Back
/ 23
Chapter 9

FI 7

FAKE IT | A KENTIN AU

"Stell help me find Jewel. Pleaase!" Kanina pa kinukulit ni Josh si Stell na tulungan siyang hanapin si Jewel.

"Eh hindi ko nga kilala 'yang sinasabi mong Jewel. Baka hindi pala estudyante 'yan dito. Tsaka bakit hindi mo tinanong ang apelyido? Kung tagasaan siya? Dapat kinumpleto mo na. Edi sana hindi ka na nahirapan ngayon." Mahabang litanya ni Stell.

"I can't think properly that time! She's just so beautiful I can't find words to say."

"Hanep! Tinamaan ka nga talaga. Ipagpasadiyos mo na lang 'yan Josh. Kung para kayo sa isa't isa, pagtatagpuin kayo ng tadhana." Sumimangot si Josh at tumingin na lamang sa labas ng bintana ng kanilang classroom.

"Stell! I think the heavens just granted my wish!" Dali-daling tumakbo palabas si Josh.

"Hoy! Saan ka pupunta? Magsisimula—bahala ka nga sa buhay mo. Hayy!" Tumingin din ni Stell sa labas ng bintana para tingnan 'yong Jewel na tinutukoy ni Josh.

"Si Justin 'yon ah. Sheesh! Ang gwapo talaga." Napapangiti pa siya habang pinagmamasdan si Justin na naglalakad sa labas.

Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Josh na halatang malungkot.

"Ano'ng nangyari? Nakita mo siya?" Bungad niya rito. Sumalampak ito ng upo at bumuntong hininga.

"Oo pero wala na siya paglabas ko. Pero nag-iba siya ng style. Maikli na ang buhok niya tapos naka-uniform siya . . . ng panlalaki? . . . Ha???"

"Ha?? Bakit naman siya naka-uniform ng panlalake?"

"I don't know. Ang alam ko siya 'yon. I'm sure about that." Nagtataka rin si Josh sa nakita niya.

"Baka namamalikmata ka lang. Kakaisip mo 'yan sa kanya. Ewan ko na lang sa'yo."

—

"Can I join you?" Kasalukuyang kumakain ngayon sina Justin at Ken nang lumapit sa kanila si Paulo.

"Sure." Si Justin na ang sumagot kasi hindi man lang pinansin ni Ken ang pinsan niya.

"Where's Jewel?" Tanong ni Paulo pagkaupo niya.

"Are you interested in my girlfriend?"

"Don't get me wrong Ken. It's just that I haven't seen you together for a while."

"May klase siya ngayon." Singit ni Justin sa usapan.

"Justin! I miss you! Pwede ba'ng makiupo?" Bago pa man makasagot si Justin ay umupo na agad ito sa tabi niya.

Nakakunot ang noo ni Ken na nakatingin sa kanilang dalawa. Napansin naman ito ni Paulo. What's with this two?

"Okay lang ba na may makikisabay pa sa atin? Kaklase ko. Bumibili pa kasi ng pagkain niya." Hindi na umimik si Justin at tinuon na lang ang atensyon sa pagkain niya. "Ayun! Josh! Dito!"

"Hi makikitable—Jewel?" Natigilan si Justin sa pagkain at tiningnan ang taong tumawag sa pangalang Jewel. "You're Jewel, right? I'm Josh. Remember? We met at SB Hotel?"

What the hell! Ano'ng ginagawa niya rito?!

"Uhm . . . Are you talking about my twin sister?" Pilit na pinapakalma ni Justin ang sarili dahil sa kaba.

"Twin sister? You have a twin sister??" Tanong ni Josh.

"May kambal ka?!" Gulat din na tanong ni Stell. "Bakit hindi ko alam?" Pabulong nitong sabi.

"Yes. Why are you asking about my girlfriend?" Sabat ni Ken at tiningnan ng seryoso si Josh.

"Girlfriend? You're his boyfriend?!" Halos gumuho ang mundo ni Josh sa rebelasyon.

"Yes?" Nanlumo si Josh sa narinig. "Do you have a problem with that?"

"Josh, umupo ka na nga." Hinila ni Stell si Josh paupo. Kanina pa kasi ito nakatayo.

"I'm sorry. I thought . . . Anyway, I haven't introduce myself I guess. I'm Josh."

"I'm Justin and . . . he's Ken." Si Justin na ang nagpakilala kay Ken dahil masama pa rin ang tingin nito kay Josh.

"I'm Paulo. Ken's cousin." Sabi naman ni Paulo.

"Oh! You're cousins?!" Palipat-lipat ang mata niya sa dalawa.

"I'm Stell, your classmate." Inabot din ni Stell ang kamay niya kay Josh kaya nagtawanan sila.

Palabiro rin pala 'tong si Stell. Wika ni Justin sa isipan.

"By the way Justin, sorry napagkamalan kitang si Jewel."

"Okay lang. Ilang beses na rin akong napagkakamalan."

"Magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Kung mahaba lang ang buhok mo, magiging si Jewel ka na talaga. Akala ko nga nagpagupit si Jewel. Nakita kasi kita no'ng nakaraang araw." Sumulyap si Justin kay Ken at binigyan niya ito ng makahulugang tingin.

"Syempre twins nga eh. Josh talaga." Singit ni Stell.

"Bakit nga ba kayo ang parating magkasama? Kung hindi ko lang alam na girlfriend mo si Jewel, mapagkakamalan ko kayong dalawa na nagjowa." Puna ni Paulo. Sumang-ayon naman ang dalawa.

"Because we're friends? And classmates?" Pabalang na sagot ni Ken.

"I see." Sagot ni Paulo na tila hindi kumbinsido.

"Jah, what if magpakita muna si Jewel sa school? Para mawala na rin ang pagdududa ni Paulo."

"What?! Ayoko nga! Pagsusuotin mo ako pambabae dito sa campus?!? Nahihibang ka na ba??"

"Jah pleease! Wala na talaga akong maisip na ibang paraan eh. Isang beses lang naman. Please." Kumapit si Ken sa braso niya na parang bata.

"Sinabi mo na rin 'yang isang beses na 'yan pero ano'ng nangyari?! Hanggang ngayon nagpapanggap pa rin akong girlfriend mo." Tinabig ni Justin ang kamay niya kaya sumimangot si Ken.

"Sorry na. Isang buwan na lang naman. Sige na Jah. Baka kasi kung ano na naman sabihin niya kila mommy eh. Alam mo naman 'di ba?"

"Nanggi-guilt trip ka ba?!"

"Hindi. Hindi! Sorry. Pero Jah. Please?" Kumapit ulit siya sa braso nito.

"Hay naku ka Ken Suson! Oo na!" Hindi alam ni Justin kung bakit ang dali niyang mapasunod sa mga hinihiling ni Ken sa kanya kahit na ayaw na niya.

"Thank you Jah! I love you!" Bigla na lang siya nitong niyakap.

"KEN SUSON! ANO BA?! HINDI AKO MAKAHINGA!"

"Ay sorry sorry. Hehe"

"Lumayo ka nga sa akin! 'Wag mo nga akong niyayakap ng bigla-bigla!"

"Sorry. Next time magsasabi muna ako. HEHE"

"Siraulo ka talaga kahit kailan!"

To be continued . . .

[vee: I don't know if it's right to update this with what's going on right now. I hope this update doesn't stresses you out. Should I update tomorrow? Spoiler, may trigger warning po ang update bukas. Your response is highly appreciated po. Thank you.]

ʚїɞ vee | kentintrovert ʚїɞ

Share This Chapter