Back
/ 23
Chapter 10

FI 8

FAKE IT | A KENTIN AU

"Okay lang ba'ng hawakan ang kamay mo?" Halos itago na ni Justin ang mukha niya sa wig niya dahil sa hiya na naglalakad siyang nakasuot pambabae. Hindi na nga niya narinig ang sinabi ni Ken.

Nakaramdam naman ng awa si Ken sa kaibigan kaya mas lumapit pa siya rito at mahigpit na hinawakan ang kamay nito. Napalingon si Justin sa kanya at pabulong siyang nagsabi ng sorry rito.

Iniwas agad ni Justin ang paningin niya. Hindi niya maintindihan ang bilis ng tibok ng puso siya. Ang hilig talaga nitong mangonsensya.

"Woah! Ken, siya na ba ang girlfriend mo? Bakit parang kamukha niya si Justin?" Tanong ng isa nilang kaklase na nakasalubong nila.

"Kasi kakambal siya ni Justin." Nanlaki ang mata nito at tumingin ulit kay Justin. Napatakip pa ito sa bibig niya dahil sa gulat.

"Woah! Ngayon ko lang nalaman na may kambal pala si Justin. Hi I'm—"

"We'll get going." Hinila agad ni Ken si Justin paalis.

"Ang rude naman. Magpapakilala lang eh." Huling sinabi niyo na hindi na pinansin ng dalawa.

Papunta sila ngayon sa cafeteria malapit sa college ni Paulo. Doon nila naisipang magmeryenda. Madalas kasi doon si Paulo naglalagi kapag naghihintay ito ng kanyang klase. Para na rin makita sila nito na magkasama at natuldukan na ang pagdududa nito.

Pagkadating nila doon ay nando'n nga si Paulo at seryosong nakatuon ang atensyon sa librong binabasa nito.

"Paulo. You're here." Bungad ni Ken. Tinanggal ni Paulo ang earphones nito.

"Why are you here?" Napansin ni Paulo na kasama ni ken si Jewel. "Oh. Jewel, you're here too. It's been a long time."

"Hi." Tipid na bati ni Jewel.

"Mukhang busy ka. Hahanap na lang kami ng table."

"No. It's okay. I'm not that busy. Umupo na kayo."

"Bili na muna ako ng pagkain natin. Dito ka muna." Bulong ni Ken kay Justin. Tumango na lang siya.

Pagkaalis ni Ken at nakaramdam ng kaba si Justin. Kanina pa kasi nakatitig si Paulo sa kanya na para bang hinuhusgahan siya nito.

"Where's Justin?"

"Hindi na siya sumama kasi makakaabala lang daw siya sa amin."

"Oh. Really? Pero bakit dito kayo pumunta?"

"Dito gusto pumunta ni Ken. Bakit bawal ba?"

"Hindi naman. May malapit naman kasi na food court doon sa college niya kaya nagtataka lang ako. By the way, why am I not seeing you with Ken that much?"

"Siguro nagkasalisihan lang tayo. Busy rin kasi ako."

"Ano pala ang course mo?"

"Uhm . . . Multimedia Arts."

"Oh? May friend akong kacourse mo." Shit! "Kilala mo ba si—"

"Sorry natagalan." Nakahinga naman ng maluwag si Justin nang dumating si Ken.

—

"Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" Kanina pa kasi napapansin ni Ken ang pagiging tahimik ng kaibigan.

"Ken may nasabi ako kay Paulo."

"Ano 'yon?"

"Sinabi ko na Multimedia Arts ang course ko."

"Oh tapos? Ano'ng problema doon?"

"May kakilala raw siyang ka-course ko. Paano kung tanungin niya 'yon?"

"Oh . . . Hindi naman siguro. 'Wag kang mag-alala."

"Parang mas tense pa ako sa'yo ah. Ikaw naman ang may kasalanan nito." Inirapan niya si Ken.

"Sorry na. Konti na lang talaga Jah."

"'Di ba maghihiwalay rin naman kayo ni Jewel? Edi mas magandang hindi na niya tayo makitang magkasama. Tapos dapat umakto kang parang may problema kayo. Gano'n."

"Naligaw ba 'tong bulaklak? Bakit nasa table ko?" Nakakunot ang noo ni Justin habang nakatingin sa isang bouquet ng bulaklak na nakapatong sa mesa niya.

"Tingnan mo baka may card. Baka para sa'yo talaga 'yan." Suhestiyon ni Ken.

Hinanap din agad ni Justin ang card at nakita rin niya agad ito na nakaipit sa pagitan ng mga tangkay ng mga bulaklak.

"Hi Justin my lov—what the! I hope you like the flowers as much as I like you. Stell? Isa pa 'tong siraulo eh." Napasapo sa noo niya si Justin.

"Kanino galing?"

"Kay Stell."

"Wow! Sana all talaga! Ang aga ng paflowers ah!" Puna ng isang kaklase nila. Nginitian lang ng peke ni Justin.

Trigger Warning: Homophobic Remarks; Violence

"'Di ba bakla ka Justin? Tapos 'di ba girlfriend ni Ken ang kambal mo? Hindi ka ba nagkagusto sa kanya? O baka nililihim mo lang para—" Kinuwelyohan ni Ken ang kaklase at susuntukin na sana niya ito nang pigilan siya ni Justin.

"Ken! Tama na 'yan."

"Itikom mo 'yang bibig mo. Baka bukas hindi na 'yan bumuka." Banta ni Ken.

Umalis agad ang kaklase nila kaya hinigit ni Justin si Ken palabas ng classroom. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga iba nilang kaklase.

Dinala ni Justin si Ken sa likod ng kanilang room. Nakapameywang niyang itong tiningnan at bumuntong hininga.

"Ilang beses ka nang napaaway dahil sa akin. Pwede bang hayaan mo na sila? May masasabi at may masasabi 'yan sila kahit ano'ng gawin mo."

"Hayaan? Eh binabastos ka na niya? Ano nama'ng problema sa bakla? Mas problematic ang mga taong kagaya niyang homophobic." Nanggagalaiti niyang sabi.

"Mas galit ka pa sa akin eh dapat ako nga ang magalit eh."

"Eh kasi hindi ka naman nagagalit. Kaya ako na lang ang magagalit para sa'yo." Napangiti si Justin sa sinabi ni Ken.

"Sira! . . . Pero thank you. Simula no'ng una tayong nagkakilala hanggang ngayon, ikaw pa rin ang tagapagtanggol ko."

"Nagpapaiyak ka ba?"

"Ewan ko sa'yo. Nagseseryoso na ako rito eh."

"Sorry na . . . Hangga't nandito ako sa tabi mo, ipagtatanggol kita."

"Kung gano'n. Itigil na natin ang pagpapanggap para hindi mo na ako ipagtanggol kapag nabuking tayo." Pagkatapos sabihin iyon ni Justin ay iniwan niya si Ken.

"Jah!"

To be continued . . .

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter