Chapter 11: Zachary's feelings
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boysâ Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.
------------------------------------------------
Zacharyâs POV
Nakatulala lang ako sa monitor habang nakaupo sa desk ko. May numbers sa screen, pero si Skyler pa rin ang nasa utak ko. That guy⦠iba talaga siya.
Hindi ko alam kung paano nangyari, pero every time na nasa paligid siya, parang hindi ko ma-control yung atensyon ko. Si Skyler, yung tipong hindi mo aakalaing magugustuhan mo. Clumsy, messy, at parang laging nasa kalagitnaan ng isang disaster. Pero ang totoo? Yun ang nakakatuwa sa kanya. Alam ko into guy siya and I'm bi Marami na akong nakarelasyon sa mga lalaki pero katawan lang ang habol nila Sakin then I meet Skyler he's innocent and kind kahit badoy magbihis.
Kanina lang sa pantry, natawa na naman siya sa mga corny jokes ko. Yung tawa niya? Parang energy boost. Parang kahit gaano ka-stressful ang araw mo, okay lang basta naririnig mo âyun. Pero teka, bakit ba ako ganito?
âFocus, Zach,â bulong ko sa sarili ko. Pero kahit pilit kong tapusin yung report ko, hindi ko maiwasang mag-isip.
Nung una ko siyang makita sa office, akala ko magiging normal lang siya na bagong hireâyung tipong mahiyain, trying hard mag-fit in. Pero hindi. Si Skyler? Siya yung tipong walang pakialam kahit saan siya ilagay. Hindi siya nagtatangkang magpa-impress, pero yun ang nakakabilib.
Tapos, nandiyan pa si Sir Ezekiel.
Napailing ako. Bakit ko ba siya iniisip? Pero hindi ko maiwasang mapansin yung tension sa pagitan nila. Si Sir Ezekiel, yung tipong sobrang intimidating, pero bakit parang may soft spot siya kay Skyler?
Aminin ko man o hindi, medyo nakakainis. Para bang may invisible competition na nangyayari. Pero sino ba ako para mag-decide kung sino ang bagay kay Skyler? Hindi naman ako ang may hawak ng puso niya, di ba?
Habang naglalakad si Skyler papunta sa coffee machine, napansin ko na naman yung natural na charm niya. Yung messy hair niya na parang hindi sinasadya pero bagay sa kanya, at yung slight na pagka-clumsy niya habang hinahalo yung kape.
âSkyler,â tawag ko, dala ang dalawang mug ng coffee. âExtra sugar para hindi ka masyadong bitter.â
Napangiti siya, kita yung dimples. âGrabe ka, Zach. Ikaw talaga, no preno.â
âEh ano pa bang silbi ko dito?â sagot ko, sabay abot ng mug.
Bago siya makaalis, dumaan si Sir Ezekiel. At siyempre, gaya ng lagi, ang bigat ng aura niya. Parang bumaba ang temperatura ng buong pantry.
âSkyler,â malamig niyang sabi, âare you done with the marketing report?â
âYes po, Sir!â mabilis na sagot ni Skyler, pero halata ang kaba sa boses niya.
âGood. Donât get distracted,â dagdag ni Sir Ezekiel bago siya umalis na parang hindi niya sinira ang moment.
Pag-alis niya, natawa si Skyler. âGrabe naman si Sir. Parang may radar siya pag masaya ako.â
Hindi ko napigilang magbiro. âBaka naman selos siya, Skyler.â
Natawa lang siya, pero deep inside, gusto kong malaman kung ano talaga ang nangyayari. Bakit parang may unspoken war sa pagitan namin ni Sir Ezekiel?
âBaka naman selos siya, Skyler.â
Yun ang sinabi ko, pero ang totoo, hindi ko rin sigurado kung biro lang ba talaga âyun. Napaisip akoâbakit parang laging napapanahon ang pagdating ni Sir Ezekiel tuwing magkasama kami ni Skyler? Coincidence ba, o talagang may iniisip siya?
Skyler laughed it off, pero kita ko sa expression niya na nagulat din siya sa sinabi ko. Na-hit ko ba ang spot, Skyler?
Bumalik kami sa desks namin, pero habang nagta-type ako ng report, hindi mawala sa isip ko yung sinabi ko sa kanya. âSelos.â Tama ba? O baka ako lang âyung nag-o-overthink?
Biglang nag-pop up sa screen ko ang message notification. Galing kay Skyler.
Skyler: âZach, grabe yung sinabi mo kanina sa pantry! Ano âto, drama na ba talaga âto? Haha!â
Napangiti ako. At least, kahit paano, nagawa ko siyang tumawa.
Me: âEh kasi naman, Skyler, aminin mo, parang laging may eye-contact moments kayo ni Sir. Parang kayo ang lead sa BL series natin.â
After a few seconds, nag-reply siya.
Skyler: âTse! Huwag mo akong idamay Nagkataon lang talaga lagi.â
Sure ka, Skyler? Tumawa ako nang tahimik habang nagta-type ng sagot.
Me: âSure, letâs call it ânagkataon.â Pero kung biglang magka-confession si Sir Ezekiel, donât forget na ako ang unang nagsabi.â
Habang tahimik akong nagtatrabaho, napansin kong nagmamadaling naglalakad si Skyler papunta sa office ni Sir Ezekiel. May hawak siyang folder at halatang kinakabahan. Ano na naman kayang ginawa niya?
Pagbalik niya sa desk niya, obvious na stressed siya. Halos ibagsak niya ang folder sa table niya bago umupo.
âSkyler, okay ka lang?â tanong ko, lumapit para kamustahin siya.
âOkay naman,â sagot niya, pero halata sa tono niya na hindi.
âSure ka? Kasi mukhang gusto mo nang tumakas.â
Napatingin siya sa akin, sabay hinga nang malalim. âZach, bakit ba ang intense ni Sir Ezekiel? Parang every move ko, bantay niya!â
âEh kasi ngaâ¦â Nag-pause ako, nakangiti. âSpecial ka sa kanya.â
âTse, Zach! Tigilan mo ako sa âspecialâ na âyan!â sabi niya, sabay hampas ng braso ko. Pero kita ko yung konting blush sa mukha niya.
âEh, baka nga totoo, Skyler,â dagdag ko, sabay kindat. âLagi ka niyang tinatawag sa office, lagi ka niyang sinisita⦠baka naman gusto ka lang niyang makausap.â
âStop it, Zach!â sagot niya, pero tumatawa na rin.
Pagkatapos ng shift, nagkayayaan kami ni Skyler mag-coffee bago umuwi. Kasama namin si Karen, na syempre, walang sawang nagdadagdag ng tsismis.
âSkyler kung Meron manliligaw Sayo.. sino ang pipiliin mo? Si Zachary o si Sir Ezekiel?â tanong ni Karen, sabay kindat.
Napanganga si Skyler. âKaren, ano ba! Wala akong pipiliin kasi wala namang ganyan!â
Tumawa ako. âHuwag kang ganyan, Skyler baka ma inlove ka Sakin â I smirk
âANG KAPAL NIYO!â sigaw ni Skyler, sabay hampas sa amin ni Karen. Pero halata sa mukha niya na hindi niya alam kung paano mag-react.
Habang naglalakad kami pauwi, tahimik lang si Skyler. Kaya tinanong ko siya, âUy, seryoso. Ano bang iniisip mo?â
âWala,â sagot niya, pero may laman ang boses niya.
âSkylerâ¦â I stopped walking and faced him. âKung may naguguluhan ka, sabihin mo lang, okay?
Tumingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
âZach⦠salamat ha,â sabi niya, mahina pero sincere.
Napangiti ako. âAnytime, Skyler.â
Pero deep inside, I couldnât shake the feeling na may hindi siya sinasabi. At kung ano man âyun, gusto ko sanang malaman.