya si Ken. Dahil wala na siyang unan, ang braso na lang niya ang nagsilbing unan niya.

"Hoy Jah. Joke lang." Hindi na siya kinibo ni Justin. "Hoy! Sorry na." Pero wala pa rin siyang nakuhang sagot rito.

Umusog siya papalapit kay Justin.

"Jah. Sorry na. 'Wag ka ng magalit." Habang sinasabi niya 'yon ay marahan niyang sinusundot ang tagiliran ni Justin.

"Itigil mo 'yan Ken Suson." Sabi ni Justin na may halong pagbabanta. Umusog pa siya papalayo kay Ken. Ngayon, nasa dulo na siya ng kama at konting galaw lang ay mahuhulog na siya.

"Sorry na nga. Patawarin mo na ako." Pero hindi kumibo si Justin sa kanya.

"Ibalik ko na 'tong unan mo." Wala pa ring reaksyon galing kay Justin.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo ni Justin para ilagay ang unan pero bigla na lang humarap si Justin sa kanya.

"Ken ano ba—!"

Hindi na natapos ni Justin ang sasabihin niya nang mahulog siya sa kama at nahila niya ang damit ni Ken. Bumagsak silang pareho sa sahig habang nakadagan si Ken sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nilang pareho nang mapagtantong magkadikit na ang mga labi nilang dalawa.

To be continued . . .

[vee: I hope you're all doing fine. Happy long weekend everyone!]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter