Back
/ 38
Chapter 34

Chapter 33: Live with him

Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)

WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised.

Ezekiel's POV

Tahimik akong nakatayo sa labas ng apartment ni Skyler matapos niyang isara ang pinto. Sa loob-loob ko, gusto kong kumatok at magpaliwanag. Pero paano ko ipapaliwanag ang sarili ko kung ako mismo ay hindi sigurado sa nararamdaman ko?

"So," biglang sabi ni Zachary mula sa gilid ko. "That was intense."

Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya pero halatang pinipilit lang.

"Umalis ka na, Zach," malamig kong sabi. "Tapusin na natin 'to."

Tumawa siya, pero walang saya. "Wow. Ayaw mo ng fair fight? Alam mo namang hindi ako basta-basta susuko, Ezekiel."

tsk pathetic....

"This isn't a game," madiin kong sagot. "Skyler isn't a prize."

"Talaga ba? Kasi sa pagkakakilala ko sa'yo, you only want things when someone else wants them too."

Nanikip ang panga ko. "History doesn't have to repeat itself."

"Too late," sagot niya, saka sumandal sa dingding. "Alam mo bang gusto umiiyak si Sky kanina? And where were you? Nasa tabi ni Genevieve....your fiance, trying to be the perfect son huh?."

Hindi ako sumagot. Ang bawat salita niya ay parang latay sa konsensya ko.

"Bakit nga ba?" patuloy niya. "Bakit mo pinabayaan siya kanina? Takot ka ba sa tatay mo? O takot kang umamin na gusto mo siya?"

Hinaplos ko ang batok ko. "Zach, tigilan mo na."

"Fine," bumuntong-hininga siya. "Pero tandaan mo, Ezekiel: kapag nagpatumpik-tumpik ka, ako ang papalit sa'yo. And this time, hindi ko bibitawan si Skyler gaya ng ginawa ko noon kay Andrea."

fuck no!

Napakuyom ang kamao ko. Bago pa ako mapikon, tumalikod na siya at sumakay sa kotse niya.

Pagkaalis niya, sumandal ako sa pinto ni Skyler at mahinang bumulong:

"I'm sorry, Sky."

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. May hangover pa rin ako sa tensyon kagabi. Pagpasok ko sa opisina, nakita kong wala pa si Skyler.

"Sir," sabi ng sekretarya ko. "Nasa file room po si Mr. Reyes."

Tumango ako at nagtungo sa file room. Pagdating ko roon, nakita ko siyang nakatalikod, nag-aayos ng mga folder.

"Sky," tawag ko.

Nagulat siya at muntik nang mahulog ang hawak na papel. "Sir?"

napangiti ako

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Busy po ako," malamig niyang sagot.

"Sky... please."

Huminga siya ng malalim at hinarap ako. Nakayuko ang ulo niya, at halata ang pag-iwas ng tingin.

"I'm sorry," simulang sabi ko. "Dapat pinagtanggol kita kagabi."

Hindi siya sumagot.

"Skyler," pakiusap ko. "Hindi ko sinasadya."

"Sir," mahina niyang sabi, tumingin sa akin. "Ba't niyo po sinabi kagabi na gusto niyo ako?"

alam ko madami siyang katanungan..

Nag-angat ako ng tingin. "Kasi totoo."

Nanlaki ang mga mata niya. "Totoo? Sir... paano? Kailan pa?"

cute..

"Hindi ko alam kung kailan nagsimula," sagot ko, bahagyang napangiti. "Pero sigurado akong hindi ko ito inimbento lang kagabi."

Napatitig siya sa akin. Bigla niyang naibaling ang tingin sa sahig. "Pero bakit parang... wala kayong ginawa para ipakita 'yon?"

"Dahil takot ako," amin ko. "Takot akong aminin sa sarili ko na gusto kita."

"At ngayon?" tanong niya, mahinang boses.

"Ngayon," sagot ko, "hindi ko na kayang itago."

He's only boy that I fell hard..Even he's clumsy....

Tahimik siya ng ilang segundo bago sumagot. "Sir, nalilito ako." Napakagat siya ng labi. "May Zachary... may Genevieve... yung fiance mo... Parang ang gulo."

Lumapit ako at marahang hinawakan ang kamay niya. "Kaya natin to, Sky."

Napailing siya. "Sir... hindi ako sigurado."

Bumitaw siya at naglakad palayo, naiwan akong nakatayo roon.

At sa unang pagkakataon sa buhay ko, naramdaman kong natatakot akong mawala siya.

Skyler's POV

Pagkatapos ng tensyonadong pag-uusap namin ni Sir Ezekiel sa file room, bumalik ako sa desk ko na tila pagod na pagod. Pero hindi sa trabaho. Pagod ako sa gulong 'to.

Ang gulo ko. Ang gulo nila. Ang gulo ng lahat.

puyat ako ngayon kakaisip kagabi.. halos pareho silang umamin sakin.

parehong lalaki..may gusto sakin? kahit bakla ako?

Pero hindi ma sink in sa utak ko yung sinabi niya kagabi ni sir

"Yes, I like him!"

"Yes, I like him!"

"Yes, I like him!"

"Yes, I like him!"

"Yes, I like him!"

"Yes, I like him!"

"Yes, I like him!"

"Yes, I like him!"

"Yes, I like him!"

"Yes, I like him!"

OO NA! MAY GUSTO NA AKO SAYO SIR!NAPAGTANTO KO LANG KAGABI!

KASO MAY FIANCE KA!BABAE YUN AT MAY MATRES! AKO WALA!

SHUTA!!!!!!

buti hindi ito alam ni karen may report siya sa ibang department kaya busy yung gaga na yun

Habang nakatitig ako sa monitor, biglang tumunog ang phone ko.

"Boss Sir Ezekiel"

Napairap ako. Jusmeyo, ano naman kaya kailangan to?

bahala na!

Sinagot ko na rin. "Sir?"

"Sky, let's talk. After work."

"Sir... busy ako." Wala naman talaga akong gagawin pero feeling ko deserve ko naman ng mental health break tsaka ayaw ko muna siya makita.

"Skyler," malalim ang boses niya. "Please. Kahit isang oras lang."

Napabuntong-hininga ako. "Fine. Saan po?"

"Sa penthouse ko. I'll send a driver."

luh?!

Bigla akong napalunok. Penthouse na naman? Puta, deja vu ba 'to?

"Ah... okay po."

Pagkatapos ng shift, sumakay ako sa sleek black car na sinundo ako at bumaba sa harap ng penthouse building. Pagpasok ko sa elevator, hindi ko mapigilang kabahan.

Bakit ba kasi ako pumayag?

Pagbukas ng elevator sa top floor, bumungad ang pamilyar na unit ni Sir Ezekiel. Binuksan niya agad ang pinto.

"Pasok," sabi niya, nakasuot ng plain gray shirt at sweatpants. Casual si kuya ngayon?

"Uhm... hi po," mahina kong bati.

naiilang ako puteks!

"Hi," sagot niya, bahagyang ngumingiti. "Gutom ka?"

"Hindi po."

"Sure? May chicken alfredo pasta ulit." Kumislap ang mata niya.

Napangiti ako ng bahagya. "Sir, niluto niyo?"

"Oo. Special request ko para sayo."

Tangina. Ano ba 'to? Ang bait niya ngayon ah. Parang gusto kong tumakbo.

nakaramdam din akong gutom.. kaya bahala na! masama pa naman magtangi sa grasya.

Habang kumakain kami sa dining table, hindi ko maiwasang mapansin ang paminsan-minsan niyang pagsulyap sa akin.

"Sir," basag ko sa katahimikan. "Ano ba talaga 'to? Bakit niyo ako pinatawag dito?"

Huminga siya ng malalim at isinandal ang likod sa upuan. "Skyler... gusto kong malaman mo na seryoso ako sa sinabi ko."

"Anong sinabi? Yung 'I like you'?" Tumawa ako nang pilit. "Sir, baka dala lang ng adrenaline 'yun kagabi."

"No," aniya, at tumingin sa akin ng diretso. "I'm serious. I like you. And I don't want you to think na impulsive lang 'yon."

Nanuyo ang lalamunan ko. Shit. Totoo nga?

"Pero Sir," sabi ko, pilit na umiiwas sa titig niya. "Bakit ngayon lang?"

"Kasi ngayon ko lang inamin sa sarili ko," sagot niya. "Na ikaw pala ang hinahanap ko."

hindi ko alam kong kikiligin ako or what?

Napatahimik ako. Ang bigat ng mga salitang 'yon.

"And Zachary?" tanong ko, mahinang boses.

"I don't care about Zachary," sagot niya. "Ikaw ang mahalaga."

Tangina. Ako ba 'to? Ako ba talaga pinag-uusapan nila?

"Sky," dagdag niya, tumayo at lumapit sa akin. "Alam kong hindi madaling maniwala sa'kin. Alam kong nagkamali ako sa dinner na 'yon. Pero gusto kong bumawi."

Napatingin ako sa sahig. "Paano?"

Hinawakan niya ang kamay ko. Napatayo ako sa gulat.

"Live with me," bulong niya.

Nanlaki ang mata ko. "H-ha?!"

"Live with me," ulit niya, mas malakas. "Dito ka tumira sa penthouse ko. Wala nang curfew, wala nang leaky faucet, at wala nang sira-sirang bintana."

inang to! nilait pa yung tinitirahan kong apartment.

"Pero Sir—"

"Wala ng 'Sir'. Ezekiel na lang," putol niya. "Please, Skyler."

Parang natigil ang paghinga ko.

Live with him? As in... titira ako dito?

At bakit parang gusto kong pumayag?

Share This Chapter