Back
/ 38
Chapter 36

Chapter 35: Official

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.

Skyler's POV

Tangina. Ganito ba talaga ang feeling ng mayaman?

Nakatayo ako sa gitna ng isang sobrang sosyal na penthouse, malawak at parang galing sa Pinterest board ng "Luxury Living." Glass walls, mamahaling furniture, high-tech appliances—literal na ibang mundo mula sa butas-butas kong apartment. Pakiramdam ko tuloy, isa akong contestant sa reality show na "How the Poor Live With the Rich. char!!!!!

jusq ang lamig dito!kaya ayaw ko magsuot ng sando dito!

Napahawak ako sa batok ko habang iniikot ang tingin ko sa paligid. "Sir Ezekiel... sigurado ka ba na okay lang na dito ako tumira?"

baka kasi gusto niya mayron siyang kasama or maging katulong ako e!

Nagtaas siya ng kilay habang binubuksan ang isang mamahaling wine bottle sa kusina. Suot lang niya ang puting dress shirt na medyo nakabukas ang ilang butones at dark gray na slacks. Literal na definition ng CEO hotness

Pakshet. Bakit ang effortless niya?

"I wouldn't have offered if I wasn't sure," sagot niya habang nilalagay ang baso sa counter. "And for the last time, drop the 'sir.' It's Ezekiel."

Napakamot ako sa ulo ko. "Nakasanayan ko na eh. Ang hirap tanggalin."

Naglakad siya papalapit sa akin, at bawat hakbang niya, parang lumiliit ang mundo ko. Dumaan siya sa tabi ko, bahagyang yumuko para kunin ang baso sa mesa. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit hindi naman kami magkadikit.

"Then get used to it," bulong niya malapit sa tenga ko bago lumayo ulit.

ihhh!

SHEESH!!!. Bakit ganito 'tong si boss? Hindi ba siya aware na every time na ginagawa niya 'yan, parang gusto ko nang lumubog sa sahig?!

Kinuha ko ang isa pang baso ng wine at tinungga agad para mawala ang hiya ko.

pait!! pero masarap siya ah!

"Sana pala nagdala ako ng kandila. Para hindi lang ako mukhang boarder dito, kundi parang dine-date mo pa ako hehehe." Biro ko para lang maibsan ang tension.

Ngumisi si Ezekiel, ang tipong may alam siyang hindi ko alam. "Sino may sabing hindi kita dini-date?"

Halos mabulunan ako sa wine. "H-Ha?!"

He chuckled, obviously enjoying my reaction. "Relax, Skyler. I was joking... for now."

Putangina. Ano raw?!

Dali-dali akong umupo sa couch para kalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung iniinis niya lang ako o gusto niya lang akong gawing kahinaan. Baka parehong sagot.

Bigla siyang naupo sa tabi ko, masyadong malapit para sa isang "boss." Halos magkadikit na ang tuhod namin. Ang init ng katawan niya kahit hindi ko siya hinahawakan.

Napatingin ako sa kanya. "Ezekiel... seryoso, bakit mo ako pinatira dito?"

Hindi agad siya sumagot. Sa halip, tumingin siya sa akin, yung tipong parang binabasa niya ako. Nakakapraning.

"I told you. Your apartment was... unacceptable," sagot niya habang umiikot ang baso ng wine sa kamay niya. "And I wanted you here."

Halos malaglag ang kaluluwa ko. "Gusto mo? Bakit, may utang ba ako sa'yo? May gusto ka bang ipagawa?"

Ngumisi siya. "Wala. Gusto lang kita dito."

Nag-stutter ang utak ko. Anong klaseng sagot 'yon?!

Bago pa ako makapag-react, kinuha niya ang cellphone niya at may tinype. Ilang segundo lang, may nag-doorbell.

"Dinner," sabi niya habang tumayo para kunin ang delivery.

haluh kaya pala wala siyang balak magluto magoorder nalang pala siya!

Habang nilalatag niya ang pagkain sa mesa, hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Ang casual lang niyang kumilos, pero may presence pa rin. Tapos, every time na titingin siya sa akin, parang may sinasabi siyang hindi ko marinig.

Agad ako sumunod sakanya at tinignan yung pina order niyang foods pero napangiwi ako.

spaghetti..pizza..coke...chicken..at iba pa pero andami ah!

parang handaan sa birthday ang atake ni kowya ah!

kaya't umupo nalang ako total nakaramdam akong gutom.

nga pala! baka may rules siya dito!

"Ano palang rules ko bilang tenant mo?"umpisa kong tanong, habang subo ang isang forkful ng pasta.

"Simple lang," sagot niya. "No bringing random people here. No loud music. And..."

Tumingin siya sa akin, parang nag-iisip kung sasabihin niya ba o hindi.

"Ano?" tanong ko, sabik na malaman.

"Walang lalaking ibang matutulog sa kwarto mo."

Halos mabulunan ako. "Ezekiel!"

Nagtaas siya ng kilay. "What?"

"Bakit parang ang possessive mo?!"

"Is it a problem?" tanong niya pabalik, looking completely unfazed.

huhu bat naman niya sinabi niya yun ?as if magdadala ako..helloooo sana owkey ka lang boss!!!!

Pero napaisip ako. Tangina, bakit parang hindi ko alam kung anong gusto ko? Dati, iniisip ko lang na trabaho lang 'to. Pero ngayon? Pucha, nagiging something else na siya.

"Depende," sagot ko, kunwari cool lang. "Bakit, seloso ka?"biro ko pero siya seryosong nakatingin sakin.

pero Hindi siya agad sumagot. Sa halip, tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Lumingon ako pataas, kita ko ang matalim niyang titig.

Then, out of nowhere, he leaned in—sobrang lapit, halos magdikit na ilong namin.

"Tingin mo?" bulong niya.

sheeeshhhhhhhhhhhhh ang bangoo ng hininga niya....

Hindi ako nakagalaw. Hindi rin ako makahinga ng maayos. Tangina, bakit parang biglang bumagal ang oras?

Naramdaman ko ang dulo ng daliri niya sa baba ko, bahagyang inaangat ito para tingnan ako ng diretso sa mata.

"Ano, Skyler?" mahina niyang tanong. "Tingin mo seloso ako?"

Putcha. Bakit parang ang init dito?

Napalunok ako. "M-Maybe?"

Nag-smirk siya bago bahagyang lumayo. "Good."

Sabay lakad papunta sa upuan niya.

hanepz!!!

Parang nawalan akong ganang kumain.

Pagkatapos naming kumain, syempre natapos ko na rin ang paghuhugas ng pinggan. Nasa sala na si Ezekiel, tahimik na nakaupo sa sofa, hawak ang remote at tumitingin sa screen na parang hindi sigurado kung ano ang papanoorin. Para siyang nawawala sa sarili niyang mundo.

ok lang ba to? oo sanay ako na tahimik siya pero parang antahimik niya ngayon?!

baka impatcho na siya?kasi andami niyang kinain kanina e..

Pinunasan ko ang kamay ko sa tuwalya at lumapit. "Sir—ay, Ezekiel," agad kong binawi. "Ano, okay ka lang diyan? Parang ang lalim ng iniisip mo."

Tumingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, may kakaibang sa mata niya. Hindi ito yung typical na intimidating gaze niya sa opisina. "Wala. Naisip ko lang... hindi ko madalas ginagawa 'to."

haluh?

"Ang alin? Manood ng TV? O ang may kasama habang nanonood ng TV?" pabirong tanong ko habang umupo sa kabilang dulo ng sofa.

"Pareho," sagot niya, at napangiti ako nang bahagya.

owsssss?

Nag-play siya ng random na movie sa screen. Hindi ko pa alam kung anong genre, pero parang action. Umayos ako ng upo at nag-focus sa palabas. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang awkward tension sa pagitan namin.

Pero sa totoo lang inaantok ako sa pinapanood niya.. hindi kasi ako mahilig manood action e..gusto ko yung mala comedy romance hehehe.

Nagtagal ang katahimikan hanggang sa biglang may eksenang nagulat ako—isang malakas na pagsabog sa pelikula. Napapitlag ako at aksidenteng napahawak sa braso niya. Shit.

"Uh, sorry," mabilis kong bawi,Mainit ang balat niya sa ilalim ng long sleeves niya. Napatingin siya sa akin, at sa isang iglap, parang naging mas intimate ang atmosphere.

"Okay lang," mahinang sabi niya.

Napalunok ako. Tangina, Skyler, anong gagawin mo? Magpapaka-awkward ka na lang ba habambuhay?

Huminga ako nang malalim bago nagbiro. "Alam mo, ang weird mo ngayon. Hindi ka ba masungit pag after-office hours? tsaka sabi nong iba masungit ka raw e.."

Ngumiti siya ng matamis at tinignan ako. "Siguro pag ikaw ang kasama, nagiging iba ako."

Tangina. Ano 'yon? Flirting ba 'yon?

Napakamot ako sa batok, pilit na pinapakalma ang sarili. "Huy, wag mo akong ginaganyan. Hindi ako prepared."biro ko

"Prepared saan?" May amusement sa boses niya, pero may halong seryoso rin.

Napatingin ako sa mga labi niya. Maling desisyon. Kasi pagtingin ko doon, biglang ang lapit-lapit niya na. Shit. Nag-slow motion ang mundo.

Naramdaman kong may init na bumalot sa pagitan namin. Unti-unti siyang lumapit, at sa unang pagkakataon, hindi ko na inisip kung tama ba ito o hindi. Ang alam ko lang, gusto ko ito.

At bago pa ako makapag-isip ng kahit ano pang dahilan para hindi gawin 'to, naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa akin. Malambot, mainit, at parang may dalang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.

shit!

Napapikit ako at kusang lumapit pa. Hindi ako sigurado kung paano humalik nang maayos, pero wala na akong pakialam. Sinundan ko lang ang galaw niya—marahan pero may halong urgency, parang matagal na niyang gustong gawin 'to.

Lumalim ang halik. Napahawak ako sa dibdib niya, ramdam ang tibok ng puso niya na parang bumibilis rin, kagaya ng akin.

Nang maghiwalay kami para huminga, nagtagpo ulit ang mga mata namin. Pareho kaming natatawa, pareho ring hinihingal nang bahagya.

"So," bulong niya, ang noo niya nakasandal sa noo ko. "Ano na tayo?"

nanlaki ang mata ko."as in tayo na?"

ngumiti siya "since we like each other..why dont we be  real couple?"

Naningkit ang mata ko. "Ano sa tingin mo?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Official na, siguro?"

Bumuntong-hininga ako at napangiti. "Tangina, ang tagal mo bago umamin, ha?"

Tumawa siya at hinila ako palapit, muling hinalikan nang mas malambing. "Ikaw naman, ang tagal mong nahulog bago mo narealize."

luh?masiyado na ba ako halata?!

Muli niya akong hinalikan, mas malalim, mas mapusok. Nang maghiwalay ulit ang labi namin, biglang binuhat ako ni Ezekiel, nakakapit ako sa balikat niya habang dahan-dahan niya akong dinadala papunta sa kwarto.

"Ezekiel—!" nagulat ako, pero natawa rin. "Bakit mo ako binubuhat?"

"Para hindi ka na makatakbo," pabirong sagot niya, pero may lambing sa tono.

pakshit! mawawala na ba ang virginity ko?!!!

Pagdating sa kwarto, maingat niya akong ibinaba sa kama. Muli niyang hinaplos ang mukha ko bago niya ako muling hinalikan, mas matagal, mas mapusok. Isa-isa niyang tinanggal ang butones ng polo ko, habang nararamdaman ko ang init ng mga labi niya sa balat ko.

Hinayaan ko siyang dalhin ako sa mundong amin lang dalawa, kung saan ang bawat haplos, bawat halik, ay puno ng pagnanasa at pagmamahal

At sa gabing iyon,natulog na kami hangang halikan lang Kayang binigay niya sakin.

At sa bawat sandali, mas lalo kong napatunayan—ako ay isang lalaking nagmamahal ng totoo. At siya, ang tanging gusto kong mahalin.

Share This Chapter