Chapter 27: confessed
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. Reader discretion is advised
Skyler's POV
Pagmulat ng mata ko, una kong narinig ang tunog ng mahihinang kalampag mula sa kusina. Napatingin ako sa paligid at naalala kong nasa penthouse pala ako ni Sir Ezekiel.
Shit. Ang awkward.
Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.
Oh my God, hinalikan niya ako. Hinalikan ako ng boss ko! At ako? Tumugon ako?!
Napabaluktot ako ng upo sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.
"Skyler, ano bang ginawa mo kagabi?!" bulong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o mahiya o maghanap ng portal para lumubog sa lupa.
Pero seryoso, bakit niya ako hinalikan? Hindi ba siya yung boss kong parang laging galit sa mundo at walang emosyon? Bakit biglang may ganun kagabi?!
Tumayo ako at sumilip sa pintuan. Naamoy ko ang amoy ng bacon at kape mula sa kusina. Napalunok ako. Gutom na gutom na ako pero paano ako lalabas kung nandoon si Sir?
Bahala na, Skyler. Kapal ng mukha mode on.
Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang sumilip sa kusina.
And there he was.
Si Sir Ezekiel, nakatalikod, nakasuot ng gray na shirt at pajama pants, habang nagluluto ng itlog. Nakataas bahagya ang manggas kaya kitang-kita ang toned niyang braso.
Shit. Bakit kailangan niyang maging ganito ka-hot sa umaga?
Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa mesa.
"Good morning, Sir," bati ko nang pabulong.
Napalingon siya at nagkatinginan kami. Napatigil siya saglit bago bumalik sa pagluluto.
"Good morning," sagot niya. "Nagising ka na rin pala."
Ngumiti ako nang pilit. "Ah... opo."
Tahimik. Sobrang tahimik. Mas awkward pa 'to kaysa sa waiting room ng dentist.
Umupo ako sa dining table at napatingin sa bintana. Grabe, ang ganda ng view. Pero hindi ko maenjoy kasi nag-o-overthink ang utak ko.
Ano bang dapat kong sabihin? "Sir, ang galing niyo po humalik!" O "Sir, sorry po at nakalimutan kong huminga kagabi"?
Hindi ko namalayan na nakatitig ako sa kanya hanggang sa napansin ko na napangiti siya ng bahagya.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya.
"Ha? Ay! Wala po, Sir! Ano po... iniisip ko lang kung ano'ng breakfast natin," sagot ko sabay inom ng tubig para maitago ang pamumula ng mukha ko.
Nilapag niya ang dalawang plato sa mesaâscrambled eggs, bacon, at toasted bread.
"Kain na," sabi niya.
"Sige po. Salamat!"
Sinubukan kong kumain na parang wala lang pero sa bawat galaw namin, parang may tension. May mga simpleng moments na nagtatama ang tingin namin at biglang iwas agad pareho.
Tahimik kaming kumain hanggang sa hindi ko na kinaya.
"Sir... tungkol sa kagabi..."
Napatingin siya sa akin, pero hindi agad nagsalita.
"Nakalimutan na 'yon," sagot niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan. "Hindi na mauulit."
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o madismaya. Pero bakit parang may kurot sa dibdib ko?
Skyler, huwag kang assuming! Nagkamali lang si Sir. 'Wag mo nang lagyan ng kulay!
"Ah... sige po," sagot ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain, nagprisinta akong maghugas ng plato pero pinigilan niya ako.
"Ako na. Magbihis ka na. Hatid kita pauwi."
"Ah... sige po. Salamat," sagot ko sabay takbo pabalik sa guest room.
Pagpasok ko sa kwarto, napahawak ako sa dibdib ko.
Shit. Bakit kinakabahan pa rin ako?
Nagbihis ako ng suot kong damit kahaponâyung basang polo na kanina lang natuyo, at medyo gusot pa rin.
Habang nasa elevator kami pababa, hindi ko mapigilang mapatingin kay Sir Ezekiel. Tahimik siya, parehong kamay nasa bulsa ng pantalon. Ang seryoso niya. Yung tipong pang-CEO mode na ulit.
Pero ilang beses ko siyang nahuli na pasimpleng sumusulyap sa akin sa reflection ng elevator walls.
At 'di ko alam kung bakit pero napangiti ako nang kaunti.
Pagdating namin sa kotse, pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Salamat, Sir," sabi ko.
"Hmm."
Tahimik kami sa buong biyahe. Ako naman, abala sa pakikipagtitigan sa windshield wiper na parang hihingiin ko ng sagot sa lahat ng kalituhan ko ngayon.
Nang makarating kami sa apartment ko, kitang-kita ko ang reaksyon ni Sir.
"Dito ka nakatira?" tanong niya, tinititigan ang gusgusing gusali.
Napakamot ako ng ulo. "Oo po. Bakit?"
Napailing siya. "Skyler, delikado dito."
"Ah... hindi naman po, Sir. Matagal na akong dito nakatira."
Napangisi siya pero halatang pilit. "Kailangan mo nang lumipat."
"Sir! Wala po akong budget para sa mga sosyal na condo."
Hindi siya sumagot pero nakita kong mas lalong tumigas ang panga niya.
"Ako ang bahala," bulong niya.
"Ha?"
"Ako ang bahala," ulit niya, sabay alis ng tingin. "Basta huwag kang sumunod kay Zachary."
Nagulat ako sa biglaang mention ni Zach.
Bakit parang may hindi ako alam?
Pero hindi na ako nakasagot dahil binuksan niya ang pinto ko.
"Sige na," utos niya.
Tumango ako at lumabas ng kotse. Habang naglalakad ako papasok sa gate, ramdam ko ang tingin niya sa likod ko.
At hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong lumingon.
Pero hindi ko ginawa.
Pagpasok ko ng apartment ko, dumiretso agad ako sa kama at humiga nang nakatihaya. Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko kahit ilang minuto na akong nakalayo mula kay Sir Ezekiel.
Ano bang nangyayari sa amin?
Hinawakan ko ang labi ko. Parang may natitirang init pa mula sa halik kagabi. Halik na hindi ko maipaliwanagâhindi planado, hindi awkward (okay, medyo), pero... may tama. Alam kong may tama.
Nagpagulong-gulong ako sa kama habang kinakausap ang sarili.
"Skyler, ano ka ba? Boss mo siya! Hindi 'to telenobela!"
muntik ko pa masuko ang perlas ng silanganan ko!
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa kisame. Ano nga ba kami? Wala naman siyang sinabi, at sigurado akong hindi rin ako dapat magtanong. Baka trip-trip lang 'yon? O baka nadala lang sa moment?
Kumulo ang sikmura ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang nag-vibrate ang phone ko.
Zachary: Hey, Sky! Musta ka? Gusto mo bang lumabas? Coffee?
Napanganga ako. Bakit biglang nag-message si Zachary? Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot o hindi.
Huwag mong masyadong pagkatiwalaan si Zachary.
Naalala ko 'yung sinabi ni Sir Ezekiel.
Nag-type ako ng reply pero burado rin agad. Sa huli, nag-send ako ng simple:
Skyler: Busy pa ako ngayon, Zach. Next time na lang.
Hindi pa ako handang makipagkita sa kanya.
Kinabukasan, habang nasa opisina, napansin kong parang hindi mapakali si Zachary. Panay ang sulyap niya sa akin pero nagpapanggap akong hindi ko napapansin. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa presensya niya ngayon.
Bigla siyang lumapit sa desk ko, nakapout ang labi at halatang nagtatampo.
"Skyyyy," reklamo niya, pinapalaki ang mata na parang bata. "Bakit mo ako iniiwasan?"
Napakamot ako ng ulo. "Ha? Hindi naman kita iniiwasan ah. Busy lang talaga ako."
"Busy? O busy kay Boss Ezekiel?" sabay irap niya. "Pati ba sa coffee date hindi mo ako kayang bigyan ng oras?"
Napatingin ako sa paligid, nagbabakasakali na walang nakikinig. "Zach, hindi ito tamang oras para pag-usapan 'yan. Nasa opisina tayo."
Nag-cross siya ng braso at nagkunot ng noo. "Fine. Pero promise mo, next time, labas tayo ah?"
Ngumiti ako ng pilit. "Sige... basta libre mo ako ng milk tea."
Bigla siyang ngumiti at nag-thumbs-up. "Yay! Alam mo Skyler, buti na lang mabait ka talaga."
Napangiti ako pero sa loob-loob ko, hindi ko maialis ang kaba.
Pagkaalis niya, nag-pop up ulit ang email ko.
From: Ezekiel Cruz
Subject: See me in my office. Now.
Shit.
Tumayo ako at naglakad papunta sa opisina niya. Pagkapasok ko, seryoso ang mukha niya.
"Sir...?"
"Anong pinag-usapan niyo ni Zachary?"
Nagulat ako. "Ha? Sir... wala naman. Nagtampo lang kasi hindi ako nakipag-coffee sa kanya kahapon."
Tumango siya pero bakas ang tensyon sa mga mata. "Skyler... mag-ingat ka talaga. Hindi mo siya kilala gaya ng pagkakakilala ko sa kanya."
"Opo, Sir," sagot ko, pero ang totoo, hindi ko maintindihan kung bakit parang lalong bumibigat ang sitwasyon namin ni Zachary.
At mas lalo akong kinakabahan sa kung anong darating pa.