Chapter 28:Truth
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised
Skyler's POV
Pagkatapos ng meeting kay Sir Ezekiel, bumalik ako sa desk ko na parang may mabigat na nakadagan sa dibdib. Yung tipong may nagsabi sa'yo na delikado ang isang tao pero hindi mo alam kung bakit. Parang gusto kong i-Google si Zachary pero baka mahuli ako ng IT at pagtsismisan pa.
Pagkaupo ko, agad akong sinalubong ng isang nakapout na Zachary.
"Skyyyy!" bulong niya pero may halong drama. "Ba't parang iniwasan mo ako kanina?"
luh!
Ngumiti ako ng matamis tamis. "Zach, hindi kita iniwasan. Busy lang ako."
"Busy? O busy kay boss hotshot?" Kumunot noo siya. "Naku, Sky, baka maging favorite ka na niya tapos ako mapalitan na bilang 'employee of the month'."
"Ano ka ba," sagot ko, pilit na tumatawa. "Kahit kailan hindi ako magiging paborito ni Sir."
"Talaga lang, ha?" Tinuro niya ang inbox ko kung saan may bagong email mula kay Sir Ezekiel na may subject na: Skyler, report ko ASAP.
Nagkibit ako ng balikat. "Trabaho lang 'yan, Zach."
"Hmm... trabaho nga lang ba?" Kumindat siya saka naglakad palayo.
Kinilabutan ako. Sa tono ng boses niya, parang may halong babala. Pero baka ako lang 'to, masyado na akong nagiging paranoid.
Pagsapit ng breaktime, naisip kong pumunta sa rooftop para mag-clear ng isip. Doon ako madalas tumambay kapag nalulula na ako sa trabaho.
Pagdating ko roon, naamoy ko agad ang sariwang hangin. Tumayo ako sa gilid at tiningnan ang mga gusali sa ibaba. Ang taas pala talaga ng opisina namin. Kung malaglag ako dito, siguradong tapos na ang wattpad career ko.....charrrot!
"Ang lalim ng iniisip mo," biglang boses mula sa likuran.
Napalingon ako. Si Sir Ezekiel pala, nakatayo at hawak ang isang tasa ng kape.
"Ah... Sir! Nagulat po ako."
"Hindi halata," sabi niya, bahagyang ngumiti. "Halos tumalon ka kanina."
Napakamot ako sa ulo. "Ang lakas kasi ng dating ng boses niyo, Sir. Parang... Batman."
Napangiti siya. "Batman, ha? So ako na ngayon si vigilante ng opisina?"
"Well," napahagikgik ako, "suits you naman, Sir. Mayaman, matalino,. Kailangan na lang ng maskara."
Tumawa siya nang mahina. "Ikaw talaga, Skyler. Kahit kailan may humor ka."
"Defense mechanism lang po 'yan," biro ko. "Pag nagkaka-stress ako, nagiging stand-up comedian."
Bigla siyang sumeryoso. "Kumusta si Zachary?"
Napalunok ako. "Ah... parang medyo nagtampo po kasi hindi ako nakipag-coffee date sa kanya."
Tumaas ang kilay ni Sir. "Coffee date?"
"Sir, friendly lang 'yon," sagot ko agad. "Hindi date na date."
Nagkibit siya ng balikat. "Mag-ingat ka pa rin."
Tumango ako, kahit ang totoo hindi ko pa rin lubos na maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala niya.
"Sir," bigla kong nasabi. "Paano niyo po ba talaga nakilala si Zachary?"
Tumitig siya sa akin bago sumagot. "Matagal na. Bata pa lang kami."
Nagulat ako. "Magkaibigan po kayo?"
"Hindi," sagot niya, matigas ang boses. "Magkaribal."
eh?
Napatigil ako. Shit, parang movie 'to ah.
"Magkaribal saan, Sir?"
Ngumiti siya pero walang saya. "Sa lahat ng bagay. At ngayon... mukhang pati ikaw."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. "luh! Ako? Bakit po ako?"
Tumalikod siya at humigop ng kape. "Tandaan mo ang sinabi ko, Skyler. Mag-ingat ka sa kanya."
Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung nananakot ba to.
Pero sa isang banda ng utak ko, hindi ko maiwasang isipin:
Bakit parang gusto kong maniwala sa kanya kahit hindi ko naiintindihan ang lahat?
bumalik na ako sa department ko at umupo, nagulat ako nang biglang may tumapik sa balikat ko.
"Skyyy! Coffee date tayo ngayon! Wala nang takas!"
Si Zachary. Nakangiti sakin.
"Ah... Zach, hindi pa ba tayo susuko sa coffee date na 'yan?" pilit kong ngiti.
"Huwag ka nang palusot," aniya, sabay pout. "Baka maubusan na ako ng patience sa'yo."
ay gora na!baka pagnapikon to sakin ay ewan ko lang...
"Okay, okay! Coffee date tayo. Pero treat mo ah."
"Sige! Kahit triple espresso pa gusto mo!"
Hindi ko alam kung bakit ako napa-oo. Siguro dahil sa guilty akong ilang beses ko na siyang inisnab. O baka dahil curious akong malaman kung totoo ang mga sinasabi ni Sir Ezekiel.
Sa coffee shop, nag-order ako ng caramel macchiato habang si Zachary naman ay nag-double shot espresso. Umupo kami sa sulok, malayo sa ibang tao.
Tahimik kaming pareho habang hinahalo ang kape namin. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag-uusap.
"Sky," bigla niyang basag sa katahimikan, "iniiwasan mo ba ako?"
Nanlaki ang mata ko. "Ha? Hindi naman..."
"Liar," bulong niya, napangiti pero hindi umabot sa mata. "Alam kong umiiwas ka sa akin."
luh?halata na ba ako? -oo sky halata ka...na akla!
Napayuko ako at napangiwi. "Sorry, Zach... medyo... confused lang ako lately."
"Dahil kay Ezekiel?"
Nag-angat ako ng tingin. "Ha?"
Tumawa siya, pero walang saya. "Skyler, halata namang protektado ka niya. Kung titigan ka nun... parang takot siyang may mangyari sa'yo."
Hindi ako sumagot. Sa isip ko, tama naman siya. Pero bakit nga ba gano'n si Sir Ezekiel?
Huminga si Zachary ng malalim. "Sky, alam kong may sinabi na si Ezekiel sa'yo tungkol sa akin."
Napatigil ako. "Ano bang ibig mong sabihin?"
Sinandal niya ang likod sa upuan at tumingin sa bintana. "Sigurado akong binigyan ka na niya ng babala tungkol sa akin. Tama ba ako?"
Hindi ko siya masagot. Para akong batang nahuling kumukuha ng kendi sa tindahan.
"Skyler," patuloy niya, mas seryoso ngayon. "Gusto mong marinig ang totoo?"
Nag-aalangan akong tumango.
uminom naman siya at sabay tingin sakin "Si Ezekiel at ako... matagal kaming naging magkaribal."
"Alam ko na 'yan," sagot ko.
"Pero hindi niya siguro sinabi sa'yo kung bakit, di ba?"
Napakagat ako ng labi. "Hindi pa."
Napangisi siya, pero malungkot. "Isang babae. Si Andrea."
"Andrea?"
andrea brillantes?
Tumango siya. "Andrea Villareal. Ex ni Ezekiel. Minsan ko siyang minahal. Pero mas pinili niya si Ezekiel."
ay akala ko si andrea brillantes?..balak ko ba naman magpa autograph..
Pero napalunok ako. Love triangle pala ang pinag-ugatan nito.
"Ano'ng nangyari?" tanong ko.
"Nagpalasing ako. Nung gabing iyon, nagpunta ako sa apartment ni Andrea. Nagmamakaawa akong kausapin niya ako. Pero galit siya. Sinumbat niya na ako raw ang dahilan ng mga problema nila ni Ezekiel."
Napahawak ako sa tasa ng kape. Ramdam ko ang tensyon sa kwento niya.
"Nag-away kami. Napikon ako. Sinisi ko siya. Sinabi ko na kung hindi siya naglaro ng damdamin namin, hindi kami magkakagulo. At sa galit ko... hindi ko napigilan ang sarili ko."
Nanlamig ang dugo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin, Zachary?"
Napalunok siya at tumingin sa akin. "Hindi ko planado, Sky. Sinubukan kong pigilan ang sarili ko pero..." Napayuko siya at napakuyom ng kamao. "Nagpilit akong halikan siya. At... doon ko naramdaman ang takot niya."
Napaawang ang bibig ko. Hindi ko ma-process agad ang sinabi niya.
"Sinubukan niyang lumaban. Pero lasing ako. Mas malakas ako. Pero bago pa may mangyari... dumating si Ezekiel."
"Si... si Sir Ezekiel?"
Tumango siya, nanlalabo ang mata. "Sinuntok niya ako. Pinagtanggol si Andrea. Nagsampa sila ng kaso sana. Pero... nakulong rin ako ng 5months at hindi alam ng mga business partner. Para hindi masira ang pangalan ng Roswell Corps."
Tahimik akong napalunok. Biglang ang dating palakaibigang si Zachary... nagmistulang ibang tao.
"Pagkatapos ng gabing 'yon naghiwalay silang dalawa," patuloy niya, "umalis si Andrea papunta sa ibang bansa. Never na siyang bumalik. At si Ezekiel? Simula noon, kinamumuhian na niya ako."
so ex niya pala ni sir si andrea....
Hindi ko alam ang sasabihin. Nakatitig lang ako sa kanya habang binubuksan niya ang sugat ng nakaraan niya.
"Skyler," mahina niyang sabi. "Hindi ko hiningi na mangyari 'yon. Hindi ko ginusto. Pero kasalanan ko. At ngayon... pinapasa ni Ezekiel sa'yo ang takot niya."
Napapikit ako. Bigla kong naalala ang mga babala ni Sir Ezekiel.
Pero ngayon, narinig ko ang kwento ni Zachary.
Sino nga ba ang dapat kong paniwalaan?..