Chapter 12: project proposal?
Beneath His Billionaire Eyes(Bxb) (Under Editing)
WARNING: This story contains Boys' Love (BL) themes and is intended for mature audiences. The content and characters in this work are purely fictional. Any resemblance to real people, living or dead, is purely coincidental. This narrative includes mature subject matter, such as romantic relationships between men, and may explore sensitive topics. Reader discretion is advised.
------------------------------------------------
Skyler's POV
"Grabe na 'to, Skyler. Mag-focus ka na kasi!" bulong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa office ni Sir Ezekiel. Parang ang bigat ng bawat hakbang ko, at sa bawat hakbang, naririnig ko na ang boss music na parang nasa final level ng video game.
Pagdating ko sa pintuan ng opisina niya, tumigil ako sandali para huminga nang malalim. âPuwede bang skip na lang?â Pero wala akong choice. Kailangan ko âtong harapin.
âSkyler, pumasok ka na,â malamig niyang boses mula sa loob.
Napangiwi ako. Opo, Sir Ice King. Ako na ang susunod.
Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa likod ng malaking desk niya. Seryoso ang mukha, parang laging may audition sa pagiging kontrabida sa teleserye.
âUm, good morning po, Sir!â pilit kong ngiti, kahit ramdam kong nanginginig ang boses ko.
Tumango lang siya at inabot ang isang folder. âIto ang proposal na kailangan mong i-present sa board meeting bukas.â
WHAT?!
âSir, ako po?!â tanong ko, halos mahulog sa upuan.
âYes, Skyler. Ikaw ang magpe-present. This is your chance to prove yourself.â
âUh... sige po, Sir. Kaya ko po âto,â sagot ko kahit parang gusto ko nang mag-resign.
Tumango siya ulit, pero bago ko pa maisara ang folder, nagsalita siya. âAnd one more thing, Skyler. Avoid distractions.â
âDistractions, Sir?â
Eto nanaman Tayo sa mga distraction keneme ni sir..
âYes. Like unnecessary conversations with Zachary.â
Bigla akong napanganga. Ano âtong plot twist na âto? Bakit parang personalan na? Atsaka nakakainis Sila kahapon.. Lalo na si karen
Pinapapili ba Naman ako tsk tsk Kaya't tumahimik nalang Ako at kunwari nag iisip hehehe
---
Paglabas ko sa opisina niya, ramdam ko pa rin ang lamig ng boses ni Sir Ezekiel. Parang refrigerator. Pero bago ko pa maisip kung bakit niya kailangang banggitin si Zachary, biglang bumungad ang taong pinag-uusapan.
âSkyler! Tara, ice coffee break tayo!â bati niya, dala ang tray ng dalawang baso.
Napahinga ako nang malalim. âZach, hindi ko alam kung blessing o sumpa ka sa araw ko.â
Tumawa siya. âBakit, stressed ka ba? Tara na, sagot ko na âto.â
Habang nag-uusap kami, hindi ko maiwasang mapansin ang mga mata ng ibang officemates namin. Parang may iniisip silang hindi ko maintindihan. Pero bago ko pa maisip kung ano âyun, dumaan si Sir Ezekiel sa likod namin.
âSkyler, donât forget about the report,â malamig niyang sabi bago dumiretso sa office niya.
Sungit..
Nagtinginan kami ni Zachary. âAng sungit niya ngayon, no?â tanong ni Zach.
âHa? Normal lang âyan sa kanya,â sagot ko, pilit na tinatago ang kaba.
Abnormal!
---
Kinagabihan, habang inaayos ko ang presentation, hindi ko maiwasang maisip si Sir Ezekiel. Ano bang meron? Bakit ang bigat ng mga sinabi niya kanina? At bakit parang ang intense ng tingin niya kapag magkasama kami ni Zachary?
Napailing ako. âFocus, Skyler. Trabaho muna.â Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko ang mga titig niya at ang misteryosong babala niya tungkol kay Zachary
---
Kinabukasan, ang aga ko sa office para makabawi. Tahimik akong nagta-type sa desk ko nang biglang lumapit si Karen, ang resident chismosa.
"Skyler, grabe ka naman! Ano na naman ang drama mo kahapon? Nakita ko kayo ni Zachary ha!"
Minsan nakakapikon rin nitong si karen.. malapit na masasapak ko na tong bruha na to!
"Karen, trabaho lang 'yun!" sagot ko, pilit na ngumingiti.
"Tapos, nakita rin kitang tinawag ni Sir Ezekiel. Ano na naman ang sermon niya sa'yo?"
Napahinto ako. "Karen, bakit parang alam mo lahat ng nangyayari sa buhay ko?"
"Syempre, importante ka, beshie! Tsaka, di ba sabi mo crush mo si Sir Ezekiel dati?"
Luh? Wala Naman akong sinabi sakanya ah!
"Ano ka ba! Huwag kang maingay!" sabay takip ko sa bibig niya. "Patay tayo diyan!"
Sa meeting ng creative team, andun na naman si Sir Ezekiel, mukhang galit sa buong mundo. Nakaupo siya sa dulong upuan, hawak ang kanyang iPad, at ang presensya niya ay parang judgmental na ulap sa buong kwarto.
Nag-explain si Zachary ng bagong concept. Ang galing niya magsalita, confident na confident. Ako naman, pilit na nilalabanan ang antok.
"Skyler," tawag ni Sir Ezekiel bigla, dahilan para muntik akong mahulog sa upuan.
"Y-yes, Sir?"
"Any comments on Zacharyâs presentation?"
Nag-isip ako nang mabilis. "Uh, I think... maganda po ang concept niya, pero baka pwedeng dagdagan ng konting design para mas engaging?"
Tumango siya, pero hindi ko ma-decipher kung impressed ba siya o hindi. "Fair point. Zachary, take note of that."
Napangiti si Zachary at binigyan ako ng thumbs-up. Yes, Skyler, naka-survive ka!
Pagkatapos ng meeting, dumaan ako sa pantry para kumuha ng tubig. And guess what? Nandun si Sir Ezekiel, nakasandal sa counter habang iniinom ang kanyang kape.
"Skyler," tawag niya.
"Uh, yes po, Sir?" sagot ko, pilit na kalmado kahit ramdam ko na nanginginig ang mga kamay ko.
Tumingin siya nang diretso sa akin, para akong ini-scan. "Just make sure youâre fully prepared for the next phase of the project.."
"Yes, Sir! I promise, mas magiging prepared na po ako!" sagot ko agad, sabay bow.
Korean yern
Habang umaalis, narinig kong sinabi niya, "Good." Pero parang may kasamang maliit na smirk sa gilid ng bibig niya.
__
Habang nagta-type ako ng final updates para sa project proposal, biglang dumating si Zachary at naupo sa tabi ng desk ko.
âSkyler, kamusta ka? Hindi ka na naman ba natulog kagabi?â tanong niya, sabay tingin sa eyebags ko.
âUy, grabe ka, Zach! Baka naman beauty rest lang ang kulang,â sagot ko, sabay tawa para itago ang pagod.
âBeauty rest? Dimo na kailangan Yan..Pogi ka Naman at cute...ââ napangiwi ako sa sagot niya, sabay bigay ng mini donut mula sa tray na dala niya.
âWow, thanks, ha! Sweet mo talaga, Zach,â sagot ko habang kinakagat ang donut. Pero bago pa kami makapag-usap nang mas matagal, naramdaman kong may malamig na presensya sa likod ko.
Paglingon ko, sino pa ba? Si Sir Ezekiel, hawak ang isang folder at nakatingin sa amin ng parang kontrabida bida sa horror movie.
âSkyler, is the final draft ready?â tanong niya, walang emotion ang boses pero ang intensity ng tingin niya, pang-action scene.
âOpo, Sir! Pa-finalize ko na po,â sagot ko, sabay tayo para magmukhang professional.
âGood. Bring it to my office in ten minutes,â utos niya bago siya umalis. Pero bago siya tuluyang makalayo, sumulyap siya kay Zachary, at parang naramdaman ko ang silent tension sa pagitan nila.
Ano âyun? Stare-off competition?
Pagbalik ko sa desk, sinigurado kong nasa tamang folder ang lahat ng files. Pero dahil nga ako si Skyler, the Walking Chaos, natapik ko ang USB at tumilapon ito papunta sa ilalim ng cubicle ni Karen.
âShit!â bulong ko, sabay luhod sa sahig para kunin ito. Habang gumagapang ako, narinig kong sinabi ni Karen, âSkyler, anong ginagawa mo diyan? Treasure hunt?â
âKaren, tumigil ka! Hinahanap ko ang kinabukasan koâeste, USB!â sagot ko, habang pilit kinakapa ang ilalim ng mesa.
Sa wakas, nakuha ko rin ang USB. Pero nang tumayo ako, nagulat ako dahil biglang dumating si Zachary. âSkyler, bakit ka nasa sahig? May kailangan ka ba?â
âWala! Okay na! Natagpuan ko na ang nawawala kong âlove lifeââay, USB pala!â sagot ko, pilit na tawa para ma-divert ang usapan.
Pagdating ko sa opisina ni Sir Ezekiel, binigay ko agad ang USB at umupo sa harap ng desk niya. Tahimik niyang binuksan ang files habang ako naman ay parang hinihintay ang hatol ng isang judge.
âSkyler,â sabi niya pagkatapos ng ilang minuto, âthis is better. Good job.â
Halos malaglag ako sa upuan. Good job? Ako? Sa wakas!
âSalamat po, Sir!â sagot ko, pilit na pinipigilan ang ngiti.
Tumango siya, pero parang may gusto pa siyang sabihin. âJust... stay focused. And avoid... unnecessary distractions.â
Biglang pumasok si Zachary sa opisina, dala ang ilang papeles. âExcuse me, Sir Ezekiel. Just dropping these off.â
Nag-freeze ang room. Parang nagkaroon ng invisible na staring contest sa pagitan nilang dalawa habang ako naman ay naiipit sa gitna.
âThank you, Zachary. You can leave now,â malamig na sabi ni Ezekiel, hindi man lang tinitingnan ang mga papeles.
Grabe, ano âto? Office wars?
Paglabas ni Zachary, tumingin sa akin si Sir Ezekiel. âSkyler, do you really think heâs helping you focus?â
Napatitig ako sa kanya. Ano âto, interrogation? âUh, Sir... trabaho lang naman po talagaââ
âJust remember what I said,â putol niya, sabay tingin ulit sa laptop niya.
Napangiwi Naman ako sa inasta niya
---
Habang pauwi ako, iniisip ko ang nangyari. Si Zachary, lagi akong sinusuportahan at pinapatawa. Pero si Sir Ezekiel? Hindi ko alam kung concerned siya o competitive lang
Hay maka uwi na nga! Basta kinakabahan ako bukas sa report ko!