Back
/ 38
Chapter 37

Chapter 36:boyfriends ackward

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.

Skyler's POV

Nagising ako kaninang umaga, at ang unang naramdaman ko? Ang lamig ng kama.

Wala na si Ezekiel sa tabi ko.

Saglit akong nataranta—until nakita ko ang phone ko na may isang unread message mula sa kanya:

Ezekiel: Nauna na ako sa office. May earlier meeting ako. Kumain ka bago pumasok.

Napangiti ako kahit na medyo bitin. So, ganito na ba talaga 'to? Official na talaga kami? Hindi pa rin ako makapaniwala. Para akong nasa isang alternate reality kung saan ang boss kong suplado at cold-hearted ay ngayon ay... boyfriend ko na?!

Napahawak ako sa mukha ko, ramdam ang init sa pisngi ko. Tangina, totoo 'to.

Bumangon ako at tinungo ang kusina. At syempre, hindi ako binigo ni Ezekiel—may nakahandang breakfast sa mesa. Scrambled eggs, toasted bread, at isang tasa ng mainit na kape.

Natawa ako ng mahina. Ano 'to, boyfriend duties? Ang cool lang isipin na kahit busy siya, naisipan niyang ipaghanda ako ng pagkain bago umalis.

Umupo ako sa upuan, tinikman ang kape, at inisip ang sumunod na challenge: Paano ko siya haharapin sa opisina?!

Pagdating ko sa opisina, ang unang goal ko? Iwasan si Ezekiel. Hindi dahil sa ayoko siyang makita, pero dahil hindi ko alam kung paano siya titingnan nang hindi ako natutunaw sa hiya dahil kagabi.

"Skyler."

Jusko. First three seconds pa lang pagdating ko sa office, narinig ko na ang malamig pero pamilyar na boses niya. Lumingon ako at ayun na siya. Nakatayo sa may hallway, naka-black suit na parang modelo, at nakakunot-noo habang diretsong nakatingin sakin pero tumalikod ako kasi parang namumula ako o nahihiya ako sakanya!

Napakapit ako sa strap ng bag ko at lumingon ulit sakanya at pilit ngumiti tsaka pilit na nagpapaka-normal. "Ah. Sir—I mean, Ezekiel. Good morning! Hehe."

Bahagyang tumaas ang kilay niya, pero halatang may amusement sa mata niya. "Office hours, so 'Sir Ezekiel' muna ulit?" tanong niya, may bahagyang smirk.

Putek, huwag kang ngumiti ng ganyan, please.

"Aba, syempre! Professionalism!" Tumango-tango ako, pilit na hindi nagpapahalata ng awkwardness. "Gotta keep it professional, 'di ba, Sir? Hehe."

Naglakad siya papalapit. Shit. Ang lapit. "Hmm. Professional, huh?"

Tumigil siya ilang inches lang mula sa akin. Parang biglang nawala ang oxygen sa paligid ko.

"Kung ganun, Mr. Ramirez, pumunta ka sa office ko in ten minutes. May pag-uusapan tayo."

Napatango na lang ako habang naglalakad siya palayo. Tangina, wala pang five minutes sa opisina, ang taas na ng tension.

Nasa loob na ako ng office niya.

Hininga. Isa. Dalawa. Tatlo. Hindi ko kaya!.

"Uhm, ano pong kailangan niyo, Sir?" tanong ko, nakaupo sa harap ng desk niya, pilit na iniwasang tumingin sa labi niya—labi na hinalikan ko kagabi, sa isang mas passionate na paraan kaysa dapat kong alalahanin ngayon.

Sumandal siya sa upuan niya, arms crossed, nakatitig lang sa akin. "Bakit parang iniiwasan mo ako?"

What?!nahahalata niya ba?!

"Ha? Hindi po! Busy lang po ako. Work-life balance! Alam mo na!" Ngumiti ako nang pilit, pero ang lagkit ng tingin niya.

"Skyler."

Napalunok ako. Shit, serious mode siya.

"Kung gusto mong itago 'to sa office, okay lang. Pero hindi mo kailangang iwasan ako."

Pumikit ako saglit, huminga ng malalim. "Hindi kita iniiwasan, okay? Nag-a-adjust lang ako. Kasi, you know... first time ko sa ganito? And parang gusto kong magtago sa ilalim ng desk tuwing nakikita kita ngayon."

Napansin kong may bahagyang ngiti sa sulok ng labi niya. "Hmm. So awkward ka lang talaga."

"Hoy! Normal lang 'to!" Umirap ako. "Paano kung makita tayo ng iba? Baka isipin nila may favoritism—"

"Let them think whatever they want." Tumayo siya at lumapit sa akin, nakapatong ang isang kamay sa desk. Tangina, bakit parang bossy pero sexy?! "Hindi mo kailangang mag-alala sa ibang tao, Skyler. Wala tayong ginagawang masama."

Eh ano 'tong ginagawa mo ngayon na parang pinapalakas mo lalo ang kaba ko?!

"Fine! Hindi na kita iiwasan! Happy ka na?" Napabuntong-hininga ako. "Pero promise, huwag mo akong tuksuhin sa harap ng iba."

Ngumiti siya, at that damn smirk made my knees weak. "I can't promise that."

tumayo siya at lumapit sakin.

At bago pa ako makapag-react, bigla niya akong hinila palapit at hinalikan. Mabilis, pero may diin—parang paalala na kahit nasa opisina kami, hindi siya magpapatalo sa mga iwas-iwas ko.

Napapitlag ako, pero shit, ang sarap. Amoy ko pa ang pamilyar niyang pabango, at parang nawala ang lahat ng iniisip ko. Nang maghiwalay ang labi namin, nakangiti siya habang ako naman, literal na natameme.

"Ayan, official morning kiss mo. Wala kang kawala, Skyler," bulong niya sa tenga ko

PUTANGINA. Tuluyan na akong natunaw.

"Skyler," tawag niya, mas malambing ngayon.

Napatingin ako sa kanya, kinakabahan pa rin. "A-Ano?"

Hinaplos niya saglit ang pisngi ko bago dahan-dahang bumulong, "I know you're not used to this, but I just want to remind you... you don't have to doubt me. You're the only one I want. No matter how chaotic or crazy you get." He smiled slightly. "I'll always make you feel how serious I am about you."

Napangiti ako, at parang gusto ko na lang magtago sa sahig sa sobrang kilig. "letche ka, Ezekiel... nagpapakilig ka na naman."

jusq!

"Get used to it," sagot niya bago muling dumampi ang labi niya sa noo ko. "Now, balik ka na sa trabaho mo bago pa kita i-delay buong araw."

"s-sige!" sabi ko at pinihit ang doorknob na hindi tumitingin sakanya.

sheshhhhhh ang mga puso ko!!!!

after yun umalis na ako sa office niya at Bumalik ako sa desk ko at pinilit na mag-focus sa trabaho. Pero kahit anong pilit kong magbasa ng reports at mag-review ng emails, hindi ko maiwasang mapansin ang isang bagay—wala si Zachary.

Napakunot-noo ako. Hindi naman siya madalas lumiban nang walang paalam. Kahit anong isipin ko, parang ang hirap sabihin sa kanya na official na kami ni Ezekiel. Kasi alam ko... alam ko kung gaano niya ako gusto..baka may report siya sa ibang department.

lunchbreak

"Skyler! Tara na! Kain!" sigaw ni Karen habang inaaya ako papunta sa table nauna na kasi siya pumunta dun kasi sakin may tinapos pang gawain pero akala ko safe na ako sa awkwardness, pero hindi pa pala.

Nasa cafeteria na kami, pero guess what?

Si Ezekiel? Nakaupo sa dulo ng cafeteria, nakatitig sa akin habang kausap ang ilang senior managers. At alam kong nakatingin siya sa akin dahil bawat galaw ko, sinusundan niya ng tingin niya.

Hoy, boss! Masyado kang halata!

umupo ako sa table namin.

"oh inoder na kita alam ko naman yan yung mga favorite mo" sabi niya

"uy salamat karen" kinuha ko ang wallet ko at humugot akong dalawang daan at binigay sakanya kaya tinangap naman niya.

"Uy, Skyler, bakit parang ang init ng tingin sa'yo ni Sir Ezekiel?" bulong ni Karen, nakangiti ng may malisya.

whut?!

Napatikhim ako. "Ha? Hindi ko alam—baka lang mainit ulo niya today? Hehe."

Biglang lumapit si Zachary—yes, si Zachary, Pero alam kong hindi lang ito simpleng kamustahan. May kakaibang lungkot sa mga mata niya,pero mukha siyang puyat.

"Hey, Sky... Kumusta ka? Ang busy mo lately. Stress ka ba?" tanong niya sabay upo sa katabi ko.

Sasagot sana ako nang maramdaman kong parang may malamig na presensyang lumapit.

Oh shit.

"Skyler," malamig na boses ni Ezekiel mula sa likod ko. "May kailangan kang tapusin sa office. Let's go."

Napatingin ako kay Zachary na mukhang nagtataka, tapos kay Ezekiel na seryoso lang ang expression. Tangina, bakit parang ang possessive?!

"Uh, sige po, Sir!" Tumayo ako agad,

kingina to! hindi pa nga ako kumakain!

tsaka ano naman kaya kailangan nito?!

Share This Chapter