Chapter 29:Mall
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised
Skyler's POV
Pagkatapos ng kwentong narinig ko kay Zachary, parang sumabog ang utak ko sa dami ng impormasyon. Yung tipong gusto mong paniwalaan pero sa loob-loob mo, parang may kulang. Habang hinahalo ko ang malamig ko nang kape, ramdam ko ang bigat ng tingin niya.
"Sky," basag niya sa katahimikan, "wala kang kailangang ikatakot sa akin."
Napangiti ako ng pilit. "Hindi naman ako natatakot, Zach."
"Hindi mo kailangan magsinungaling," bulong niya, at napansin kong mas humigpit ang hawak niya sa tasa niya. "Alam kong si Ezekiel ang pinaniwalaan mo."
Hindi ko alam ang isasagot kaya tumahimik na lang ako. Nag-vibrate ang phone koâisang text mula kay Sir Ezekiel:
Ezekiel: Skyler, pumasok ka sa office ko pagkatapos ng break.
Lihim akong napalunok. Ano na namang susunod na eksena sa teleserye ng buhay ko?
"May kailangan pa akong asikasuhin, Zach," sabi ko, tumayo na. "Salamat sa kwento mo."
Hinawakan niya ang braso ko. "Sky, tandaan mo: Hindi lahat ng kwento ng bayani ay totoo."
Nanginginig akong binawi ang braso ko at naglakad palayo. Ang bigat sa dibdib ko.
Pagdating ko sa opisina ni Sir Ezekiel, nag-doorbell ako kahit bukas ang pinto.
"Pasok," aniya.
Pagpasok ko, nakatayo siya malapit sa bintana at hawak ang cellphone niya. Nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng slacks niyaâtrademark pose ni Sir.
"Sir?"
Napatingin siya sa akin. "Nakausap mo si Zachary."
Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero tumango ako.
"Anong sinabi niya?"
"Sinabi niya... yung tungkol kay Andrea," sagot ko, sabay lunok. "At kung anong nangyari noon."
Tumango siya at muling tumingin sa labas ng bintana. "At anong iniisip mo ngayon?"
"Hindi ko alam, Sir," sagot ko. "Naguguluhan po ako."
Tahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita. "Normal lang yan, Skyler. Pero gusto kong tandaan mo... hindi lahat ng nagsisisi ay hindi na uulit."
Napakapit ako sa bag strap ko. "Sir... hindi ko po alam kung sino ang paniniwalaan ko."
Humarap siya sa akin, seryoso ang mukha. "Hindi kita pipilitin. Pero tandaan mo kung paano ka pinaparamdam ni Zachary." Tumigil siya saglit bago nagpatuloy. "At kung paano kita pinoprotektahan."
Ang lalim ng titig niya. Para akong nabilanggo sa paningin niya.
Biglang bumukas ang pinto. Si Genevieve. Ang babaeng luya.
"Oh," sabi niya, ngiting-asong tinitigan ako. "Skyler, dito ka pala."
Umayos ako ng tayo. "Ah... opo."
Lumingon si Genevieve kay Ezekiel. "Darling..we have family dinner mamaya."sabi niya sabay tingin sakin "kasama ka.."
Napakunot ang noo ko. Family dinner? Eh anong connect ko doon?
"Teka," singit ko. "Family dinner? Kasama ako?"
Tumango si Genevieve. "Oo naman. Special guest ka raw. Imagine that! From employee to VIP." Sumulyap siya kay Ezekiel na tila may ibig sabihin.
"Wait lang," sagot ko, bahagyang nagtaas ng kamay. "Bakit ako? Wala naman akong dugong Roswell. Isa lang akong hamak na payroll encoder-slash-taga-print ng report ni Sir."
Ngumiti si Genevieve. "Exactly. Kaya nga interesting."
mama mo interesting!
Napalingon ako kay Sir Ezekiel. "Sir, sure po ba kayo dito?"
Huminga siya nang malalim. "Oo, Skyler. Sumama ka na lang."
"Eh anong susuotin ko? Corporate attire ba 'to? Eh kailangan ko bang mag-formal? Wala akong budget sa blazer o polo, Sir!"
Napailing si Genevieve. "Ako na ang bahala diyan. Sumama ka sa akin mamaya. Magmamall tayo para bumili ng damit mo."
Napasinghap ako. "Ha?! Kami po magkasama, Ma'am Ginger?"
ay puta!!!
"what?! Genevieve," correction niya. "At oo. Para at least siguradong hindi ka mukhang prom date na naligaw."
Napanguso ako. "Ah, okay po sorry po hhehehe" sabay piece sign " exited na akong masamahan kayo."
"Talaga?" naningning ang mga mata niya.
hindi
"opo madam kasi para akong may kasama celebrity"sabi ko sakanya kaya itong gagang to ngumiti siya sabay flip ng mahabang niyang buhok
yuck!feeling!
Napangiti si Sir Ezekiel at bahagyang umiiling habang pinagmamasdan.
____________________________________
Alas-tres ng hapon, nagmamartsa ako palabas ng opisina na parang dadalhin sa firing squad. Kasama ko si Ma'am Genevieve Laurent, na may PhD sa pang-aasar. Ang mission namin? Mamili ng suit para sa family dinner. Mission impossible? Posible.
Pagdating namin sa mall, tumigil kami sa harap ng isang sosyal na boutique na may chandelier sa loob. Pumasok siya agad habang ako'y naiwan sa labas.
Gondooo kasing gondooo kowww charrot!
"Hoy, Skyler! Ano'ng ginagawa mo? Pasok!" tawag niya.
"Ma'am... parang hindi ako belong dito," sabi ko habang tinitingnan ang mamahaling mga damit sa loob. "Mukhang isang pindot ko lang sa blazer, may babasaging baso na akong mababasag."
"Tumigil ka nga diyan," irap niya. "Ako bahala."
ang sungit naman nitong babae na to! baka may men..
Sumunod ako sa kanya at agad kaming sinalubong ng saleslady na mukhang kasing-presyo ng damit sa tindahan.
"Good afternoon, Ma'am! Sir! Ano po ang hanap niyo?"
"Formal suit for him," sagot ni Ma'am Genevieve, sabay turo sa akin. "Yung mukhang tao siya."
Napangiwi ako. "Wow naman, Ma'am. Bakit? Mukha ba akong basahan?"
Ngumiti siya nang matamis. "Medyo. Pero may potential."
inamo!
Lord, patience please.
kung hindi sana fiance ni sir baka ipakulam ko na siya sa probinsiya namin! kainis!
Inilabas ng saleslady ang isang dark blue suit. "Bagay po ito sa kanya, Ma'am."
"Hmm," tiningnan ako ni Ma'am Genevieve mula ulo hanggang paa. "Pwedeng-pwede. Pero... Skyler, sukatin mo na."
Pumasok ako sa fitting room. Paglabas ko, ramdam kong nahihirapan akong huminga.
"Ma'am, parang... ang sikip," reklamo ko, pilit na hinihila pababa ang blazer.
"Sikip ba o di ka lang sanay sa desenteng damit?" asar niya.
kuhang kuha naman nitong inis ko dito sa babaeng luya na to!
ngumiti nalang ako sakanya pero siya halos tumirik ang mga mata niya kakairap sakin.
Umikot ako para ipakita ang itsura ko sa salamin. Hindi ko inaasahan pero... damn, mukha akong CEO!
"Uy," sabi ko, napangiti. "Pogi pala ako pag ganito."
"pfft" rinig kong hagikgik ni madam luya!
"Huwag masyadong umasa," irap ni Ma'am Genevieve. "Isang blazer lang 'yan, hindi magic."
Nagroll ako ng mata. "Ma'am, may award na po ba kayo sa pang-aasar?"
"Meron. Champion ako," sagot niya.
Nagkatawanan kami pero peke lang sakin kasi kanina pa ako dito na bwibwist sa babaeng to. Pero biglang seryoso ang tingin niya sa akin.
"Skyler," aniya, bahagyang binabaan ang boses. "Handa ka na ba talaga sa dinner na 'to?"
oo handang ipakulam ka!
pero napalunok ako. "Ano po bang dapat ihanda?"
Huminga siya nang malalim. "Hindi lang pagkain ang ihahain doon. May mga tao roon na susubukin kang basagin. Kaya huwag kang kabahan."
Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Tama siya. Parang hindi lang basta dinner ang pinapasok ko.
kainis naman kasi ih! makita ko lang yan na tatay ni sir ezekiel!ipapakulam ko rin siya!
Pagkatapos naming bumili ng suit, lumabas kami ng mall. Habang naglalakad, napansin kong kinakausap ni Ma'am Genevieve ang isang tao sa phone.
"Yes, Daddy Roswell," sabi niya. "We're ready for tonight."
ay wow parang nagsusugar daddy lang si anteh,hirap ka na ba?char!
kaso napakunot-noo ako. Daddy Roswell? Ano'ng kinalaman ko sa taong 'yon?
Lord, bakit ako napasok sa eksenang 'to ulit?
Nang sumakay na kami ng kotse, napatingin si Ma'am Genevieve sa akin at ngumiti nang makahulugan.
"Excited ka na ba sa dinner?"
"Excited?" napaubo ako. "Parang hindi po 'yan ang tamang word."
Tumawa siya. "Tama ka. Ang tamang word ay: Simula."
Simula? Simula ng ano?!
Nag-iwan siya ng ngisi at muling ibinalik ang tingin sa harap.
At ako? Mas lalo akong kinabahan.