Back
/ 38
Chapter 35

Chapter 34: Bagong Simula o Gulo?

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised.

Skyler's POV

Nakaupo ako sa sofa ng penthouse habang iniisip pa rin ang huling sinabi ni Sir—ay, ni Ezekiel.

"Live with me."

Tangina. Paano ko 'to ipoproseso? Hindi naman siya nagbibiro. Alam kong seryoso siya sa mga mata pa lang niya.

"Skyler?" tawag niya, na ikinagulat ko.

"Ah... huh?" Napaigtad ako, para akong batang nahuli sa kalokohan.

"Hindi mo pa sinasagot."

"Ah... Sir—ay, Ezekiel... uh... hindi ko alam." Kinalabit ko ang batok ko,

shuta!ang gulo!

Lumapit siya at umupo sa tabi ko. "Bakit hindi mo subukang i-consider? Alam kong mahirap umalis sa comfort zone mo, pero... hindi naman gano'n ka-comfortable yung apartment mo, 'di ba?"

"Grabe naman kayo sa apartment ko! Kahit bulok yun, may sentimental value yun!" depensa ko.

"Sentimental value ng tulo sa bintana at ipis na nagpa-party sa kusina?"

"Hoy! Hindi ipis 'yon! Maliliit na langgam lang!"

"Langgam na kasing laki ng uod?" nakangising hirit niya.

Napangiti ako nang bahagya pero agad ding sumeryoso. "Ezekiel... bakit mo talaga 'to ginagawa?"

Napatigil siya. Tumitig sa akin ng ilang segundo bago sumagot. "Kasi gusto kong alagaan ka."

Tangina. Ang cliché pero bakit parang tinamaan ako?

Hindi ko alam kong si sir ezekiel ba to o hindi? nakanibago kasi!

"sir Ezekiel, baka gusto mo lang ako maging katulong or Baka gusto mo lang ng housemate. O baka naawa ka lang sa'kin kasi—"

"Sky," putol niya. "Wala akong awa sa'yo. I admire you. Your strength. Yung kakulitan mo na minsan nakaka-stress pero nakakatawa rin. And yeah... gusto ko rin syempre yung mukha mong nakakatuwang tingnan pag naiilang."

"Takte ka," napabulong ako. Namula ang pisngi ko.

Tumawa siya. "Kaya, ano? Dito ka na?"

Bago ako makasagot, biglang tumunog ang phone ko.

"Zachary Calling"

Napalunok ako. Naramdaman ko ang titig ni Ezekiel sa screen ng phone ko. Hindi ko agad sinagot.

"Go ahead," sabi ni Ezekiel, pero halata sa tono ang pagpigil ng selos.

selos yarn?

Sinagot ko ang tawag. "Zach?"

"Sky! Nasan ka? Nag-aalala ako kanina pa kita tinatawagan."

"Ah... nasa penthouse kasi  ako... ni Ezekiel."

Sandaling katahimikan.

"Ah... okay," malamig ang boses niya. "Sigurado ka bang ayos ka lang diyan?"

"Oo naman," sagot ko. "Salamat, Zach. Bukas magkita tayo, ha?"

"Sure," mahina niyang sagot bago ibinaba ang tawag.

Pagbalik ng tingin ko kay Ezekiel, nakataas ang isang kilay nito. "Mukhang hindi siya magpapatalo ah..."bulong niya pero narinig ko naman.

"Huwag ka ngang ganyan," sagot ko. "Wala kaming relasyon ni Zach, okay?"

Tumango siya pero kita kong hindi siya kumbinsido. "So, ano? Live with me?"

hmm papayag ba ako?pero mamimiss ko yung atmosphere dun ..,mga ipis na dumadaan,minsan walang tubig dun at mag iigib pa sa labas ...kung titira ba ako sakanya mababawasan ang mga gastusin ko total siya naman may gusto nito.. pero magaambag rin ako sakanya no! kaya goooooo!!!!

go!!!!!!

Huminga ako ng malalim. "Sige na nga. Pero may kondisyon."

"Ano 'yon?"umayos siyang upo

"Wala kang weird na gagawin ha?"

"Define 'weird'," tanong niya, nakangiti.

"Yung mga halik na biglaan. Yung mga titig na parang ini-X-ray ako. Tsaka... wag kang topless na bigla sa sala!"

Tawa siya. "I'll try." Inabot niya ang kamay ko. "Deal?"

"Deal," sagot ko, pero ramdam ko ang kaba.

Kinabukasan , dumiretso kami sa apartment ko. Si Ezekiel, naka-black shirt at jeans lang pero mukhang model. Ako, naka-shorts at lumang hoodie. Ang contrast, puta!

sa guestroom na niya ako pinatulog kagabi e.

Pagpasok sa apartment ko , nagtaas siya ng kilay. "This is... unique."

nilibot niya ang tingin niya sa loob at napangiwi kasi may crack sa gilid,maliit lang pero walang amoy dito!

"Hoy! Huwag mong laitin room ko!"

"I'm not," sagot niya, pero pinunasan ang kalawanging doorknob. "Medyo vintage lang talaga."

Habang nag-eempake ako ng gamit, biglang kumatok ang caretaker ng building, si Mang Cardo.

"O, Skyler, aalis ka na pala?" tanong niya.

"Opo, Mang Cardo. Lilipat po kasi ako."

"Sayang naman. halos nag 3 months ka lang dito e..."

"Oo nga po e."

Biglang dumukot ng checkbook si Ezekiel at may isinulat. Inabot niya kay Mang Cardo.

"Ano 'to, hijo?" tanong ng matanda.

"Payment para sa improvement ng building," sagot ni Ezekiel. "Para maalala niyo si Skyler nang may magandang alaala."

Si Mang Cardo, nanlaki ang mata sa hawak na papel. "Mil... milyon?"

Napatakip ako ng bibig. "Ezekiel, ano 'yan?!"

"Investment," sagot niya at kumindat.

"maraming salamat iho.."sabay yuko kay sir ezekiel

"walang ano man ho.." sabi ni sir ezekiel.

Nang makalabas na si Mang Cardo na halos nanginginig sa saya, napatingin ako kay Ezekiel.

"Grabe ka," sabi ko.

"Wala 'yun," sagot niya. "Kahit paano, naging tahanan mo 'to."

Hindi ko mapigilang mapangiti.

At habang binubuhat niya ang huling kahon, hindi ko maiwasang isipin na baka... ito na nga ang simula ng mas malaking gulo.

"Okay... last box!"

Pagkababa ko ng kahon sa sala ng penthouse, napaupo ako sa carpet na parang nawalan ng kaluluwa. Jusmiyo. Ngayon ko lang na-realize kung gaano pala karaming abubot ang naipon ko sa maliit kong apartment. Mga lumang notebook na may sulat ng mga kababawan ko noong high school, t-shirt na di ko na sinusuot pero ayaw kong itapon, at syempre, ang paborito kong mug na may nakasulat na: "Work hard. Cry later. Kape muna."

"Pagod na?" tanong ni Ezekiel na biglang sumulpot sa likod ko.

Napalingon ako.

olala~

nakasando lang siya  parang kakatapos lang mag-shoot ng commercial ng deodorant? Mukhang bagong ligo pa. Yung buhok niyang basa ay nagdidikta ng mga maling desisyon sa utak ko.

jusme!ang hot ni sir!

"H-ha? Hindi naman," sagot ko, sabay tingin sa sahig para iwas-tingin sa mga braso niyang kasing-tigas ng bato.

Umupo siya sa tabi ko, sumandal sa sofa, at tumingin sa kisame. "Welcome home, Sky."

Napatitig ako sa kanya. Home? Tangina. Di ko alam kung kinilig ako o ninerbyos.

"Ah... salamat," sagot ko, pilit na ngiti. "Pero baka ma-bad feng shui ako dito."

"Bakit naman?"

"Eh kasi," sumeryoso ako. "May ahas daw dito sa penthouse."

Napakunot-noo siya. "Ahas?"

Tumango ako, sabay nguso sa kanya. "Oo. Ikaw."

Napanganga siya, pero imbis na ma-offend, ngumisi lang. "Ahas pala ha? Paano kung kumagat ako?"

"Ay, Diyos ko, wag!" Napausod ako palayo at biglang nadulas sa carpet. Pak! Tumama ang pwet ko sa sahig.

"Ay gago!" reklamo ko, hawak ang pwet kong sumakit.

Si Ezekiel? Halos mahulog sa kakatawa. "Fuck!, Sky! Ang dulas mo literal!"

"Sabi ko na nga ba may kabalastugan 'tong carpet mo e!" reklamo ko habang minamasahe ang pwetan ko.

Tumayo siya at inabot ang kamay niya sa akin. Hinila niya ako pataas pero dahil sa dulas ng carpet, nadulas siya at pak! kaming dalawa ay nahulog sa sahig.

Ako sa ibabaw niya.

Siya sa ilalim ko.

Ang mukha ko? Mga dalawang dangkal lang ang layo sa mukha niya.

"Shit," bulong ko.

Nakita ko kung paano gumalaw ang mga mata niya pababa sa labi ko at pabalik sa mga mata ko. Tangina. Bakit ang init bigla?

"Uh... Sky?" mahina niyang sabi.

"H-ha?"

"Hindi ka pa babangon?"

Dun ko lang na-realize na halos dalawang minuto na pala akong nakahiga sa dibdib niya. Parang balak ko nang permanenteng tumira doon.

Dali-dali akong bumangon at tumalikod. "Sorry! Nadulas lang! Promise! Wala akong balak na ano—"

"Relax," natatawang sabi niya. "Hindi naman kita kakasuhan ng harassment."

"Wag mong i-joke yan, Sir—ay Ezekiel pala," sabi ko, sabay palupot ng kamay sa batok. "Alam mo namang di ako sanay na ganito."

takte parang bumabalik nanaman ang pagka clumsy ko!

"Ganito na ano?"

"Yung... ganitong setup." Napalunok ako. "Yung... magkasama sa iisang bubong."

Tumahimik siya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko para tumingala ako sa kanya. Jusko. Nag-lock ang mga mata namin.

ang mga puso skyler!!

"Sky," aniya, pabulong, "wala namang nagbabago. Ako pa rin si Ezekiel. Ikaw pa rin si Skyler. Yun nga lang, mas madalas na kitang makikita na naka-shorts at butas-butas na sando."

"Hoy! Hindi butas-butas yung sando ko!"

"Ah ganun ba? Yung Mickey Mouse na sando mo na may butas sa kilikili, hindi butas?"

Napanganga ako. "Nakita mo yun?!"

"Oo, nung naglipat tayo kanina."

ayayayayayayaya tangina!!!! nakakahiya!

"Grabe ka! Sira na imahe ko sa'yo!"sabay iwas ng tingin sakanya.

"Anong imahe?"

"Yung... cute ako?"

"Hmm," tumingin siya mula ulo hanggang paa ko. "Cute ka pa rin naman. Kahit may butas ang sando mo."

Putangina. Bigla akong napatakbo papasok ng kwarto.

"Skyler!" tawag niya, tumatawa.

"Tulog na ako! Good night!"

"Alas-sais pa lang ng hapon!"

"Wala akong pake!"

Narinig ko ang tawa niya mula sa labas. Napahiga ako sa kama at tinakpan ang mukha ng unan.

Tangina. Eto na ba talaga ang buhay ko ngayon?

At paano ko pipigilan ang sarili ko kung araw-araw akong makakakita si Ezekiel Roswell.

pero kasalanan mo rin to skyler!

Good luck, Skyler. Good luck sa'yo.

Share This Chapter